logo text

Chapter XXX | Private but not secret

"Isabella apo, kakain na ng almusal." Rinig kong tawag sakin ni Lolo Matthew mula sa labas ng pintuan.
"Susunod na po." Sigaw ko.
Tinali ko ng pony tail ang buhok ko and i also changed my pajamas into something casual. I'm wearing a plain white t-shirt and a grey sweat pants.
Pagkalabas ko ng kwarto ay agad na sumalubong sakin ang amoy ng butter at garlic na mukang galing sa sinangag.
"Good morning!" I shout enthusiastically sabay talon papunta sa kusina.
Agad na napatalon si lolo dahil sa gulat.
"Sus maryosep, ginulat mo ako apo." Natatawang sabi ni lolo.
Agad din naman syang tinawanan ni Lola na kakalabas lang mula sa kusina, kasama nya din si Belle na may bitbit na isang plato na may lamang itlog, bacon at sausages.
"Mahal, hindi ka na talaga nagbago. Magugulatin ka parin." Natatawang sabi pa ni lola.
Tumawa lang din naman si lolo. We started are breakfast already. Nagmadali pa ako dahil, excited na ako sa kwento ni lola.
Kasalukuyan kaming nasa kubo ngayon. Nagbabasa ng libro si lola, habang ako ay nagbabasa ng mga mails ko sa laptop.
"Lola ano na po ang mga sumunod na nangyari sa inyo ni lolo?" I asked.
Kanina ko pa kinukulit si lola pero ngumingiti lang sya sakin. I can't help not to ask sobrang curious na talaga ako.
What happened to Lolo Esteban?
What happened to Lolo Arthur?
What happened kanila Lola Amara and Lolo Ethan?
Ilan lang yan sa mga katanungan sa isip ko na kailangan ng kasagutan.
"You really want to know our story iha?" Naka-ngiting tanong ni Lola.
Binaba nya din sa lamesa ang suot nyang eye glass at isinara nya din muna ang binabasa nyang libro.
"Yes lola, I'm curious." I said.
" 1 week has easily passed. Masaya kami ng Lolo Matthew mo together, pero hindi pa alam ng marami ang tungkol sa relasyon namin. Because we decided not to show it off. We want it private but not secret." Lola said with a smile.
Pero ang hindi ko maunawaan ay ang pait sa mga ngiti nya.
𝐘𝐞𝐚𝐫 𝟏𝟗𝟕𝟕
- 𝐀𝐦𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐪𝐮𝐞𝐳 -
"Amanda, we're here." Malambing na sabi ni Matthew habang malumanay na hinahaplos ang aking pisngi.
Iminulat ko ang aking mata at bumungad sakin ang napaka-gandang mukha ng isang anghel.
Inikot ko ang dalawa kong braso sa batok nya.
" Eres tan guapo." Naka-ngiting sabi ko.
(Eres tan guapo - You're so handsome)
"Gracias mi amor." Naka-ngiting sabi nya, bago nya ipinagdikit ang ilong namin.
(Gracias mi amor - Thank you my love)
"I love so much." Sabi niya.
Nakapikit ang aming mga mata habang magkadikit ang aming ilong. I can smell his breath and it's giving me butterflies on my stomach.
"I love you more." I said before i touch his lips with mine.
We kiss passionately not so boring and not so hot. Just passionate.
"Where are we? " Manghang-manghang tanong ko habang humahakbang pababa ng sasakyan.
Nag uunat unat pako habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong sakin ni Matt habang inaalalayan akong maglakad na parang isa akong porselanang pinaka iingatan nya.
Ngumiti ako sabay hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
"Nung madaanan ko ang lugar na ito ikaw agad ang naalala ko. Alam ko kasing mahilig ka sa ganitong lugar. " Sabi nya sakin habang yakap yakap ako from the back. Naka-patong ang ulo nya sa balikat ko.
" I loved it." Naka-ngiting sabi ko habang deretsong nakatingin sa napakagandang scenery na ito.
Isa itong garden landscape kung saan mayroong isang malaking tree house sa pinaka-gitna nito. Mataas din ang lugar kaya kita mula dito sa taas ang buong city sa lugar namin.
"Mahal help me. Ayusin na natin ang picnic set, para pagdating nila. Okay na lahat." He said with a smile.
"May iba pa bang dadating?" Tanong ko.
"You'll see. " Naka-ngiti pading sabi nya. He grabbed my hand bago sya tumakbo papunta sa tree house. Kaya naman pati ako ay napatakbo nadin.
Umakyat kami ni Matthew sa tree house. At talagang makapigil hinga ang view mula dito. Idagdag pa ang sariwang hangin na sobrang nagpapagaan ng pakiramdam ko.
Sinimulan namin ang pag-aayos ng mga sapin sa damuhan para sa gaganaping picnic, inayos nadin namin ang mga pagkain na nakalagay pa sa mga bilao. Mayroong pancit, spaghetti, puto, sapin-sapin at mga soft drinks.
"Are you ready mi amor?" Matthew asked.
Hinalikan nya muna ang tuktuk ng ulo ko, bago nya ako tinabihan sa lapag kung saan nakahanda ang picnic set.
"Yes i think i'm ready na." Naka-ngiting sagot ko.
We decided na aminin na sa nga kaibigan namin ang relasyon na meron kami. Para wala ng tinatago at ang hirap din kung patuloy kong papa-asahin si Arthur. I think our decision is for the best.
I can't see Arthur as my man siguro friends lang talaga kami. But for Matthew, i can see my whole life living with him.
"Wow what's with the pa-picnic?" Tanong ni Mika.
Kakababa pa lamang nila ng van at may mga bitbit din silang mga bilao ng pagkain.
"What took you so long? Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom." Natatawang bungad ko sa kanila.
"May aksidente kasi sa edsa, nakaka init nga ng ulo. Trafic na nga may aksidente pa. Sa susunod talaga bibili nako ng helicopter eh." Mayabang na sabi naman ni Lorenz.
"Ang lakas pala ng HANGIN dito noh?" Sarcastic na tanong ni Mika na halatang pinatatamaan si Lorenz.
Napatawa nalang naman ako sa kanilang dalawa dahil, wala pading pagbabago puro parin sila asaran.
"OMG Matthew where have you been ba? Hinahanap ka namin kanina sa school. Wala tuloy kaming nagayahan sa quiz sa Science."Look who's here.
Amara Dizon in the house~
" Sorry may pinuntahan lang kami ni Amanda." Sabi ni Matthew at napa-kamot nalang sa kanyang batok.
"Tigilan mo na nga ang pango-ngopya nyo. I know you're all smart. Why not use your brains?" Sermon ko sa kanila.
"Ako ginagamit ko utak ko, ewan ko lang sa mga yan." Natatawang sabi ni Mika sabay kagat sa hawak nyang shanghai.
"HAHA ngayon ko lang nalaman na i have my mom here pala." Sarcastic naman na sabi ni Amara.
Agad lang din naman kaming nagtawanan.
"Where's Ethan, Amara?" Tanong ko kay Amara.
"I don't know. Baka nilamon na ng lupa" Amara said habang busy sa pagsasandok sa carbonara.
I just shrugged my shoulder. What's with Amaras mood right now? Menopause na ba sya?
"What happened? Nag-away ba kayo?" Pabulong na tanong ko kay Amara.
"Hindi kami nag-away." Walang ganang sabi nya.
"Then why are you acting like this?" I asked again.
"Ako ang umaway sa kanya." Wala muling ganang sagot nya.
"Hindi nako magtataka. Nasaan sya ngayon?" Pangunglit ko pa.
"I don't know Amanda, please. I need time to think. We're breaking up." She suddenly said.
Napalakas pa ang pagsasabi nya, kaya narinig naming lahat. Dumating nadin sina Karlo at Christian na mga kaibigan ni Arthur na naging kaibigan nadin namin. Samantala si Arthur naman ay susunod daw.
"I think this is not the right time, para mag confess tayo." Biglang bulong sakin ni Matthew.
I shrugged my shoulders. Saakin naman ay walang problema, kung malaman nila o hindi. Ang importante ay masaya kaming nagsasama.
Relationship is better when you both have a privacy lalo na at isa akong artist. Siguradong hindi mag aatubili ang mga media na pakialaman ang buhay ko.
Pero kung malaman man nila, then it's fine. At kung hindi naman it's fine den. We keep our relationship private not secret.
To be continued...

Komento sa Aklat (95)

  • avatar
    j******5@gmail.com

    Love the novel! Highly recommended ....

    21/05/2022

      0
  • avatar
    SalvadorJeschrel

    good

    28/10/2024

      0
  • avatar
    Shamy

    like your story but not really

    25/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata