logo text

CHAPTER 51 : Attack of the Darkness

Chapter Fifty-one : Attack of the Darkness
MALAKAS NA pagsabog ang kanilang narinig. Mabilis na kumikos ang lahat palabas ng mansion.
Nagkalat sa labas ang mga estudyanteng nagising mula sa pagkakatulog dahil sa malakas na pagsabog.
"CALM DOWN STUDENTS! CALM DOWN!" Sigaw ni Ms. Persepone.
"Khairo mauna na muna kayo sa Academia. Pakakalmahin at dadalhin muna namin ang mga estudyante sa ligtas na lugar," wika ni Ms. Amethyst.
"Sige po, Ms. Amethyst."
"Mag-iingat kayo!"
Tumango naman ang lahat bago tumakbo papunta sa premises ng Academia.
"Alam nyo ba kung saan nanggaling ang pagsabog?" tanong ni Winter.
"Sa south wing ng Academia nagmula ang pagsabog. Nagkalat ang mga kawal ni Lumishia sa buong Academia," sagot ko.
"MAGMADALI!"
Gumamit na kami ng teleportation para lamang mabilis na makarating sa Academia. Kung tatakbo lamang kami ay maaaring marami ng masira at maskatan dahil mapakahabang hallway pa ang aming daraanan.
"TUMIGIL KAYO MGA PASHNEA!!!!" Malakas na sigaw ni Ashley na ikinatingin ng lahat. Maging kami ay nagulat rin sa sigaw niya.
Malakas nga palang sumigaw ang babaitang ito at talagang mabibingi ka kapag malapit ka lang sa kanya.
"Pashnea? Wala tayo sa Encantadia, Ashley." Umiiling na wika ni Maicko na ikinatawa namin nina Timothy.
"Ahh, wala ba? Akala ko kasi kampon sila ng Hatoria eh. Back to the present... MAGSITIGIL KAYO MGA PANGETTTTTT!"
"ABA! ABA! ABA! Isang puting mangkukulam ang nalakas loob na sigawan ang mga kawal ko. Wala kang modo sa Reyna!"
Lumitaw ang isang babaeng nakakulay itim ng gown, maging ang kapang suot nito ay itim din.
"Saan ang lamay? Teka may Halloween Party ba? Hindi ako nainform na kailangan palang mag gown sa pakikipaglaban?" pang-aasar pa ni Ashley.
"Ash, si Tita Lumishia iyan." bulong ni Mon. "Ohhh?"
"Kamusta ka aking pamangkin? Ohh well, I don't care!" Iginala nito ang paningin sa sampong kabataan na nasa kanyang harapan. "Kompleto pala ang sampong itinakda para sirain ang paghahari ko. Wow! What a great view! Nagsama rin ang kambal na anak ng lalaking nanakit sa akin sa pangalawang pagkakataon. At mukhang may love triangle yatang nagaganap sa pagitan ng dalawang prinsipe at isang...."
Tumingin ito si Lumishia kay Luna.
"Marahil ay ikaw ang batang pakielamerang sinasabi ni Lacreshia sa akin. Sayang ka bata, dahil ilang minuto na lamang ay dadanak na ang dugo mo sa lupa dahil sa pagiging pakielamera mo."
"Sinong tinakot mo?! Hindi ako takot mamatay kung iyan ang nais mo." Matapang na sagot ni Luna dito.
Lihim na sinuway naman sya ng mga kaibigan sa kanyang isipan, lalo na nina Mon at Khairo na nag-iinit na ang ulo.
Ngunit hindi inalis ni Luna ang masamang tingin nito kay Lumishia.
Nanlaki ang mga mata ni Lumishia nang may kung ano itong maramdaman dahil sa titig ng dalaga sa kanya. Pinaghalong lungkot at pananabik ang namutawi sa kanyang pakiramdam.
'Ngunit bakit?' tanong ng kanyang isipan habang nakatitig sa dalaga.
"Mahal na Reyna, ano pang hinihintay natin? Kailangan na nilang mapaslang ngayon din dahil sagabal lamang sila sa inyong plano." Sumulpot sa kung saan si Lacreshia.
'Plano nga ba ni Lumishia? O baka plano mo?' anang isipan ni Luna. Gustuhin man nyang sabihin iyon ngunit nagsimula nang lumapit sa kanila ang kawal ni Lumishia.
"Paslangin lahat ng humadlang sa ating plano. Prinsipe man yan o prinsesa. Ngunit h'wag nyong sasaktan ang pamangkin ko dahil kakailanganin ko pa sya laban sa aking kapatid na si Lushia." Utos ni Lumishia sa mga kawal nito bago tumalikod sa kanila, kasama ang nakangising si Lacreshia.
"SUGGOOOODDDDD!"
Sumugod ang mga kawal ng kadiliman na maagap naman nilang nilabanan.
Suntok doon, suntok dito.
Sipa doon, sipa dito.
Hindi naman naging mahirap para sa kanila na puksain lahat ng kawal ni Lumishia lalo na at lumalakas na ang taglay nilang mga kapangyarihan.
Ngunit lahat ay nagulat nang imbes na mamatay ang mga kalaban ay muling bumabangon ito at nabubuhay na para bang hindi manlang nasugatan.
"Tang!na!!!!! Para silang mga zombie."
"Hindi natin sila kakayanin kung ganito ang nangyayari."
"Tama! Magsasayang lamang tayo ng kapangyarihan at lakas kung lalabanan natin sila, pero in the end ay mabubuhay ulit."
At ito ang hindi namin napaghandaan.
Naging kulay itim lahat ng kanilang mga mata at para pang kontrolado ang isipan na para ngang isang zombie.
"Sh!t! Kontrolado sila ni Lacreshia," pahayag ko.
"TAMA! NAPAKAGALING MO NGA TALAGA BATANG PAKIELAMERA!"
Mula sa ikalawang palapag ay sumulpot si Lacreshia. Hindi nito kasama si Lumishia na halatang kumilos na naman ito lingid sa kaalaman ng reyna nila.
"Traydor ka ngang talaga, Lacreshia!"
"At ako lang ang traydor na mautak kaysa sa ibang traydor, hindi ba? Napakatalino ko talaga. KASALANAN NAMAN NILANG LAHAT KUNG BAKIT! AT NGAYON... ORAS NA PARA KUNIN ANG AKING ANAK MULA SA INYO."
"HINDI KAMI PAPAYAG NA KUNIN MO SI LUCAS PARA GAMITIN SA KASAMAAN MO!" Sigaw ni Luna.
Iniharang nina Timothy ang kanilang mga sarili sa harapan ng kaibigan.
"AT MAGING AKO AY HINDI SASAMA SA'YO. WALA AKONG INANG SAKIM SA KAPANGYARIHAN AT MAS LALONG WALA AKONG INANG KATULAD MO! HINDI AKO PAPAYAG NA MAKUHA MO AKO."
Nag-ngitngit ang mga ngipin ni Lacreshia.
"WALANG KWENTANG ANAK! KUNG HINDI RIN LANG NAMAN KITA MAPAPAKINABANGAN, MAS MABUTING PASLANGIN NA LANG KITA SA SARILI KONG MGA KAMAY!"
May inilabas itong itim na mahika at inihagis sa pwesto nina Lucas ngunit mas mabilis ang replexes nina Khairo kaya agad na nasalag nito ang mahikang itim.
"GINAGALIT NYO TALAGA ANG PASENSYA KO AH! MGA KAWAL SUGUDIN SILA!"
Akmang susugod na sana ang mga kawal nang dumating si Lumishia.
"LACRESHIA ANONG IBIG SABIHIN NITO? AT ANONG KAUGNAYAN MO SA BATANG ITO?" Naguguluhang tanong nito habang nakaturo kay Lucas.
"Anak mo ba ang batang ito? At handa kang patayin ang sarili mong anak? Ang plano natin ay—"
"Pasensya ka na Mahal na Reyna ngunit plano ninyo iyon at iba ang plano ko."
Dumilim ang tingin ni Lumishia.
"Aaminin ko na. Matagal ko nang sinusuway lahat ng gusto ninyo at gumagawa ako ng sarili kong hakbang. Ang totoo nyan ay ginamit ko lang kayo upang maisakatuparan lahat ng aking plano at kagustuhan na pagharian ang buong Moonterifico. Ngunit... pumapel ang batang iyan!"
Galit na tumingin ito sa akin pagkatapos ay tumawa ng malakas.
"Ang una kong plano ay ang makitang patayin ng Reyna Lumishia ang sarili nyang pamangkin. Ngunit... napakatalino mo Luna. Napakailap mong hulihin. Ngunit ngayon sisiguraduhin kong maisasagawa ko na nang maayos ang plano ko."
Pumikit ito at may itim na mahikang lumabas sa kanyang katauhan na bumuo ng isang malaking bilog.
"SISIGURADUHIN KONG MAPAPASAKAMAY KO ANG BUONG MOONTERIFICO!"
Hindi napaghandaan ng lahat ang sunod nitong ginawa. Hinagis nito ang mahikang itim sa pwesto nina Luna.
"HINDING HINDI MANGYAYARI ANG KASAMAANG NAIS MO LACRESHIA!"
Nawasak ang bilog at nawala ang mahikang itim na parang isang hangin sa alapaap.
Bumaba mula sa itaas ang mga Hari't Reyna ng apat na kaharian, kasama na ang mga pinakamalalakas na grupo ng mga puting lobo, puting mangkukulam at iba pa.
Isang sandatahan ang pumuno sa buong ground ng Academia.
"Hangga't naririto kaming mga magulang hindi nyo maaaring saktan ang aming mga anak."
"LUSHIA! AKING KAPATID, NAGKITA TAYONG MULI. AT NGAYON AY MAGAGANTIHAN NA RIN KITA!!!"
Galit na sigaw ni Lumishia. Humarang si Haring Harold sa harap ng asawa.
"Lumishia tumigil ka na! Walang kasalanan ang kapatid mo. Kung galit ka pa rin sa akin, ako na lang ang saktan mo. H'wag lang si Lushia at ang anak namin."
"PARE-PAREHO KAYONG MGA TAKSIL!!" Galit na sigaw nito. "AT IKAW NA BATA KA! SINO KA BA TALAGA?!! KUNG ISA KA LANG DIN SA HAHADLANG SA PAGHIHIGANTI KO, DAPAT KA MUNANG MAMATAY!"
May binuo itong hangin sa gitna ng dalawang kamay bago galit na inihagis iyon sa pwesto ni Luna. Mabilis na humarang si Khairo upang maprotektahan ang babaeng kanyang minamahal.
"AIRRRRR!"
"AARRGHHHHH!" Hiyaw nito nang dumaplis ang nakalalasong hangin sa braso ni Khairo.
"ANAKKKK!" Sigaw ng mga magulang ni Khairo. Sumugod ang mga ito upang sunod-sunod na paulanan ng patalim ang kinatatayuan ni Lumishia.
Ang mga kawal naman ni Lumishia ang kumalaban sa mga ito. Sunod-sunod na ang pagsugod ng dalawang kampo upang maprotektahan bawat pamilyang meron sila laban sa kasamaan.
"AIRRR! HOY! MAGMULAT KA NGA NG MGA MATA. DAPLIS LANG YAN, HINDI KA PA MAMAMATAY. AIR ANO BA?! Liligawan mo pa ako diba? Tapos magiging tayo pa. Ipapakilala pa kita kina Ina at Ama, diba?"
Umiiyak na niyugyog ni Luna si Khairo na unti-unting pumipikit dahil sa sakit ng katawang natamo.
"Ang sakit ng katawan ko, Luna. H'wag mo na akong yugyugin pa."
"Sino ba kasing may sabi na iharang mo yang katawan mo? Bakal ba yan, hah! Siraulo ka talaga!"
"Mahal mo naman."
"Nagawa mo pa talagang ngumisi ng ganyan samantalang para kang hindi na makagulapay dyan."
Tinulungan ni Ken ang kapatid na makatayo at makalayo sa kaguluhan.
Nakita ni Lumishia na papalayo ang tatlo kaya hinagisan nya ulit ito ng isang bilog na enerhiya.
"LUNAAAA SA LIKOD MO!" Malakas na sigaw ni Mon na ikinaharap ni Luna. Nakagawa agad ito ng palasong gawa sa apoy at agad na pinatama sa gitna ng bilog na enerhiya na ikinawasak nito.
"ARRGGHHHHH!" Galit na galit na hiyaw ni Lumishia.
Akmang gaganti na naman ito nang biglang sumigaw si Mon.
"SIGE! SIGE SAKTAN MO ANG SARILI MONG PAMANGKIN! KUNG IYAN ANG IKAKASAYA MO, SIGE!"
Tila natulos ito sa kinatatayuan. Maging ang mga hari't reyna ay napatigil din at napatingin sa kanila.
"Moncheska, a-anong pinagsasabi mo?"
"Hindi mo pa rin po ba maintindihan? Si Luna ang kapatid kong nahiwalay sa amin ilang taon na ang nakararaan. Ang batang nagpalambot sa puso mo ngunit naging dahilan rin kaya ka mas lalong nagalit kina Ina nang mawala sya. Dahil akala nyo pinabayaan lang sya ni Ina. May mga bagay na nangyayari dahil may dahilan."
Lumapit si Mon kay Luna.
"May nakakita sa kanya na lumulutang sa ilog pagkatapos ng bagyo. Kinuha sya ng mga ito upang alagaan at ituring na tunay nilang anak. Ngunit hindi naman habang buhay na maitatago ang katotohanan. At ito rin ang nasa propesiya, hindi po ba? Na may dadating mula sa nakaraan upang magbigay sa atin ng kapayapaan."
"Anak, totoo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng Reyna Lushia. "Totoo bang anak ka namin, Luna? Ikaw ba talaga si Luna? Ang bunso ko?"
Gusto man umiyak ni Luna ngunit hindi pa sa ngayon.
"Patunayan nyo! PATUNAYAN NYO KUNG TOTOO NGANG SYA SI LUNA!"
Inilabas ko ang aking kwintas na may pendant na buwan.
"L-Luna!"
"At meron din syang birthmark sa likod ng balikat. Isang balat na hugis buwan. At nararamdaman ko rin na sya nga talaga ang kapatid ko, ang bunso ko."
"I-IKAW NGA ANAK! ANG LUNA KO! ANG LUNA NAMIN NAGBALIK NA! ANAK KOOOO!"
Mahigpit na niyakap ng mag-asawa ang anak nilang matagal ding panahon na nahiwalay sa kanila.
"IPINAGPAPASALAMAT KO NG NAPAKARAMI ANG PAGKUPKOP AT PAGMAMAHAL NA IBINIGAY SAYO NG MGA TAONG NAG-ALAGA, ITINURING KANG TUNAY NILANG ANAK AT NAGPALAKI SAYO BILANG ISANG MABUTING DALAGA."
"I-Ina, Ama! Nagbalik na po ako. Makakasama ko na kayo."
"Patawarin mo si Papa, anak. Dahil hindi ka naman nahanap ng mas maaga. Patawad dahil hindi ka namin naalagaan at nabantayan ng mabuti."
"Hindi naman po ninyo kasalanan eh."
"L-LUNA! P-PAMANGKIN KO!"
Nakangiting bumaling si Luna sa kanyang Tita Lumishia. Nakita nya ang pagtulo ng mga luha nito habang nakatitig sa kanya.
"Tita nagbalik na po ako. Hindi na ulit ako mawawala kaya pakiusap po, tama na! Hindi kasalanan nina Ina ang nangyari. Kung galit pa rin po kayo dahil sa nakaraan, kalimutan na po natin lahat ng iyon at magsimula ng panibagong buhay sa ngayon. Tita hindi po natin kailangang mag-kagulo, iisang bayan po tayo. Iisang pamilya tayo. At ang pamilya ay nagmamahalan."
Unti-unting lumapit si Lumishia sa pamangkin na matagal din nyang namiss. May kung ano sa kanya na sa tuwing nakikita ito at naaalala ay gumagaan ang puso nya. Siguro dahil ipinagkait sa kanya ang magkaroon ng isang supling at ng lalaking magmamahal sa kanya at kanya ring mamahalin.
Mahigpit na niyakap nya ito at humagulhol sa balikat ng pamangkin.
"Simula ngayon ibabalik ko na sa dati ang lahat. Wala ng kaguluhang magaganap."
"ANG DRAMA! SOBRANG DRAMA! I HATE DRAMAS!" Malakas na sigaw ni Lacreshia. "Anong wala nang kaguluhang magaganap? Ano kayo sinuswerte? Kailangang matapos ko ang aking nasimula at iyon ay ang MASAKOP ANG BUONG MOONTERIFICO AT PAMUNUAN KAYONG MGA TAO."
"Bakit mo nga ba ito ginagawa, Lacreshia? Bakit ka naghihiganti? Naging mabuti kaming kaibigan sayo noon. Ngunit bakit napuno ng galit ang puso mo, Lacreshia."
"Dahil simula't sapol kayong lahat na ang magagaling. Kayo na ang matatalino. At kayo na ang nakakaangat. Pero paano naman ako na isang hamak na itim na lobo lamang? Para sa inyo, sila lamang ang pinakamalalakas sa aming pangkat." sigaw nito sabay turo sa kampo ng Alpha.
"Lacreshia walang ganoon. Walang mataas at mababa sa ating lahat. Pantay-pantay ang tingin ng mga Hari't Reyna sa atin noon. Kahit noong kabataan pa natin, walang ganoong iniisip ang mga ito. Ikaw lamang ang nag-iisip niyan sa sarili mo." wika ni Uncle Mashiko, ang Alpha.
"Noong naghihirap ako dahil sa walang kwentang pag-aalay ninyo, may nagtanong ba sa akin kung okay lang ba ako? Kung wala bang masakit sa akin. Wala diba? Wala! Dahil mga sarili nyo lang ang iniisip ninyo."
"Nagkakamali ka! Nandito kami para sayo, ngunit ikaw ang nagtataboy sa amin papalayo. Sarili mo lang din ang iniisip mo, at hindi mo pinapakinggang ang sinasabi namin. Wala kang pinakinggan sa amin kahit paulit-ulit namin sinasabi sa iyon na huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo, Lacreshia. Ngunit sinunod mo pa rin ang kagustuhan mo. Ikaw ang may kagustuhan niyan at hindi kami." sigaw ni Tita Lumishia.
"BLAHHHH... BLAAAHHHH... BLAAAHHHHH..."
"Tingnan mo, hindi ka pa rin nagbabago. Wala ka pa ring pinakikinggan bukod sa sarili mo."
"WALA AKONG PAKIELAM! MAGKAMATAYAN NA KUNG MAGKAKAMATAYAN!"
Gumawa si Lacreshia ng isang malaking enerhiya mula sa kanyang itim na mahika at buong lakas na meron sya. Isang malaking enerhiya na puno ng itim na mahika, kidlat at apoy at mga pinagsamang kapangyarihan na nakuha nya sa naging aksidente noon.
Pagkatapos ay walang pag-aalinlangan na hinagis nya ang enerhiya sa kampo nina Lumishia.
Ngunit imbes na sila ang matamaan nito, walang pagdadalawang-isip na sumugod si Lucas at ito mismo ang humarang sa malaking bilog na iyon.
Naging malakas ang impact ng nangyari na halos ikatapon ni Lucas.
"LUCASSSSSS!" Malakas na sigaw ni Luna.
Hindi naman nakagalaw si Lacreshia sa nangyari. Tila natulos ito sa kinatatayuan habang nakatitig sa katawan ng kanyang inak na nakabulagta sa lupa. Puno ang katawan nito ng sugat at nanghihina na.
"Mama, ikaw pa rin ang ina ko kahit naging ganyan ka. Kahit nilukob ng galit at inggit ang puso mo alam ko na may kabutihan pa ring nakatago sa katauhan mo. At bilang isang anak na matagal na nahiwalay sa kanyang magulang, ikinalulugod kong makilala kita Mama. Mama, pakiusap tama na!"
Umiiyak at nahihirapang wika ni Lucas habang nakangiti pa rin sa kanyang ina.
"LUCASSSSS!" Mabilis na tumakbo sina Luna palapit dito. "Lucas gagaling ka, magagamot ka pa namin. H'wag ka munang pumikit, Lucas please!"
"Luna ano man ang mangyari, kabutihan mo pa rin ang iyong paiiralin."
Nakangiting wika ng kaibigan na nagpaiyak kay Luna ng malakas. Hanggang sa dahan-dahan na itong pumikit.
"LUCAS HINDIII! PLEASE LUCASSS! HUWAG!"
Ngunit kahit anong pakiusap ni Luna ay wala syang nagawa. Dahil sa panghihina at mga sugat na natamo ay hindi na kinaya ng katawan ni Lucas.
Galit at paghihinagpis ang tangin nararamdaman ni Luna sa mga oras na ito.
Tumayo sya at masamang tumingin kay Lacreshia.
"Kahit gaano ka pa kasama, ina pa rin ang naging turing sa iyo ni Lucas sa mga oras na ito. Kahit gaano ka pa kasama, kabutihan pa rin ang hangad nya para sa iyo. Pero anong pinairal mo? Inggit, galit at kasakiman mo."
Hinihingal na sigaw nito. At kahit anong gawin nina Mon ay hindi nila mapigilan ang galit na nararamdaman ni Luna sa mga oras na ito.
"AT WALA KANG KARAPATANG TAWAGING ISANG INAAAAAAA!"
Pinagsaklob ni Luna ang dalawang kamay ay unti-unting bumubuo ng isang malakas na enerhiya mula roon.
"Luna! Luna, tumigil ka. Pakiusap anak ko, kumalma ka."
Lalapit na sana si Khairo upang pigilan si Luna ngunit pinigilan sya ng kanyang ama.
"Hindi natin sya mapipigilan. Walang makapipigil sa isang taong nasasaktan lalo na at isang mahalagang kaibigan ang nawala sa kanya."
"Ngunit ama—"
Huli na rin upang mapigilan nila si Luna. Isang nakasisilaw na liwanag mula sa pagsabog ang bumalot sa buong Academia. Nasaksihan din iyon maging ng mga village at kaharian sa buong Moonterifico.
At sa pagkawala ng liwanag, nanghihinang katawan ni Luna ang bumagsak mula sa lupa.
"LUNAAAAAA!"

Komento sa Aklat (234)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata