logo text

Chapter 26 ( The LEADER )

                 ( Elliez POV )
Hayss, nakakamiss naman sina mama...
" heys, tulala ka?" tawag pansin ni leiy sa akin..
" namiss ko lang sila sa pilipinas.. Lalo na ngayon at malayo ako.." wika ko dito...
" ganyan talaga masasanay ka din.. Ano, pupunta na ba tayo sa tita mo?" saad nito sa akin..
" ahm sige... Miss ko na din yun.. Bata pa ako ng makita ko yun eh.. "wika ko..
Agad naman kaming bumaba sa kotse at tinungo ang gate ng mansion nito... Ng makapag doorbell ay agad naman Kaming pinagbuksan ng butler nito. Yes, mayaman ang pamilya ng papa, at di ko ipinagmamalaki ang bagay na yun, dahil sila naman ang nagsumikap di ako...
" who are they?" tanong ng butler sa amin..
" I am Elliez, the daughter of Mark Salvatore and Minellia Salvatore..." pakilala ko dito..
" come in seniorita, madam is waiting for you..." wika nito sa akin..
Kaya sumunod naman kami ni Sheish, namangha naman kami ni shiesh ng makita ko ang loob,... Ang ganda pala... Di ko na maalala eh... Hmmm...
" welcome seniorita Elliez... "bati ng maids sa akin..
Yumuko naman sila... Bumulong naman sa akin si sheish,
" naks, sana all..." tuwang wika ni leiy sa akin..
" ano ka ba..."saway ko dito..
Ngumite na lang ako sa kanila, hanggang sa may narinig kaming nagsalita sa taas...
" ikaw na ba yan Elliez? "tanong ni tita sa akin...
" opo, ako na po ito tita Jess..." tuwang wika ko dito..
Agad naman siyang bumaba sa hagdan at lumapit sa akin...
" talagang nagmana ka sa mama mo.." puri nito sa akin..
" hehhehe, kumusta na po pala kayo?.. Ahm.. Siyanga po pala siya si Leiy ang kaibigan ko tita.." pakilala ko dito..
" ouh, hello ija, welcome ka dito. Kasi kaibigan ka ng pamangkin ko. Kumusta na ang mama at si keish? "tanong ni tita sa akin..
" they are good tita..." tugon ko..
" mala, please tell Your mom to cook for us.... "wika niya sa maid niya..
" yes, madam.... "saas naman ng mga ito..
Nagsialisan naman ang mga maids..
" maupo kayo, wag na kayong mahiya feel at home. Your cousin is not here, cause his busy in his company... "wika ni tita sa amin..
" I understand tita.. Besides, I know na his already been looking forward for his company as well.." wika ko dito..
" hahahah, sinabi mo pa.. Ikaw ija?.. Alam ko na single ka pa.. I can introduce you to my son,.. "wika ni tita kay leiy..
" ahm, heheh.. My fiance na po ako tita.. "tugon naman nito..
" ouh is that so.. "napatango na lang si tita..
" madam, the food is ready.. "wika ng maid nito..
" thank you, we will be there.."saad ni tita dito..
                        (  Menillia POV  )
I am here in the plaza kasama ang anak kung si Keish, ng....
" Lia? "tawag ni froil sa akin..
" anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko..
" nakita kasi kita, pauwi na sana ako nv maynila ng mapadaan ako dito sa plaza and I saw you.." wika niya na ikinaiwas ko nang tingin..
" ano pa ba ang kailangan mo?.. Gusto mo ng vote ko para sa pagtakbo mo as a..." pinutol naman ako nito..
" Lia, hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?" tanong nito..
" anong gusto mong sabihin ko, ang matuwa na nakita kita.? Ouh come on Froil, ano ako tanga..." galit na wika ko dito..
Akmang aalis na ako ng, hinawakan ako nito, kaya iwinaksi ko na lang ang kamay niya. Baka makita kami ng anak ko at kung ano pa ang isipin ng bata...
" pwede ba, we are strangers, kahit pa na kilala ka bilang mayamang tao, wala akong paki. Kaya, umalis ka na dito." pagtataboy ko dito..
" hanggang kailan mo ba ako mapapatawad sa nagawa ko..?" tanong nito...
" sa tingin mo madali ang magpatawad? Huh?... Hangggang ngayon froil dala ko pa rin ang sakit at galit dahil diyan sa pamilya mo. Ang tanga ko kasi minahal kita noon, ang tanga ko kasi naniwala ako sa mga paasa words mo. Ouh, nakalimutan ko pa. Dahil diyan sa magaling mong ama nadamay ang anak ko. Wag na wag siyang makakalapit sa anak ko, ako mismo ang papatay sa kaniya. Minsan na niyang nabilog ang utak nito, di na kailanman ngayon.. Ako na ang makakalaban niyo tandaan niyo yan.. "galit na saad ko dito..
Nilagpasan ko na ito ngunit...
" anak ko din siya, may karapatan ako sa kaniya.. "saad nito..na ikinainis ko..
" karapatan na ano?Karapatan para gamitin sa organization ninyo,? My daughter is done for that, buhay niya muntik ng mawala ng dahil sa inyong makasarili kayo. Please naman  kung talagang nagmamalasakit ka sa anak mo ilayo mo naman ang masamang angkan niyo.. "saad ko dito..
Saka ko na ito tinalikuran at nilapitan ang anak ko na abala sa paglalaro sa malayo...
                      ( Elliez POV )
Gabi na pala di ko man lang namalayan ang oras, abala kasi ako sa pakikipag usap kanina kay tita. Si leiy naman nagpunta na sa bahay ng lola niya dito sa states... . Nandito muna ako sa labas ng bahay naisip ko na makita ang labas kapag gabi na dito.. Ang lamig pala...
" pwede ba akong tumabi?" tanong ni tita sa akin..
" ikaw pala tita. Oo naman.." wika ko dito...
" bat di ka pa natutulog?" tanong nito..
" di pa po ako inaantok.." saad ko dito..
" hmm, marahil namimiss mo ang pamilya mo ano..?" tanong nito na ikinalingon ko..
" opo,, alam niyo naman na ngayon lang ako nawalay sa pamilya ko.. Ng ganito kalayo.. "saad ko dito..
Napansin ko naman na napalingon si tita sa malayo...
" bakit po tita..? "tanong ko dito..
" hmm, marahil di pa sinasabi ng mama mo ang totoong kwento.. I mean ang buong kwento. Alam ko na nagtataka ka parin hanggang ngayon... "wika nito...
" oo eh, alam ko naman na may tinatago pa si mama eh. Pero gusto ko ng malaman ang bagay na yun tita. Ang daming alaala na nakalimutan ko, ang iba bumabalik na pero bakit ang iba di pa.. "saad ko dito..
" Elliez, ija alam ko na di dapat sa akin manggaling ang bagay na ito, ngunit dapat mo ding malaman ang totoong kwento na meron ka noon... "wika nito dahilan para mapalingon ako dito na nagtataka..
" ano ba iyon tita? "tanong ko dito...
" Isa kang Winedterllhia Elliez. "saad nito na ikinagulat ko..
Para akong gumuho sa mundo na di ko alam kung dapat ba ako or di na...
" anong ibig mong sabihin tita...? "takang tanong ko...
" di ka anak ng kuya, anak ka ni Meni, sa ibang lalaki. Ang tanging anak lang ni kuya sa inyo ay si Keish. Isa kang  Winedterllhia. Alam ko na kilala mo ang pamilya na iyan. Patawad kung, pinangunahan ko ang mama mo sa pag amin. Kasi, malapit na matapos ang kwento natin eh., nahihirapan na si author kung anong isusunod di charing lang. "biro ni tita. Pero agad ding naging seryoso...
" si tita nagbibiro pa, malapit na akong madala.. "natatawa na wika ko..
Tumayo naman ito... 
" totoo ang sinasabi ko. Alam ko na sinabi na ng mama mo ang tunay na Identity niya noon, ako ang partner ng mama mo sa trabaho niya noon. Naging malapit kami sa isat isa at tinuring na magkapatid. Doon niya nakilala ang kuya ko, nong minsan na sinama ko siya sa araw ng kaarawan ng lola mo. Boto naman ako sa kanila. Alam ko naman noon na may anak na pala ang mama mo. Di naman siya sinisira ng pamilya, dahil kilala naman nila ang mama mo na siyang tumulong para maoperahan ang lolo mo. Galing sa mayamang angkan ang mama mo Elliez, marahil di niya din ipinaalam ang bagay na ito. Isa siyang Monteverde. Iniba ng mama mo ang apelyido niya simula nong manirahan siya bilang isang simpleng mamamayan kasama ang kuya. Naging masaya naman sila, hanggang sa ipinanganak ka.. Ang akala namin magiging ok na ang lahat, di pa pala. Hanggang sa yun nga maranasan nina kuya ang isang aksidente na iyon. Alam ko na pinaniwala ka ni ate na namatay ang papa mo nong tumuntung ka ng 18 yun dahil, pinabura namin ang alaala mo Elliez,... "saad nito na ikinalaki ng mata ko..
" ano? Teka tita.. Gulong gulo na ako eh... Bakit?.. Bakit niyo pinabura ang alaala ko.? "tanong ko dito..
" nasangkot ka sa gulo ng bawat pamilya. Kinuha ka ng Winedterllhia ng lolo mo at ginamit ka niya, para maging sandata sa bawat laban sa kaniyang mga kalaban. Ikaw ang ginagawa niyang panangga..Labag ang mama mo noon, ngunit pinilit ka nila. Kung hindi ka kakampi sa kanila, ay ipapatay nila ang pamilya mo... Kaya, ng makahanap ng paraan si ate, ipinabura niya ang lahat ng alaala mo, at pinalitan ng iba.. Gumawa siya ng mga kwento na di din, naman madali sa kaniya. Naawa na kami sayo noon. Araw araw umuuwi kang may pasa, duguan ang tagiliran, ngunit walang paki ang ama mo.. Hinahayaan niya lang ang lolo mo na kumuntrol sa lahat. Kaya, naiintindihan ko ang mama mo kung bakit, gayon na lang ang pag protekta sa inyo ng kapatid mo... Kaya, sana ija. Wag ka ng pakontrol sa lolo mo. "malungkot na wika nito sa akin..
Nakikita ko na sincere si tita sa sinasabi niya, nakikita ko ang pagluha niya... Kaya niyakap ko na lang siya... Ang sama nila ang sama sama nila. Bakit sila pa ang naging pamilya ko. Bakit,?...

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Yzvettelannah Zenn Borres

    Maganda itong basahin

    05/11/2024

      0
  • avatar
    John Guenne D Orcino

    maganda sya basahin

    05/07/2024

      0
  • avatar
    Argie Gargoles

    500

    09/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata