SUMMER'S POINT OF VIEW. Nagising ako sa magaang na haplos sa aking pisngi. "X-xander?" inalalayan niya ako ng umupo ako. "Buti naman nagising ka na. May masakit pa ba sayo." Umiling ako. Himala mabait siya sa akin ngayon at di ako sinisigawan. "Kamusta si Morri at yung kabanggaan namin?" "Morri is ok. Wag mo na silang alalahanin nakausap ko na ang doctor once na magiseng at makapagpahinga pwede na tayong umuwi." Tumango ako. STAYCE'S POINT OF VIEW. Kanina ko kinakalampag ang pinto para bukasan iyon. "Idedemanda ko kayo. Kidnapping at ilegal detention!" sigaw ko. "Sa ating dalawa Stayce ikaw ang dapat makasuhan." Nanlaki ang mga mata ko na makita ko Xander. Kung ganon hindi ako nanaginip ng makita ko sya ng nasa ospital ako. Kung ganon si Xander ang may hawak sa akin at hindi ang mga tauhan ni mama. "Xander kailangan ko ng umalis. Hindi nila ako maaring makita na kasama ka o mahuli." sabi ko. "Then tell me sino sila. Sila din ba ang magkagagawan kung bakit muntik ng mamatay si Les." galit nitong sabi. "Damn it magsalita ka!" "Oo! Oo kaya pakawalan mo na ako." Lalo itong nagalit. "Hindi ka makakaalis dito hanggang hindi mo sinasabi kung sino ang mga kasabwat mo." Iniwan niya ako at muling ni lock ang pinto. Wala akong alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang hindi ako papakawalan ni Xander ng hindi niya nalalaman kung sino nagtatanka sa buhay nila ng kapatid nito. Pero alam ko na habang hawak ako ni Xander ligtas ako hanggang hindi ako nagsasalita. Walanf kakaya o lakas ang magkapatid na Grayson na saktan ako. XANDER'S POINT OF VIEW. Masyadong matigas si Stayce ayaw niyang sabihin kung ano ang mga nalalaman niya. Sa Grayson ospital ko dinala si Stayce. Palabas na ako sa ospital ng may narinigan akong dalawang lalaking may hinahanap na babae. Nag ngangalan Stayce Realonzo. "Wala po kaming pasyenteng Realonzo." sabi ng receptionist. Tama si Stayce na nasa panganib ang buhay nito dahil sa pananamit at kilos ng mga humahanap dito ay hindi mapagkakatiwalaan. Inutusan ko si Morri na ilipat sa mag ligtas na lugar si Stayce at wag itong iiwan. Nang aking masigurong umalis na mga humahanap kay stayce at sa ako nagpasyang umuwi. Nasa biyahe na ako at nagmamaneho ng makatanggap ako ng tawag kay Summer. Kanina umaga ay nakalabas na ito sa ospital at nasa bahay na. "Xander! Umuwi ka! May mga taong pumasok sa Villa." nanginginig ang tinig nito. "Wag kang mag alala malapit na ako. Summer mag ingat ka at please ingatan mo si Les." bilin ko at pinatakbo ng mabilis ang kotse. Sh*t! Tinawag ko sila Dado at Lucas para tulungan ko dalawang mahalagang tao sa buhay ko ang nasa villa si Les at si Summer. Hindi ko ako alam pero non lang ako nag alala ng labis para sa isang babae. Pero hindi lang ito basta babae lang dahil asawa ko sya. Pagdating ko sa villa a nadatnan kong magulo ang buong bahay. Basag at magulo mga gamit. Halos kasabay ko lang dumating sila Lucas at Dado. Tinakbo namin ang 3rd floor. Nasa 3rd floor si yaya Adel at inaasikaso nito si Les. "Xander. Kinuga nila si Summer. Kung gusto mo daw na makuwa ang asawa mo ihatid mo daw sa kanila si Stayce." sabin ni yaya. Hindi ko muna siya inintindi tinignan ko si Les. Payapa itong natutulog at mukhang walang alam sa nangyari. "Hijo! Kung walang kang pagtingin kay Summer, intindihin mo naman sya dahil asawa mo sya. Magpalasakit siya kanya dahil ipinalit niya ang sarili niya para sa kapatid mo. Si Les sana ang kukunin ng mga lalaki pumasok dito pero nag pakilala si Summer na siya ang asawa mo." Ginawa ni Summer iyon. Paano ko ililigtas si Summer. Hindi ko maaringipalit si Stayce? Gulong gulo ako. *** Nasa treatment room ako ni Les. Habang inaantay kong tumawag ang kung sino mang kumuha kay Summer. "Bakit hindi ka pa nag papahinga." pautal utal na tanong ni Les dahil kinakapos ito ng hininga. "Nag-aalala ako kay Summer." nabilas ako. Ngumiti si Les. "Are you in-love with her?" tanong niya In love? Mahal ko na nga ba si Summer? Aaminin kong simula ang makasama ko siya ay wala kaming ginwa kung hindi magbayan pero ngayon na alam kong maaring nasapanganib ito ay tila gusto kong pumatay ng tao. Hindi ako sigurado pero isa lang malinaw. Mahalaga sa aking ang asawa ko. "Xander, wala ka pa rin bang balita kung nasaan si Stayce?" "Walang lead kung nasaan siya." pasisingungaling ko. "Pag dumating araw na pwede na akong operahan at wala si Stayce. Gustong sabihin mo sa kanya na mahal na mahal ko. Patawin niya ako kung hindi ko siya na antay." "Sira ang ulo mo Les. Mabubuhay at gagaling ka pa. Gagawa akong paraan para makita mo Stayce." Nakakapikon ito. Ganon ito ka patay na patay kay Stayce kaya ganon na lang magsalita. Kating kati na akong sabihin na kay Les na natagpuan ko na si Stayce pero paano si Summer. Tumunog ang aking cellphone hindi ako nakahanda kung paano iyon sasagutin. "Hello?" lumabas ako ng treatment room ni Les. "Si Alessandro Grayson ba to?" mula sa kabilang linya. "Hindi. Si Alexander Grayson ito." pakilala ko. 'Sabi ko sayo sayo number ni Alessandro ang ibigay mo sa akin.' Narinig ko sigaw ng lalaki sa kabilang linya bago ako nakarinig ng kung ako lagabog. "Wait. Ano man ang kailangan nyo maaring kong ibigay yun." kinabahan ako baka sinasaktan nila si Summer. "Makinig ka may isang kaming alagang tutang naligaw sa bakuran nyo. Baka maaring pakisa-uli naman dahil. Nakuha ako ang alaga nyong kuting. Medto na bubuwiset na ako kasi ang ingay eh." ani nito na mukhang nagrereklamo. "San? Kailan?" Sinabi ng lalaki yung saan at kailan bago tinapos nito ang pakikipag usap. Tinawagan ko agad si Morri para ihanda si Stayce. Kailangan ko si Stayce dahil siya ang ka blood type ni Les at may kasunduan kami nag magpapaopera lang ito pag nakita na si Stayce. Asawa at kapatid ko ang kailangan pagpilian ko. Nagbanta ang mag kidnaper ni Summer na pag hindi nasunod o natupad ang oras na itinakda ng mga ito ay papatayin ng mga ito si Summer. "Sabi ko hindi mo ako matitiis Xander." Nakangiting sabi ni Stayce. "Pinasok ang villa Grayson may mga lalaking tumangay kay Summer. Ikaw ang hinihinhinging kapalit para kay Summer. Sino ba talaga sila?" Binalya ko sa dingding si Stayce. "Xander, wag mo akong ibibigay sa kanila. Papatayin nila ko. Maawa ka sa akin Xander." kitang kita ang takot sa mga mata nito. "Too late kailangan kong mabawi si Summer." kinaladkad ko si Stayce at sinakay sa aking kotse. Pupunta ako sa napag usapan lugar. SUMMER'S POINT OF VIEW Pinasok ng mga armadong lalaki ang villa. Tinangka ng mga ito na kunin si Alessandro pero naglaban kami ni Aling Adel. Malakas at marami sila. Nang masaktan si Aling Adel tangkang kukunin si Alessandro nagpakilala akong ako ang asawa ni Xander kaya imbes na si Alessandro ay ako ang dinala nila. Ayon sa mga ito may hinahanap itong babae na itinatago daw ni Xander kung sino man yun hindi ko alam. Hindi iyon ang mahalaga ngayon dahil ang mahalaga ay maalis ako sa lugar na iyon. "Wag kang mag-isip tumakas dahil hindi ka sasantuhin ng baril na ito. Kaya kung ako sayo ay sumunod ka na lang dahil gagawin naman ng asawa mo ang lahat para mabawi ka." 'Buti kong asawa ko nga siya. Yung asawa baka nga hindi alam na hawak nyo ako.' gustong isigaw sa mukha niya yun pero nag pigil ako. Hinila ako ng isang lalaki. "Wag ka mag alala ibabalik ka naman namin mas mahalaga sayo si Stayce." Hindi ako kumibo. Sino ang Stayce na binabanggit nito. Girlfriend ba yon ni Xander. Pano namang ipagpapalit ni Xander sa akin ang Stayce na yon. Tumunog ang Cellphone ng lalaking mukhang leader nila mataba at malaki ang katawan nito. "Akala ko Xander hindi ka na dadating. Naiinip na kami ng asawa mo. mukhang mahal na mahal ang asawa mo nauna ka pa sa meeting place natin." anito Pinatalian niya ako sa kanyang mga tao. At isinakay sa saksakyan ayon dito dadalhin nila kung nasaan si Xander at ang babaeng si Stayce. Diyos kinakabahan ako para sa amin ni Xander. Mukhang hindi mapagkakatiwalan ang mukha ng mga tao ito. Paano kung isahan ng mga ito si Xander at pagnakuwa ang babae ay patayin na lang kami pareho. Kinakabahan ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (271)
Jhanine H. Deqilla
highly recommended Po Ang story na ito.. super ganda Ang daming twist. thank u author sa napakagandang story nyo can't wait to read your other STORY... GOOD JOB PO🥰🥰
highly recommended Po Ang story na ito.. super ganda Ang daming twist. thank u author sa napakagandang story nyo can't wait to read your other STORY... GOOD JOB PO🥰🥰
26/05/2022
6nice
16/07/2025
0nicee
04/06/2025
0Tingnan Lahat