logo text

Chapter XLV | Matthew's POV

Matthews Point of View
--Flashback--
"Arthur salamat at nandito ka, wala na talaga akong ibang matakbuhan eh." Sabi ni Matthew.
Si Arthur lang ang tanging natakbuhan ni Matthew noong mga panahon na nilalaban niya ang hustisya ng lola niya. Alam naman niyang hindi siya matutulungan nina Ethan at iba pa nilang mga kaibigan dahil binayaran ni Esteban Marquez ang mga magulang nila.
"Walang anuman, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din." Naka-ngiting sabi ni Arthur sabay pabirong sinuntok ang braso ni Matthew.
Natapos ang hearing at natalo ang pinaglalaban ni Matthew. Nawala ang hustisya na gusto niyang ilaban para sa lola niya.
Napalingon siya sa pwesto kung saan nakaupo si Arthur kanina lang pero wala na ito dun. Inikot niya ang tingin niya sa paligid at doon nakita niya si Arthur na nakaupo sa prosecutors guest nagkasalubong ang tingin nila at kaagad na nag-iwas ng tingin si Arthur.
"Anong ibig sabihin nito Arthur?!" Sigaw ni Matthew kay Arthur ng makalabas na sila ng hearing room.
Nakahawak ng madiin si Matthew sa braso ni Arthur habang si Arthur naman ay walang gana lang siyang tinititigan.
"Hindi mo parin ba maintindihan? Tangina inuto lang kita." Tumatawang sabi ni Arthur.
Nanghina si Matthew sa narinig pero nagawa niya paring itanong kung bakit.
"Bakit mo ginawa to sakin? Pinagkatiwalaan kita." Seryosong tanong ni Matthew.
"Bakit? Sa tingin mo ba tutulungan kita na bigyan ng hustisya ang Lola mo kung ang Lolo naman ni Amanda ang makukulong? Hindi mo inisip ang mararamdaman ni Amanda, Matthew. Pero ako naisip ko siya." Arthur said.
"Hindi. Alam kong maiintindihan ako ni Amanda, alam kong magagalit din sya sa lolo niya kapag nalaman niya ang mga ginawa nito." Sabi ni Matthew.
"Nagpapatawa ka ba? Sino ka ba sa akala mo? Amanda risk everything para sayo oo pero hindi ibigsabihin non na kaya nyang ipakulong ang lolo niya para sayo. Amanda love Lolo Esteban very much at sa tingin mo matutuwa si Amanda kapag nalaman niya na ikaw mismo ang sisira sa buhay ng lolo niya? Mag-isip ka nga putangina! Mamili ka ang lola mo na namatay na o si Amanda na hinahantay ka na ngayon?" Seryosong tanong sa kanya ni Arthur.
Pero imbes na sumagot ito ay inamba na kaagad siya ni Matthew ng suntok. Napaupo si Arthur sa sahig, kinwelyuhan sya ni Matthew at galit na galit ang pagtitig nito sa kaniya.
"Bibigyan ko ng hustisya ang Lola ko pero hindi ko kakalimutan si Amanda. Babalikan ko siya kahit anong mangyari." Galit na galit na sigaw ni Matthew kay Arthur bago siya nito talikuran.
Papunta na ngayon si Matthew sa airport papuntang Canada. Itutuloy niya ang pag-aaral niya doon at hihingi sya ng tulong sa tiya niya para mabigyan ng hustisya si Lola Carmela.
Pero bago pa man siya tuluyang makapasok ng airport ay may narinig na siyang isang napaka-pamilyar na boses.
"Matthew!!" Tawag ni Amanda sa pangalan niya.
Kaagad siyang lumingon sa dalaga. Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Gustong gusto niya na itong yakapin pero hindi pwede, kailangan niyang gawin ang plano niya. Kailangan niyang tiisin si Amanda ngayon para sa mas ikabubuti.
Na-estatwa si Matthew sa kinatatayuan niya ng bigla siyang yakapin ng dalaga.
"Saan ka ba nanggaling? Inantay kita pero hindi ka na bumalik." Humahagul-gul na sabi nito.
Gusto niya ding maiyak, gusto niyang yakapin ito at ilabas lahat ng sakit at mga problema niya nung mga panahon na umalis siya pero kailangan niyang tiisin.
Kailangan niyang magpaka-tatag.
"Anong ginagawa mo dito? " Walang emosyong tanong nya sa dalaga. Pero sa isip niya ay gusto na lamang niyang maiyak sa balikat nito.
Napapagod nadin siyang ilaban ang relasyon na meron sila pero kailanman hindi siya susuko.
"Matthew ano bang sinasabi mo? Ayaw mo na ba akong makita? Nandito na'ko magsasama na tayo ulit." Nakangiting sabi ng dalaga habang pinupunasan ang mga luha niya.
Gustong gusto na ni Matthew na makasama siya ulit, gustong gusto na ni Matthew bumalik sa mga panahon na masaya sila pero talagang kailangan nilang harapin ang mga problema para matapos na ang lahat.
"Paano mo nagagawang sabihin nyan pagkatapos ng lahat ng ginawa ng pamilya mo sa Lola ko. Ang kapal ng mukha mong magpakita sakin. Demonyo ang Lolo mo Amanda. At sa tuwing maiisip kita parang bumabalik lang sakin lahat ng sakit." Naluluhang sabi ni Matthew. Nagagalit at naluluha siya dahil hindi niya gustong sabihin ang mga salitang iyon kay Amanda kung hindi lang dahil kay Arthur na siyang may pakana nito ay magiging maayos lang sana ang pag-alis niya at hindi na siya mapipilitan pang magsalita ng mga bagay na ikasasakit ni Amanda.
"Matthew.. " Tawag ni Amanda sa pangalan niya sabay niyakap syang muli.
"Bitawan mo nga ako." Sabi niya sabay alis ng kamay ni Amanda na nakapulupot sa kanya. Hindi niya napansin na napalakas ito kaya napa-upo si Amanda sa sahig.
"Matthew!!" Rinig niyang sigaw ni Ethan.
Itatayo niya na sana si Amanda pero mabuti nalang at nandoon sina Amara and Mika para tulungan ang kaibigan nila.
Amanda kneel and started to cry out loud. Napatakip si Matthew sa mukha niya out of frustration. Napamura nadin siya sa isip niya.
'Tangina, hindi moko kailangang mahalin ng ganito Amanda.' Sa isip-isip ni Matthew.
Inawat na si Amanda ng mga kaibigan niya pero hindi parin siya nagpatinag.
"I'm sorry... Pakiusap patawarin mo na'ko. Patawarin mo nadin ang Lolo ko, kung ano man ang nagawa niya kay Lola Carmela. Matthew please don't leave me. I'm so in love with you and it's killing me." Humahagul-gul na sabi ng dalaga habang nakaluhod at humaha-gulgul.
'I love you too. So much to the point na kailangan kitang iwan para maayos ko ang wasak na ako at makabalik ako ng buong-buo sayo. I'm sorry but i have to do this. Pangako babalik ako'
"I'm sorry i can't forgive you. Hindi mabubuhay ng sorry mo ang Lola ko. So please stop." Walang emosyong sabi ko bago ko siya tuluyang talikuran.
"What do you mean? I don't understand." Nagtatakang tanong niya.
'Hindi pa pala niya alam. Shit sinaktan ko siya ng ganon pero wala pala siyang alam.'
"Kung alam mo lang ang lahat, wala kang lakas na humarap sakin ng ganyan. Kaya please kalimutan mo na'ko" Walang emosyong sabi ni Matthew.
Tinitigan niya muna ng matalim si Arthur bago siya tuluyang naglakad palayo kay Amanda. At ang mga luha na kanina niya pang pinipigilan ay nagsimula nang pumatak.
'Pangako babalikan kita kapag nabigyan ko na ng hustisya si lola. Kapag kaya na kitang buhayin ng buong-buo at kapag kaya ko ng ibigay ang lahat ng mga gusto at kailangan mo. Pangako babalik ako.'
Pagkadating ko sa Canada ay kaagad akong niyakap ng aking tiya kasabay ng pagbuhos ng luha naming dalawa.
"Bibigyan natin ng hustisya si Nanay." Lumuluhang sabi niya.

Komento sa Aklat (95)

  • avatar
    j******5@gmail.com

    Love the novel! Highly recommended ....

    21/05/2022

      0
  • avatar
    SalvadorJeschrel

    good

    28/10/2024

      0
  • avatar
    Shamy

    like your story but not really

    25/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata