Homepage/Moon Embracing the Sun/
Chapter 10
Chapter 10
Para akong mababaliw dito sa loob ng comfort room matapos kong manakbo kanina palabas ng training room. After I pushed him desperately, I immediately ran away from that place I also forgot to bring my things. Now, I'm stuck here in comfort room.
"Open this fvcking door, Charlotte Grandidge," kanina pa siya nagwawala sa labas simula ng makapasok ako dito hindi ko alam na sinundan niya pala ako, mabuti na lang at nai-lock ko agad ang pinto.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at nakakagano'n siya. How dare him kissed me? Hindi sapat na dahilan ang nangyari ng gabing 'yon. Napasabunot ako sa buhok ko. That's not the issue here, goodness! It's about what was happening to the both of us. We felt the emotion of each other and we even read our own thoughts and mind. It's impossible, I know, but its happening to us.
I composed myself, "You should not feel anything, learned to control your emotions and thoughts." Pagkausap ko sa aking sarili sa harap ng salamin.
Huminga muna ako ng malalim bago magdesisyon na buksan ang pinto baka may iba pang makakita sa amin mas magiging magulo ang lahat dahil madaming makikialam.
I opened the door and he welcomed me with his angered deep dark eyes, he almost break the door. "Mag-uusap tayo."
Derecho akong naglakad na walang emosyon sa mukha. Nakakunot ang kanyang noo at galit ang kanyang mga mata pero sumunod pa din ito sa akin.
Sa lumang hardin ako dinala ng aking mga paa, tumigil lang ako sa paglalakad ng makarating ako sa gitna. "What is your problem, Conor Cambridge?"
Humarap ako dito na ngayon ay titig na titig sa akin.
"You, you are my problem," derechong sagot nito. You are also my problem. Gusto kong isa-tinig pero mas pinili sarilinin na lang.
"You keep running in my mind. Sino ka ba talaga?" Suddenly, I just felt my heart jump a bit.
"I'm Charlotte Grandidge, who else would I be?" I said sarcastically.
"You know what I'm talking about, Lady." I don't know what will happen to me if I reached the peak of his patience.
I sighed. This should be done right away.
"Okay, yes it's true I heard you in my mind and I feel your emotions. I don't know how but the first time I saw you I know you already inside my damn head."
"What are you smiling at?" I saw him smiling, mischievously.
"What? I am not smiling." He denied.
"And when you sneak to my room?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. I'm not sneaking at his room for Pete's sake.
"What did you say? I'm not sneaking at your room... it's just that, I felt something weird and my feet brought me to your room. I didn't even know it's your rooom so, stop accusing me." How dare he?
"Are you saying that your feet walked voluntarily that night?"
"What are you trying to say?" Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Now, he knows how to irritate me. Bigtime!
"Well," bago niya pa maituloy ang sasabihin niya ay pinutol ko na ito. "Stop, you're not helping. I'm serious here."
I don't know he has this side. He's being childish now. He likes annoying me. I'm about to leave but held me in my arms.
"Stay." He used his commanding tone to me. "Let's solve this mystery in us."
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napag-usapan namin noong isang linggo. It's been a week and since then, I never saw him in the academy. I never bothered to ask Louise where the hell her brother was. And why would I?
"Hey, kuya is back," bungad sa amin ni Louise.
Nasa cafeteria kami ngayon kasama si Violet at Ken. As much as I don't want to give a reaction but my face did it voluntarily.
"You look excited Charlotte." Violet suddenly said trying to tease me.
"What?"
"I saw the two of you last week, I was about to pee and I saw you with him. Galing kayo sa may bandang likod ng academy," she giggled. Louise eyes looked at me shocked.
"Are you two-" before she could finished her sentence I interrupted her.
"What? No, it's not what you think." May mapanuyang tingin ang binigay nilang dalawa sa akin.
"Whatever," they said in unison and chuckled.
Gabi na ng maisipan kong bumalik sa aking silid, galing akong library naghanap ako ng libro na pwedeng makatulong sa sitwasyon naming dalawa ni Conor pero hanggang ngayon wala pa din akong nakitang solusyon. Masyadong komplikado ang lahat at hindi kapani-paniwala dahil ngayon lang naman kami nagkita. Kailangan ko na talagang makausap si Mama baka sakaling may alam siya, konting panahon pa ang hihintayin ko bago makauwi sa amin.
Tahimik na ang gabi wala na din masyadong tao ang nasa labas dahil oras na ito para matulog. Tuwing ganitong kalalim ang gabi palaging may hindi inaasahan nangyayari dito sa academy maging sa akin. Everything was a haywire. Gusto ko mang isipin na nagkataon lang ang lahat pero kung titingnan ko sa mga nakalipas na araw palaging akong involve sa mga nangyayaring kakaiba dito.
I was busy collecting my thoughts when suddenly an explosion shaken the whole academy. "What is happening?"
Halos mapakapit ako sa pader ng hallway dahil sa malakas na pagyanig ng lupa. Kasabay nito ay ang paglabas ng mga tao sa kanilang silid dahilan para magkagulo. Tumagal ang pagyanig ng halos ilang minuto sunod sunod ang mga soldat at ilang miyembro ng Infantry Division na dumaan sa harap at lahat sila nagmamadali patungong east wing ng academy kung saan nanggaling ang pagsabog. Sa lugar na 'yon matatagpuan ang casa doctrina, eruditio at mga laboratorium.
Katulad ng ibang estudyante hindi ko mapigilang hindi tingnan kung anong nangyari sa bahaging 'yon ng academy. Wasak ang nasa pinakadulong bahagi na mga silid halos maging abo ito at wala ng matira. Nag-iwan ng malaking butas sa lupa ang nangyaring pagsabog. Kakaibang takot ang bumalot sa mga tao na ngayon ay pana'y ang bulungan tungkol sa nangyari. Sino naman kaya ang may gawa nito?
May mga ilang soldat ang ine-inspeksyon ang mga labing natira mula sa pagsabog. Maya-maya dumating ang isang grupo ng mga lalaki, dahil sa koneksyon namin dalawa mabilis kong nakita si Conor na isa sa mga dumating kasama din si Ken, Chase, Headmaster at ang... sabay-sabay na nagbigay galang ang lahat ng mapagtanto kung sino ang dumating, ang prinsipe ng Asgard.
"Prinsipe Kanro." Lumapit ang head ng mga soldat sa prinsipe saka ito nagbigay galang. "Wala pong nasaktan sa nangyaring pagsabog ini-imbestigahan pa din po kung paano at sino ang may gawa nito."
Seryoso ang mukha ng prinsipe gumala ang mata nito sa paligid hindi ko inaasahan ang pagtatama ng mata naming dalawa pero agad din naman itong nagbawi at muling tumingin sa kauap.
"Mabuti kung ganon, kasama ko ang ilang miyembro ng Investigation Division ng palasyo matutulungan nila kayo para mapadali ang pag-iimbestiga"
Nakatingin lang ako sa kanila mula sa isang tabi nag-uusap sila tungkol sa nangyaring pagsabog. Mukhang hindi basta basta ang nangyaring pagsabog dahil sa pagdating ng prinsipe. Hindi pupunta ang prinsipe ng Asgard ng ganitong oras kung isa lang itong aksidente.
Muling napadako ang tingin ko sa prinsipe, iba ang pakiramdam ko sa kanya. There's something off about him. I just noticed it when our eyes met. It's like I saw his soul through his eyes. Maybe I'm over thinking this time.
Umalis na ako sa lugar na 'yon bago pa ako muling mapansin ng lalaking 'yon. Mabuti ng iwasan ko muna siya. Biglang bumalik sa isip ko ang mukha ng prinsipe, parang pamilyar sa akin ang mukhang 'yon pero sigurado akong ito ang unang beses kong nakita siya. Hindi ko na maintidihan ang sarili ko simula ng dumating ako dito kung ano-ano na ang nangyayari sa akin, mga nakikita ko at nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ang mga ito. Nakatulog ako ng gabing 'yon na mukha ng prinsipe ang nasa isip ko.
Dumerecho ako sa praetorium kinaumagahan dahil sa isang announcement mula sa office ng headmaster. Mukhang mahalaga ang anunsyo dahil si Headmaster mismo ang nagsalita para iparating sa lahat ang announcement. Pagpasok ko napansin ko agad ang kakaibang atmosphere ng mga tao sa loob kabi-kabila ang bulungan at mukhang alam na nila kung para saan ang pagpapatawag ni Headmaster. Marahil ay tungkol ito sa nangyari kagabi.
Nang nakita ko sina Louise pumunta agad ako sa pwesto nila silang dalawa lang ni Vioet ang magkasama nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n.
"Hey, Charlotte," bati nilang dalawa sa akin.
"Anong meron, bakit parang namatayan ang buong academy?" sarkastikong tanong ko.
"Hindi mo ba alam, may posibilidad na ipatigil ng Officials ang klase dahil sa mga nasirang facility ng academy," napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"And?" Wala pa din akong ideya sa gusto niyang ipunto.
"Ibig sabihin mawawala ang pagkakataon nilang makasama ang prinsipe sa loob ng isang linggo," agad na sagot ni Louise.
Sakto naman na dumating sina Headmaster sa stage tulad kagabi ay kasama nito ang Prinsipe at sina Conor. Seryos ang kanilang mga mukha maliban kay Chase na tuwang tuwa sa mga babaeng nagsisigawan ng kanilang mga pangalan.
Tumikhim si Headmaster dahilan para tumahimik ang buong praetorium nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.
"Good morning, hindi ko na patatagalin pa... this is regarding the explosion last night." Tahimik ang lahat nag-aantay sa susunod na sasabhin ni Headmaster. "We will cancel the class for two consecutive days to secure the safety of everyone. That's all, you can now all leave and be with your family for the mean time."
Tuwang tuwa naman ang lahat ng umalis ang headmaster sa unahan. Kabi-kabila ang sigawan ang iba naman ay nagpaplano kung ano ang gagawin sa labas ng academy. Ang iba naman ay nakaramdam ng panghihinayang dahil mawawalan sila ng pagkakataon makasalamuha ang Prinsipe tulad ng sabi ni Louise. Nakaramdam naman ako ng saya dahil makikita ko ng muli si Mama, miss ko na siya.
"Charlotte, uuwi ka ba sa inyo?" Tanong ni Louise habang naglalakad kami palabas ng lugar. Tumango naman ako sa kanya miss ko na si Mama at isa pa madami akong dapat itanong sa kanya na alam kong siya lang ang makakasagot.
"Saan nga ang sa inyo?" Tanong naman ni Violet.
"West Silva, right after the downtown."
Naghiwa-hiwalay na kami ng makarating kami sa dormitory para makapaghanda sa pag-alis. Mabilis kong inihanda ang mga dadalhin ko pag-uwi. Hindi na dapat pa ako abutin ng dilim sa daan.
Naglalakad ako palabas ng gusali halos kakaonti ang mga natitirang tao sa loob ang iba marahil ay nakaalis na din. Mula sa labas ng gusali isang mahabang daan ang aking lalakadin katulad ng unang beses akong pumasok dito. Ngayon ko lang napagtanto na hindi din pala ganon kalapit ang lalakarin ko. Wala na akong nagawa kung hindi magsimulang maglakad. Ngunit hindi pa ako nakalayo nang may humarang na kabayo sa dadaanan ko.
"It's not a good idea to walk alone. Let me take you in your place," bored na pagkakasabi nito. Hindi ko alam kung willing ba siya sa ino-offer niya o napipilitan lang siya.
"I can manage myself." Bakit naman niya ako ihahatid? We're not even close. Yes, we agree to solve the mystery in us but that doesn't mean we are friends like he never treat me bad way back.
"Can you just agree to my offer and stop thinking things."
Oh, I forgot! Nababasa niya nga pala kung anong iniisip ko. I looked at him and rolled my eyes. I forgot to block him on my thoughts. He's doing it again, reading my mind.
"You are just over thinking." He said as he helped me up to his horse.
I felt his chest behind my back as the horse started to run. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga mula sa aking ulo. He breathes heavily and it makes me felt unaease. Bakit ba ako pumayag na ihatid niya ako? Goodness! What I am thinking?
"Can you distant yourself, a little?" Pag nagtagal pa siyang gano'ng kalapit sa akin baka makita ko na lang ang sarili ko na hindi huminga.
"Is there any problem, me, closer to you?" I can sense that he's mocking at me. "Nevermind."
Imbes na lumayo ay mas lalo pa itong lumapit ng biglang bumilis ang takbo ng kabayo. Halos mapapikit ako nang lumapat ang likod ko sa kanyang katawan. Ramdam ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat. Was he laughing?
"Conor Cambridge!" I said in a warning tone. Hindi magandang ideya ang ginawa niyang 'yon paano kung nalimutan kong huminga.
"What?"
Hindi ko na lang siya pinansin tahimik ko na lang pinagmasdan ang bawat madaanan namin. Nang makalampas kami sa sentro naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Natatanaw ko na ang bahay namin. Miss ko na si Mama.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay mabilis akong bumaba mula sa kabayo bago pa niya ako matulungan. Humarap ako sa kanya na ngayon ay nakababa na din.
"Thank you." Ito ang unang beses na nagpasalamat ako sa kanya. Nakita ko ang pagsilay ng maliit na gatla sa kanyang labi. I smiled at him. Yes, I smiled. Tumalikod na ako bago pa siya may masabi na naman.
Pagbukas ko ng pinto nasorpresa ako sa sumalubong sa akin. Magulo, makalat, basag na mga kagamitan, parang dinaanan ng bagyo ang buong bahay.
"Mama!" Binalot ng kakaibang kaba ang buong kong pagkato nang wala akong narinig na tugon.
Hinanap ko sa buong bahay si Mama pero hindi ko ito nakita. Walang kahit isang bakas ni Mama ang aking natagpuan. Sinong may kagagawan nito? Tinakbo ko ang kwarto ni Mama umaasang baka nandoon ito pero tanging isang liham lang ang naghihintay sa akin. Nasa ibabaw ito ng kanyang higaan na halos malukot pa ang papel.
"Charlotte anak, sa oras na mabasa mo ang liham na ito siguradong nakuha na nila ako. Bumalik ka sa academy at manatili doon mas ligtas ka sa lugar na 'yon. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama. Dadating ang tamang panahon para sa lahat ng bagay tatagan mo lang ang loob mo. Mag iingat ka palagi. Mahal na mahal kita."
Parang ilog na kusang umagos ang luha sa aking mga mata. Sinong kumuha kay Mama? Anong dahilan? Para akong naparalisa sa kinauupuan ko.
Ilang saglit pa nang may narinig akong yabag ng mga paa mula sa sala. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung may tao. Dalawang taong nakasuot ng itim na kasuotan habang may takip ang mga mukha nito. Anong ginagawa nila sa bahay namin? Sila ba ang kumuha kay Mama? Isa lang ang paraan para malaman ang totoo.
"Sino kayo?" Tuluyan ko ng binuksan ang pinto nagulat pa sila ng makita ako. "Anong kailangan niyo?"
Wala akong nakuhang sagot sa kanila nagtama ang kanilang mga tingin parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Sabay nila akong inatake gamit ang kanilang katana na nakatago pala kanina pa sa kanilang likod. Mabilis naman ang naging kilos ko para maiwasan ang matalas na talim.
I used my light to create a light sword. This is better than the metal sword. I used my weight to prevent myself from falling on the floor. Muling umatake ang nasa kanan ko kaya naman sinangga ko ito ng light sword ko. Nagpalitan kaming dalawa ng atake hanggang sa nakisali na din ang isa pa. Sabay muli silang umatake sa akin. Mabilis ko namang sinangga ng light sword ang nasa kaliwa ko at mabilis na umikot para makaiwas sa isa pang atake.
Pero hindi pa ako nakakabawi mula sa pag-iwas na ginawa ko nang biglang umatake ang isa mabilis ko namang nagamit ang attribute ko.
'Light Shield'
Dahil sa bilis ng kanyang pag atake nagkaroon ng malakas ng impact ng tumama ang katana mula sa shield na ginawa ko dahilan para lumasik papalayo ang naka itim. Muntikan na ako doon.
I threw light balls and attacked them using my light sword. Natamaan ko sa kaliwang braso ang isa pa samantalang 'yong kasamahaan niya ay unconscious pa din. Bago pa siya maka-atake ay mabilis ko siyang na-corner sa pader tinapat ko sa kanyang leeg ang light sword.
"Sino ka? Anong kailangan niyo sa'kin?" tanong ko dito.
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya pinilit niyang kumawala pero mahigpit ang pagkakakahawak ko sa kanya. Imbes na maiinis ay isang ngiti pa ang namutawi sa kanyang mga labi, nakaramdam agad ako ng panganib. Huli na ng mapansin ko ang itim na bilog sa kanyang kamay.
"Shit!" May hawak itong explosive ball at meron na lang itong limang segundo. Mabilis ang naging kilos ko tinakbo ko ang pinto palabas ng bahay, bago pa ito tuluyang sumabog ay nakalabas na ako.
Dahil sa lakas ng pagsabog nagkaroon ito ng impact dahilan para tumalsik ako sa damuhan. Nang tingnan ko ang bahay namin unti-unti na itong natutupok ng apoy. Hindi ko naiwasang maging emosyonal, ang bahay na tanging alaala namin mula kay Papa ngayon wala na din.
Bago pa ako nakatayo saka ko lang napansin na nagkaroon pala ako ng mga galos sa braso at binti. Habang pinipilit kong tumayo, yabag ng paa ng kabayo ang naririnig kong papalapit. Naging alerto ako baka kasamahan pa ito ng mga nakaitim na gumawa nito sa amin. Pero mali ako tila nakahinga ako ng maluwag ng makita siya.
"What happened here?" Wala siyang sinayang na oras mabilis itong bumaba sa kabayo at tinulungan ako. Bakas ang pag alala at pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ko gustong makita niyang nasa ganito akong sitwasyon pero tila ba may kung anong masamang elemento ang sumapi sa akin dahil sa muling pagbilis ng tibok ng puso ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍
14/04/2022
0my karugtong po ba ng moon embracing the sun?
25/11/2024
0I love it tha story
24/06/2024
0Tingnan Lahat