logo text

CHAPTER 21: ✨SUFFERING WAY TO MUCH✨

EHLEIN POV'S
After kung tumahan ay pumasok na kami ni Patty sa apartment ko. Umuwi naman si Sam sa kanila dahil nabasa din ito ng ulan. Patty insisted na maligo ako so I reluctantly did. After that ay naupo na lamang ako sa kama. Tulala at mugtong-mugto ang mga mata.
Patty just didn't say a word. She probably feels that I don't want to talk right now. Naupo lamang siya sa tabi ko.
After a moment ay nagsalita na siya.
"Tinawagan ko sina mama mo at sinabing hindi tayo makakarating dahil maysakit ka. Sorry if I lied to them, wala na kasi akong ibang masabing rason".
Nanatili lamang akong tahimik. I really don't want to talk right now. Masakit pa din kasi.
"Dian told me that the engagement was true. Tinanong ko din si Hessiah kanina at sinabi din niya ang totoo".
Upon hearing that ay napahagulhol na muli ako. Patty hug me.
"Ang sakit, Patty. Bakit ang sakit sakit sa pakiramdam na malaman ang totoo? Sobrang sakit".
"Dahil mahal mo siya, Ehlein. Mahal mo si Hessiah. Dahil kung hindi, hindi ka masasaktan ng ganito".
Umiyak lamang ako as a response. This love sucks. Kung ganito pala kasakit ang magmahal sana hindi nalang ako nagmahal.
The rest of the day ay panay iyak lang ang ginawa ko. Hindi ko nga alam kung matatapos pa ba ang pag-iyak ko dahil ni katiting na luha ay hindi magawang alisin ang sakit na nararamdaman ko.
Patty never left my side. She just hug me hanggang makatulog ako. Marahil sumuko na ang katawan ko sa pagod.
Not long after that ay naalimpungatan ako sa dalawang tinig na nag-uusap. Napabangon ako sa kama at napansin na wala si Patty. Napagawi ang paningin ko sa pintuan at napansin na bahagya itong nakaawang. I heard two voices behind that door kaya lumakad ako patungo sa pintuan upang sumilip. Patty was there. The moment na nakita ko ang taong kausap niya ay bahagya akong napaatras. I lean on the wall clutching my chest. Bumabalik na naman ang sakit.
"Umalis kana, Hess. You've hurt her enough kaya wag mo ma siyang guluhin pa".
"Patricia, please I need to talk to her".
"For what, Hess? Alam mo mo ba na sobrang nagsisisi ako na hinayaan ko pa siyang mapalapit sayo. Kung ganito pala ang maidudulot mo sa kanya sana hindi ko na lamang pinigilan pa si Kuya Sam".
"What do you mean?".
"My brother's been inlove with Ehlein. Ngunit dahil nandyan ka at dahil nakikita ko na masaya si Ehlein na kasama ka ay pinipigilan ko si Kuya Sam na makialam sa inyo. Dahil tingin ko mas magiging masaya siya sayo, but it comes out different. You've hurt her".
"I know that I messed up. But I didn't mean to hurt her. I love her, Patricia. God knows how much I love her".
Sa sinabi nyang iyon ay napahikbi ako. Mahal din kita Hess. Mahal na mahal. Ngunit kahit gaano man natin ang kamahal ang isat-isa, hindi tayo pwede.
Napahawak ako sa kwentas na suot ko. Ang kwentas na ibinigay niya saken. It's good to hear that he wanted me to be with him for the rest of his life. But unfortunately, we aren't meant for each other.
I clutch the necklace tight saka ko binuksan ang pintuan. Pansin ko ang gulat sa mga mata nila but I need to face him. Kailangan ko ng closure kahit na masakit.
"Patty, Iwanan mo na muna kami".
Nag-aatubiling umalis si Patty saka isinara ang pintuan. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang lumapit si Hessiah saka hinawakan ako sa pisngi at pinahid ang luha ko. He slightly smiled saka ako niyakap.
Gustuhin ko man ang kumawala sa yakap niya ay hindi ko magawa. Napa-iyak na lamang ako saka niyakap siya pabalik. Kung ito na ang huling sandali na makikita ko siya. Gusto kong mayakap man lang siya kahit saglit.
Now that I realized that I loved him. Kahit na saglit lang ay gusto ko na maramdaman ng puso ko ang presensya niya.
Ilang sandali kaming magkayakap hanggang sa bumitaw na ako. Pinahid ko ang luha ko saka tinanggal ang necklace na suot ko. Kinuha ko ang isang kamay niya saka inilagay ang necklace doon.
"You've ask me before kung isasauli ko ba ito, right?".
Tumingin lamang siya saken.
"Hess, You should gave this to someone that deserves it. To someone na pakakasalan mo. I'm returning it because that someone isn't me".
"Ehlein".
"Hess, please", paki-usap ko. Muli na naman akong napa-iyak, "It's hard for me to move on knowing that the necklace is still with me. Please, don't make things difficult for me".
Hessiah pulled me and hug me again. Hinalikan niya ang ulo ko.
"I love you, Ehlein. I love you so much. And I'm sorry for hurting you like this".
"I — I hate you, Hess".
You said to me that you won't give up until I fall in love with you. Nagawa mo Hess. You made me fall in love with you, but you also hurt me. I hate you, but I love you.
Pakiramdam ko parang dinudurog ang puso ko habang tinatanaw siyang naglalakad palayo. I couldn't keep my tears from falling. Kung kailan ko narealize na mahal ko siya ay doon rin naman siya mawawala. Masaklap kung iisipin. But there's nothing I can do about it.
I haven't told him that I love him. Mas mabuti narin siguro ang ganun. I don't want him to be burden by thinking na pinaasa niya lang ako. I love him, and I want him to be happy. I hope someday makalimutan ko rin siya. Hoping that the pain will soon heal.
Napa-upo ako sa sahig. Clutching my chest as I cried. Masakit isipin at masakit alalahanin ang lahat. I wanted to accept it, but right now it's too painful to accept.
Naramdaman ko na lamang na niyakap ako ni Patty. I clung into her like a baby. Crying my heart out.
"Magiging okey rin ang lahat. Hindi ngayon but soon magiging masaya karin, Ehlein", wika ni Patty habang hinahaplos ang likod ko.
I just cried. Alam kung mugtong-mugto na ang mga mata ko ngunit ang pag-iyak lang ang tanging magagawa ko para pawiin ang bigat na nararamdaman ko.
Patty escorted me inside. Hindi ako makatulog. All I could think of is him. Tumahan na ako yet mabigat parin ang dibdib ko. I guess crying isn't enough to ease the pain.
.
.
Lumipas ang isang linggo at ganun padin ang nararamdaman ko. I become miserable that even my studies had been affected. As much as I tried to be happy ay hindi ko parin maiwasan ang maiyak lalo na sa tuwing maa-alala ko siya. There are times na makakatulugan ko na lamang ang pag-iyak ko.
Palagi akong pinaaalahanan ni Patty na magiging maayos rin ang lahat. She never spoke of him again. She tries her best para mapangiti ako and I appreciate her efforts.
"Ehlein", tawag ni maam clarisse saken. Kakatapos lang ng klase namin. She is our last prof for the day.
"Yes, maam", I answered politely.
Tumingin siya sa may pintuan at napatingin din ako doon. Labis na lamang ang gulat ko nang mapagtanto kung sino ito. It's Hessiah's mom.
I hesitantly walks towards her.
"Hello po. Ano pong kailangan nyo saken?".
She slightly smiled,"Can we talk?".
Napatingin lamang ako sa kanya. Lumingon ako kay Patty at tinanguan lamang niya ako. Tumingin muli ako kay tita Bett.
"Cge po. I'll just go grab my things".
Matapos kung makuha ang mga gamit ko ay sumunod na ako kay Tita Bett. She brought me to a café.
Naupo kami sa table malapit sa glass wall.
"Ehlein. I'm here to ask you for help patungkol kay Hessiah".
I felt a sudden sharp pain in my chest as she spoke his name.
"I guess you already know about the engagement between him and Emily. You know, he'd been miserable since that day. He never expected that his dad would do that so suddenly and without asking his permission. I even don't know that thing until that day. After hearing that, Hessiah was really devastated, he tried to refused but his dad threatened him. Kung hindi papayag si Hessiah sa bagay na iyon ay sina Havy at Hacy ang matatali sa ganoong kasunduan. He don't want her sisters to suffer so he just accepted it kahit na labag ito sa kalooban niya. He's willing to sacrifice his own happiness para lang sa mga kapatid niya. He was so miserable, Ehlein. Bilang isang ina ay hindi ko kayang tignan siya na nahihirapan, and I hate myself for being so helpless".
Pansin ko ang sakit sa mga mata niya. She was now crying. At hindi ko narin maiwasan ang maiyak.
"Sobrang nag-aalala na ako sa kanya. Sobrang nahihirapan na siya. Since that day. Lalo na nong nalaman mo ang patungkol sa engagement. He became depressed. He never leave his room and he barely eat. Kahit na anong pilit namin na pakainin siya ay ayaw niya talaga. His dad couldn't forced him too".
Napatungo na lamang ako. Kaya pala sobrang distracted at weird niya ng araw na iyon. Kaya pala pabigla-bigla na lamang niya akong niyayakap. Kaya pala paminsan-minsan na lamang niya ako puntahan. Kaya pala nangangayayat siya. Dahil simula nong araw na iyon sobrang bigat na pala ng dinadala niya. He was trying to make me happy kahit na nahihirapan siya. I never knew that he was suffering way too much.

Komento sa Aklat (192)

  • avatar
    Gie Ann Jean Arena

    love

    22/10

      0
  • avatar
    MATURANEUHNIES JEAN V.

    I like it

    17/04/2025

      0
  • avatar
    VillaverdeLoreign

    th is story is pretty

    28/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata