Homepage/ACADEMIA DEL MOONTERIA/
CHAPTER 50 : The Traitor's Real Identity
Chapter Fifthy : The Traitor's Real Identity
HINDI NA kami nagtagal sa Lagoon dahil nakatanggap ng mensahe si Mon mula kay Ms. Amethyst.
Nagkakagulo ngayon sa Academia dahil sa mga nakakapasok na black magic na nagdudulot ng masamang epekto sa mga estudyante.
"Nagsisimula na nga sila."
Tama ang diwata na sa araw na malaman ko ang tunay kong katauhan, kalaban ay magsisimula na ng labanan.
Pagpasok pa lamang ng Academia ay sobrang tahimik na. Tila walang students na pumapasok dahil para kaming nasa isang abandonadong paaralan. Ang dating magulo at nagkalat sa kung saang mg estudyante, ngayon ay nagtatago sa bawat classroom. Natatakot na baka bigla na lamang lumitaw ang nagkalat na itim na mahika sa paligid.
Ang black magic ay pinupuntirya ang estudyanteng nagsasanay pa lamang ng kanyang kapangyarihan at wala pang kontrol sa kanyang sarili.
"Si Lacreshia." banggit ko.
Napatingin silang lahat sa akin.
"Si Lacreshia. Sya ang traydor sa kampo ni Lumishia. Sya ang lumalason sa bawat isipan ng kanilang mga kaalyansa. Simula pa lang si Lacreshia na ang mag kagagawan ng lahat."
"Lacreshia? Hindi ba sya yung black wolf na naging black witch?" Winter asked. I nodded.
"Sya nga!"
"Bakit ngayon mo lang sinabi, Luna?"
"Dahil kailangan nating pagplanuhan lahat ng gagawin nating hakbang. Dahil hindi lamang simpleng black wolf si Lacreshia na naging black witch. Nang hindi sinasadyang lumipat sa kanya ang mahika ng alay ay nagkaroon sya ng kakaibang kakayahan na kahit ang isang prinsesa ay kayang gawin."
"Ibig mo bang sabihin ay...."
"Ay kaya nyang gayahin ang kayang gawin ng bawat isa sa atin. Mahirap syang kalabanin kung ganoon, kaya dapat tayong magplano."
"Pero wala nang oras."
"Isa lang naman ang paraan para matalo sya. At iyon ay ang pag-isahin lahat ng kapangyarihan ng sampong pinili ng propesiya."
"At tayong sampo iyon."
"Magtungo muna tayo sa bahya upang mapang-usapang ang dapat gawin." Wika ni Air. "Lucas at Timothy magtungo kayo sa Main Hall upang tawagin ang mga nakatataas. Kailangan na nating magplano dahil hindi natin alam kung kailan sila aataki ng hindi natin namamalayan."
"Sige!"
"Teka!" Aalis na sana sina Lucas pero mabilis ko silang napigilan.
"Luna bakit?" tanong ni Timothy.
"Luna hindi ito ang oras para—"
"Maicko ikaw na ang sumama kay Timothy. Hindi natin maaaring palayuin si Lucas nang walang maraming kasama. Nasa panganib ang buhay nya, at hindi ko hahayaan na kunin sya ng masasama upang ipanglaban sa atin. Hindi si Lucas! Hindi ang kaibigan ko!"
"Buwan, a-anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Ashley. Maging si Lucas ay naka-kunot din ang noo dahil sa pagtataka sa sinabi ko.
"Saka ko na ikukwento. Tims at Maicko magtungo na kayo kina Ms. Amethyst upang ipaalam ang ating gagawin. Maging maingat kayo at alisto sa paligid. Kung may kahina-hinala man, magmadali kayong tumawag sa amin. Sige na."
"Sige, mag-iingat kami."
Mabilis na tumakbo papunta sa Academia ang dalawa. Nagmadali naman kaming nagtungo sa mansion upang masabi ko na ang dapat ipaalam.
"Luna, ipaliwanag mo nga?"
"Magsi-upo muna kayo." Inilabas ko ang aklat na ipinakukuha sa akin ng tinig ng diwata.
"Ang aklat ng kaalaman. Saan mo nakuha iyan, Luna?" takang tanong ni Ken.
Pagkatapos ay kinuha ko rin ang librong nahanap ko mula sa library. Ang libro na kung saan naroroon lahat ng lihim ni Lumishia.
Muntik ko ng makalimutan, sya nga pala ang Tita ko dahil isa akong Moonteria.
Nagulat ang lahat ng ilabas ko ang Book of Moonterifico. "Nasa huli ng librong ito ang tunay na dahilan kung bakit napuno ng galit at poot ang puso ni Tita Lumishia. Si Andrew Lemmings ang nagsulat niyon."
Inabot ko kay Mon ang aklat. Binasa nito ng malakas lahat ng nakasulat mula sa liham.
"S-Si D-Daddy? Ngunit bakit hindi namin iyon alam? Walang sekreto sa pamilya namin ngunit nagkamali ako." Galit na wika ni Ken.
"May rason ang lahat, Ken. Maaaring ang rason na iyon ang dahilan kung bakit inilihim ni Tito ang lahat sa inyo. At isa pa, matagal na iyon at nakalimutan na. Ang problema na lang natin ay ang taksil na si Lacreshia."
"Si Luna ang lunas sa galit at poot na namuno sa puso ng aming Tita at naniniwala ako na maibabalik ng aking kapatid ang kabutihan sa puso ni Tita Lumishia. Ngunit si Lacreshia, hindi natin alam kung ano ba talaga ang motibo nya kung bakit gusto nyang sirain lahat-lahat upang masakop ang buong Moonterifico."
"Isa lamang ang makakasagot niyan, at sya lang mismo iyon."
Bumukas ang pinto kaya napatingin naming lahat doon.
"Mga bata!" Bungad ni Ms. Persepone. "Mabuti na lamang at naririto na kayo. Hindi muna namin pinalalabas ang mga estudyante dahil sa hindi namin malamang kadahilanan ay nagkaroon ng lagusan ang kasamaan upang makapasok ng Academia."
Pumasok mula sa pinto sina Ms. Persepone at Ms. Amethyst kasama ng iba pa.
"Kilala nyo po ba si Lacreshia?" tanong ko.
"Lacreshia? Kilalang kilala namin sya dahil isa sya sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ng inyong mga magulang noong kabataan nila. Mula ito sa White and Black Wolf Family. Ngunit napabilang sya sa mga lobong sumama sa pangkat ni Lumishia." sagot ni Ms. Persepone.
"Ngunit anong kinalaman nya sa mga nangyayari dito sa Moonterifico?" naguguluhang tanong ni Ms. Amethyst.
"Sya ang kanang kamay ni Lumishia na syang inatasan nito upang pamunuan ang pagsagawa ng mga kaguluhan dito sa Moonterifico. At sya rin ang TAKSIL sa kampo ni Lumishia. May mga bagay na hinagawa ito na hindi alam ni Lumishia. At isa na roon ang maisakatuparan ang hangad nito na sakupin ang buong Moonterifico."
"Maaaring sya rin ang gumawa at nagkalat ng itim na mahika dito sa loob ng Academia. Kaya nitong magbalat-kayo at gumaya ng mukha ng iba kaya nakakasigurado akong sya ang may gawa nito."
"At ngayon ay nagsisimula na sila. Marahil ay nalaman na nito na alam na ni Luna kung sino sya."
Nagkatinginan kami ni Mon. Nakangiting hinawakan nya ang isa kong kamay.
Nakangiting pinapanood naman kami ng mga Enchantress.
"Masaya kaming makilala ka, Prinsesa Luna! At masaya rin kami na sa wakas ay nalaman mo na ang totoo mong pagkatao kung sino ka."
"A-Alam po ninyong lahat?" Taas kilay na tanong ni Mon.
"Pasensya na, Mahal na Prinsesa Moncheska. Matagal na naming nalaman simula pa lang ng tumungtong dito ang limang magkakaibigan. Ang nais lamang namin ay kayo mismo ang makatuklas nito."
"Kaya rin ba pinagsama-sama nyo kaming sampo sa misyong iyon?" tanong naman ni Ken.
Tumango lamang sina Ms. Amethyst at Sir Luthor.
"Maligayang pagbabalik sa iyong tunay na tahanan, Prinsesa Luna!"
Sabay sabay na yumukod ng bahagya ang mga ito sa akin.
"Naku, hindi nyo naman po kailangang magbigay galang pa. Hindi ako sanay." Nahihiyang wika ko.
"Pagbigay galang sa anak ng Hari't Reyna ng Moonteria na syang namamahala sa buong Moonterifico lamang ang ginagawa namin, prinsesa. Kaya pagbigyan mo na kami. At isa pa, masasanay ka rin lalo na kapag nakoronahan ka na," ani Sir Luthor na nakangiti ng malawak.
"Ngunit bago ang lahat ay kailangan na muna tayong maghanda para sa labanang maaaring ilang minuto lang mula ngayon ay maganap na."
"Ms. Amethyst is right! Kailangang pag-usapan na natin ang kailangang gagawin kung sakali man na magmatigas si Lacreshia."
THIRD PERSON'S P.O.V
BUSY ANG lahat sa pag-pupulong ukol sa maaaring gawing pagsalakay ng kampo ni Lumishia sa Academia.
Malalim na ang gabi at sobrang tahimik na ng buong paligid. Ngunit hindi pa rin matahimik ang kalooban ni Luna. May pangamba at alanganin sa kanyang isipan, bagay na hindi nya maipaliwanag kung ano o kung bakit.
Malalim na nakatitig lamang sya sa kawalan habang naghihintay naman ang iba sa maaring mangyari.
Naramdaman nya ang pagtabi sa kanya ni Khairo. Magaang pinaglandas ni Kahiro ang kamay nya sa ibabaw ng kamay ni Luna.
"Magiging maayos din ang lahat aking prinsesa. Take some rest, alam kong pagod ka sa paglalakbay maging ang isipan mo ay ganoon din."
"Hindi ko magawang magpahinga, Air. Kung alam kong ano mang minuto ngayon ay lulusob sila ng walang pasabi. Gusto kong maging handa. Gusto kong handa ako na haharap sa kapatid ng aking ina."
"Just... Just rest Luna. Saglit lang."
Hinawakan ni Khairo ang ulo ni Luna at bahagyang isinandal sa kanyang balikat. Wala namang nagawa ang dalaga lalo na't tama ito. Pagod nga sya sa mahabang paglalakbay, maging ang isipan nya ay pagod din sa pag-iisip ng maraming bagay.
Ipinikit ni Luna ang mga mata upang kahit ilang minuto lang ay makapagpahinga muna ang kanyang isipan at katawan.
Ngunit hindi pa manlang sya nakakaidlip nang sumigaw si Ashley mula sa ikalawang palapag.
"BUWAAANNNN!"
Napabalikwas ng bangon maging sina Timothy na natutulog din sa nakalatag na comforter sa sahig.
"Ashley ang ingay mo! Natutulog ang tao eh." Reklamo ni Timothy na pumupungas-pungas pa.
"Sorry na! Nagulat lang kasi ako dahil...."
"Dahil?"
"Dahil umilaw iyong aklat."
Humahangos na tumakbo ito pababa dala ang librong umiilaw nga.
Mabilis na tumayo si Luna at inabot naman sa kanya ni Ashley ang aklat.
"Ang aklat ng kaalaman. Maaaring may ibinababala ito o sasabihinh importate na kailangan nating malaman," wika ni Luthor.
Wala s'yang sinayang pa na pagkakataon at binuklat na ang libro kung saan lumalabas ang nakasisilaw na liwanag.
Isang imahe ng masayang pamilya ang bumungad sa kanilang lahat. Unti-unting tumulo ang mga luha ni Luna nang mapagtanto kung sino ang pamilyang ito. Maging si Moncheska ay napaiyak din at mahigpit na napakapit sa braso ni Ken. Inalalayan naman ito ng binata.
Masayang pamilya nina Luna ang nasa larawan. Masaya at puno ng pagmamahalan. Walang bakas ng ano mang kalungkutan o kasamaan. Naroroon din ang buong angkan ng mga Moonteria at Del Fierro, at ilang mga kamag-anak.
Buo at walang nahihiwalay.
Ngunit ang sumunod na larawan ay ang nagpaguho sa lakas at sayang lumulukob sa puso ni Luna.
Isang larawan na kung saan naroroon ang dalagang imahe ni Lacreshia kasama ang isang munting batang lalaki. Sa larawan ay makikitang masaya ang dalawa. Tuwang tuwa naman ang batang lalaki na tila napakagandang tanawin niyon.
Ngunit bakit ngayon tila napuno na ito ng galit at kasamaan?
Kilalang kilala nila Luna ang batang kasama ni Lacreshia sa larawan, dahil simula pagkabata ay nasaksihan na nilang lima ang paglaki ng bawat isa.
Umiiyak na lumingon si Luna sa kinatatayuan ni Lucas na halatang gulat at hindi rin makapaniwala sa nakikita.
"L-Lucas..."
Nahalata nya ang panginginig ng kaibigan kaya dagli nya itong nilapitan. Maging si Asley, Maicko at Timothy ay lumapit na rin sa kanila.
"Lucas... Kahit anong mangyari, kahit sino ka pa, walang magbabago sa pagtingin namin sa iyo. Wala akong pake kung kaanu-ano mo si Lacreshia. Ang mahalaga ngayon ay huwag ka nyang makukuha mula sa amin."
"Luna... L-Luna p-paano kung... Paano kung anak pala nya ako?"
"Hindi ka namin ibibigay sa kanya. H'wag kang sasama sa kanya kahit anong mangyari."
"Bro... tayo ang pamilya. Kami ang pamilya mo. Kunin ka man nya sa amin. Sya man ang ina mo, walang mas hihigit sa pamilyang natagpuan mo mula sa amin." Maging si Timothy ay naiiyak na rin habang tinatapik ang balikat ng kaibigan na tila hindi alam ang gagawin sa maaari nitong malaman.
Tumingin si Lucas sa mga kasama nila ngayon na naging kaibigan na rin nito. At higit sa lahat ay itinuring syang pamilya at parang tunay na kapatid.
Tumango sa kanya si Khairo at Ken. Nakatingin naman sa kanya sina Mon at Winter na nag-aalala. Ngunit isa lang ang napuna nya sa mga tinging iyon.
At iyon ay ang pagmamahal bilang isang kaibigan, bilang isang kapatid at pamilya.
'Tama! Hinding hindi ko ipagpapalit ang pamilyang ito sa isang ina na hindi ako itinuring na isang anak.' anang isipan ni Lucas.
Pinagmasdan nya ang mga kaibigan na determinadong hindi sya hahayaang makuha ng kasamaan.
Ang mga ganitong kaibigan ay minsan lamang matagpuan, kaya naisip ni Lucas na bakit nya pa papakawalan ang pamilyang ito. Kung gayong ang tunay nga nyang pamilya ay hindi nya alam kung anak ba o kapamilya ang turing sa kanya.
Bakit nya hahayaan ang sarili na makuha ng ina n'yang kasakiman lamang ang hangad imbes na kapayapaan at kabutihan.
Tumayo si Luna at tumingin sa kanya.
"Kahit buhay ko man ang kapalit, hindi ko hahayaan na may mapahamak o mawala man sa mga kaibigan at pamilyang meron ako. Hindi ko hahayaan na kasamaan ang magtagumpay."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (234)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
interesting story. keep it up author 💜💜
27/04/2022
1good
17/02
0dagdagan Mona
28/11
0Tingnan Lahat