logo text

Chapter XX | Forgiving

"Maraming salamat po sa pag-imbinta at sa mga masasarap na pagkain." Masiglang sabi ni Matthew habang bahagyang nakayuko.
Nasa tapat kami ngayon ng pintuan namin kasama sina Amara, Mika, Ethan, Matthew at lolo. Pasakay na sina Matthew sa sasakyan para ihatid pauwi sa kani-kanilang bahay.
"Walang anuman iho, wag kayong mahihiyang bumisita. Abay welcome na welcome kayo sa aming bahay." Tuwang-tuwang sabi ni lolo na halos hindi na makita ang mata dahil sa pagka-singkit nito.
"Mauna na po kami. Salamat po!" Paalam naman ni Ethan sabay yuko ng bahagya.
Muli ay nagpaalam na si lolo sa kanila bago ito tuluyang pumasok ng bahay para sa trabahong gagawin nya.
"Goodbye! See you at school!" Paalam ko sa kanila habang kumakaway.
Masigla silang kumaway pabalik habang sakay-sakay ng paalis na na van.
"Paalam!" Sigaw nila, bago tuluyang umandar palayo ang sinasakyan nilang van.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa aming classroom, nakasunod sila Ethan at Matthew sakin ngayon.
Taas noo at tila isa akong model na naglalakad sa corridor sa school habang si Matthew at ethan naman ay halos mauntog na sa makakasalubong nila dahil sa sobrang yuko.
"Good morning Miss Amanda!" Bati sakin ng tatlong lalaki sa harap ko na alam ko'ng kaibigan nina Arthur.
Napahinto ako sa paglalakad dahil nakaharang silang tatlo sa harap ko, naka cross arms ko silang hinarap habang nakataas ang aking kilay.
"May nagpapabigay po. " Sabi nung isa sabay labas ng white rose, galing sa likod nya.
"At sa tingin mo tatanggapin ko yan?" Mataray na tanong ko. Habang naka-cross arms pa.
Noon pa man alam na nilang hindi ako tumatanggap ng mga ganyang klaseng regalo. Kaya napakamot nalang sila sa batok nila.
" Napag-utusan lang naman po kami. " Sabi nung isa habang nakayuko at halatang hiyang-hiya na.
"Kung ganon, sabihin mo sa nag utos sainyo. Hindi ako natanggap ng isang piraso ang gusto ko bouquet." Sabi ko, sabay tapik sa balikat ng isa sa kanila. Tinaasan ko muna sila ng dalawang kilay habang naka-ngiti bago sila tuluyang talikuran.
Nakaka-isang hakbang pa lamang ako ng may isang magsalita sa kanila.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagustuhan ng boss namin.Wala namang espesyal sayo, ang sama pa ng ugali mo. Mas madaming mas magaganda at mababait kesa sayo." Sabi nung isa dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
Aray ahh.. Inaamin ko natamaan ako dun. Pero teka nga!? Sino ba itong lalaking ito?
Ngumisi ako sabay bumalik ng lakad sa kanila. Nakisabay pa ang malakas na hangin dahilan para matangay ang kulot kong buhok.
Yung dalawa nyang kasama ay nakayuko lang habang sya nakapamewang pa. Hindi nya din naman ako matingnan sa mata, kaya hindi nya alam kung saan sya titingin.
"Lorenz, patay ka. " Sabi nung isa sabay siko sa kanya.
Huminto ako sa harap nya, mga limang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.
Hindi padin nawawala ang ngisi ko. Inayos ko ang kwelyo ng polo shirt nya, at kitang kita ko din ang naging sunod-sunod na paglunok nya.
"Whats your name?" Tanong ko.
"Bakit type mo'ko?" Sabi nya sabay tumingin sakin mula ulo hanggang paa, sabay sipol pa.
Aba bastos to ah..
"Pwede naman---" Di na nya natuloy ang sasabihin nya, dahil binigyan ko na kaagad sya ng high kick sa ulo nya.
Dahilan para matumba sya sa lupa. Agad nyang hinawakan ang ilong nya at ng mapansin nyang dumugo ito, agad nag-init ang mukha nya. Tatayo na sana sya ng bigla ko syang tinadyakan dahilan para mamilipit sya sa sakit.
Pumatong ako sa kanya at pinag susuntok ang mukha nya, hinang-hina na sya at hindi na makagalaw. Sasapakin ko pa ulit sana sya ng may pumugil sa braso ko.
"Amanda!" Sigaw ni Matthew, habang matigas na hawak ang braso ko.
Agad kong hinila ang braso ko sa kanya, at sinamaan sya ng tingin. Tumayo nako at pinag-pagan ang nagusot kong damit.
Huminga ako ng malalim para pakalmahim ang sarili ko.
Tinignan ko ang nabugbug ko, puno ng dugo ang polo nya at lukot na lukot, magulo din ang buhok nya at pulang pula na ang mukha.
Padabog akong naglakad paalis, hindi pa ako nakakalayo ng magsalita ang dalawa pang inutusan ni Arthur.
"Patawarin nyo po kami Miss Amanda. " Sabay sabay na sabi nila. Huminga lang ako ng malalim sabay senyas sa kanila na sumunod.
Nandito kami ngayon sa E room ng GG. Dinala ko dito yung dalawa na kasama nung mayabang na nabugbug ko, nandito din si Matthew, Ethan, Mika at Amara.
Sinabi din nila na si Arthur ang nagpabigay nun na umpisa palang naman ay alam ko na.
"Bago lang sya samin, pinsan sya ni Arthur at talagang may kayabangan yun. " Sabi nung lalaking nag-abot mismo sakin ng white rose. Sinabi nya din na Bricks ang pangalan nya.
"Pinsan??" Curious na tanong ko, sa pagkaka-alam ko kasi lahat ng kamag-anak ni Arthur ay nasa ibang bansa.
"Amanda!" Nagulat kami ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at niluwa nun si Arthur na hingal na hingal.
"Boss!" Tawag ng mga kasamahan nya.
Pero hindi nya ito pinansin sa halip, lumapit ito sakin at nakayukong nagsalita.
"Ako na mismo ang humihingi ng tawad sa ginawa ng pinsan ko. Hayaan mo din na ako na mismo ang magturo ng leksyon sa kanya. "
Nakayuko lang na sabi nya.
Naka-upo ako ngayon sa isang swivel chair habang pinapa-ikot ito.
"Hindi ikaw ang may kasalanan kaya hindi ko matatanggap ang paumanhin mo. " Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.
Wala itong pinagbago. Kung paano nya ako tingnan noon ay ganon padin ang tingin na binibigay nya sakin hanggang ngayon. Malalim na mga tingin na kasukat ng lalim ng pagmamahal nya sakin.
"Amanda please.. Hayaan mong ako ang magturo sa kanya ng leksyon. Ayokong madamay ka pa sa pagiging isip bata ng pinsan ko." Sabi nya sabay iniluhod ang isa nyang tuhod para mapantayan ako.
Sinenyasan ko sina Amara na lumabas muna sila.
"Amanda?" Nag-aalangang tawag ni Arthur sa pangalan ko.
Nandito kami ngayon sa veranda, nakahawak ang magkabila kong kamay sa railings habang nakapikit dinadama ko ang sariwang hangin na dumadapo sa balat ko.
"Ano yon?" Tanong ko habang naka-pikit padin.
"Amanda bumait na ba'ko? " Parang batang tanong nya.
Napadilat naman ako at napatawa ng kaunti.
"Well.. This past few days, hindi mo na pinapasakit ang ulo ko kaya.. Oo bumait ka na. " Natatawang sabi ko habang pinagmamasdan ang ganda ng garden.
"Tanggap mona ba'ko? Ulit? " Seryosong tanong nya sabay tingin sakin.
Sinalubong ko din naman ang tingin nya ng may halong pagtataka.
"What do you mean tanggap?" Tanong ko.
Huminga muna sya ng malalim. Sabay pikit ng madiin nakita ko pa ang paghigpit ng hawak nya sa railings. Pagdilat nya, maliwanag na ang mukha nya.
"Alam mo naman na matagal na kitang gusto kaya naman kakapalan ko na ang mukha ko. Amanda pwede bang manligaw?" Tanong nya sakin.
Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Habang sinasalubong ang mga mata ni Arthur.
He asked me before, pero iba yung pakiramdaman ko ngayon. Sumabay din ang malakas na hangin sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Matthew asked me kung pwede ba syang manligaw and i said yes, unfair naman kung si Matthew hinayaan ko at si Arthur hindi.
Wala na akong ibang ginawa kundi ang saktan ang nararamdaman ng lalaki na ito dahil lang sa isang pagkakamaling ginawa nya.
Sana naman ngayon makabawi ako.
"Oo Arthur.. Pumapayag ako. " Nakangiting sabi ko.
Ngumiti din naman sya sakin sabay akmang yayakapin ako.
Nag-alangan pa sya kaya ako na ang yumakap sa kanya. Na-miss ko din ang kaibigan kong ito.
"Amanda, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya." Tuwang-tuwang sabi nya.
Hinarap ko sya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.
"Hoy naiyak ka ba?!" Tanong ko habang natawa.
Bigla naman syang yumuko sabay singhot.
Confirm naiyak nga sya.
"Hoy! Bat ka naiyak?! HAHHA. " Natawang asar ko sa kanya sabay sinuntok sya sa braso ng pabiro.
Nanatili lang naman syang nakayuko habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha nya.
Hinawakan ko ulit ang magkabila nyang pisngi habang pinupunasan ang mga luha nyang nagpapaunahan sa pag-agos.
"I'm sorry Arthur." Naluluha ding sabi ko.
Ngumiti lamang sya ng mapait sakin.
I'm sorry for making you suffer.
"I now forgive you." I said.
To be continued...

Komento sa Aklat (95)

  • avatar
    j******5@gmail.com

    Love the novel! Highly recommended ....

    21/05/2022

      0
  • avatar
    SalvadorJeschrel

    good

    28/10/2024

      0
  • avatar
    Shamy

    like your story but not really

    25/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata