Homepage/Moon Embracing the Sun/
Chapter 13
Chapter 13
Halos hindi ko magawang kumilos nanginginig ang mga tuhod ko pati ang mga braso ko ay halos mamanhid dahil sa sobrang sakit. Buhat niya ako na pang kasal habang nakapalibot ang aking braso sa kanyang leeg at nakasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib, sobrang hinang hina ang buong katawan ko.
Pagdaan namin sa hallway papuntang infirmary bulungan ng mga estudyante ang narinig ko, mga nakadungaw ito sa bintana. Alam kong kahit hindi nila nakikita ang mukha ko alam nila kung sino ang buhat ni Conor. Kahit gusto kong magprotesta ay hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko.
Agad naman kaming tinulungan ng mga giatros nang makarating kami sa infirmary. Dahan dahan nila akong inihiga sa kama, saka muling humarap ang giatros kay Conor.
“Anong nangyari sa kanya?” tanong ng isang giatros na nag aasikaso sa akin.
“She lost control of her power,” tipid na sagot ni Conor.
“I’ll take her from here, you can wait outside.”
Walang salitang lumabas dito ngunit ‘yong titig niya sa akin tagos hanggang buto parang lalo akong nanghihina dahil sa mga titig niyang 'yon. I don’t know if he’s angry or what. Kahit kaya kong maramdaman ang emosyon na meron siya nahihirapan pa din akong basahin kung anong tumatakbo sa isip niya. He's a very complicated man. Lagi niyang dinadaan ang lahat sa tingin. Can he say a word? Para hindi ako laging nanghuhula sa mga kinikilos niya.
Agad naman akong kinabitan ng formula ng mga giatros na nag aasikaso sa akin pagkalabas ni Conor. Sakto naman na dumating si D’na Helena siya na ang nagcheck sa kalagayan ko, kinuha din niya vitals at status ng katawan ko.
“Your power must be overused. Hindi ka pwedeng basta maglabas ng sobrang enerhiya lalo na kung alam mong hindi handa ang katawan mo, makakasama ‘yon sa katawan ng user.” Pangaral sa akin ni D’na Helena habang may itinuturok sa braso ko.
"Makakatulong ito para mag regenerate ang katawan mo ng nawalang lakas sa'yo,"
Tumusok sa aking balat ang formula na kanyang tinuturok, may naramdaman akong hapdi pero hindi naman gano'n kasakit.
“I thought I can handle the pressure,” mahinang usal ko.
I thought my body can withstand the pressure of releasing large amount of energy. I trained so hard everyday that’s why I didn’t think twice to use it. Tinuruan ako ng aking ama na maniwala sa sarili kong kakayahan, na magagawa ko ang isang bagay kung may pagtitiwala. Hindi ko naman akalain na hindi kakayanin ng sarili kong katawan.
“That’s a suicidal act, it can kill you an instant.”
Hindi mangyayari 'yon dahil kailangan ko oang iligtas si Mama. Ginagawa ko ang bagay na ito para sa kanya, sa kanilang dalawa ni Papa. Kailangan ko ng mahanap si Mama sa lalong madaling panahon habang tumatagal lalo akong nag aalala sa kanya. Wala man lang akong lead kung nasaan siya o sino ang mga kumuha sa kanya.
“I’m fine, it’s just a minor injury.”
“Minor for now, but if you continue it in a wrong way, it will be fatal,” seryosong saad nito sa akin. I knew she was right but I have to be fast I need to save my mother. Wala ibang makakapagligtas sa kanya kung hindi ako lang, kung nandito lang sana si Papa hindi niya hahayaan na mapahamak si Mama.
Pagkatapos niya akong turukan ng iba't ibang formula ay lumabas na ito kasunod ang isa pang assistant. Napabuntong hininga ako ng maiwan akong mag-isa sa silid.
Hindi masyado masakit ang braso ko pero ramdam ko pa din ang pagkawala ng malaking porsyento ng enerhiya sa katawan ko. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para sana magpahinga pero agad din akong nagmulat nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
The devil was there patiently looking at me but how his jaw clenched still visible. "You are really a hard-headed stupid woman."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nito. Ano bang pake alam niya? Wala akong lakas para makipag talo sa kanya ngayon. Kung alam niya lang isa siya dahilan ng panghihina ko, kung paano mawalan ng lakas ang akin mga tuhod, kung paano mawala sa wisyo ang utak ko. Sa tuwing malapit siya laging may gustong kumawala sa loob ko.
Umupo ito sa upuang nasa tabi ng kama. Parang de javu ang lahat ng nangyari ilang beses na bang nangyari ito. Tuwing napapahamak ako palagi na lamang siya ang dahilan at siya din ang palaging nagdadala sa akin sa lugar na ito.
"Hindi mo ako kailangan bantayan kaya ko na ang sarili ko," walang emosyon na saad ko.
"Wala akong balak na bantayan ka gusto ko lang ipakita sa'yo kung saan ka dadalhin ng pagiging matigas ng ulo mo." Seryoso ito sa kanyang sinabi, kulang na lang ay sermunan ako nito na parang magulang ko.
Matalim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin, hindi ito galit, nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya. Tinitigan ko din siya na walang takot sa mga mata, pinigilan ko ang aking sarili ng magbawi ng tingin. I even raised my eyebrow to showed him that I am fine. That I can handle myself alone. I am strong enough to take care of myself. Hindi ako kagaya ng ibang babae na kailangan ng katulad niya para umalalay at mag alaga sa akin.
Pero ngayon ko lang nakita ang side niyang ito kahit hindi niya sabihin bakas sa mukha niya ang pag-aalala at gano'n din ang sinasabi ng pakiramdam ko.
We shared feelings and emotions so that sometimes I know what he feels. I know it his emotions and not mine. But I preferred to be tough I should not let my guard down.
"You know I can handle myself."
Nagtagisan kami ng tingin sa isa't isa walang gustong magbawi ng tingin kung hindi pa bumukas ang pinto malamang nagsisimula na naman kaming magtalo.
Iniluwa noon sina Violet at Louise nagmamadali ang dalawang lumapit sa akin na halatang nag aalala. Samantala, tahimik naman na lumabas ng silid si Conor hindi naman ito pinansin ng dalawang bagong dating.
"Charlotte, narinig namin ang nangyari sa'yo kaya mabilis kaming sumugod dito," may pag aalala sa tono ng pananalita ni Violet.
"Ano na naman bang nangyari sa'yo? Usap usapan sa labas buhat ka daw ni kuya Conor ng lumabas kayo sa training room. Don't tell me siya ang may gawa nito sa'yo?" Exaggerated na pagkakasabi ni Louise.
"I'm fine, I just lost control," saad ko.
"You know what palagi ka na lang nakahiga sa kama na ito simula ng pumasok ka dito. Nagiging suki ka na ng mga giatros dito," natatawang saad ni Violet.
Kahit ako ay gusto kong matawa sa aking sarili dahil totoo ang sinasabi nito. Ilan beses na ba akong nagpabalik balik sa silid na 'to at sa lahat ng pagkakataon na 'yon si Conor ang nagdala sa akin dito.
"Charlotte, gising na nga pala si Alicia nakasalubong kase namin si D’na Helena papunta dito" anunsyo ni Louise.
"Mabuti kung gano'n," ang tanging nasabi ko na lamang.
Nakalabas din naman ako ng infirmary ng araw na 'yon. Nakauwi din agad ako sa aking silid ng makabawi ako ng lakas. Hindi ko na napuntahan si Alicia dahil pinauwi agad ako ni Louise at Violet hindi naman ako tumutol doon dahil pakiramdam ko ang bigat pa din ng aking katawan. Kaya naman nang makarating ako sa silid ay dumerecho ako sa aking kama at doon ibinagsak ang aking katawan habang nakatitig sa taas.
Pakiramdam ko ang dami kong problemang dapat lutasin una na dito ay 'yong sa amin ni Conor hindi ko alam kung paano nangyayari sa aming dalawa ito. Wala pa namang ibang nakakaalam kung hindi kaming dalawa lang at wala din naman akong balak ipaalam sa iba. Ang weird lang talaga ng nangyayari sa amin.
Pangalawa, ay ang pagkawala ni Mama. Kailangan kong mailigtas si Mama pero hindi ko alam kung paano. Walang ibang nakakaalam ng nangyari kung hindi ako lang kaya hindi ko alam kung paano kikilos at sisimulan ang paghahanap sa kanya. Wala pa akong plano kung paano sisimulan ang paghahanap.
Para na akong mababaliw sa mga problemang dumadating sa akin. Simula ng dumating ako sa lugar na 'to naging magulo na ang lahat sa akin. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari pati ang sarili ko ay halos hindi ko makilala.
Pilit ko munang inalis sa aking isipan ang mga bagay na nagpapagulo. Kailangan ko munang matulog, bukas din ay sisimulan ko na ang pagpaplano. Sa ngayon kailangan ko munang ipahinga ang utak at buong katawan ko.
Nakatulog ako sa gano'ng ayos hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil sa sobrang pagod at pag-iisip.
Kinabukasan, bago magsimula ang breakfast ay pumunta na agad ako sa library. Ala-singko pa lang ng umaga ay naglalakad na ako sa hallway papuntang library. Nagsimula na din naman sumikat ang araw kaya hindi na gano'n kadilim ang paligid.
Nakarating ako sa library ng walang nakakasalubong na kahit isang estudyante malamang ay mga nakahiga pa ang mga ito o kaya ay naghahanda pa lang para sa breakfast.
Pumasok ako sa loob mabuti na lang at bukas na ito ng ganitong oras. Naabutan ko doon ang taga bantay na nag aayos ng ilang mga aklat sa pwesto nito. Nalipat sa akin ang atensyon nito nang bumukas ang pinto pero nagbawi din naman agad ito ng tingin. Dumerecho ako sa gitnang bahagi ng library para kunin ang kailangan kong aklat.
Inuna kong hanapin ang aklat tungkol sa Haos Attribute kailangan kong malaman kung paano ko pa mapapalakas ang kapangyarihan ko at kung paano ko tuluyan mapapalabas ang spirit animal ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din ito nagagawang magpakita sa akin, dalawang linggo na lang ang natitira sa binigay na panahon ni Headmaster. Pagkatapos kong makausap ang spirit animal ko sa ibang dimensyon ay hindi na muli pang naulit 'yon.
Sumunod ko namang pinuntahan ay ang mapa ng buong academy saka isang aklat na naglalaman ng mga kasulatan tungkol sa bawat sulok nito. Kakailanganin ko ‘to para sa mabubuo kong plano para hanapin si Mama.
Pagkatapos kong kunin lahat ng kailangan ko ay dumerecho ako sa table malapit sa bandang likod. Inilapag ko sa lamesa ang buong mapa ng academy sinimulan kong pag aralan ang bawat sulok nito. Naglagay ako ng mga palatandaan kung saan ako pwedeng dumaan at kung saan kokonti ang mga soldat na nakabantay. Hindi ito magiging madali dahil ang buong academy ay napapalibutan ng mataas na pader at sa bawat sulok nito ay may mga soldat na nakabantay. Kailangan ko ng matibay na plano kung paano malulusutan ang mga ito.
Habang abala ako sa pagbabasa may narinig akong ingay sa loob ng library.
"Ah!"
Mahina lang ito pero sapat na para marinig ko kasunod nito ay ingay ng mga aklat na nahulog sa sahig.
Nagtatakang tumayo ako upang hanapin ang pinang galingan ng ingay naglakad ako papunta sa bandang likod dahil doon ko narinig ang ingay ng mga nahulog na libro. Inihanda ko ang aking sarili kung sakaling may hindi magandang mangyari.
Habang papalapit ako lalong lumalakas ang boses na aking naririnig para itong namimilipit sa sakit. Binilisan ko ang paglalakad para hanapin kung sino man ito. Lumiko ako sa kanan at doon ko naabutan si Alicia nakaluhod ito sa sahig habang sapo nito ang ulo. Napaawang ang mga labi ko ng makita siya, nagmadali ako lapitan ito upang daluhan.
"Hey! What is happening to you?" Agad ko itong niyugyog para marinig niya ako.
"Ang sakit ayoko na— ah!"
Tila wala itong naririnig, "Alicia, listen. Ako 'to si Charlotte," Pilit kong itinataas ang mga tingin nito, nang magtama ang mga mata namin unti-unti itong kumalma.
“Charlotte?” nagtatakang tumingin ito sa akin. Nakahawak pa din ito sa kanyang ulo pero sa palagay ko ay hindi na ito masyadong sumasakit.
“Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa’yo?” tanong ko dito.
Inalalayan ko ito sa pagtayo saka dinala sa malapit na upuan para makabawi ng lakas dahil hinang-hina ito.
“Sumakit lang ang ulo ko,” sagot nito saka tumingin sa paligid.
“Gusto mo ba dalhin kita sa infirmary para matingnan ka nila?” alok ko dito. Para siyang balisa sa ikinikilos niya.
“Hindi ayos lang ako, salamat.”
Nakita ko ang hawak nitong lumang papel kanina niya pa ito hawak habang sumasakit ang kanyang ulo, “Ano ‘yan?”
I know it’s not my thing to fry on someone business but I can’t help to asked her.
“Huh? Wala ito napulot ko lang na basura,” saka nito isinilid sa kanyang bulsa.
“Hija, salamat sa lahat,” nakatingin ito sa aking mga mata na may ngiti sa labi habang hawak ang aking kamay. I felt the warmth from her smile and the sincerity.
Her eyes were shinning like a star at night. Like a ball of fire burning with emotions and happiness. I clearly saw that she was sincere and she meant those words. Seeing those eyes made me lose in the right track but I didn’t felt any danger instead I felt so safe.
“Ginawa ko lang po ang tama kahit sino naman pong makakita sa inyo ay tutulungan din kayo,” saad ko.
“Sige na mukhang naaabala na ata kita madami ka sigurong gagawin dahil sinadya mo pa talagang pumunta dito ng gantong kaaga,” tumango ako saka ngumiti dito bago bumalik sa table ko kanina.
Kinuha ko ang mapa at ibinalik sa dating lagayan samantalang hiniram ko muna ang aklat na kinuha ko. Pinayagan naman ako ng taga bantay na dalhin ito sa labas ng library nilagyan niya lang ng marka ang kanang braso ko bilang tanda na may hiniram akong aklat.
Dumaan muna ako sa aking silid para iwan ang aklat na hiniram ko saka ako dumerecho sa breakfast hall.
Sumalubong sa akin ang maingay na paligid kanya kanyang kwentuhan ang bawat grupo pero naka-agaw ng pansin ko ay ang pinag uusapan nila. Halos lahat ay nasa isang grupo ang atensyon at ‘yon ay sina Louise kasama ang mga lalaki. Lahat sila ay doon nakatingin iba’t ibang reaksyon ang naririnig ko sa bawat grupo habang papalapit ako sa kanilang table.
“Charlotte!” sigaw ni Louise nang makita akong naglalakad papalapit sa kanila.
Nang makalapit ako sa kanila saka ko lang napansin na may kasama pa silang iba, Prinsipe Kanro. That’s explained why people were ogling on this table.
He smiled at me and waved his right hands like he knows who am I.
“You’re Highness.” Yumuko ako ng kaonti upang magbigay galang sa kanya mas lalo naman lumawak ang kurba ng kanyang mga labi.
Ito ang unang beses ko siyang nakita ng malapitan. I admit, he has the physique of a royalty, a face that captured every woman’s attention and a smile that show you the real definition of a Prince.
“Oh! Hi, you must be Charlotte,” tumayo ito saka nakipag kamay sa akin. “Finally, we’ve met. We should meet each other often.”
Napatanga ako sa sinabi niya bahagya itong napatawa. His laugh echoed in my ears. I was taken aback when I heard a gentle cough from someone I know but I’d rather not to see him.
Mabilis namang tinapik ng Prinsipe sa likod si Conor, “Relax bro, you’re being obvious.”
Hindi siya nito pinansin, bagkus ay kaming nakikinig sa kanila ay nagtataka sa tinutukoy ng Prinsipe.
“Umiiral na naman pagiging babaero mo kuya Kanro, ‘wag mo ng isama si Charlotte sa listahan ng mga babae mo kase iba siya.” Louise said with conviction.
“What? Wala naman akong ginagawa,” natatawang depensa nito sa sarili.
“Obvious naman na nilalandi mo si Charlotte ‘yong mga moves mong gano’n alam ko agad ibig sabihin. Mga lalaki talaga makakita lang ng maganda nagiging...” She left us hanging with her statement.
“Nagiging ano baby?” tanong ni Chase habang punong puno pa ang bibig nito ng pagkain.
“Nagiging katulad mo bakla, malandi, baboy,” nalukot naman ang mukha ni Chase at umaktong parang nasasaktan habang nagtawanan naman ang iba maliban sa aming dalawa ni Conor.
“I am far from being gay and a pig.” Prince Kanro said as he showed his flex arms to us.
“Touche.”
Prince Kanro was at the academy because of his duty as a Prince. He needs to socialize with other people as part of his responsilibilities. He was entitled to meet different kind of people living in this kingdom because he was the next king of this empire.
“So, are you free tomorrow?” Nakatingin ito sa akin na may nakakalokong ngiti sa labi. Maging ang mga kasama namin ay napatigil sa kanilang pagkain.
He was flirting, obviously, without any excuses. If I am like any other woman who loved the attention of the Prince I am definitely happy but I am not like them. I don’t like him, a royalty.
“What? I am just asking her if she’s free tomorrow.” Everyone’s attention was on us waiting for my answer maybe.
“No, I’m busy.” I answered immediately not giving him a single glance. I heard the gasped of some students sitting near us. I bet they heard what we're talking about.
As much as I want to rolled my eyes on him I think that’s inappropriate thing to do in public given that he’s a Prince, the next King. People like him are the one I don’t want to associate myself with. They were just thinking their selves they don’t care about the situation of normal people here in the kingdom. Kukunin nila ang tiwala mo pagkatapos wala na silang pakialam sa’yo. Isa ka na lang basura sa paningin nila.
“It’s the day after tomorrow then,” he said.
Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Nagsimula na din magbulungan ang mga tao sa paligid namin. Hindi pa kami nakakaalis sa apat na sulok ng silid na ito nakukuha na agad nila kaming pag usapan.
Nakikipag laban ito ng titigan sa akin habang nakadikit sa kanyang mga labi ang isang nakakalokong ngiti. Nakalagay ang kanyang kamay sa kanyang baba habang nakatuon ang kanyang siko sa lamesa. Mukhang hinihintay niya ang magiging sagot ko. He purposely said it loud so that every heard it and he thinks I can’t say no to him with that situation.
Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Violet kaya napatingin ako sa kanya.
“Everyone is staring at you,” bulong nito sa akin sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig. I know what she want me to answer.
Tss!
“Okay-“ Naputol ang sasabihin ko nang marahas na tumayo si Conor at sinundan naman ito ng halakhak ng Prinsipe na pumuno sa buong silid.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍
14/04/2022
0my karugtong po ba ng moon embracing the sun?
25/11/2024
0I love it tha story
24/06/2024
0Tingnan Lahat