logo text

Chapter 25 ( New Born ZPhoenix )

                 ( Elliez POV  )
Heto na nandito na ako sa labas nakikita ko na umiiyak na si bunso.. Hahaha, ayaw pa sana akong bitawan... Kaya lang hinawakan ni mama at lola...
" ayaw, ate wag ka na lang umalis," wika ng kapatid ko na nagmamakaawa..
" bunso, aalis na si ate. Malalate na ako.." saad ko dito..
" ate, kalimutan mo na lang yang flight mo. Mamaya ka na umalis pag big na ako.." naiiyak na wika nito..
Natawa naman sina mama at lola.. Maging si sheish, at Lark..
" look, bunso babalik naman si ate eh. Ano ka ba, kaya wag kang mag alala padadalhan na lang kita ng favorite mong... "pag aalo ko dito..
" ok, sige basta yung pangako mo ahh,.. "wika nito sa akin..
" hahha, hayy naku lil keish, wag kang mag alala magpapadala din ako ok.. Wag ka ng umiyak diyan ok.. "wika ni leiy dito..
" yehey, thank you... Sige alis na kayo ingat babye... "tuwang wika nito..
" hayss, naku... Sige ma, lola aalis na po kami. Baka maiwan kami ng flight namin.. "wika ko sa mga ito..
" sige, paalam anak... "wika ni mama sa akin na alam ko na malungkot ito..
Tumango na lang ako kay mama. Saka agad na sumakay ng kotse. Ngunit bago namin isarado ang pinto ng..
" Z..." wika ni Albert...
" ouh, al? Bakit? "tanong ko dito..
" here, alam ko na. Kailangan mo ang bagay na ito... "wika nito..
Ibinigay niya naman sa akin ang isang maliit na ballpen..
" salamat...." nakangite na wika ko..
Kaya kumaway ako kina mama sa huling pagkakataon.. Sana maging maayos lang kayo habang wala ako sa tabi niyo sana. Habang nasa biyahe ay naiisip ko pa din ang kalagayan nila gayong wala ako doon...
" sheish, alam ko na ok lang sina tita.. Wag kang mag alala..." wika ni leiy sa akin..
" sana nga..." wika ko saka napa buntunghininga..
" babe, sa airport ko na lang ba kayo ihahatid?" tanong ni lark..
Napatingin naman si Leiy sa akin...
" yes, sa airport...." tugon nito..
Saka na ako tumingin sa labas ng bintana...
                    ( Willx POV )
It's been how many months na di ko nakikita si  hon, ano na kaya ang ginagawa niya...
" apo,..." tawag ko dito..
" yes,?" tugon ko dito..
" hanggang kailan mo haharapin ang asawa mo?" tanong nito sa akin..
Napalingon naman ako dito at nakita ko siya na nakatingin sa labas. I saw Shein na abala sa mga bulaklak kasama ang maids namin...
"wala akong panahon para sa ganyan lola.." saad ko dito..
" ouh, come on, Willx. Pati ba naman ikaw? Asawa mo na siya kahit naman kunti ipakita mo na masaya ka na nakilala mo siya.." saad ni lola sa akin..
" si lolo lang naman ang may gusto sa bagay na ito eh.. Not me.. Di naman talaga ako ang nasa ganito eh.." tugon ko dito..
" at sino ang inaasahan mo sa position na ito?.. Huh?... Ikaw na Lang ang naiwang tagapagmana ng position na ito, lalo na ang organisation ko.. "wika ng nasa likod...
Napaiwas na lang ako ng tingin, ngunit bigla na lang itong nagpaputok ng baril ng akmang aalis na ako..
" David, ano ba? "gulat na wika ni lola dito..
" wag mong palalakihin ng ulo yang apo mo Ate... " wika ni lolo kay lola..
" pwede ba apo ko siya, kaya ako ang may dapat na mangaral sa kaniya.. Sinabihan ba kita na pumunta dito?" wika ni lola dito..
" hindi..." giit nito...
" makakaalis ka na.. "saad ni lola dito na naggalit na..
Ngunit sinamaan muna ako ng tingin nito bago umalis, hinawakan naman ako ng lola sa ulo...
" ok ka lang ba apo? "tanong ni lola sa akin..
" sanay na ako la, ganun naman siya lage eh. Ewan ko ba kung bakit siya pa ang naging lolo ko.. Kung bakit siya pa ang ama ng ama ko.." wika ko dito..
" anong nangyayari?" takang tanong ni shiene na kakapasok lang....
Bigla naman itong pumasok na may bitbit na bulaklak.. Halata mo na nagmamadali ito... Kaya, natawa na lang ako ng kunti, baka isipin niya na nahuhulog na talaga ako sa kaniya....
" akyat na muna ako la, may gagawin pa ako.. "paalam ko sa mga ito..
Kaya agad na akong umakyat sa taas.. Pero bago pa ako makarating sa taas ay narinig ko pa ang sinabi nito...
" bakit ka ba nagmamadali ija?" tanong ni lola dito..
" sensya na lola, akala ko kasi kung ano na ang nangyari eh.... "napakamot naman ito sa ulo nito..
Hayss, di ko man tanggapin o isipin ngunit totoo ang lahat, asawa ko nga ang tagapagmana ng mga Winedterllhia. Siya ang panganay na anak, Ikakasal sana ito kay Jake ang kaso, di pumayag si Jake kasi, ipinaglalaban niya ang pagmamahal niya para kay Elliez,...na alam ko naman na noon pa. Tinanggap ko ang lahat, mabait naman siya ngunit ayaw ko na mahulog sa kaniya. Lalo, pa at hanggang ngayon si hon pa rin ang mahal ko..
                      (  Phoenix  POV )
I am here in my Territory, welcome back ZPhoenix. The new born one... I do wear a mask na magtatago sa kung sino talaga kami.
" ZPhoenix, nagbalik ka na.." tuwang wika ni AThunder sa akin..
" yeah, naisip ko na maningil na ulit ng utang.. Matagal tagal na rin eh..." saad ko dito..
" aren't you going to welcome me AThunder?" bigla naman pumasok si LWhisper...
" LWhisper, akala ko di ka na makakarating..." tanong ni thunder dito..
" pwede ba yun, matagal tagal na din akong di nakakasabak sa ganito na miss ko ang wind ko.. "saad ni whisper...
Hinawakan naman nito ang weapon niyang pana.... Hmm, we are  " The  Mask PHOENIXES "... I am the leader of this organization na binuo ko.... Now, that were back I miss my baby... .... Agad ko namang hinawakan ang armas kung sandata... Hmmm... Bigla na lang itong humaba na aakalain mo na di ka masusugatan, ngunit kahit daplis lang malakas na ang epekto sayo... AThunder have his sniper weapon... Kahit kailan, walang laban ang naatrasan namin... We are known as the secret Weapon na sinasabi nila... Pero wala na akong pakialam don, ang gusto ko lang magkaroon ng hustisya Para sa mga taong mahihirap na di makaranas non..
" what are you thinking?" tanong ni whisper sa akin..
" nothing, namiss ko lang ang pilipinas.." saad ko dito..
" you miss the Philippines or him..?" singgit ni thunder...
" tss, forget it. We should not involved into romances we have lots of works to do.." seryoso na wika ko..
" hmm, ikaw ang nagsabi.. "nakangisi na wika ni whisper...
Agad naman nitong bumalik sa room nito kaya naisipan ko na pumasok na lang sa room ko... Tss.. Kung ano man ang nararamdaman ko noon wala na yun. Kakalimutan ko na...
                        (  Minellia POV )
Habang pauwi na ako galing sa market ng mapansin ko ang isang kotse sa gate ng bahay.. Kaya, agad akong tumakbo papasok...
" ma.." wika ko..
Ngunit di ko inaasahan ang makikita ko...
" Hi,..." bati nito sa akin..
" ikaw pala... Napadalaw ka?.. Paano mo nalaman ang address ng bahay ko?" tanong ko dito..
" ahm, nagtanong tanong ako, sakto naman na dito din naka assign ang asawa ko na eh memeet ang client niya... Kaya, dumaan na din ako. Kung pwede lang... "saad ni sheint sa akin...
" ahm, wala naman problema doon, maupo ka ulit.. Pasensya na akala ko kasi kung sino.. Pasensya na nagulat yata kita... "wika ko dito...
" wala lang yun, ok lang... Nasan pala ang anak mo? "tanong nito sa akin..
Napalingon naman ako habang inilalagay ko ang mga dala kung binili sa palengke... Abala naman si mama sa pagbibigay sa kaniya ng makakain..
" pasensya ka na.. Sa inihanda namin.. ma'am... "saad ko dito...
" naku, ok lang po ito. Di naman po kailangan eh.. Pero salamat pa rin po.." nakangite na wika nito..
" ahm, wala na dito ang anak ko. Pumunta na siya ng America... Pinatira ko muna sa tita niya doon.." wika ko dito..
" tita? "tanong nito...
" kapatid po ng asawa ko.." saad ko dito..
" ouh, I see.. Ito na ba siya ngayon? " tanong niya saka tinuro ang isang larawan ng anak ko..
Tiningnan niya naman ang larawan ni Elliez nong grumaduate siya...
" oo, siya na yan.. "nakangite na tugon ko..
" ang gandang bata, at ang laki na niya. Dalaga na dalaga na, marahil mag kasing edad lang sila ng anak ko.. Kung buhay pa sana siya.." saad nito habang hinahawakan ang larawan ng anak ko..
" sorry, napaalala ko pa.." wika ko dito..
" no, its ok ako naman ang nagpaalala sa kaniya sayo... Masaya na din ako na. Nakita ko na din ang batamg binigyan ng anak ko ng puso niya. actually nakita ko na siya noon, nalaman ko na kaibigan pala siya ng inaanak kung si Leiy... Kaya pala magaan ang loob ko sa kaniya... "nakangite na wika nito sa akin..
Napaiwas naman ako ng tingin,...
" ahm, sige salamat na pala dito... Aalis na din ako marahil tapos na ang asawa ko sa meeting nila. Maraming salamat sa pagpapatuloy sa akin dito... "wika nito sa akin..
" walang anuman yun.. "tugon ko dito...
Inihatid ko naman siya sa labas ng gate at saka, kumaway na lang habang papaalis na ang kotse nito... Agad naman akong bumalik sa loob ng bahay... At nakita si mama na nakatingin sa akin..
" bakit? " tanong ko dito...
" hanggang kailan mo aaminin ang lahat?" tanong ni mama sa akin..
" ma, wala pa akong lakas ng loob na mag open sa topic na yan.." wika ko...
" hanggang kailan mo eh oopen ang topic na yan?.. Hanggang sa magkaubusan na...?  Tandaan mo Nillia, minsan lang mabuhay ang tao, kaya hayaan mo naman na maranasan ito ng anak mo... " paalala ni mama sa akin..
Hanggang sa umakyat na din ito ng kwarto...
" mama, nag aaway ba kayo ni lola? "tanong ng bunso ko...
" wala anak nag uusap lang kami, anong gusto mong kainin? "pag iiba ko ng topic dito..
" kahit ano na lang mama.. "wika nito..
" sige, manood ka na lang ulit Doon ng tv ok.. Tatawagin na lang kita pag luto na.."  wika ko dito...
Tumango na lang ito at saka tumungo sa sala.. At nanonood ng tv...

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Yzvettelannah Zenn Borres

    Maganda itong basahin

    05/11/2024

      0
  • avatar
    John Guenne D Orcino

    maganda sya basahin

    05/07/2024

      0
  • avatar
    Argie Gargoles

    500

    09/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata