logo text

Chapter XXI | Arthur as a suitor

Papunta kami ngayon ni Arthur sa room ko, nag presinta kasi syang ihatid ako, halos nga lahat ng makakasalubong namin ay kilig na kilig habang si Arthur naman hindi mapawi ang ngiti.
"Galingan mo sa pag-aaral. " Naka-ngiting sabi ni Arthur habang bahagyang ginugulo ang buhok ko.
Napangiti nalang din ako, madalas nya ding gawin sakin ito dati.
"Thank you." Naka-ngiting sabi ko.
Nagsimula na syang maglakad pero, hindi pa sya nakakalayo ng humarap muli sya sakin sabay ngiti.
"See you around." Naka-ngiting sabi nyang habang kumakaway sakin.
Naka-ngiting kumaway na lamang din ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa room. Pagkapasok na pagkapasok ko ay sumalubong kaa
Pumasok nako sa room at pagpasok na pagpasok ko. Nakatingin sakin si Mika at Amara at Ethan ng nakakaloko. Si Matthew naman bust sa pagsusulat.
"What?" Natatawang tanong ko sa kanila, sabay upo na sa armchair ko.
Hindi nila ako pinansin sa halip ay biglang pinokpok ni Amara ng bottled water si Ethan.
"Akin na fifty ko! Sabi ko sa inyo magliligawan na yang dalawa eh! " Bulyaw pa nito.
Naglabas naman sina Ethan at Mika ng fifty habang masama ang loob. Teka pinag-pupustahan bako ng mga ito?
"At sinong may sabi sa inyong pag-pustahan nyo ko?!" Mataray na sigaw ko sabay agaw sa kanila ng hawak nilang fifty pesos.
"Hoy Dada! Wag ka makisali ahh.. Akin na yan! " Sabi ni Amara sabay agaw ulit sakin nung dalawang fifty at ibinulsa na, pangiti-ngiti pa sya sabay binelatan ako.
Sinamaan ko nalang sya ng tingin sabay lingon na sa katabi ko na busy sa pagsusulat.
Naka-salungbaba lang ako habang pinagmamasdan sya, ang cute nya talaga. Sabi ko sa utak ko at hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.
Saktong tumatama ang araw sa maputing balat ni Matthew dahilan para magmukha syang nag nining-ning, para pa nga syang isang dyamante dahil sa puti at ning-ning nya.
Napatakip ako bigla sa aking bibig ng maalala ko ang isa sa mga nabasa kong libro dati.
"OMG Matthew!" Sigaw ko sa kanya habang nakatakip padin ako sa bibig ko.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong nya.
Mas lalong nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pagka manly ng boses nya na tila may pagka hasky pa.
"Isa kang vampire?" Pabulong na tanong ko sa kanya habang pinipilit ang ngiti.
Napakunot ako ng noo ng makita ko ang bahagya nyang pagtawa.
"Oo isa akong bampira at ikaw ang biktima ko." Naka-ngiting sabi nya sabay kindat, na dahilan para halos mahulog ako sa kinauupuan ko.
I hate you cupid bakit moko pinana?!! T_T
Ng magtama ang paningin namin ay ako na ang nag-iwas ng tingin to surrender. I can't, hindi ko kaya ang kapogian ng nilalang na ito.
"Exchange Notebooks! Now! " Sigaw ni Sir Makabayan, pagkalapag na pagkapalag nya ng papeles nya sa teachers desk.
"Amanda may assignment ka? " Bulong sakin ni Amara.
"Wala nga eh. " Bulong ko din naman.
Nagulat ako ng kinuha ni Matthew yung notebook ko at ipinalit yung kanya.
"Exchange notebooks daw. " Naka-ngiting sabi nya.
Iniwas ko na ang tingin ko bago pa tumulo ang laway ko sa ka-gwapuhan ng lalaki na ito.
"No.1 letter A!" Sigaw ni Sir.
"May galit, may galit?" Tanong ko kay sir na mas lalong ikina kunot ng noo nya, pero hindi nya nalang ako pinansin.
Nilagyan ko ng check ang sagot ni Matt sa number 1, dahil tama. Habang yung akin naman nilagyan nya ng sagot.
Sya talaga ang aking knight in shining armor.
"Ang daya!! " Sigaw ni Amara na parang batang naagawan ng laruan.
Nakuha nya ang atensyon ng lahat pati na si Sir.
"Ms. Suarez!!" Saway ni sir, ng labas ugat.
Tinitigan lang naman sya ni Amara.
"What?" Walang emosyong tanong ni Amara kay sir.
Ilang segundo din silang nagtitigan ng masama pero sa huli si Sir parin ang talo.
Nabigla ako ng may biglang lumipad na notebook sa mismong gilid ni sir. Tumama yun sa chalk board, sabay bagsak sa sahig.
Sinundan ko kung saan nanggaling ang notebook.. Kay Mika.
Teka? Si Mika ba talaga yan?
"Can't you just teach?!" Bulyaw ni Mika, sabay balik ng tingin sa notebook nya.
Huminga nalang ng malalim si Sir bago magsimula uling magturo.
"Amara ikaw lang pala ma ze-zero eh." Pang-aasar ko kay Amara na nakatulala lang sa kawalan.
Huminga lang sya ng malalim at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Hindi ko nalang pinansin at nag-focus nalang sa pagche-check ng notebook ni Matthew.
Narinig ko na may binulong si Amara kaya napatingin ako sa kanya. Ngiting ngiti na ngayon ang mukha nya habang nakayuko sa notebook na nasa arm chair nya. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Ethan na naka-ngiti din habang nakatingin kay Amara.
"Sa susunod mas piliin mong paglaanan ng oras ang pag-aaral kesa sa walang kwentang tao. " Seryosong sabi ni Matthew pagkaabot nya sakin ng notebook ko.
Sinong walang kwenta?
"Matt--" Tatanungin ko sana sya tungkol sa sinabi nya kaso nakalayo na pala sya. Magkausap sila ni Ethan habang papalabas ng room.
Parang kanina lang pangiti-ngiti lang sya ahh.. Bakit ngayon parang may galit sya?
Nasa park kami...
"Anong score mo Amanda?" Tanong sakin ni Amara, habang iniikot ang tinidor nya sa spaghetti na nasa plato nya.
"Syempre, perfect." Sabi ko sabay higop sa soup na kinakain ko.
Naka-upo kami ngayon sa cemented na lamesa at upuan sa park sa loob padin ng MHU.
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan biglang tumugtug ng malakas sa loob ng canteen ang kantang Hero by Enrique Iglesias, kasabay nito ang tilian ng mga tao sa paligid na animoy mga kinikilig.
Dahan-dahan kong iniikot ang aking mata sa paligid ng park, hanggang sa bigla nalang nagsitabihan ang mga tao sa harap ko. Gumilid silang lahat at ang nasa gitna ay si...
"Arthur?" Pabulong na tanong ko kasabay ng pagsalubong nya sa mga mata ko.
Nakatingin sya ng malalim sa mga mata ko habang seryoso padin syang kumakanta. Hawak ng dalawa nyang kamay ang mic na nakalagay sa isang stand. Nasa kaliwa nya si Bricks na nag-gigitara at sa kanan naman si Lorenz na naka-upo sa harap ng drum set. Sa likod naman nya ay may nag papatugtug ng piano.
At sa huling linya sinigurado nyang para saakin lang yun, gamit ang daliri nya ay tinuro nya ako sabay bigkas ng mga salitang...
"I can be your hero~" Malumanay na pagkanta nya na may halong pagkapaos, at sa pinaka huli lumitaw ang ngiti nya.
Napangiti nalang din ako at hindi napigilan ang sarili kong hindi mapapalakpak. Dahil ang gagaling nila.
Napuno nadin ng ingay ang canteen dahil sa mga palakpakan, tilian at mga sipol.
May inabot si Arthur sa isang mini table sa tabi nya na isang bouquet of sunflower. Parang tumigil ang paligid ng mabaling sakin ang tingin ni Arthur. Dahan-dahan syang naglakad papalapit sakin habang nakatitig padin sa mga mata ko.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na tila ba isang ritmo ng musika.
Maya-maya pa ay nagpatugtug ang piano ng malumanay na kanta.
Inabot nya sakin ang isang kumpol ng bulaklak. Hindi padin nawawala ang ngiti sa mga mukha nya kagaya nalang din ng akin.
Hindi dahil sa kinikilig ako.. Kundi dahil masaya ako.
"Can we?" Tanong nya sa pinaka malumanay na boses, sabay yuko nya na parang isang prinsipe.
Nilapag ko muna sa lamesa ang ibinigay nya saking bulaklak sabay kuha sa kamay nya na nasa harap ko, hinawakan nya ito at hinalikan. Tumayo ako at humawak sa balikat nya, hinawakan nya naman ang bewang ko at nagsimula na nga kaming magsayaw ng dahan-dahan habang nakikisabay sa malumanay na musika.
Tumagal ng ilang minuto ang aming pagsasayaw hanggang sa tumigil na ng tuluyan ang tugtug. Tumayo na ako ng maayos habang nakatingin padin sa kanya.
Kasunod nito ay ang pag-abot kay Arthur ng microphone.
"Amanda Marquez." Naka-ngiting banggit nya sa pangalan ko habang nakatapat sa mic ang bibig nya.
Nagtawanan naman ang mga tao dahil halata ang kaba sa loob nya.
"Gusto ko lamang sabihin sa napaka-gandang babae na ito sa harapan ko na handa akong maghintay. At para ipaalam sa kanya na nandito lang ako lagi para sakanya. Dahil mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal kita Amanda. Kahit na madami tayong hindi napagkasunduan, kahit na may mga bagay tayo na napag aawayan, kahit na minsan ay muntik mo na kong mapatay. Walang magbabago sa nararamdaman ko para sayo. " Kahit nakangiti sya ay may mga namumuo pading luha sa mga mata nya.
Hindi ko alam kung anong dapat na i-react ko pero grabe tumagos sa kalamnan ko ang mga sinabi nya.
Muli ay pinatugtug ang kantang (Hero-Enrique Iglesias).
Walang pag-aalangan ko nalang syang niyakap. Dahil nakaramdam ulit ako ng saya at ng dahil muli sa kanya.
"Thank you. " Bulong ko sa kanya sa pagitan ng aming mga yakap.
Nandito kami ngayon sa E-room ng GG kami lang mga girls  nandito. Hindi kasi sumama sina matthew at Ethan may gagawin padaw sila.
"Ayyiiee, ang romantic naman ni Arthur!" Tili ni Amara, habang nakahiga sa kama.
"Tigilan nyo na nga. " Sabi ko naman.
Mas kinikilig pa kasi itong dalawa kesa sakin. Mas nauna pang mangisay kesa sakin mas nauna pang magtatalon kesa sakin. Tsshh.
"Aminin mo kinilig ka kanina?" Tanong sakin ni Mika habang tinutusok yung tagiliran ko at ngiting ngiti.
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko para pigilan ang pag-ngiti ko.
"Stop it.. Mika!" Sigaw ko pero imbes na tumigil sila ay mas lalo silang nagtawanan.
Tumagal ng ilang minuto yung tawanan nila hanggang sa tanungin ako ni Amara.
"Paano na si matt-matt?" Tanong ni Amara habang naka pout pa.
Napatingin naman ako sa kanila, wala na ang kaninang ngiti nila kaya sumeryoso nadin ako.
"Oo nga. " Pag-sangayon naman ni Mika.
Napatakip ako sa bibig ko ng maalala ang araw na umamin sakin si Matt sa nararamdaman nya noong nasa rooftop kami. Nawala sa isip ko iyon kanina kaya hindi ko nadin naisip ang mararamdaman nya.
"Hindi mo ba napansin kanina?" Tanong pa ni Mika.
"Anong napansin?" Nagtatakang tanong ko.
"Kanina kaya habang kinakantahan ka ni Arthur grabe yung tingin ni Matthew.. As in parang kakainin nya na kayo ng buhay. Nakakatakot nga eh first time ko syang makita ng ganon kaseryoso. " Mahabang litanya ni Amara.
Napahawak naman ako sa baba ko habang nag-iisip.
"Wait eto pa ha, nung nagsasayaw na kayo.. Hindi na napigilan ni Matt at napatayo na sya, sa inis siguro. Grabe nga eh namumuti na yung palad nya dahil sa pagkaka-kuyom ng kamao nya." Sabi naman ni Mika, na parang nalulungkot din.
"Oh god I'm sorry Matthew." Sigaw ko sabay napabalikwas ng tayo sa kinauupuan kong sofa.
"May feelings narin sayo si matthew, manhid ka lang. " Sabay na sabi nila dahilan para malaglag ako sa kinauupuan ko.
I know... Alam kong may nararamdaman sya sakin dahil umamin sya and alam ko din na nasaktan ko ang nararamdaman nya.
What should i do now?!

Komento sa Aklat (95)

  • avatar
    j******5@gmail.com

    Love the novel! Highly recommended ....

    21/05/2022

      0
  • avatar
    SalvadorJeschrel

    good

    28/10/2024

      0
  • avatar
    Shamy

    like your story but not really

    25/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata