Homepage/Hating you means loving you/
CHAPTER 22: ✨ MY PROMISE TO YOU✨
EHLEIN POV'S
Hinawakan ni Tita Bett ang kamay ko.
"Ehlein, please don't give up on him. He needs you more than anyone else. And I know ikaw lang ang makakapagpapabalik sa kanya".
"But his already engaged tita. Ano pa bang magagawa ko?", I said between my tears.
Imbes na sagutin ako ay may kinuha siya sa kanyang bag saka inilagay ang isang maliit na box sa kamay ko.
"Open it".
Binuksan ko ito at laking gulat ko ng makita ang isang engagement ring.
"Para saan po ito?".
"It's yours. Hessiah bought it a couple of months ago. I asked him about it and he smiled at me saying 'I found her'. I was surprised and happy at the same time. Sobrang mahal ka niya, Ehlein. So please don't give up on him yet".
Sa mga sinabi niyang iyon ay napahagulhol na lamang ako. He had bought me a ring kahit na hindi siya sigurado kung magiging kami nga. Hindi pa nga kami nakakapagtapos at nasa isip na niya ang ganoong bagay. Why did he went this far?...
Hanggang sa maka-uwi ako ng apartment ko ay nasa isip ko parin ang mga sinabi ni tita Bett. I don't know how to respond to her request. As much as I think about it, not giving up is a 50:50 to me.
There are lots of things that might happen. His already engaged and there are no sure outcomes. Walang kasiguraduhan na mapuputol ang tali sa kanilang dalawa. Kapag nangyari iyon ako naman ang magiging kawawa dahil umasa na naman ako. Kapag sumuko naman ako may tendency rin na pagsisisihan ko sa huli ang lahat dahil naging mahina ako.
Tinitigan ko ang box na binigay ni tita Bett saken. Ano ba ang gagawin ko?...
.
.
Days passed at palagi ko na lamang iniisip ang sinabi ni tita Bett. I've already decided to move on yet heto ako ngayon naguguluhan na naman. I'm not sure what to do at this point. Ayokong masaktan pa lalo but thinking that Hessiah was suffering too was painful to me.
Should I gave up? or believe in what my heart says?
Kakatapos ko lang magpunas at naghahanda na sana ako upang matulog nang mapansin ko ang pag-ilaw ng cp ko. Kinuha ko ito at napansin na may tumatawag. Nai-mute ko kasi ito kanina habang nagkaklase at nakalimutan kung i unmute uli ito. Unknown number. I reluctantly answered it. From its voice ay alam ko na kung sino ito.
~Ehlein, si Dian to. Nasaan ka ngayon?~
Pansin ko ang pagkakataranta sa boses niya.
"Huh? ah nasa apartment ko. Bakit?".
~Hessiah's been in an accident. He was in critical condition and was currently unconscious~
Sa sinabi niyang iyon ay ramdam ko ang labis na pagkabog ng dibdib ko. My eyes started to fill with tears. Ramdam ng katawan ko ang takot sa maaring mangyari.
"W-why?", tanong ko. I could hear my voice trembling in fear.
~He's supposed to meet you. He was fatigued and not fit to drive. Ngunit dahil sa labis niyang kasiyahan na malaman na sa wakas ay pinutol na ng daddy niya ang engagement. He decided to meet you and that's when the accident happened~
"W-where i-is he?".
~We're at VLPoeR Hospital~
Ibinaba ko na ang tawag at agad na kinuha ang jacket ko at patakbong lumabas ng apartment. I was crying all the way down. Thinking nothing except na sana maging okey lang siya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Not this time, Hess. Ngayong malaya kana wag ka naman sanang magbiro. Hindi ito nakakatawa. And I literally hate this joke.
Pagkarating ko sa highway ay agad na huminto sa harapan ko ang isang kotse. Mula sa driver's seat ay nakita ko si Sam.
"Hop in", wika niya.
I went in and we drove off as fast as we could.
Matapos kong makarating sa ospital at malaman mula sa receptionist ang room number ni Hessiah ay patakbo akong pumunta agad doon. I could see other people staring at me but I didn't mind them for I was more concerned about Hessiah. The moment na narating ko ang mismong room ay huminto ako sa harapan niyon.
I was trembling as I grab the handle. I let out a sigh before I finally open the door.
I just stood there speechless as I saw Hessiah in bed while Dian is sitting on his side.
"I thought you were in critical condition? and unconcious?", tanong ko.
Hindi na ako umiiyak pa at nakatingin na lamang sa kanila. Hessiah was awake and only got a wound on his forehead and was already been bandage.
"What? critical condition?", ulit ni Hessiah saka tumingin kay Dian.
Dian just let out an innocent look,"Did I say that?".
"You did".
"Oh crap. Maybe I just misuse some words. Anyways, bibili lang ako ng maiinom".
Tumayo na si Dian. Bago siya lumabas ng room ay tinapik muna niya ang balikat ko.
Nang makaalis si Dian ay nanatili parin akong nakatayo doon. I can't move an inch. I was just glaring at Hessiah.
Ilang sandali pa ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. I slowly get close to him at nang makalapit ako ay kinuha ko ang jacket ni Dian sa upuan.
"You make me worry, you idiot!", sigaw ko sabay marahas na itinapon ang jacket kay Hessiah. He caught it just in time.
"The h*ll. Why did you do that? I'm wounded, you kno—".
My tears fell down, "Pinag-alala mo'ko, Hess. You didn't know how frightened I was thinking that I wouldn't be seeing you again. Thinking na iiwan mo'ko".
Napahikbi na lamang ako. I felt relieved. Pakiramdam ko parang isang malaking tinik ang natanggal sa dibdib ko.
Hinila niya ako papalapit sa kanya saka ako niyakap.
"Why would I leave you? Now that everything's been settled. Leaving you is not happening".
"Ang sama mo, Hess", I said between my tears, "Ang sama-sama mo".
"I'm sorry for making you worry and hurting you. I know I messed up a lot but I promise I'll make it up to you. Can you forgive me?".
I nodded. Umiiyak pa din ako. Hindi dahil sa nasasaktan ako kundi dahil sa kasiyahan ng puso ko.
He planted a kissed on my head, "Mahal na mahal kita, Ehlein".
Napahinto ako sa pag-iyak at napabitaw sa kanya. This is the second time na narinig ko syang nagsalita ng tagalog. Marahan akong napatawa dahil sa cuteness ng tagalog accent niya.
"What?", naguguluhang tanong niya.
"Wala".
"Okay? then? I just said I love you".
Napangiti ako,"I love you too, dummy".
"I finally got to hear it".
Tumingin siya saken ng seryoso,"Can I kiss you?".
"Tinatanong pa ba yan, Hess? I'm now your girlfriend. Sinasagot na kita".
With that ay Hinila niya ako papalapit sa kanya saka ako hinalikan sa labi. Ramdam ko ang init at pananabik sa mga labi niya. Halik na puno ng emosyon at higit sa lahat puno ng pagmamahal. Halik na para bang dinadala ka sa ibang dimensyon.
He pulled me much closer to him hanggang sa magkatabi na kami sa hospital bed. We're both gasping as we finally let go off each others lips. He's about to kiss me again nang may marinig kaming mahinang hagikhik sa direksyon ng pintuan.
Agad kaming napatingin doon at napansin na nakasilip ang dalawang kambal. Nang mapansin nila na nakatingin kami ay agad din silang umalis kasabay ang pagsara sa pintuan. Ngunit bago pa man tuluyang masara ang pintuan ay narinig namin silang sumigaw.
"Mommy!!!! kuya's doing something nasty to ate Ehlein!!!!".
I could feel that my face was now burning red. Knowing that they'd see us in such situation.
"Hold your hair up".
Muli akong napatingin kay Hessiah. He looks like he didn't give a d*mn about what just happened.
"Why?".
"Just do it".
Hinawakan ko ang buhok ko. And after doing that ay may nilagay siya sa leeg ko. I gasped as I saw the necklace.
"Don't you dare give it back to me, understood?".
Napayakap na lamang ako sa kanya. Niyakap niya ako pabalik saka may binulong siya saken na naging dahilan upang mapangiti ako ng labis.
"Because that embodies my promise to you. That I wanted you to be with me for the rest of my life". I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (192)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
love
22/10/2025
0I like it
17/04/2025
0th is story is pretty
28/03/2025
0Tingnan Lahat