"About that, parang kilala ko na kung sino sya." Seryosong sabi ni Mika habang nilalaro ang daliri nya. "Who the hell is MG?" Tanong ko. "Amanda MG stands for Matthew Gomez. Obvious na obvious naman." Sagot ni Amanda na ikinatawa ko lang. "No.. That's impossible." Natatawang sabi ko. "Hindi imposible Amanda." Sabi naman ni Mika. "Hindi nya gagawin ang pag-iiwan ng bulaklak para sakin every single day. With a heart warming messages pa." Sabi ko. Tinawanan ko lang silang dalawa bago ako naglakad palabas ng gg room. Imposibleng si Matthew yun dahil----dahil... Bakit nga ba imposible? "Out!" Sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng girls cubicle. Mabilis naman nagsilabasan ang mga babae sa loob habang mga nakayuko pa. "Stop this nonsense Amanda Marquez. Hindi ka kailangan maapektuhan ng Matthew Gomez nayan." Sermon ko sa sarili ko mula sa repleksyon sa salamin. Sinuklay ko muna ang buhok ko tsaka nag spray ng pabango bago tuluyang lumabas mula sa girls cubicle. Agad akong pumunta sa library namin para hanapin si Matthew, at hindi nga ako nagkamali. Nandoon nga sya. Nakaupo sya sa upuan habang seryosong binabasa ang book na pinamagatan na The Alchemist. Palakad na sana ako para sugudin sya pero napahinto ako ng may batang babae ang lumapit sa kanya, sabay tusok nito sa pisngi nya. "Kuya, kuya pwede ko ba mahiram ang libro nayan?" Tanong ng batang babae sa kanya habang nakanguso at patuloy na tinutusok ang pisngi nya. Ngumiti si Matthee sabay harap sa batang babae. "Gusto mo bang basahin ang libro na ito?" Tanong nya sa bata habang nakangiti, nakayuko sya ng bahagya dahil maliit ang bata. "Opo gusto kong basahin yan. Dahil gusto kong malaman kung paano ko matutupad ang pangarap ko." Sabi pa ng bata. "Ano bang pangarap ang gusto mong matupad?" Tanong ni Matthew. "Gusto ko pong maging Astronaut." Masiglang sabi ng bata na mas lalong ikina-ngiti ni Matthew. "Maganda yan. Naway matupad mo ang iyong pangarap." Nakangiti sabi ni Matthew habang ginugulo ng bahagya ang buhok ng bata. "Salamat po." Sabi ng bata bago sya tumakbo palayo habang yakap yakap ang libro na kinuha nya kay Matthew. Bigla na naman akong nakaramdam ng pamilyar na kaba ng magkasalubong ang tingin naming dalawa. "Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nito with his signature na ngiti. "Nope, ngayon-ngayon lang." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Tumango lang naman sya sabay balik ng kanyang tingin sa bagong libro na kanyang binabasa. "Who's MG?" Seryosong tanong ko na ikinabigla nya. Pansin na pansin ko ang unti-unting pagkamula ng tenga nya pati nadin ang sunod-sunod nyang paglunok. "I don't know. Sino ba ang sinasabi mo?" Tanong nya sabay ayos nya sa salamin nya. Tinitigan ko maige ang mata nya na parang hinuhuli kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi. "I know it's you. Sinasabi ko sayo stop playing with me Matthew, kung ayaw mong magsisi sa huli. " Seryosong sabi ko sabay lakad na paalis. How dare him. I thought kaya ko syang maging kaibigan but i was wrong. Talagang sinusubukan nya ko kung mahuhulog ako sa bitag nya. Pagkadating ko sa room ay sakto din ang pag tunog ng bell. Walang emosyon akong umupo sa upuan ko habang sina Amara at Mika ay inaantay akong magsalita. Natapos ang klase namin ng hindi ko napapansin ang bilis ng oras. Hindi din unattend si Matthew sa first class, at wala akong pakialam. "Miss Amanda, nakita nyo po ba si Matthew?" Tanong sakin ni---- teka nga sino nga ba ito. "What's your name again?" Tanong ko kay number 23. "Ethan Romero po." Sagot nya habang nakahawak sa batok nya. "Ethan, muka bakong hanapan ng mga nawawala?" Mataray na sabi ko habang inaayos ang kwelyo ng damit nya. "Pasensya na po. Gusto ko lang sanang iabot ito sa kanya." Sabi nya sabay bukas sa isang kulay black envelope at sa loob non ay may isang black card na may kulay gold na text. "Dark note." Walang emosyong sabi nina Mika at Amara. Kasalukuyan kami nasa loob ng gg room at pinag-uusapan ang Dark note na binigay ng grupo nina Arthur kay Matthew. Dark note is originally called as Joker. Pero dahil naging dark chasers ang pangalan ng grupo nila arthur ginawa din nila itong Dark note. Dark note is some kind of warning or ticket, after mong maka receive ng Dark note automatic pwede ka ng bulihin ng kahit na sino, wala ding nagagawa ang student council or deans tungkol dito, dahil nagbibigay lang sina Arthur ng Dark card sa isang tao kapag may ginawa itong ikagagalit nya. As far as i know hindi din maaring patalsikin si Arthur sa university na ito dahil pangalawa sa stock holder ng school ang magulang nya, kaya takot syang parusahan. And also nasa ibang bansa din ang parents nya kaya hindi maitama ang baluktot na paglaki nya. Walang gana akong nakikinig sa mga sinasabi nina Amara at Mika. Kesyo daw kailangan daw pigilan na si Arthur ngayon palang kung ayaw daw na mangyari kay Matthew ang nangyari kay James Carl two years ago. "We need to stop----" Sabi ni Amara pero napahinto sya ng biglang bumukas ng malakas ang pinto, at iniluwal noon si Matthew na basang basa at hingal na hingal. "Don't you know how to knock?" Mataray na tanong ko habang naka cross arms pa. "Bakit nila ginagawa ito?" Tanong nya habang nakayuko at naka-kuyom ang kamao. Nawala ang pagtataray sa mukha ko ng tinitigan ako ni Matthew ng masama. "What's with the stare?!" Bulyaw ko sa kanya sabay tayo. "Ikaw ba ang nag-utos na gawin ito sakin?!" Sigaw nya na ikina-tahimik naming lahat. Galit na galit ang mukha nya at inaamin ko pati ako naapektuhan sa aura nya. "What are you saying? Bakit naman ako mag-aabalang magsayang ng laway para sayo." Sabi ko sabay tawa ng bahagya. "Matthew, huminahon ka. Hindi si Amanda ang may kasalanan." Sabi ni Mika. "Huminahon? Paano ko magagawang huminahon kung hindi nako makakapag-aral!?" Sigaw nya. "Matthew anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ethan. Mabilis namang kinuha ni Matthew ang backpack nya sabay bato sa harap namin ang laman nitong mga libro na basang-basa. Base sa itsura nito hindi na talaga ito magagamit, dahil kapag binuklat mo lalo lang itong masisira. Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Matthew. Napaluhod sya habang umiiyak. "Hindi nyo alam ang pakiramdam nyan, dahil mayayaman kayo. Alam nyo bang pinaghirapan ng tiya ko ang pambili sa mga libro nayan?" Lumuluhang sabi nya. "I'm sorry." Wala sa sariling sabi ko. Kahit ako ay nagulat sa salitang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil naawa ako kay Matthew. Kahit naiinis ako sa kanya i can't help not to feel sorry for him at hindi ko matatanggap ang nangyaring ito sa kanya. "I'm sorry, hindi kita na-protektahan. But I promise it won't happen again." Sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang magkabila nyang braso. I promise i will protect this man no matter what it takes. To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Love the novel! Highly recommended ....
21/05/2022
0good
28/10/2024
0like your story but not really
25/10/2024
0Tingnan Lahat