"You really want to know?" Naiilang na tanong nya. Tumango-tango lang naman ako. Huminga muna sya ng malalim bago magsalita. "First year high school ako that time, ng magsimula akong sirain ang buhay ko. Lumayas ako sa bahay namin at sumali ako sa mga gang and gang fights. Sirang sira ako nung mga oras nayun at tila walang patu-tunguhan ang buhay ko. Hanggang sa isang araw, sinubukan kong kitilin ang sarili kong buhay. Pakiramdam ko ng mga oras nayun, walang nagmamahal at walang nakaka-unawa sakin. Umakyat ako sa roof top same building kung saan tayo nagkita, may dala din akong pocket knife. Walang sino man ang nakaka-alam sa balak kong yun, maliban nalang sa kanya, maliban nalang kay Arthur. Hindi ko din alam kung paano nya nalaman. Mag-isa syang umakyat sa roof top. Nakatayo nako sa railings nun at handa ng tumalon. Ang balak ko nun ay saksakin muna ang sarili ko bago tumalon. Buti nalang at dumating sya. Hindi sya nag-atubiling lumapit sakin, at sa sobrang pagmamatigas ko nasaksak ko pa sya ng kutsilyo sa tagiliran nya. Hindi nya ako hinayaang makita syang nasasaktan kaya pinayakap nya nalang ako sa kanya. Iyak ako ng iyak sa mga balikat nya, naalala ko pa na umuulan nung gabing yun. Doon nagsimula ang lahat, naging malapit kami sa isa't isa. Sobrang saya ko nun, naging malapit din ako kanila Amara at Mika na matagal na pala akong gustong maging kaibigan. Hindi kami mag girlfriend at mag boyfriend ni Arthur pero higit pa kami dun. Nagbago ang buhay ko ng makilala ko sya. Nagkaron ng kahulugan ang mundo ko habang kasama ko sya. Hanggang sa dumating ang araw na---" Napahinto sya sa pagsasalita ng maramdaman nya na may luha ng pumapatak sa mata nya. Mabilis ko itong pinunasan gamit ang daliri ko. "I'm sorry kung pinilit kitang i-kwento." Sabi ko. Nakaka-konsensya i didn't mean to make her cry. It's just that i need answers to my questions. "No it's okay, let's continue this some other time. Sorry kung nakapag drama ako." Sabi nya habang pinipilit na ngumiti. Ngumiti lang din ako, sabay hawak sa kamay nyang nasa ibabaw ng lamesa. -𝐌𝐢𝐤𝐚𝐬 𝐏𝐎𝐕- Kanina pa namin hinahanap si Matthew at inutusan ako ni Amanda na hanapin sya sa first floor ng library. Wala sya sa buong 1st floor kaya napag desisyunan kong akyatin nadin ang second floor. Nakita ko kaagad si Amanda sa gawing kanan ko, kasama na nya si Matthew at masaya silang nag-uusap. Natutuwa ako na makita ulit ang bestfriend ko na ganyan kasaya. Nakita ko na ang worst part nya at ayoko na ulit itong mangyari sa kanya kaya gagawin ko ang lahat maging masaya lang sya. Ten years old palang si Amanda ng iwan sya ng Daddy nya para sumama sa kabit nito sa US isang taon pagkatapos mamatay ng mommy niya. Sinabi sakin ng Daddy ko na kaibiganin si Amanda dahil kailangan nya ng mga kaibigang magmamahal sa kanya. Sa totoo lang bata pa lamang kami ay gusto ko na talagang kaibiganin si Amanda kaso hindi sya palalabas ng bahay nila. Ng tumungtong kami ng second year high school naging ka-close na namin sya ni Amara. Hanggang sa maisipan ni Amanda na gawing gang ang samahan namin. Noong una ay ayaw namin dahil ang akala namin masama ang mga gangs pero ng malaman namin ang dahilan nya na, papatayin sya kapag tumiwalag sya sa dati nyang grupo ng walang magandang dahilan ay hindi na kami nag dalawang isip na buuin ang Gang namin. Dahil sa pagiging palaban at walang kinatatakutan ni Amanda ay marami ang takot sa kanya, kaya naman nakilala kami sa school , at isa pa apo din sya ng may ari ng school namin kaya naman talagang takot ang marami sa kanya. Pero kahit na matapang at palaban nyang si Amanda ay alam nya ang mga limitasyon nya. Minsan pinipili nya ang mali, dahil nga gusto nyang patunayan na mali sya. Pero kapag gusto nya namang maging tama, ay talagang patutunayan nyang tama sya. Bago pa ako mapansin nina Amanda ay tumakbo nako palabas ng library. Ayoko naman kasing maging epal sa moment nila hihi. Pagkabalik ko sa room ay naabutan ko kaagad sina Amara at Ethan na nagtatalo at nagsisigawan. "Bat ka ba kasi tumakbo kanina?" Bulyaw ni Ethan kay Amara habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. "At sino din ba kasing may sabi sayong pwede mokong iwan dun sa abandoned building nayun!" Bulyaw pabalik ni Amara sabay suntok sa dibdib ni Ethan. "Aray! Sorry na! Hindi ko naman alam na takot ka pala sa multo. " Inda ni Ethan. "What a wonderful couple." Natatawang sabi ko sabay upo na sa arm chair ko. "Tulungan moko Mika, please ilayo moko sa babaeng toh" Pagmama-kaawa ni Ethan sabay hila sa braso ko. "Duhh hindi ako super hero." Sabi ko na ikinatawa namin ni Amara. "Mikmik look muntik ng mag crack yung pelvic bone ko. Iniwan ako ni Ethan sa abandoned building sa likod ng school that's why i run then boom natalisod ako because of my stiletto." Maarteng sabi ni Amara hababg tinuturo ang pelvic bone nya. "Fractures of the pelvis are uncommon Amara, and it usually happen during high-speed accidents, such as car or motorcycle crashes or falls from great heights. Pelvic fractures can also occur spontaneously or after minor falls in people with bone-weakening diseases such as osteoporosis." Seryosong sabi ko with mathching hand gestures pa. Natawa naman ako ng mapansin kong napa-nganga lang sina Amara at Ethan sa mga sinabi ko. "Maiintindihan nyo'ko pag nagsimula na kayong mag-aral maige. Kaya manahimik kayong dalawa jan dahil mag-aaral lang muna ako." Natatawang sabi ko sa kanilang dalawa. To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Love the novel! Highly recommended ....
21/05/2022
0good
28/10/2024
0like your story but not really
25/10/2024
0Tingnan Lahat