Homepage/Tragedy of Fate/
TOF
"Gusto kita."
Sinampal ko ang pisnge ko dahil sa sinabi ko. What the hell? Do I need to do this?! Well, I don't know. Gusto ko lang sabihin sa 'kanya ang nararamdaman ko.
Nandito ako sa rooftop ng building namin, isang linggo na ang lumipas simula noong nangyari iyong nakakahiya na ginawa ko.
Ano ang iniisip ko that time?! Normal sa akin na mag duda pero bakit kay Spencer pa?! Napangiti ako nang maalala kung paano niya ako alagaan nang mapag tanto niya na mainit ako.
Alam ko sakit ng ulo ang ibinibigay ko sa 'kanya, tapos mag c-confess ako ng nararamdaman ko. Another sakit ng ulo. I'm sorry, Spencer.
Bakit ang bilis? Halos isang taon ko pa lang siya nakilala… Ganon na 'ba kalalim ang pagkahulog ko sa 'kanya? Top of everything, can I? Kaya ko ba panindigan ang gagawin ko?
Pag sinabi ko na 'gusto' ko siya, mapaninindigan ko 'ba ito hanggang dulo kung saan makakaharap ko na sila Yv? Pati ang nakatataas? Mapaninindigan ko 'ba sabihin na 'gusto ko siya'? Mapaninindigan ko 'ba ang nararamdaman ko?
He's just a normal man, who lives in a Wealthy Family. Masisira ko 'ba iyon? Kung tama nga ang nararamdaman ko. Sisirain ko 'ba ang kapayapaan ng Pamilya niya nang dahil sa pag babago ng plano ko sa buhay?
Bumalik ako sa wisyo nang maramdaman na may nag vibrate sa bulsa ko, agad ko ito kinuha sa aking bulsa para makita kung sino ang tumatawag sa akin.
Nang makita ko kung sino ito ay nag dalawang isip pa ako kung sasagutin ko 'ba ito o hindi. Pag hindi ko ito sinagot ngayon, walang tigil na tatawagan niya ako o baka puntahan pa ako sa bahay. Curse it. Kapag sinabi ko na busy ako, hindi siya maniniwala. It's a lame excuse for my Father.
Umirap ako sa kawalan bago sinagot ang tawag niya.
"Hey."
[Are you busy?]
[Maybe?]
Pabalang na sagot ko. Narinig ko ang pag tawa niya sa kabilang linya bago umubo, binago na ang tono ng boses niya. Of course! He's my damn Father!
[Wala ka 'raw kasama sa bahay.]
Hindi siya nag tatanong. Ginamit lang niya ang 'raw' sigurado na sigurado siya sa 'kanyang sasabihin. Kahit ganon ay napayuko ako, hindi ko siya sinagot. Ilang months na, ngayon mo lang nalaman?
"Yeah? So what?"
Sagot ko, narinig ko naman ang buntong hininga niya. Pareho kami na tahimik. Nanlaki na lang ang mata ko nang may tumawag sa kanya. I really do know who is she.
"You busy?"
[no— How are you, Ly?]
"Hmm.. Still breathing, I guess? How about you… D-dad?"
[Still talking.]
Hindi ko napigilan matawa sa sagot niya. We're not that close. I don't hate him, Hindi ko lang talaga alam kung paano siya i-approach— even if tatay ko siya. Na'kay Mama ako simula 'noong mag hiwalay sila.
Hindi naman niya ako nabibisita sa bahay, lalo na pag alam niya na nandoon si mama. Pareho sila na ayaw na makita ang isa't isa.
[Hi dear!]
Nanlaki ang mata ko, umawang 'din ang labi ko dahil tama nga ang hinala ko! She's here? She's home?!
"Mom?"
Gulat na tawag ko sa 'kanya. Narinig ko ang pag tawa niya Napakagat ako sa pang-ibaba 'kong labi. My Family is crazy, what the hell? napaka-complicated nila. Nasanay lang ako.
[Yes! I miss you my dear! See you soon!]
"I miss you too, See you Mom."
She's Eroshia, my Stepmother. Kung hindi lang kasal si Mama at Dad, ay sobrang perfect ng picture sa Martinez. Wala kami ni Mama. Hampas-lupa kami. Hindi naman na kailangan si Mama sa gatherings dahil si Mom Eroshia ang close nila— Not in social gatherings. They really need my Mother. Hindi kilala ng lahat na may iba'ng asawa si Dad.
I just shrugged my own shoulder, bahala sila sa buhay nila. Ang tatanda na nila. I should just think of Spencer. Speaking of that man. He never shown up in front of me after that day.
Cursed it! I feel sorry for him. Binigyan ko siya ng burden. Bakit pa kasi ako nagkasakit?!
[Do you have a boyfriend?]
Natigilan ako sa tanong niya. Narinig ko na inaaway na siya ni Dad. Childish. He won't agree 'raw.
"I don't… But I do like someone, Mom."
Tumigil sila sa pag-sisigawan nang marinig ang sagot ko. Ang tahimik, parang pinatayan na ako ng tawag. Ilang segundo lang ang lumipas bago ako nakarinig ng tili. Tumawa ako bago umiling.
Funny thing, Mama ang tawag ko sa totoo 'kong Nanay at Mom naman sa Stepmother ko. I'm still okay…. I guess? Mas close ko 'rin ang Stepmother ko kaysa kay Mama. She liked me, and I like her too. Si Mama kasi… Nasa kabila ang atensyon niya. Well… Sino nga 'ba ako para mabigyan ng atensyon niya, hindi 'ba?
[Omg! Omg! Who's the lucky guy, anak?!]
Lucky— What the hell? Ano'ng lucky? lucky me pancit canton? Ganon 'ba? Sino 'ba ang lucky na tao to have me? Damn it. 'E halos itapon na ako ng lahat sa tabi, paano pa sila magiging lucky?
[Stop it, Shia! Ly, mag-uusap tayo pag nakaroon tayo ng time.]
Napapikit ako. I imagined him, galit na ang itsura ngayon dahil sa narinig. Why would he? In the first place they don't give me enough attention. Both of them. My biological parents. Parang ang Stepmother ko nga ang totoo na magulang ko sa mga oras na iyon dahil siya ang nandiyan palagi para sa akin.
I never imagined… Never in my life na magagalit siya dahil lang nagkagusto ako sa isang lalaki. Even though, I really like it— No. I love it. I love the tone of his voice. He's angry. Curse it. Ganito na 'ba ako ka-attention seeker?
Tumingala ako sa langit, beautiful…. as always. Kahit kailan hindi kumukupas hkung gaano kaganda ang langit. Baka kumupas na lahat ng mga magaganda at gwapo dito sa mundo, hindi pa 'rin nag babago ang langit.
"What a nice day!" Sigaw ko. Ako lang naman ang nandito sa itaas. Gusto 'kong sumigiaw.
"Hey! Kayo na nakataas! Pag sinabi ko na hindi ko tutuparin ang ang oath na sinabi ko years ago, can you let go of me?!" Sigaw ko. Huminga ako ng malalim. "Kaya ko 'ba manira ng Pamilya dahil lang dito?! Hindi 'ba sobrang bobo ko na masyado?!"
Napayuko ako. "Damn it."
Feeling ko nag may nag babadya na tumulo na luha sa pisnge ko. Hindi ako ito, 'e. This is not the sophisticated Lyth they knew. I've become weak, careless… I hate it. I hate everything. Whenever I think of my Family, I feel so traumatized.
"W-why?" Bulong ko. Whenever he's around I so happy. Kahit maging careless ako buo'ng araw ayos lang dahil nandiyan siya, I feel so secured nd content. How can you do this to me…?
"Spencer." Hindi ko alam na napalakas ang pag sabi ko sa pangalan niya. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa bago pinunasan ang luha na hindi tumulo.
"Oh?"
Inikot ko ang paningin sa paligid nang may marinig. Tama 'ba ako? May narinig ako na sumagot? Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Why are you crying?" Tanong niya bago lumabas sa sulok, magulo ang buhok mahaba niyang buhok na parang kakatapos lang matulog. What the hell? May spot pa doon?!
Bakit hindi ko iyon napansin kanina?! Does it means narinig niya lahat?! Lahat ng sinabi ko simula una?! Huminga ako ng malalim dahil sa kaba na nararamdaman.
"B-bakit ka nandito?" Pag iiba kong usapan kahit wala ito'ng kwenta.
"Kasi wala doon." Bored na sagot niya. Umawang ang labi ko. Wala na 'ngang kwenta tanong ko, mas lalo'ng wala 'pang kwenta ang sagot niya. Napayuko ako.
"Hey…" Pag tawag niya dahilan ng pag-angat ng paningin ko sa 'kanya. Tumaas ang dalawa 'kong kilay.
"Are you okay?" Tanong niya dahilan ng pag tawa ko ng malakas. Hinampas ko ang hangin.
"Oo naman? Thank you pala." Nakangiti na sagot ko. Tumango lang siya.
Pareho na kami na tumahimik. Iniwas ko ang paningin sa 'kanya. Nawalan ako ng sasabihin. Na-blanko palagi isipan ko sa tuwing nasa harapan ko siya. Ganyan 'ba kalakas ang impact mo sa akin, Spencer?
"Gusto mo makita si Zylyx?" Pag-aalok ko sa 'kanya. Halos isang linggo na niya hindi nakikita, 'e. Nawala ang ngiti ko nang hindi siya sumagot.
"Akala ko 'ba amo 'ka? Gusto sila makita ni Logan—" Hindi ko na natapos ang sinasabi nang hilain niya ako, patago ako na napangiti.
"Let's go, do make a food for me."
"He's so cute."
Bulong ko habang naglalakad ako palabas ng bahay, may hawak ako na tray, pinag luto niya ako pero okay lang. Napapikit ako bago tumawa mag-isa.
Pagkarating namin ay hindi na siya pumasok ng bahay dahil baka hindi 'raw ako makakilos ng maayos, siya at ako kaya kaya sigurado na tama siya. Awkward kaya iyon. Nag hintay siya sa garden. Nagustuhan na niya ang garden ni Mama 'ha?
Ibinaba ko muna si Zylyx para ibigay sa 'kanya bago bumalik at nag luto ng carbonara. It's not that easy to cook kaya pabalik-balik ako. Garden to House. Ang layo pa naman.
Hindi naman pwede na straight ako na nasa kitchen, parang walang bisita ganon?
Gusto naman pala makita si Zylyx, hindi pa sumagot ng maayos. Pero totoo na gusto makita ni Logan si Zyxcy at Zylyx. Hindi 'raw siya mahilig sa animals pero he can adopt naman daw if he want.
Sabi ko, it's good kasi sila ang nag tatanggal ng stress and whenever he feel lonely, he do have a pet. I don't know if others can understand me but it's true. Mawawala ang negative na nararamdaman mo whenever you do have pets living with you.
Natutulog si Zyxcy kaya hindi ko ito ibinababa, baka matulog lang din sa garden. Guguluhin lang siya ni Zylyx at mag-away pa. Pag tulog niya, tulog niya. Ayaw niya na may nag-iistorbo sa 'kanila.
Pagkabukas ko ng gate ay nadatnan ko siya na kandong si Zylyx habang may kausap sa sa cellphone pero agad din niya ito na ibinaba nang makita ako.
Agad tumaas ang isang kilay ko. Ano siya Agent?
Nag lakad ako papalapit sa gawi niya at inilapag ko mini steel table ang tray na dala-dala bago binuhat si Zylyx para makakain siya. Pagka-upo ko sa tabi niya ay doon ko lang naramdaman na ang awkward pala.
Hindi siya nag sasalita pag hindi ko siya kakausapin. Ayos lang siya? Hindi mapapanis ang laway niya? Nauubusan ako ng bala sa tuwing siya ang kasama ko, paano nakakatagal 'yong mga kaibigan niya?
"Hindi ka talaga mahilig mag salita?" Tanong ko sa 'kanya.
Lumingon naman siya sa akin ng inosente. "I'm talking." Inosente na sagot niya sa maayos at magalang na tanong ko.
Inirapan ko siya bago ibinaba ang paningin sa plato na hawak niya, naka-ilang subo na siya, 'e. "Ayos lang iyong lasa?" Curious na tanong ko.
"Ikaw ba ang nag luto?" Walang kwenta na tanong niya. Malamang. Mainit pa na kinakain mo hindi 'ba?
Kahit ganon ay umiling ako. "Naka stock sa refrigerator na binili 'noong nakaraan, ni-microwave ko lang. Ayos lang 'ba?"
Nakita ko na sumilay ang ngisi sa labi niya dahilan ng pag iling ko. Iniangat niya ang paningin sa akin. "Saan?"
"Ha?"
"Saan mo binili?" Pag-uulit niya.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya, iniwas ko ang paningin. Naubusan na ako ng isasagot. Patalinuhan 'ba ito. Solving kung paano ka makaka-iwas sa mga kasinungalingan. Humarap ako sa 'kanya nang maka-isip ng isasagot ngunit bago pa ako makasagot ay nag vibrate na ang phone na nasa bulsa ko.
Agad ko ito hinablot sa aking bulsa para tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita na si Lan ang tumatawag ay walang pag-aalinlangan ko ito na sinagot.
Hindi ko mapigilan ngumiti dahil sa saya. Almost one year? Goodness. I miss him.
"Hey! I miss you!"
Bungad ko pagkasagot ng tawag. Nakita ko na napalingon si Spencer sa akin habang nakakunot ang noo niya. Nag sign naman ako ng 'wait' bago ibinaba si Zylyx sa upuan para makatayo.
[I miss you more… but—]
Kumunot ang noo ko habang nag lalakad palayo sa gawi ni Spencer. Bakit may pa-suspense pa na nalalaman?
"What?"
[Ready ka 'na? 3:30 ang flight mo.]
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong flight? Bakit? At paano ako nagkaroon ng ticket?
"A-ano— teka b-bakit? Lan, can you explain what the hell is happening?" Halos pasigaw na tanong ko dahil sa taranta.
[Nandiyan na ticket mo. I'll explain when you arrive— I need to go, See you. I love you. Bye.]
Natulala ako sa halaman na nasa harapan ko dahil sa pagkagulat. Hindi pa nag s-sink in sa utak ko ang nangyari, ang sinabi niya. Napaka bilis tapos baliw pa iyong isa na iyon, hindi nag sasabi ng rason.
Sinagot ko lang ang tawag tapos minutes lang flight ko na kaagad? May problema 'ba? Hindi naman magiging ganon ka-busy ang lalaki na iyon pag walang nangyari….
Dahan-dahan ako na humarap kay Spencer bago alanganin na ngumiti dahilan ng pag taas ng isang kilay niya. Ngumiti lang ako. Nag lakad ako papalapit sa gawi niya, umupo sa tabi niya.
"What?"
"I'm shocked.." Bulong ko bago umiling. Hindi na siya nag salita dahilan ng pag kamot ko ng aking daliri. Damn it. Another sakit ng ulo. I'm sorry.
"Can I have a favor?" I ask but he didn't respond.
I pouted. Cursed it. I'll pay him. I promise!
"Ikaw muna ang mag-alaga kay Zylyx." Pag mamakaawa ko. Doon na siya lumingon sa akin, nag tataka ang reaksyon niya.
"Why?"
"Hindi ko siya madadala, aalis ako. Flight ko mamaya, 3:30 to be exact." Naka-pout na explain ko. Hindi ulit siya sumagot. Wala na akong oras!
"Please? Pretty please? I'll p-pay you! Everything you want! Tell me! J-just please…" Pag mamakaawa ko, handa na akong lumuhod sa harapan niya kung hindi lang siya tumango.
Hindi ko napigilan mapatalon sa saya. "You're the best, Spencer! You are!" Sigaw ko habang nakaturo sa 'kanya. Mas lalo ako'ng napangiti nang makita na sumilay ang ngiti sa 'kanyang labi.
"Thank you! Thank you! Tell me whenever you want me to grant that one wish of yours!" Masayang sigaw ko bago tumalikod, tutungo na ako sa bahay para mag ready nang maalala ko ang alaga ko na natutulog sa aking kwarto, agad akong humarap sa 'kanya.
"S-si Zyxcy…" Pag papaalala ko. Agad siyang umiling dahilan ng pag lapit ko ulit sa 'kanya. Tinignan niya ako na parang sinasabi na 'are you crazy?'. Tumango ako ng tumango.
"Why?" Parang bata na tanong ko.
"Pusa lang ang ina-ampon ko, Lyth."
Mas lalo akong nag eager na nag makaawa. "Please? Pwede naman maging pusa si Zyxcy!" Pangungumbinsi ko.
"That cat 'kuno' of yours is fake. No." Desidido na sagot niya.
"Hindi! Teka! Mabait ang Zyxcy ko, matutulog lang ng matutulog. Ipapadala ko naman pagkain nila, wala talaga kasing maiiwan dito—"
"Alright."
Nanlaki ang mata ko. Did I hear it right?! Right?! "You do?! Goodness! Thank you! I'll pay you! I really really promise!"
Nagmadali ako na lumabas ng bahay. Medyo late na ako, pero sana maka-abot pa ako sa flight. Ang swerte ko na masyado dahil nandito si Spencer na sasaluhin 'yong dalawa. Mabuti na lang good mood. Nakakaiyak talaga.
Mag co-commute na lang ako. No choice. Walang maghahatid sa akin sa airport. Nakakahiya naman humingi ulit ng pabor kay Spencer kanina. Inaabuso ko na siya masyado.
Umalis na siya kanina pa, pagkabigay na pagkabigay ko kay Zyxcy ay ipinasok na niya sila sa sasakyan niya. Sobrang laki ng babayaran ko sa lalakina iyon pag naging makulit si Zyxcy.
"Hu'wag naman sana, Zyxcy." Bulong ko habang patakbo na tumutungo sa gate para lumabas, ang bigat ng dala ko na bagahe. Masasapak ko talaga si Lan pag hindi maayos ang rason niya, nag madali pa ako.
Five minutes na lang, kakayanin ko 'ba? Makaka-abot ako? Fuck it. Kung may mag-uuwi lang ng sasakyan ko sa oras na ginamit ko ito, nakarating na ako ng wala sa oras.
Nagmamadali ko na isinarado ang gate, habang nasa gate ang atensyon ay hinahawakan ko sa baba ang bagahe ko dahil doon ko lang iniwan pero wala na ito! Napalingon ako dito nang may pag tataka.
Laking gulat ko nang bumungad si Spencer, nakasandal siya sa sasakyan niya. Naka-krus ang kanyang braso. Umawang ang labi ko habang nakaturo sa 'kanya.
"Sakay na." Bored na saad niya bago nag lakad sa kabila. Kumunot ang noo ko. Kahit nag tataka ay nag lakad ako papalapit sa sasakyan niya, pagkabukas ko ay agad ako umupo.
Napakamot ako sa aking sentido bago humarap sa 'kanya, hindi ko na napigilan mag tanong. I'm curious.
"Akala ko umuwi ka na— Fuck it!"
Hindi ko napigilan mapatakip sa tapat ng bibig dahil sa gulat. Agad niya kasi pinaandar kaya nagulat ako! Ang bilis niya magpatakbo! Iniangat ko ang paningin sa 'kanya sa oras na naka-cover ako.
"What did you say?" Gulat na tanong niya sa akin.
Umawang ang labi ko. "Bawal mag mura?!" Gulat na tanong ko pabalik. Nakita ko kung paano niya ibinalik ang tingin sa daan bago ito pinaandar ng mas mabilis.
Curious ako na lumingon sa back seat, nanlaki ang mata ko nang makita na nandoon 'yong dalawa. Tulog. Hindi ko napigilan mapangiti ako. Hindi ko sila makikita sa pag gising ko. Nakakalungkot naman.
"Thank you!"
Saad ko nang makababa, nakarating kami ng segundo na lang ang natitira. Bumaba siya ng sasakyan, siya 'raw ang kukuha ng gamit ko sa likod.
Nang maibigay niya ito sa akin ay tinapik ko ang balikat niya. "Hoy, Thank you. Marami akong utang sa'yo. Tell me whenever you want okay?!"
"Go." Tulak niya sa akin. "I did give you a ride, you need to give me one when you come back." Taas kilay na saad niya. Tumango naman ako
Tatalikod na sana ako ngunit agad 'din humarap sa 'kanya nang may naisip ako, napataas naman ang isang kilay niya.
"Spencer, I do really like you."
Nawala ang pag taas ng kilay niya dahilan pag tawa ko, agad ako tumakbo palayo sa kanya. Para ako'ng baliw na tumatawa mag-isa habang tumatakbo papasok ng airport.
I did it!
Bumaba ang paningin ko sa cellphone nang mag vibrate ito, may nag message. Tumigil ako sa pag takbo habang tinitignan kung sino ito, naka pila naman na ako.
Spencer
salamat nga pala sa confession. I'll see you soon.
3:30 PM
Napangiti ako bago tuluyan na sumakay ng Eroplano. Hindi manlang ito nawala sa aking labi.
I'll be back.
-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Jerome's
09/01/2025
0done
20/12/2024
0sad kaai de nakasama sa kanilang misyon
15/10/2024
0Tingnan Lahat