TOF

Naglalakad ako sa hallway, medyo marami ang hawak ko dahil humingi ng tulong sila Tummy na ihatid ko ang mga ito sa bahay nila, Hindi ko alam kung ano ito. Basta naka balot siya ng makapal ba envelope at mabigat.
Hindi ko naman masabi na 'hindi' at idahilan na naka commute lang ako. Nakakahiya, busy sila mabuti tapos ganon pa ang sasabihin ko. Napaka walang kwenta ko naman na kaibigan.
Gulat ako na napa-atras dahil may humablot sa hawak ko, natigilan ako dahil hindi pa nag s-sink in sa utak ko ang nangyari.
Napatingin ako sa kamay ko dahil may hawak ako kanina lang… Agad 'kong tinanggal ang earphones ko kaya narinig ko na ang ingay sa hallway pero hindi ko ito pinansin! Tumakbo ako para habulin ang humablot ng hawak ko.
Nang makilala ko ang likod niya ay dahan-dahan na akong nag lakad, shit pinatakbo pa ako.
"Hoy." Seryoso na tawag ko kay Logan bago hinila ang collar niya dahilan ng pag harap niya sa akin, bumungad ang ngiti niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Sapakin ko siya sa pag takbo ng gamit ni Tummy.
Tinignan ko siya ng masama. Ang bilis niya tumakbo. Akala mo mag nanakaw talaga. Kahit paapaano ay nasanay na ako sa tingin ng paligid. Ano ang magagawa ko kung habulin ako ng mga gwapo?
Pero balik sa ginawa ni Logan, kung hindi lang talaga importante yung kinuha niya hindi ko naman talaga siya hahabulin, ano siya sinuswerte?
"Akin na 'yan. Baka magalit pa sila Tummy." Pag bawi ko sa hawak niya pero iniwas niya ito kaya kunot noo ko siyang tiningala. Ano ang problema niya?
"Tummy?" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako.
"The President's Secretary?"
Tumango ulit ako sa tanong ni Logan. Pinilit kasi siya ni Hands na makisali, luckily siya ang napili ng President na maging sekretarya. Karapatdapat 'din naman talaga siya. Bagay kaya sa 'kanya maging sekretarya.
"Ako na ang magbubuhat, may kabigatan, 'e." Dahilan oa niya kaya hindi na ako nakipag talo at kinuha na lang sa bulsa ang phone para sabihin na mag papasundo ako 'kay Manong. Mukhang uulan kasi. Delikado may bitbit pa naman ako na importante.
Napataas ang kilay ko nang mapansin na may dalawa na missed call si Lan. Napakamot naman ako sa aking sentido dahil mahilig ako mag silent this past few days dahil medyo busy.
"Ihahatid na kita." Saad ni Logan dahilan ng pag baling ko sa 'kanya ng aking atensyon. Kumunot ang noo ko.
"Ano?"
"Ihahatid na kita, madilim ang langit 'o.” Explain niya bago tumingala sa langit kaya pati ako ay napatingala dito, oo nga. Wala sa oras na uulan. Kahit ganon ay umiling ako.
Baka pag sumabay ako, tapos dumating si Manong, mag hintay pa siya. Wala pa naman siyang dala na cellphone para ma-contact siya kaya kay Reya ako umaasa.
"Susunduin naman ako ni Manong.” Dahilan ko pagkatapos umiling. Bumaba ang paningin ko sa hawak niya na pag-aari ni Tummy, kinuha ko na ang hawak niya na dapat ako ang mag hahawak nito. Nag give up naman na siya at ibinigay ito sa akin.
Nice.
"Are you sure?" Naaalangan na tanong niya kaya ngumiti ako bago tumango. Nag lakad na ako papalayo sa 'kanya dahil hindi niya talaga ako iiwan sa puwesto ko. Mabubulok kaming dalawa 'roon.
Baka may makakita na naman sa amin at ma-issue. Naalala ko 'yong nangyari noong nakaraan. Naging mainit na usap-usapan sa University iyon. Kabaliwan ni Spencer! Naramdaman ko na biglang nag init ang pisnge ko. Hindi'ng hindi ko makakalimutan ang sinabi niya.
Feeling ko nga sasabog ako sa sobrang init ko that time. Ang lapit ng mukha niya sa akin tapos ganon pa ang sinabi niya, 'e halos bigyan lang niya ako ng pansin ay masaya na ako, iyong ganon pa kaya?!
Siya ang nag hatid pa-uwi sa akin habang tinatanong kung paano ko naging kaibigan si Logan, hindi ko siya sinasagot dahil hindi ko naman puwede sabihin ang rason.
Napayuko ako, pano ko nga 'ba naging ka-ibigan 'yong lalaki na iyon? Ah. Dahil na-amazed siya sa ginawa ko, kung paano ko sinalo iyong bola. Kahit naman sino masasalo iyon—?
Nang makarating sa labas ng Building ay ibinaba ko ang paningin sa wrist watch ko bago tumingala sa itaas. Halatang bubuhos ang malakas na ulan dahil napakadilim ng langit.
Sobrang init kanina kaya't sigurado na uulan ngayon ng malakas, mas nakakatakot pag may kasama 'pang kulog at kidlat.
Nag lakad ako patungo sa harapan, sa tabi ni Manong Guard. Baka ka-kwentuhan na niya si Manong pero mali ako, walang kausap si Manong Guard. Kumunot ang noo ko.
Late 'yata si Manong ngyon? Hindi niya 'ba ako masusundo?
Nag vibrate ang phone ko kaya agad ko ito'ng tinignan, si Reya, napakagat ako sa pang ibaba na labi ko. Hindi 'raw ako masu-sundo ni Manong dahil biglang inatake sa puso ang asawa nito, hindi din naman ako masusundo ni Reya dahil uuwi siya sa probinsya nila… Tama, ngayon ko pala sila pinayagan na mag pahinga.
Dalawang buwan, dalawang buwan na mawawala si Manong at Reya sa bahay. Mas kailangan ko na umuwi dahil walang kasama 'yong dalawa 'kong alaga sa bahay.
Mali 'ba ako ng desisyon? Na hayaan sila na mag pahinga ng dalawang buwan? Feeling ko hindi ko kaya mag-isa sa bahay. Damn. Huminga ako ng malalim bago kumurap-kurap at humigop ng hangin para mapigilan ang pag luha ko.
Kumunot ang noo ko dahil nakaramdam ako na may pumatak sa braso ko. Agad ako napayakap sa hawak na envelope, baka mabasa magalit si Tummy.
Nakita ko na nababasa na ang lupa. Damn. Hindi na ako nakatakbo sa waiting shed sa labas ng University. Napalunok ako bago umiling. It's not or never pero pag lumusong ako, may posibilidad na mabasa ang hawak ko.
Ano ang magagawa ko? Mag hihintay dito na walang pinag bago o doon na makakasilong pa ako? Of course doon! Agad ako'ng tumakbo palabas ng University at sumilong sa waiting shed.
Nang makasilong ako ay ibinaba ko ang maliit na bag ko, pati na yung nakabalot na hawak ko bago lumingon sa kalsada na ang bibilis ng pag drive nila.
Puno lahat ng bus, even 'yong mga jeep puno sila. Napayakap ako sa sarili dahil naramdaman ko ang lamig. Mabilis pa naman ako maka-catch ng cold. Damn it.
Paano ako makaka-uwi nito? Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Nawalan 'din yata ng signal. Bakit napakamalas ko sa mga oras na ganito?
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako tumanggi kay Logan, sa alok niya. Of course naka-uwi ako ng safe and sound. Pati ang pinapa-uwi ni Tummy ay hindi nabasa.
But knowing his attitude, what if he want to stay? Ang awkward if ever ganon ang nangyari. Kami lang dalawa ang nandoon. Even though sabihin ko na mas malakas ako sa 'kanya, He's still a man.
Ayos na ito, ayaw ko tumanggap ng bisita lalo na't wala akong kasama sa bahay— Kasama ko 'yong dalawa na makulit. Speaking of Zylyx, tagal ko na hindi nakita Tatay niya.
Napa-iling ako. Dapat ang iisipin ko ngayon ay kung paano ako makakauwi nang hindi nagkakasakit. Ang hirap pa naman magkasakit ng mag isa, bawal 'din naman ako hindi pumasok sa sobrang dami ng gawain.
Marinara?
Oh right! My cousin! Nasa University pa 'rin ba siya? Makakasabay 'ba ako sa pag-uwi? Kahit sa Mansion ni Lolo na lang muna ako mag stay.
Napatingin ako sa gamit na inilapag ko, hindi naman siguro iyan mawawala? Hindi ko 'rin naman pwede isama sa akin dahil mas lalo'ng mababasa, lalo na iyong kay Tummy. Damn. Timing sa ulan ang pag hingi ng tulong ni Tummy.
Lumingon ako sa paligid, wala naman gaano na dumadaan. Iiwan ko talaga ito dito, sasabihin ko na lang kay Manong guard. Damn it. Ang hirap mag desisyon. Iiwan ko na 'rin ang bago ko, nandoon sa loob ang cellphone ko.
I can track them if ever may kumuha sa gamit ko.
Nakapag desisyon ako na papasok ulit sa University para hanapin si Marinara at maki-sabay umuwi. Damn. Lesson learned, mag dadala na ako ng sasakyan— or not.
Tumango ako sa sarili'ng na-isip, naka-ilang hakbang na ako palabas ng waiting shed pero laking gulat nang may humila sa akin papasok sa waiting shed, hindi ako hinayaan na lumusong sa malakas na ulan.
"Mag papakamatay ka 'ba sa sakit?" Medyo may pagka-irita na tanong niya, hindi ko masyado narinig ng malinaw ang sinabi niya dahil sa lakas ng ulan pero kahit papaano ay naintindihan ko naman.
Iniwas ko ang paningin sa 'kanya. Kailan siya nakapasok dito sa waiting shed at hindi ko manlang naramdaman? Damn it
"Kailangan ko, kaysa mamatay ako kakahintay dito. Wala namang darating para i-uwi ako." Sigaw ko. Hindi naman ako galit, malakas kasi masyado ang ulan para marinig niya ang sinasabi ko.
Laking gulat ko nang ilapit niya ang sariling mukha sa akin bago bumulong. "Do wait for the rain to stop and I'll drive you home, are we clear?" Saad niya bago kinurot ang ilong ko.
Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok dahil sa kaba sa mga ginagawa niya. He's giving a sign of something that I don't even understand! And whenever I feel happy maaalala ko ang mga sinabi ko noon sa Agency pati na kila Yv. Can I love him? I smile bitterly. Of course not.
Hindi ako sumagot, iniwas ko ang paningin sa 'kanya. Silence mean Yes. Wala ako'ng magagawa kung hindi ay sumang-ayon dahil napaka-arte ko naman para humindi, maganda na opportunity na iyon para maka-uwi ako.
Nasaan sasakyan niya? Napailing ako sa naisip na tanong. Ewan ko, bahala siya. Umupo siya sa gilid kaya umalis ako. Naramdaman ko na nanginginig akong naglakad papalayo sa kanya, Hindi ko alam kung ano ang rason ng panginginig ko. Hindi naman na humahangin.
Napa-yakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na nararamdaman. Pagka-upo ko ay sumandal ako sa gilid dahilan ng pag harap ko sa 'kanya. Parang kanina lang laman siya ng isipan ko, tapos ngayon nasa harapan ko na siya.
Nakatayo siya sa gilid habang naka-kunot ang 'kanyang noo, nasa cellphone na hawak ang kanyang atensyon. How cute of him. Napakagat ako sa pang ibaba na labi nang makita ang coat niya. Huminga ako ng malalim.
"Hoy." Tawag ko sa 'kanya. Agad naman siya lumingon sa akin habang nakakunot ang noo.
"What? Spencer. That's my name." Saad niya habang nakakunot ang noo. Galit. Wow. Kahit ganon ay hindi ko siya pinansin.
"Pahiram ng coat mo." Sabi ko bagp inilahad ang palad ko sa harapan niya.
Tumaas ang isang kilay niya bago ibinaba ang paningin sa palad ko na nakalahad. Hindi nag tagal ay tuluyan na niyang hinubad ang coat. Akala ko ay ibibigay niya na ito sa akin ngunit nag kamali ako. What do I expect?
"Marunong ka mag laba?" Taas kilay na tanong niya dahilan ng pag kamot ko sa aking sentido. Damn. Required ba iyon para makahiram sa 'kanya? Ang arte.
"Hehe… Iyon nga 'yong problema, hindi ako marunong—" Hindi na niya ako pinatapos mag salita, agad niya itinago ang coat niya. Napasimangot ako.
"Ayaw." Iling niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Paano pag nanigas na ako dito dahil sa lamig?" Pag mamakaawa ko, though halata na kinokonsensya ko siya. Nanlaki ang mata ko nang makita na hindi manlang nag bago ang reaksyon niya.
"Go. Manigas ka."
Seryoso siya?! Kahit manigas na ako sa lamig hindi niya ako tutulungan? Gaano kawalang puso ang isang Spencer Esmele?
"Hindi mo talaga ako tutulungan kahit makulong ka?"
"Bakit kita tutulungan?" Tanong niya pabalik. Umawang ang labi ko bago tumango. Medyo hindi na ako gininaw, nang-init kasi ang katawan ko sa inis.
"Hah. Sino nga 'ba ang may kailangan ng tulong mo—" Hindi ko natapos ang sinasabi dahil hinila niya ako, nanlaki ang mata ko nang mag lapit ang katawan namin Ilang beses ako napalunok.
Hindi niya inalis ang paningin sa akin. Naramdaman ko na ipinatong niya sa balikat ko ang coat niya. I can't move. Feeling ko na-stock na ako sa kinatatayuan ko! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahilan ng pag iwas ko ng paningin sa 'kanya.
Damn, Spencer. What are you doing?
"You need my help, Lyth. You need me." He whispered.
Nanlaki ang mata ko na humarap sa 'kanya. Agad ko siyang itinulak sa gulat. Ano ang kailangan niya? Alam niya ang identity ko?
"W-who are y-you?" Nahihirapan na tanong ko habang patuloy na nag lalakad backwards.
"What do you mean—"
"Who are you?! Are you one of them?!" Hindi ko na napigilan sumigaw. Nakita ko kung paano siya mag lakad papalapit sa akin.
"D-don't! Don't come closer... P-please.." Itinuro ko siya. Yumuko ako. Biglang nanginig ang kamay ko. Nanlamig ang buo'ng katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
I-i can't..
"Lyth, I don't know what are you talking about. What happened?" Walang pag aalinlangan na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, agad ako tumalikod at nag lakad palabas sa waiting shed. What if isa siya sa mga gusto pumatay sa akin? What if isa siya sa mga nag tangka na maging close sa akinat sa huli ay ipapahamak ako sa kamatayan?!
Bakit siya? Bakit siya pa?!—
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman na may coat na bumalot sa katawan ko, ini-angat ko ang paningin kahit gulat pa. Nakita ko na naging payong ko siya, isinangga niya ang kaya niyang isangga para hindi ako mabasa ng ulan kahit basang basa na ako.
"S-spencer…"
"Damn it. Let's go, you'll get a fever." Bulong niya.
Akala ko ay bibitawan na niya ako pero laking gulat ko nang buhatin niya ako, ibinaba na lang niya ako nang makasilong kami sa waiting shed. Hindi ako nakagalaw, kung paano ang postura ko nang ibaba niya ako ay ganoon pa 'rin ako hanggang sa hawakan niya'ng muli ang kamay ko.
"Lyth Hyrth!" Sigaw niya dahilan ng pag tingala ko sa 'kanya.
"H-ha?"
He looked away with disbelief as if I'm the craziest girl he ever met. Napakarami 'kong iniisip. Nag dadalawang isip pa 'rin ako sa 'kanya. Kahit anong pagkagusto ko sa 'kanya ay hindi ako pwede magpakamatay sa 'kanya. Wala pa naman ako sa point na gagawin ang lahat para sa 'kanya.
"Look, I really don't know what are you talking about. Are you okay? I promise. I'll die right now if I'm lying." Seryoso na pamamanata niya sa akin. Nakalingon lang ako sa daan.
Hindi ko alam, bigla na lang na may nag park ng magara'ng black na sasakyan sa harapan ng waiting shed. Bumaba ang lalaki na nakasuot ng blue na hoodie. Nag badya pa siya na sipain si Spencer pero hindi umabot.
Hindi siya pinansin ni Spencer, binuhat niya ang ang basa na envelope ni Tummy pati na ang bag ko bago ako hinila papalapit sa sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan na si hoodie blue boy. Sino kaya siya? Medyo bata pa.
"Lyth, talk to me. Damn it. What did I do wrong?" Tanong niya ulit. Lumingon ako sa 'kanya.
"Wala. Sorry, napagkamalan kita." Hinampas ko ang hangin habang tumatawa ng pilit. Fuck it.
"I understand.." Seryoso na sabi niya.
Iyon na ang huli na sinabi niya bago nag bago ang atmosphere. Hindi na ako nag salita. I'm planning to go back in Las Vegas. Maybe it's good for me to go back. Babalik sa pagiging matino ang pag iisip ko. Babalik sa dati.
Pag wala akong Spencer na nakilala, hindi ako ganito. Iisa lang ang goal ko. Makatapos ng pag aaral, mamatay habang nag sisilbi sa mga tao. Pero bakit napakarami 'nang pasikot-sikot? Nag iba ang lahat simula noong nakilala ko siya?
Hindi ako ito. Hindi ito ang pag iisip ng matino na Hyrth.
Kinuha ko sa gilid ang phone ko nang marinig na tumunog ito. Pagkabasa ko ng reply ni Tummy ay mas lalo akong nanlumo.
Tummy
Seryoso? wag mo na
ibigay sa akin yn. wala na yang kwenta.
2:04 PM
Napalunok ako sa sagot niya. Ilang beses ako humingi ng tawad pero hindi na siya nag reply. Inihiga ko ang aking ulo sa gilid bago pumikit.
Worthless Hyrth.
Fuck it. Gusto ko sumigaw ng malakas. Sobrang sakit ng ulo ko sa mga nangyayari. Parang gusto ko bumalik sa nakaraan, hu'wag na sumang-ayon kay Mama sa gusto niya. Kung pwede lang…
Naramdaman ko na may pumatong sa kamay ko dahilan ng pag lingon ko kay Spencer. Nakakunot ang noo ko habang tinitignan siya. Nasa daan lang ang atensyon niya.
"You're shaking. Calm down."
Iniwas ko ang paningin dahil sa rason niya. Bakit hindi ko manlang siya narinig ma-utal? Kahit kanina na nag dududa ako ay seryoso siya sa mga sinasagot niya. Maniniwala 'ba ako sa 'kanya? Should I cross the line? Should I? Even if I don't know what he feels?
"Spencer…" Bulong na pag tawag ko sa 'kanya.
Lumingon naman siya sa akin, hindi niya tinanggal ang pagkakapatong niya sa kamay ko. Nakipag titigan ako sa 'kanya. Nasa tapat kami ng pedestrian lane, marami'ng tumatawid.
"Y-you won't h-hurt me… r-right?" Nauutal na tanong ko.
Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya. There he goes again, hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Humarap siya sa akin, pilit niya ito ginawa kahit naka-seat belt siya.
"Do you see me doing that?" Tanong niya pabalik dahilan ng pag iling ko.
No. I don't even think of him na sasaktan ako. I don't even doubt him. Mas komportable ako sa 'kanya na pumunta ng bahay kaysa kay Logan. I feel secure whenever he's around. I feel so content na never in my life na naramdaman ko kahit nabibili ko ang lahat ng nais ko.
Am I this desperate of him? Am I in love too much hanggang sa hindi ko na kaya umahon sa aking nararamdaman? Kahit alam ko ang kahahanatnan ng lahat pag nalaman ng Agency ang ginagawa ko ngayon?
"We are here."
Bumaba na ako sa oras na pag kasabi niya noon. Napahawak ako sa ibabaw ng sasakyan nang maramdaman ang pagkahilo. Why do I feel dizzy all of the sudden?
"Hey… The envelope and bag—" Hindi niya matapos ang sinasabi nang makita na nakahawak ako sa ibabaw ng sasakyan niya.
Narinig ko na may bumagsak, hindi ko na tinignan ang ginagawa niya dahil sa oras na gumalaw ako ay mas lalo akong mahihilo. What the hell?
Susuntukin ko na sana ang ulo ko ngunit may pumigil dito.
"What are you doing?" Tanong niya.
Haharap na sana ako sa 'kanya ngunit biglang nanlamig ang buong katawan ko bago nag dilim ang paningin ko.
-

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Ger Ome

    Jerome's

    09/01/2025

      0
  • avatar
    Koya Bashi

    done

    20/12/2024

      0
  • avatar
    Lyte Villanueva

    sad kaai de nakasama sa kanilang misyon

    15/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata