logo text

CHAPTER EIGHTEEN

SUMMER'S POINT OF VIEW.
KANINA ay nagising ako ng wala na si Xander sa aking tabi. Pag baba ko sa sala ay nakita ko si Aling Adel na naglilinis ng sahig. Itinanong ko sa kanya kung na saan si Xander.
"Maagang umalis si Senyorito. Ngbilin siya na kung maaring wag ka daw lumalis na villa ngayon hanggat hindi pa siya duma-dating." sabi niya sa akin.
Wala naman akong plano umalis o may puntahan iyon ang unang araw na nagbilin si Xander na di ako maaaring umalis lalo pa at wala ito sa villa ngayon.
Nagtungo ako sa kusina nakita ko naman si Stayce na nagluluto ng kung ano kasama ang dalawa pang katulong.
"Good morning. Nagluto na ako breakfast natin. Ginawan ko lang si Les ng fresh juice." sabi nito.
"Ako na lang mag dadala nyan kay Alessandro." aniya ko.
"Hija, hayaan mo na si Stayce na asikasuhin ang kanyang asawa." sabi ni Aling Adel na nginitian ako ng makahulugan.
Nawala sa isip na hindi nga pala alam ni Stayce na ako ang tunay na asawa ni Alessandro.
"Kung gusto mo Summer samahan mo ako sa treatment room. Magugustuhan ni Les kung makikita niya may ibang tao na dalaw sa kanya ngayon." nakangiti din at malumanay na sabi ni Stayce sa akin.
Malayung malayo ito sa stayce na diba sa mga kwento ng nakakakilala dito. Dahil kung tutuusin ay mahinhin ito. Ngumiti din ako at tumango.
"Hindi siya maaaring pumunta ng treatment room stayce, mahigpit ang pagbabawal ni Senyorito Xander na hindi ka maaring pumasok dun." tutol ni matanda.
Iyon ang labis kong pinag-tatakahan. Hindi ako maaring umapak sa treatment room. Hindi ako maalagaan si Alessandro pero bakit kaya.
Mauunawaan ko naman na kailangan magpanggap kaming mag asawa ni Xander pero bakit ba para maiba pang tinatago ang mga ito sa akin. May hindi ba dapat akong malaman?
"Yaya Adel, wala naman po yatang masama kung isasama ko si Summer sa treatment room."
"Hindi maaring sumama sayo si maam Summer. Dahil sabi ni Senyorito Xander matatapang ang singaw ng gamot sa buong treatment room hindi makakabuti sa kalusugan ni Maam Summer kung malalanghap niya baka maging dahil pa yun upang mahirapan syang magbuntis."
Ha? Parang ang labo at di kapanipaniwala ang dahilan nito.
"Aling Adel alam ko kung ano mga bagay na makakasama sa akin. Wala naman ho yatang hindi maganda kung dadalawin ko ang akin bayaw." sa pagkakataong iyon ay hindi na ito nakatutol pa.
Umakyak kami ni Stayce sa treatment room. Dala niya ang isang tray na nag lalaman ng pagkain ni Alessandro.
"Babe, andito si Summer. Gusto ka daw niyang makita."
Mahagyang ngumiti si Alessandro sa aming dalawa.. "Nasaan ang aking magaling kong kapatid?" tanong niya.
Ngumiti din ako. "May inasikaso lang ngayong araw." sagot ko sa kanya.
Naupo ako sa visitor sofa at pinanood si Stayce na inasikasuh ang binata.
Pagnagtuloy tuloy ang paggaling ni Alessandro ay maaring na nitong makasama si Stayce. Maaring makuwa ko na din ang Annulment. Parang mag batong dumagan sa dibdib ko ng isipin kung nalalabi na ang araw na makakasama ko sila sa Villa. Hindi naman ako dapat malungkot dapat nga ay maging masaya ako dahil magiging malayo na ako kay Xander.
Habang pinanonood ko si Stayce ay na isip ko kung paano nito nagawang lokohin si Alessandro at maging si Xander at napaibig din ito sa kanya pero hindi naman nagtagumpay.
"Summer kung naiinip ka na ay maaring mauna ka na sa baba. Aasikasuhin ko lang si Les susunod na lang ako sayo mamaya." na ngati pa ring sabi ni Stayce.
Ngumiti ako at nagpaalam kay Alessandro.
Pag labas ng silid ay nakita ko ang pag dating ng humahangos na si Xander magulo ang suot nitong damit at may bahid ng pulang dugo ang suot na polo. Pero parang namamalik mata ako. Pumasok ito sa k'warto niya tiila ba ay nagmamadali.
Bumaba ako sa 2nd floor ng bahay at bumalik sa kwartong tinitulugan ko. Nabigla ako ng mapasukan si Xander sa loob ng silid. Hindi ko akalain andun na siya. Baka banyo ang ginamit niyang papasok dito.
Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko ang mga bahid ng dugo sa suot niyang puting polo. Ang akala ko ay nanamalik mata ako kanina. Lumapit ako sa kanya at tinanong siya kung bakit may dugo iyon.
"Na ano ka?"
Ngumisi ang lalaki. "Kunting galos lang umalis ako kanina para mang huanting wild animalis nadaplisan ako ng bala."
"Sinungaling nasa manila ang wild animals anong hahuanting mo di 'to."
Nabila ako ng hilain niya ako at napakandung ako sa kanya lap.
"Alam mo bang pinag alala mo ako ng akala ko na nanaginip ka ng masama ka gabi." sabi ni Xander. Hinigpitan pa niya ang yakap niya sa aking bewang. Tarantado na 'to. Chansing!
"Kung wala kang planong sabihin sa akin kung anong totoong nangyari sayo. Ok fine. Kukuha ako ng damit mo para makapagpalit ka mas preskong damit." sabi ko tatayo na sana ako nang mas humigpit ang pagkakayakap niya sa aking bewang.
Na-iilang ako sa pagkakakandong sa kanyang hita. Bigla ng salita si Xander at mag kwento kung ano totoong nangyari sa kanya.
XANDER'S POINT OF VIEW.
NANG akala ko ay dinadalaw si Summer ng masamang panaginip ay hindi na ako dinalaw ng antok. Gumugulo pa sa akin isip ang kaiisip ako sa lagay ni Dado.
Muling tumunog ang cp at nakatanggap ako na text messege ang sabi ay.
'kung ibig mong makita ang isa sa mga tauhan mo makipagkita sa add. Na i2. #4855 san. xxxxxx.' nag bihis ako aalis na sana ako nang mapasulyap kay Summer.
Mahimbing itong natutulog. 'Babalik ako agad Mrs. Grayson.' bulong ko at hinalikan sa kanyang noo.
Mag isa akong nangpunta sa lugar na sinabi ng nagtext sa akin.
Mula sa liwanag ng headlight ng kotse at nakita kong lumabas ang isang mataas na lalaki.
Namukhaan ko lalaki iyon sa mga kumidnap kay Summer.
"Nasan si Dado?"
"Mahahanap mo lang ang tauhan mo kung mapapatay mo ako." inihagis nito ang isang baril sa aking harapan.
"Sino nasa lilikod ng lahat na ito. Dati kayong mga tao sa loob ng kompanya namin pero mas pinili niyong traydurin kami." sabi ko. Napagalaman ko mula sa file na ipinasa ni Dado na dating mga tao ng kompanya at humukot kay Summer na Kung saan ay kabilang din si Stayce.
"Alam mo bang napakaganda na pakaenosente ng asawa mo. Hindi siya bagay sa isang demonyong tulad mo." sigaw ng lalaki.
Dinampot ko ang baril at nakipagtutukan sa kanya. "No one can tell that to my own wife." nagpaputok ako ng baril.
Gumanti ito ng putok. Nakapagtago sa isang drum ng kung ano. Narinig ako ang isang sasakyan mula sa sasakyan isang tao ang inihulog mula dun bago bumaagibis na umibis dun ang lalaking kabarilan ko. Nang umalis ang sasakyan nilapitan ko ang tao at nakilala itong si Dado. Pinulsuhan ko siya buhay pa ito. Kaya tumawag sa Grayson Hospital at humingin ng ambulance.
Hindi ko naramdam na nadaplisan pala ako ng bala kung hindi pa napuna ni Yaya Adel ang pahid ng dugo sa polo ng makauwi ako sa villa.
mababaw lang naman ang daplis kaya ako na lang gumamot sa akin sarili at namang napasukan ako ni Summer at nag usisa ito.
Kaya wala akong nagawa kung hindi mag kwento.
"Kung ganon kailangan na mas maging maingat ka." anito. "Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ito ang isuot tapos ay sumunod ka sa akin sa baba."
"Alam mo bang mas gustong mahiga sa kama na iyan at mahiga kasama ka." ngumiti ako makahulugan at pilyo. Nakita ko ng muli itong mag mula na tila isang bata.
"Yung lang ba?" lumapit si Summer sa akin at hinawakan ang pisngi ko pinalandas nito ang palad niya pababa sa aking dibdib malapit sa puson bago muling pinalandas pataas sa akin balikat.
Nabigla ako dinaakto niya. "Aray ko!" napasigaw ako sa sakit na pisilin ni summer ang aking sugat.
"Pervert. Kung gusto mong mahiga mahiga ka mag isa mo." sabi niya bago iniwan sa loob ng silid mag isa.
Masakit pero naaliw ako kay Summer. I all ready like her. Habang tumatagal ay lalo nakikita ang pagkatao niya. Tama si Les na hindi ko nga pag sisihan na si Summer ang aking naging asawa.

Komento sa Aklat (271)

  • avatar
    Jhanine H. Deqilla

    highly recommended Po Ang story na ito.. super ganda Ang daming twist. thank u author sa napakagandang story nyo can't wait to read your other STORY... GOOD JOB PO🥰🥰

    26/05/2022

      6
  • avatar
    MsPurple

    nice

    16/07/2025

      0
  • avatar
    goncesrhian

    nicee

    04/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata