CHAPTER 20:✨HURT✨

EHLEIN POV'S
Tahimik lamang akong nakatingin sa kanya. Waiting for him to tell me the thing that he wanted to say. Pansin ko na napabuntong-hininga siya sabay iwas ng tingin.
"Forget it. It's nothing".
I wanted him to tell me. Kung hindi niya sasabihin saken, then I'm gonna ask him. But before I could let out a word ay nagsalita muli siya.
"Can I drive you at your parent's house? on your birthday?".
"Pano mo—
"Patricia told me. Since you look like you didn't want to tell me so she just chatted me about it".
Nag-iwas lamang ako ng tingin.
"Can I? I promise that I'd come".
Napatingin muli ako sa kanya, "Okay. Mga 8".
He smiled at me saka siya tumingin sa labas. Naging seryoso na muli ang mukha niya. I could tell na kung ano man ang gusto niyang sabihin saken, may koneksyon ito sa nagpapabagabag sa kanya.
Ngunit bakit ayaw niyang sabihin saken?
.
.
.
The day of my birthday came. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang tanungin si Hessiah patungkol sa bagay na 'yun. I've wasted so many opportunities. And it causes me to be bothered even more.
Lumabas na ako ng apartment saka naghintay sa baba. Hessiah instructed me to just wait on him outside. Sabay kaming pupunta sa bahay at dadaanan nalang namin sina Patty at Sam.
Ngunit dumaan ang isang oras at pansin ko na wala parin si Hessiah. Tatawagan ko sana siya kaso naunahan na niya ako.
~Ehlein~
"Nasaan ka na, Hess?", I asked.
Ilang sandaling natahimik ang kabilang linya. The moment na sumagot siya ay ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. And I could also feel na tila may bumara sa lalamunan ko.
~I can't come. Emily's been sick since last night and no one here could look for her. I'm sorry. But I can't leave her~
Nanatili lamang akong tahimik. Hindi ako makapaniwala na sa ikatlong pagkakataon ay pinaasa muli niya ako. He said he would come. He promised me. Yet, pinaasa niya lang uli ako.
~Hello? Are you mad?...I probably should come. I'll just ask Havy and Hacy to look after her. I'll come okay?—~
"Hess. w-wag na. They're kids. They can't handle such work. You don't need to come. Her health is more important. And besides may next year pa naman eh. Kaya okey lang, Hess", tugon ko. I tried not to shake my voice.
~But..~
"Okay lang talaga, Hess. Wag mo akong alalahanin. Okay lang ako. Cge na, Hess. Tatawagan ko pa sina Patty".
Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at pinutol ko na agad ang tawag.
Napatingin lamang ako sa kawalan. Pakiramdam ko parang pinipiga ang puso ko. Thinking that he was with Emily the entire time na naghihintay ako. He made me wait for him for so many times. At ginawa pa talaga niya akong paasahin sa mismong birthday ko pa.
I didn't call Patty. Instead lumakad ako sa kung saan. I just let my feet bring me to some place. Gusto ko mapag-isa. I'm not in the mood to celebrate right now. I can't be happy while my heart is aching.
Pansin ko na palaging tumatawag sina Patty kaya ini-off ko na lamang ang cp ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad hanggang sa mapansin ko na sobrang layo na pala ng narating ko. I spotted an empty playground nearby kaya lumakad ako papunta doon saka naupo sa swing.
Nakayuko lamang ako. Feeling down and hurt. Hurt? screw that. Bakit ba ako nasasaktan?
"I hate you, Hess", I murmured, "I hate you".
"I know", narinig kong wika ng isang pamilyar na boses.
Agad akong napataas ng tingin at nakompirma na siya nga.
Sandali lamang akong napatingin sa kanya at agad ko din iniwas ang tingin ko. Hindi ko sya kayang tignan.
Naramdaman ko na umupo sya sa katabing swing. We're both silent for a moment bago siya nagsalita.
"I'm sorry".
"P-pano mo nalaman na nandito ako?".
"Patty called. She can't get a hold of you after calling you several times. We've been looking for you for an hour until I decided to drive this way and found you here. I'm sorry. I know that I'd done something that made you mad".
I take a deep breath. Ramdam ko na naman na may nakabara sa lalamunan ko.
"W-what about Emily? Didn't you just said that you can't leave her? anong ginagawa mo dito ngayon?", tanong ko.
"I asked Dian to take my place. Besides, your safety is more important to me than anyone else".
I didn't respond to that. Nanatili lamang akong nakayuko.
Napahawak ako ng mahigpit sa tali ng swing. Maybe now is the time para tanungin ko siya sa katotohanan. Sa katotohanan na noon ko pa gustong malaman.
"I-is it t-true?",tanong ko. this time ay hindi ko na naitago pa ang panginginig ng boses ko.
"About what?".
Napabuntong-hininga uli ako,"I-is it true that Emily is your fiancée?".
For so many days ay sa wakas nagawa ko narin ang tanungin siya. Marahil dala ng nararamdam ko ngayon ay nagkaroon ako ng lakas na loob upang magawa ito.
Pansin ko na hindi siya nagsasalita kaya napatingin ako sa kanya. Nakapatong ang dalawang siko niya sa kanyang magkabilang hita habang ang mga kamay naman niya ay nakahawak sa kanyang batok. He's eyes are shut. He is holding himself.
"Gusto kong malaman ang totoo, Hess", wika ko saka muling napayuko.
Narinig ko syang napahinga ng malalim bago nagsalita.
"Yes. She's my fiancée".
Sa sinabi niyang iyon ay ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Para bang pinipiga ito. Ramdam ko ang hapdi. Ramdam ito ng buong pagkatao ko.
Now that my question had already been answered, dapat maging masaya ako diba? ngunit bakit masakit. Bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon?
I shouldn't be hurt like this. I don't deserved being hurt like this.
"I'm sorry, Ehlein".
Hindi ko na kaya pa ang manatili sa lugar na iyon kaya tumakbo ako. Narinig ko ang pagtawag ni Hessiah ngunit hindi ko ito pinansin. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko lang gusto kong umalis sa lugar na iyon. Hoping na sana sa pag-alis ko ay maiwan ang sakit na nararamdam ko.
Napahinto ako. Sobrang bigat parin. Bakit ko ba kailangang maramdaman to?
Inilahad ko ang kamay ko. I smiled bitterly as the rain touches my palm. And at that moment, ay doon ko na nagawang ilabas ang nararamdaman ko. Kasabay ang pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng luha ko.
I've been containing myself for almost days now. At sa pagkakataong ito ko lang nagawang ilabas ang lahat ng sama ng loob na dinadadala ko. My birthday that supposed to be a happy day to me turns out to be the most saddest and painful one.
Nakatayo parin ako sa ulanan at umiiyak nang may bigla na lamang humawak sa magkabilang balikat ko kaya agad akong napataas ng tingin. It's Sam.
"You made us worry about you. Are you okay?", he asked and then put his jacket around me.
Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay humagulgul na lamang ako ng iyak. He pulled me towards him and hug me. Ginawa niya iyon hanggang sa tumahan ako.
"Let's talk about it when we get back at your apartment okay?".
Bumitaw na siya sa pagkakayakap saken saka inalalayan ako papunta sa kotse niya.
Nang makarating kami sa apartment ko at ng makita ako ni Patty ay agad itong tumakbo saken at niyakap ako.
"Magiging okey ka din", wika niya na tila alam na niya kung anong nangyari saken.
With that ay hindi ko na napigilan pa at napa-iyak muli ako.

Komento sa Aklat (192)

  • avatar
    Gie Ann Jean Arena

    love

    22/10/2025

      0
  • avatar
    MATURANEUHNIES JEAN V.

    I like it

    17/04/2025

      0
  • avatar
    VillaverdeLoreign

    th is story is pretty

    28/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata