logo text

EPILOGUE : Peace and Independence

EPILOGUE : Peace and Independence
BAKIT NGA ba tayo may puso?
Upang punuin natin ng pagmamahal at kabutihan sa ating kapwa at pamilya. At hindi upang balutin ng kapootan, inggit, kasakiman at paghihiganti dahil lamang sa mga masasamang nangyari sa nakaraan.
Hindi natin kailangang magtanim ng galit sa isang tao lalo na at hindi naman nito kasalanan.
Imbes na magtanim ng galit, bakit hindi na lang kabutihan ang itanim natin nang kapag nagbunga ito ay hindi masama kundi isang kapayapaan.
Tatlong buwan din akong nakahimlay sa aking kama dahil sa panghihinang natamo ko. Akala nga nila ay forever na akong hihimlay na lang eh. At dahil nga walang forever sabi ni Kenedy na parang kabute dahil biglang mawawala, biglang lilitaw, hindi ako forever na nakahimlay lang.
Ang totoo nyan, wala naman akong balak na patayin o saktan si Lacreshia kahit gaano pa man ito kasama. Habang bumubuo ako ng liwanag that time nasa isip ko lamang ang mga salitang iniwan ni Lucas.
"Luna kahit ano man ang mangyari, kabutihan mo pa rin ang iyong paiiralin."
Paulit-ulit yan sa isipan ko. Kaya ang ending isang matinding liwanag na magbibigay ng kaliwanagan, kabutihan at pagmamahalan sa buong Moonterifico ang aking nilikha. At dahil buong lakas ko ay aking ibinigay kaya nawalan ako ng malay na naging dahilan para makatulog ako ng tatlong buwan.
At heto nga, apat na taon na ang nakalilipas simula nang mangyari ang paghaharap-harap naming lahat.
Apat na taon na rin ang nakalilipas simula ng makorohan ako bilang prinsesa ng Moonteria. Hindi naging madali sa akin ang lahat, marami akong pinag-aralan para lamang maging isang mabuting susunod na pinuno ng aming kaharian. Pero dahil nandyan si Ate Mon, mga pinsan ko at mga kaibigang itinuring kong pamilya, naging magaan para sa akin ang pinagdaanan ko.
Sa ngayon hayahay muna ang buhay dahil si Ate Mon at Ken ang mamamahala sa buong kaharian ng Moonteria.
At ako?
"Ikaw Luna, tinatanggap mo ba ang lalaking ito sa hirap man o ginahawa?"
"Opo, father—"
OPPPSSSSIEEEE!
Imagination ko lang yan. Sa totoo ay ako talaga ang....
"ITIGIL ANG KASAL! BUNTIS AKO AT SI KEN ANG AMA NG DINADALA KO."
"MGA TAKSIL KAYOOOO! TAKSIL!"
OHHH.. Teka lang! Walang ganyang nangyari. Naging maayos ang kasalang naganap ilang buwan na ang nakakaraan. Kasalan ng babaeng pinakamahalaga para sa akin at ng lalaking kapatid ng pinakamamahal ko. Ehe!
Nang sagutin ni Ate si Ken at tanggapin ang inaalok nitong kasal nagdiwang ang lahat. Ngunit ang mas nagdiwang sa araw na iyon ay walang iba kundi si KEN.
Ngayon nga ay mag-asawa na ang dalawa at magkakaroon na ako ng pamangkin dahil buntis na si Ate. Walastik din ang kumag! Naka-home run agad!
Nilipat na nina Ina at Ama ang korona sa dalawa bilang bagong Hari at Reyna ng Moonteria. Silang dalawa na rin ang namamahala at sumasakop sa buong Moonterifico.
Alam nyo ba kung bakit?
Dahil tumatanda na raw si Ina at Ama kaya naisip nila na magpahinga muna sa pamumuno ng buong syudad. At ayun nga, kasama sila nina Lolo at Lola sa paglilibot sa buong mundo.
Palaging nagpapadala ang mga ito ng litrato nila habang nasa iba't ibang bansa.
SANA ALL NA LANG DIBA?
Mas okay din iyon dahil may kalayaan ang katawan nila para makapag-aliw at makapagsaya. Hindi natin alam ang buhay lalo na at iisa lamang ito.
Pero may alam akong tao na dalawa ang naging buhay.
"HOY TIMOTHY! AYUSIN MO NGA ANG KURBATA KO!" Utos ni Lucas kay Timothy.
"HOY KA RIN! SINO KA PARA PAGSILBIHAN KO? AMO BA KITA? YAYA MO BA AKO?"
"Sige na naman oh! Male-late na kami ni Winter sa date—I mean sa meeting eh."
"Asus! Huli pero di kulong?!"
"Gague! Ayusin mo na kasi. Ilalakad nga kita ng maayos kay Ashley dahil alam ko namang torpe ka."
"Gague ka rin. Hindi mo na ako kailangang ilakad pa sa kanya."
"Oh, bakit? Hindi ka na torpe?"
"Dahil gagapangin ko na lang ang sadistang iyon."
"HAHAHAHAHA! TANG!NA KA TALAGA! Kaya lagi kayong nag-aaway eh."
"Sabi nga nila, the more you hate, the more you love. Ohh diba? Pa hard to get lamang ang mangkukulam na iyon."
"HOOOYYYYYYY! LALAKING BALIW NA NAGNAKAW SA PUSA KO! ANONG PINAGSASABI MO DYAN, HAH?!"
"Patay na! Nandyan na ang tigre! Humanda ka na. HAHAHAHA!"
Pumasok si Ashley sa office na may dala-dalang walis tingting.
"Hi, Buwan!" Pagkatapos ay masamang bumaling ito kay Timothy. "Asan ang pusa ko? Magnanakaw ka!"
"Hoy, hindi ko ninakaw ang pusa mo. Sumama sya sa akin ng kusa dahil wala syang makausap sa inyo. At dahil nakakausap ko sya, ako na lang daw ang amo nya."
"Kung ganoon, akin na lang din si Lambo."
Tumayong bigla si Timothy.
"AKIN LANG SI LAMBO! AKIN LANG ANG LEON KO!"
"AKIN LANG DIN SI LEY! AKIN LANG ANG PUSA KO!"
Nagtitigan ang dalawa ng matagal. Sa sobrang intense ng titigan nila ng masama nakakakita na ako ng kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata.
Aso't pusa nga talaga!
Sumulyap sa akin si Lucas.
"Mauna na ako, Buwan! Ikaw na ang bahala sa mga hayop na ito."
"Mag-iingat kayo ni Winter."
Sumaludo naman ito bago lumabas ng pinto.
Napangiti ako kapag naiisip na may something palang namamagitan kay Winter at Lucas.
Ang diwatang gumagabay sa akin ang syang nagbigay ng pangalawang buhay kay Lucas. Hindi pa naman ito tuluyang nawawalan ng hininga noon, pero dahil sa sobrang kahinaan ay baka doon din humantong. Ngunit dahil isang mabuting tao si Lucas na handang magbuwis ng buhay para lamang sa amin, binigyan sya ng lakas ng diwata.
At sa pangalawang pagkakataon ay nakasama namin syang muli. At hinding hindi na mahihiwalay pa.
"Hoy, kayong dalawa! Lumayas na nga kayo dito. Hindi ba ay may mga estudyante pa kayong tuturuan ngayong araw?"
Tumango ang dalawa.
"Ano pang hinihintay nyo? Gusto nyo bang sisantihin ko kayong dalawa?"
"HINDI!"
"HUWAG!"
Nagmamadaling lumabas ng opisina ang dalawa na muntikan pang hindi magkasya sa pinto dahil sa pagmamadali.
Napapailing na lamang ako.
Si Lacreshia ay hindi naparusahan ngunit pinatapon ito sa lugar na hindi na sya pwedeng umalis, maliban na lamang kung sapat na para sa mga diwata ang pagsisising ipinapakita nya.
Nalaman din namin na si Andrew pala ang ama ni Lucas na syang lalaking nakabuntis kay Lacreshia. At dahil isang mortal si Andrew ay hindi nito natanggap na nagkaroon sya ng anak sa isang lobo.
Iyon din ang dahilan kung bakit dinala ni Lacreshia si Lucas sa mundo ng mga tao. Dahil sa tuwing nakikita nya ito bumabalik ang sakit na naranasan nya noon. Ngunit hindi pa rin naipagkakaila sa kanya na minahal din nya ang anak.
At bilang paghingi ng tawad ni Andrew sa nagawa isinulat nya ang aklat na iniwan nya dito sa Academia. Ito ang Book of Unspoken Feelings. Dahil isang manunulat at guro iyon lamang ang tanging paraan nya upang ipahayag ang paghingi ng kapatawaran para sa kanyang mag-ina.
At ngayon nga ang araw ng kamatayan ni Tito Andrew. Namatay ito dahil sa sakit dahil na rin sa katandaan dahil isqng normal na tao lamang ito. Doon magtutungo si Lucas at Winter bago tumuloy sa kanilang date.
Si Tita Lumishia na rin ang tumayong ina-inahan ni Lucas, na kahilingan na rin ni Tita. Masaya si Lucas dahil may tumatayong ina nya na nagbibigay ng pagmamahal kahit na hindi sila tunay na magkadugo, na hindi kayang ibigay ni Lacreshia.
Kahit papaano ay naging mapayapa na rin at panatag bawat kalooban at puso ng isa't isa.
Anytime ay pwede rin kaming lumabas para dalawin ang pamilyang naiwan namin sa mortal world. May sari-sariling pamilya at negosyo ang mga pamilyang kumupkop sa aming lima kaya kami na lamang ay dumadalaw sa kanila doon.
Mas lalo tuloy lumaki ang pamilyang meron kami.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon.
"Come in!"
Pumasok ang isang estudyante. May dala itong limang folder.
"Head Mistress, heto na po ang pinahihingi nyo kay Sir Luthor na mga estudyanteng mula sa Royalty Section."
"Paki-lagay na lang d'yan, Mika! Maraming salamat!"
"Mauna na po ako, Head Mistress. Have a good day!"
Ngumiti naman ako at tumango dito, pagkatapos ay lumabas na ito ng opisina.
Last year lamang ako naging Head Mistress ng A.D.M. Tinanggap ko ang tungkuling ito dahil gusto ko rin namang pamahalaan ang paaralan na isa sa mga naipundar ng aking mga lola't lolo. At isa pa, napakaraming masasayang memories na nangyari dito sa mga nakalipas na panahon. At ang mga iyon ay hinding hindi ko makakalimutan.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay may kumatok ulit. Hindi na ako nagsalita dahil bumukas na ang pintuan at bumungad sa akin ang sunod-sunod na pag-utlaw ng ulo ng mga pinsan ko.
Natawa ako sa kanilang itsura.
"Papasok na kami, Luna." Nakangising wika ni Kaleb.
"Nagpaalam ka pa talaga samantalang nakapasok ka naman na."
Napakamot naman ito sa ulo. "Anong masamang hangin ang nagdala sa inyong anim dito?"
"Masamang hangin talaga? Hindi ba pwedeng namiss ka lang namin?" Natatawang sagot ni Calix.
"Ehemmm!" Pekeng tumikhim ang lima.
"Joke lang eh!"
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagkagusto ako sa sarili kong pinsan. Mapapa-WTH ka na lang talaga kapag naiisip kong nabaliw ako kay Luna. AAAHHHHH!"
Lumumpasay pa si Warren sa sahig ng opisina na parang isang batang hindi nabigyan ng candy.
"Ang o.a bro! Move on ka na." Pang-aasar pa ng kapatid dito. Masamang tingin lang ang ginanti ng huli.
"Akala ko spark na yun, lukso lang pala ng dugo?! WAAAHHHH!"
Si Warren ang lalaking nakilala kong hirap maka-move on. Tsk! Tsk! Kawawang nilalang.
"Madami akong papeles na babasahin kaya kung narito kayo para mang istorbo, patatalsikin ko talaga kayo gamit ito." Itinaas ko ang aking kamay na may umiikot na hangin sa ibabaw ng aking lapad.
Napalunok naman ang anim na kumag.
"Napadaan lang talaga kami, Luna. Hehehehehe!" Lunok-laway na sabi ni Axxon.
"Actually, may tatapusin pa pala akong project sa lab. Mauuna na ako sa inyo mga kolokoy. Babye Luna! Yung gift namin ni kambal ah, h'wag mong kalilimutan."
"Oo nga Luna. Ihuhulog kita sa ilog kapag nakalimutan mo iyon." pagsang-ayon pa ni Marion.
Napatingin ako sa kanilang dalawa nang makalabas na ito ng opisina. Gift?
Ay, gaga! Oo nga pala. Kaarawan ng kambal na unggoy na iyon bukas. Muntik ko ng makalimutan. Buti na lang napadaan kuno ang anim na ito dito.
At malamang kaya naririto ang anim na iyon ay aayain na naman ako para maging date nila dahil sigurado akong dudumog na naman ang mga kababaihang mag-aapply sa posisyong iyon bukas.
"Babye Luna ko! CHAROT!" Tumatawang bulalas ni Calix.
Siraulo talaga! Tuwang tuwa kapag naaasar ang kapatid na until now ay hindi pa rin makaget-over sa katotohanan.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang umalis ang anim na kolokoy sa opisina ko. Magiging tahimik na rin ang araw—
"Knock, knock!"
Or not...
Bagsak ang balikat na sumandal ako sa aking swivel chair pagkatapos ay itinabi muna ang mga dapat gawin, coz another kolokoy came.
"Who's there?"
Kilalang kilala ko na kung kaninong boses ito. Natatawang umiling ako saka humalukipkip, hinihintay ang kanyang kacornihan.
"Apoy."
Mas lumawak ang ngisi ko nang tama ang aking hinala. Si Fire nga, wala ng iba.
"Apoy who?"
Pekeng umubo muna ito bago sumagot. "Apoy alipin mo kahit hindi batid. Aaminin ko minsan ako'y manhid." Pagkatapos ay bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ni Fire.
Simpleng t-shirt na puti at itim na jogger lamang ang suot nito ngunit ang lakas ng dating.
"May pa knock, knock ka pang nalalaman dyan. Anong nakain mo?"
Umupo ito sa single sofa na nasa gilid.
"Trip ko lang, bawal ba?"
"Nagsusungit ka na naman. Lumayas ka na nga!"
"Joke lang, eto naman oh. Hindi mo ba ako namiss?"
"Hindi! Siraulo ka eh samantalang galing ka sa palasyo kahapon para lang maki-hinge ng sawsawan ng mangga. Tapos miss agad? Ano ka si—"
"Khairo? Aguyyyy! Miss mo? Ang tanong miss ka din ba? JOKE!"
Mabilis na binawi nito ang pang-aasar dahil lumiliit na ang tingin ko sa kanya. Meaning malapit na ako mainis. HMP!
Bwesit kasi ang lalaking iyon. Hindi manlang nagsabi na pupunta sya sa labas para sunduin sina Mommy at Daddy, maging sina Ina at Ama. Magbibirthday nga kasi si ang kambal bukas kaya dapat lang na kompleto ang pamilya. Kung alam ko lang ay sumama din ako sa kanya.
Yari talaga sa akin ang lalaking iyon pagbalik nya.
"Ohhh teka lang! Ang sama ng tingin mo sa akin, ako ba si Khairo hah?"
Sumimangot naman ako.
"Lampaso you want? Lumayas ka na nga!"
Bigla itong tumawa. "Oo na! Aalis na nga. Lalo na at naririyan na ang bagyo, ah hindi buhawi pala."
Malakas na sumimoy ang hangin na pumasok mula sa bukas na bintana.
Natawa ako dahil nariyan na nga ang hurricane. Mayayari na naman ang isang ito. Pero mayayari din sya sa akin.
Tatayo na sana si Fire para umalis nang biglang bumukas ang pintuan. Galit na mukha ni Air ang bumungad sa amin.
Pakiramdam ko tuloy ay asawa ako na nahuli ng kanyang asawa na may kabit. HAHAHAHAHA!
Kung makatingin naman kasi ang lalaking ito akala mo nagtataksil ako.
"Luna, aalis na ako ah. Nand'yan na kasi ang bagyo—este may gagawin pa pala ako."
Tumawa lang ako dahil sa reaction ni Fire dahil sa nakakatakot na tingin sa kanya ng kaibigan.
"Uyyy! Nandyan ka na pala bro. Kanina ka pa namin hinihintay eh."
"Namin?"
Nagsusungit na naman ang lolo nyo. Selos na naman kasi yan. Tsk!
"I mean ni Luna pala. Sige ah, tatapusin ko pa pala yung pinapagawa mo sa akin. Tsaka may training pa nga pala ako ngayon. Hehe! Aalis na talaga ako, dahil baka mamatay na ako maya-maya lang."
Nagmamadaling lumabas ito ng opisina. Muntik pa ngang bumangga ito sa dingding buti na lamang at naagapan.
Masungit na lumapit sa akin si Air pagkatapos ay hinila ako mula sa pagkakaupo saka ito ang umupo sa swivel chair ko.
I crossed my arms. "Upuan ko iyan, Mr. Gullet!"
"Sabi ko nga upuan mo ito, Mrs. Gullet!"
Napahitili ako nang hapitin nya ako sa bewang paupo sa kanyang kandungan.
Malakas na hinampas ko sya sa braso.
"Air! Nakakainis ka ah!"
Tumawa lang ang gague.
"Sabi mo upuan mo ito? Eh pinaupo lang naman kita anong masama doon?"
"Eh iba naman yung nauupuan ko. Hayop ka talaga!"
"Mas hayop yang inuupuan mo kaya ingat kang huwag syang magalaw dahil nagwawala yan."
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng mainit at kumukulong tubig dahil nag-iinit ang magkabila kong pisnge.
Ang gague talaga!
"Anong ginagawa ni Apoy dito? Nawala lang ako saglit umaaligid na naman ang unggoy na iyon."
"Selos ka na naman. Magkaibigan lang kami ni Fire. Ikaw ang mahal ko, diba? Nagdududa ka pa rin ba sa sarili mo?"
"Hindi naman. Wala lang talaga akong tiwala sa mga umaaligid sayo. I love you babe!"
Ipinulupot ko naman ang dalawa kong braso sa batok nya. Habang nasa magkabilang bewang ko naman ang dalawa nyang kamay na pumipisil-pisil pa.
Pilyo pa rin kahit sya na ang susunod na mamamahala ng kanilang kaharian.
"I love you more babe!"
Akmang hahalikan na sana ako nito ng mabilis kong inatras ang aking ulo palayo sa kanya.
"Nasa Academia tayo Air, remember? Specially in my office."
He just hissed.
"Mas exciting ang office affair, babe! Isa pa nilock ko ang pinto—"
"Head Mistress pinapatawag po kayo ni Ms. Ame—OH MY GOSH! SORRY PO! Babalik na lang po ako mamaya." Napatingin kaming pareho ni Air sa pintong sumarado din kaagad dahil sa kababalaghang nakita ng isa kong estudyante.
Taas-kilay na tumingin ako kay Air. "Nikock pala hah!"
He just smiled shyly at me. Cute!
"Sige na nga! For now, ikaw muna ang baby ko."
Saka ako nito niyakap ng mahigpit at ibinaon sa aking leeg ang kanyang mukha na nagbigay sa akin ng matinding kiliti.
"Babe, gawa na tayo ng baby oh. Inggit na'ko kay Kuya, magkaka baby na sila ng kapatid mo."
"Akala ko ba ako muna ang baby mo?"
Ngumisi ito ng nakaloloko. "Gusto ko na maka score eh. Sige na! ARAYYY!"
"Ang pilyo mo talaga! Sa labas ka matutulog ah."
"Joke lang babe!!"
Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan napapangiti na lamang ako dahil nagbigay ito sa amin ng isang matibay na aral. Na kahit gaano man kasama ang mundo, darating ang panahon na giginhawa din ang buhay mo lalo na kung kabutihan ang iyong paiiralin.
Mahirap man ang aming pinagdaanan, in the end of every story there is happy ending.
At ito ang happy ending naming dalawa ni Air, ng prinsipe ko at soon magiging Hari ko. Hari ng puso ko. CORNY!
At sa bawat pahina ng mga kwento, may mga aral tayong matatamo na makakatulong sa atin upang mas maging better na tao.
Hindi pa tapos ang laban na aming kahaharapin. Marami pang pagsubok na hahadlang, ngunit mapagtatagumpayan namin iyon basta magkakasama at nagkakaisa. At upang makamtan ang kalayaang hinahangad ng bawat isa, kapayapaan sa isa't isa muna ang ating ipadama sa ating kapwa.
Academia Del Moonteria is now signing off~~
Hanggang sa muli!
•••••
AUTHOR'S NOTE:
Annyeongggg!!!!
Maraming salamat sa mga readers ko na walang sawang naghihintay ng aking updates kahit na matagal. Pasensya na, tamad kasi talaga ang Author nyo huhuhu. Hindi ko na kayo imemention but... tinandaan ko na po talaga kayo ^_^
Sana napasaya at nabigyan ko kayo ng ilang aral mula sa istoryang ito. At sana nag enjoy kayo kahit medyo bitin... sorna agad! huhuhu.
Pero nagpapasalamat pa rin ako ng sobra pa sa sobra, sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng A.D.M. At nagpapasalamat din ako kay God for giving me good health para matapos ito.
Dahil kung hindi sa inyo hindi ko magagawa ang kwentong ito. Bawat akda ng inyong kyut na Author (joke) ay alay ko para sa aking mga ReDEARS (Readers).
ReDEARS because you guys are all Dear to me. Love you guyzue! Ingat po kayong lahat!
At sana suportahan nyo rin ang una kong story which is SOOHL (She's Out Of His League) at ang mga madadagdag pa.
God Bless Us All! 💜
Nagmamahal, hindi nagmumura,
Binibining Jesika
(Kyut n'yong Awtor)

Komento sa Aklat (234)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo