-𝐌𝐚𝐭𝐭𝐡𝐞𝐰𝐬 𝐏𝐎𝐕- Papunta ako sa faculty room ngayon dahil may iniutos sakin si Sir Makabayan. Dahan-dahan lang akong naglalakad ng marinig ko ang tunog ng bell. Nakakainis, kung hindi lang sana ako hinila ni Ethan para manligaw sa crush nya hindi ako male-late ngayon. Ang kaninang lakad ko ay naging malalaking hakbang hanggang sa naging takbo na. Dahil sa bilis ng pagtakbo ko hindi ko na namalayan na may kasalubong pala ako. Nagka-untugan ang aming ulo at napatalsik ako sa sa sahig. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw sakin. Inayos ko muna ang salamin ko sa mata bago tignan ang naka-bangga ko. Nagulat ako ng makita kung sino ang mga iyon. Ang buong miyembro ng dark chasers. "Ikaw na naman!?" Sigaw ng isa sa kasamahan ni Arthur. Dahan-dahan kong dinala ang tingin ko kay.. Arthur, na ngayon ay nakatingin sakin ng walang emosyon. "Pasensya na. " Sabi ko ng nakayuko. Tumayo na ako at pinapagan ang uniform ko. Maglalakad na sana ako ng tawagin ako ni Arthur. "Gomez! Kailangan nating mag-usap. " Wala pading emosyong, sabi nya. "Pasensya na pwede bang mamaya nalang? May gagawin pa kasi ako." Sabi ko. "Muka ngang nagmamadali ka. Saan ba ang punta mo?" Tanong nito habang naka-kunot ang noo. "Ang lakas namang mag-utos ng Bernardino Makabayan nayun." Angal ni Arthur. Kanina pa angal ng angal si Arthur pero hindi ko sya pinapansin, sya ang nag prisinta na sumama sakin pero sya itong angal ng angal. Magkasama kami ngayon sa faculty room habang hinahanap ang papeles ni Sir Makabayan na iniutos sakin. "Ito na." Sabi ko sabay punas ng pawis na nasa noo ko. "Yan lang yun?!" Bulyaw ni Arthur ng makita ang hawak kong class records. "Oo ito ata." Sabi ko lang. Napakamot naman sa ulo si Arthur. "Ano nga ulit pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya. "Come with me." Walang emosyong sabi nya. Nandito kami ngayon sa kwarto ng Dark Chasers, dalawa lang kami dito sa loob dahil pinalabas nya ang iba nyang kasamahan. Naka-upo kami ngayon sa dining table na pang six seats, habang magkaharap. Inubos nya muna ang isang basong tubig, bago mag salita. "Siguro naman nabalitaan mo na kung anong meron sakin at kay Amanda." Walang emosyong, sabi nya habang nakayuko at nakatitig sa basong nilalaro ng dalawang kamay nya. Tumango naman ako. "Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo. " Sabi nya ng may seryosong mukha. Ngayon nakatitig na sya sakin, na nagbigay ng kakaibang kaba sa katawan ko. Magpapatulong? Sakin? "Ano ba ang--matutulong ko?" Nangi-nginig na tanong ko. "Gusto ko sanang tulungan mo kong mapalapit muli kay Amanda. " Litanya nya, na parang nag-aalangan. Nalunok ko ang laway ko. Sabay ayos ng salamin ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Siguro mas ayos nadin na tulungan ko sya. Dahil imposible namang mangyari na, kami ang magkatuluyan ni Amanda. Dahil kagaya nga ng sinabi ko, isa syang diyamante at ang mga diyamante para rin sa diyamante. Kahit masakit ggawin ko ito dahil alam kung makakabuti din ito kay Amanda at isa pa, pareho naming gusto si Amanda at dapat lang na maging fair kami. "Ano, payag ka ba?" Tanong nya pa. Humugot muna ako ng matinding lakas, bago sabihin ang mga salitang ito. "Sige-- Pumapayag na ako. Pakiusap wag mo lang syang sasaktan. " Naka-yukong sabi ko. Nagulat ako ng bigla nya akong akbayan. "Maraming salamat Gomez, hindi mo alam kung gano mo'ko napasaya. " Sabi nya sabay suntok ng pabiro sa balikat ko. Naka-yuko akong tumango. Sabay ayos ng salamin sa mata ko. Sana tama ang maging desisyon ko. Pagkatapos ng napag usapan namin kanina ni Arthur ay dumiretso nako sa library. Tutal late narin naman ako. Pero imbes na mag aral ay nandito ako naka-tulala. Iniisip kung tama ba ang naging desisyon ko kanina lang. Inaamin ko na sa maikling panahon na nakasama ko si Amanda ay talagang napalapit nako sa kanya, at napamahal nadin. Well sino bang hindi? Napakaganda nya at kahit na minsan ay maangas ang dating nya may mabuti parin syang puso. "Huy Matthew. " Tawag sakin sabay tusok sa pisngi ko. Napatingin ako sa kanya at napaiwas ako ng makita ko si Amanda na sobrang lapit ng mukha saakin. "Gulat na gulat ka ah?" Sabi nya sabay kuha sa libro na binabasa ko, este tinitignan. Dahil kahit anong gawin ko walang pumapasok sa isip ko. "Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko. "Nasa Libra tayo diba? Malamang magbabasa." Puno ng sarkastikong sabi nya, habang nakatingin sa librong hawak nya. "Ngayon lang yata ako nakakita ng gangster na library ang tambayan. " Tanong ko, na ngayon ay natatawa nam "Excuse me mister--- Para ipaalam ko sayo palagi akong nandito sa library para manghiram ng libro, pero hindi ako dito madalas tumambay." Paliwang nya. "Wala namang nagtatanong. " Nang-aasar na sabi sabi ko sabay hawi sa buhok nyang nakatakip sa kanyang mata. Inilagay ko ito sa likod ng kanyang tenga. Napaiwas ako bigla ng tingin ng makita ko syang namumula habang nakatingin sakin. Naramdaman ko padin ang titig nya, hindi ko na kaya pang pigilan ang hiya na nararamdaman ko, kaya tumayo na ako. "Ano palang ginagawa mo dito? Nag cut ka na naman ng class?" Tanong ko, sabay sauli ng librong hawak ko sa book shelves. "Let's say yes. Nag cut ako ng class dahil ang boring." Sabi nya. Natawa naman ako ng kaunti habang nakaharap parin sa shelves. "Lagi mo namang ginagawa yan kaya sanay nako." Sabi ko, ngayon ay nakaharap na sa kanya. "Can i ask you something?" Tanong ko sabay upo sa kaharap nyang upuan. "Sure thing." Masigla namang sabi nya. "Anong meron sa inyo ni Arthur?" Tanong ko. Ramdam ko na hindi nya ito gustong pag-usapan, pero wala akong magagawa. Kailangan kong malaman para alam ko din kung saan ako lulugar. To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Love the novel! Highly recommended ....
21/05/2022
0good
28/10/2024
0like your story but not really
25/10/2024
0Tingnan Lahat