logo text

CHAPTER 48 : Love Triangle

Chapter Fourty-eight : Love Triangle
"MALAPIT NA BA TAYO??? Mukhang nakalimutan ko na ang daan papunta doon eh." May pagrereklamong tono sa tanong ni Winter. "Init na init na'ko. Gusto ko na lang magbabad sa malamig na tubig. Miss ko na ang bathtub sa kwarto ko."
Walang sumagot sa tanong nya.
"Hoy!!! Sabi ko kung malapit na ba tayo?"
"Malapit na." Tamad na sagot ni Ken.
Tumigil saglit si Winter sa paglalakad pagkatapos ay nameywang sa harap ni Ken.
"Malapit na? Kanina mo pa sinasabing malapit na tayo ah. Pero bakit tatlong oras na hindi pa tayo nakakarating?"
"At kanina mo pa rin tinatanong kung malapit na tayo, nagreklamo ba ako? Hindi 'diba? Pang isang libong tanong mo na nga 'yan eh. At kanina ka pa nagrereklamo na init na init ka na, nagreklamo.ba kami?"
"T-Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Natawa ako sa reaction nya. Ang totoo n'yan pang isan-daang tanong lang naman nya iyon. Konti pa lang naman, diba?
"Diba water princess ka naman Winter? Bakit hindi mo na lang gawan ng fountain yang sarili mo? Naglalakad ka kahit tirik ang araw pero hindi ka naiinitan dahil sa tubig na bumubuhos sayo. Iwas hassle, diba?"
Nagtawanan ang mga kolokoy sa sinabi ni Lucas. Gague talaga. HAHAHAHA!
Masamang tingin naman ang isinukli ni Winter dito.
"Bakit? Nagsa-suggest lang naman ako. Anong masama doon?"
"Manahimik ka na lang Lucas baka masamain ka sa akin." Bantang wika ni Winter kay Lucas. Napakamot na lang sa ulo ang huli. Baka ng kasi masamain nga ito sa dalaga.
Kawawing Lucas! Tsk! Tsk!
"Malapit na tayo!" Anunsyo ni Mon na s'yang nangunguna sa amin.
Tuwang nagtatakbo naman si Winter. Sabik na sabik sa tubig. Matagal din naman kasi kami hindi nakapagbabad ng matagal sa tubig kapag naliligo. Kahit ako ay miss na rin ang kwarto ko sa mansion sa Academia. Kahit ang malambot kong kama ay tila tinatawag na ako.
Ang sarap humimlay. CHAR!!
Kasabay ni Mon si Air na seryoso lamang na naglalakad. May paminsan-minsang bulungan ang dalawa na hindi ko alam kung anong pinag-uusapan. Minsan ay nakikita ko ring tatawa o ngingiti ang dalawa na parang may nakakatawang pinag-uusapan.
Iyon din siguro ang dahilan kung bakit kanina pa nag-aalburoto si Pareng Ken. Kanina pa kasi ito nangbabara, kung hindi, magsusungit naman.
Umiwas na lang ako ng tingin at kunwari'y hindi sila nakikita. Hindi ko na lang din pinansin ang kirot na naramdaman ko sa aking dibdib dahil sa eksanang nagaganap sa unahan.
Pake ko naman kung magkasabay sila. Sabay lang naman pero walang sila. Ang sama ko. HUHUHUHU! Joke lang 'yun ah.
"Selos ka noh?"
"OMG KA! Ano ba?! Nanggugulat ka naman eh."
Tumawa lang si Fire. Oo, tama kayo ng nabasa, si Fire nga ang bigla na lang sumulpot sa tabi ko galing sa kung saan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Naglalakad?!" inosente naman nitong sagot.
Umirap ako. "Har. Har. Ang funny mo."
"Nagpapatawa ba ako? Clown ba ako?"
Napangiwi ako. Kulang na lang sabihin nya rin yung line na "Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?".
"Nahawa ka na rin ba ni Ken? Ang tino mo sumagot no?"
"Tsk!"
Ayan na naman po sya. Si Mr. Tsk guy.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang walang imik sa isa't isa. Nakaiwas naman ang tingin ko sa dalawang nasa unahan namin dahil nagtatawanan ang mga ito.
Kumunot ang noo ko.
Bakit ba ako umiiwas ng tingin? Ano bang pake ko kung magtawanan sila?
Luna umayos ka nga!!! Back to your senses!
At sa pagbaling ko ng tingin sa unahan ay laking gulat ko dahil mukha na ni Fire ang natagpuan ko. Nakayukod ito upang makapantay ng mukha nya ang mukha ko.
Bahagya akong umatras dahil sobrang lapit nya.
Pero bakit gano'n?
Bakit walang epekto sa akin kahit sobrang lapit na namin sa isa't isa ni Fire. Kung meron man, kinakabahan lang ako na baka may makakita. Hindi katulad kay Air na konting lapit lang nito sa akin o di kaya ay may sabihin lang na sweet words bumibilis na agad kabog ng puso ko, na halos lumabas na sa ribcage ko. Hindi titigil iyon hangga't hindi sya lalayo.
Bakit? BAKIT???
Ibig bang sabihin 'non, gusto ko na talaga si Air? M-May gusto na ako sa isang prinsipe?
"A-Anong ginagawa mo, Air? B-Baka... Baka makita ka nina Winter, tutuksuin na naman tayo nu—"
"Sila nga ba? O baka nababahala ka na makita tayo ni Khairo?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayoko nang makipagtitigan pa dahil baka malaman na nya talaga.
"H-Hindi ah! Pake ko naman kung makita ni Air—"
"So, bakit kinakabahan ka?"
Hindi ako sumagot. Baka bigla na lamang ako madulas, mahirap na.
"Hindi ka makasagot, dahil?"
"Dahil wala naman ako isasagot sayo."
"Ay oo nga no? Paano mo nga naman ako sasagutin kung hindi pa ako nanliligaw? Oo nga naman. Sige manliligaw muna ako. Sinasagot mo na ba ako?"
Napaawang ang bibig ko. Hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya at hindi alam ang dapat ireact.
G-Gague ba sya? Anong pinagsasabi ng apoy na ito?
"Luna, sinasagot mo na ba ako?"
Napahinto ang lahat dahil sa tanong na iyon ni Fire. Maging ako ay napatigil din. Napalingon naman sa amin ang mga kasamahan namin na may nagtatanong na tingin.
"FIRE!!" May pagbabanta at diin sa boses ko. "Ano bang sinasabi mo?"
Sa halip na sumagot ay tanging isang nakalolokong ngisi lamang ang isinukli nito sa akin. Mas lalo akong nainis.
"Nasisiraan ka na ba?"
Still no responce. Nakangisi lamang ito sa akin.
Nang biglang...
"AAHHHHH!"
"OMG!!! KHAI STOP IT!"
Hiyaw nina Mon at Winter dahil sa gulat. Sobrang bilis ng pangyayari na para bang kisap lamang ng mata.
Nagulat na lamang ako nang makitang nakaupo na sa lupa si Fire habang pinapahid ang dugong lumabas sa kanyang labi, dahil sa sugat mula sa pagkakasuntok ni Air?! Ngunit may ngisi pa rin ito.
"PIGILAN NYO SILA! ANO BA?"
"FVCK BRO! SABI KO SELOS LANG PERO WALANG SUNTUKAN."
"KHAI TAMA NA!"
Awat-awat na nina Lucas at Ken ang dalawa. Pero si Air parang walang naririnig dahil pilit pa rin itong kumakawala sa pagkakayakap ng kapatid.
Tila hindi naman ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.
"ANG GAGO MO NAMAN, BRO! NAG-USAP NA TAYO 'DI BA? SABI MO WALANG TALUHAN, PERO ANO ITO?"
Galit na galit na sigaw ni Air. Kalmado pa rin si Fire kahit halos pumutok na ang labi nito dahil sa suntok.
May ngising tumingin si Fire sa kaibigan. "At sa tingin mo porket sinabi ko iyon, gagawin ko na?" panghahamok nito pabalik.
"Gag—"
"DUDE!!" Suway ni Ken dito. "Tumigil na nga kayo. Ngayon pa ba kayo mag-aaway ng ganyan? Parang hindi kayo magkaibigan ah. Para kayong mga bata!"
Galit na sigaw ni Ken pagkatapos ay bahagyang itinulak ang kapatid sa nakaupong si Fire sa lupa.
"Umayos kayong dalawa!" Saka ito umalis at naunang maglakad.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Lucas kasunod si Mon at Winter.
Lucas patted my shoulder. "Ikaw ang pinag-awayan nila Buwan. At ikaw yung babaeng ayaw na ayaw sa ganitong sitwasyon. Kausapin mo yang dalawa. At kung maaari magkalinawan na kayong tatlo."
"Tama si Lucas, Luna. Hanggang maaga pa, magkaroon na ng linawa sa inyong tatlo. Alam naming mahirap para sa iyo ito lalo na at magkaibigan ang nagkakabangga ngayon."
"Pero alam naming maaayos mo ang problema. Bibigyan muna namin kayong tatlo ng oras para makapag-usap. Sumunod na lang kayo tutal ay malapit naman na ang lagoon mula rito."
"P-Pasensya na talaga kayo. Hindi ko naman alam na... ganyan pala ang mangyayari."
Yumuko ako dahil pakiramdam ko na nakakahiya ang nangyari. Dahil sa akin, kasalanan ko kung bakit yung dating magkasangga, yung magbestfriend ay nag-aaway dahil lang sa akin.
Kung sa iba, matutuwa pa sila dahil pinag-aawayan sila, pero sa'kin hindi iyon masaya. Mahirap dahil ayokong makasakit at lalong ayaw kong mag-away sila dahil sa'kin.
Hindi iyon nakakaganda, nakakasira iyon ng ganda lalo na ng pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.
Nakakainis! Bakit kasi may ganito pa eh.
Sabi nga nila, hindi pwedeng walang masasaktan pagdating sa pag-ibig. Hindi naman kasi pwedeng dalawa ang piliin mo dahil iisa lang ang puso. H'wag kang salawahan, magshare ka naman sa iba.
"Ano ka ba, hindi mo naman kasalanan eh. Desisyon ng dalawang iyan na magkasakitan, mga shunga kasi. Init ng ulo at selos agad ang inuuna."
"Katulad no'ng isang nag walkout. Susuyuin pa rin iyon ni Mon."
"Hala sya! Bakit ako?"
"Eh sino pa ba? Ako ba? Ako ba? O baka si Lucas? Ikaw ba Lucas? Ikaw ba hah?"
"Uyyy, bakit pati ako nadamay d'yan? Bahala kayo d'yan ah problema n'yo yan."
Inirapan naman ni Winter si Lucas. Hmmm....
"Basta Luna, talk to them. Kausapin mo yung isa bago yung isa naman. Basta, bahala ka nang dumiskarte. Ingat lang dahil mainit pa rin ang ulo ng dalawa, baka magkaroon na naman ng pangatlong digmaan ng apoy laban sa hangin."
Tumango naman ako bago nagpasalamat. Sumunod na silang tatlo sa nag-aalburotong bulkan—este kay Ken pala.
Pagkatapos ay lumapit naman ako kay Air pero napatigil naman agad ako dahil lumayo ito.
"AIR!" tawag ko dito pero hindi manlang ako nilingon at tuloy lang sa paglayo.
"Psh!" Sumimangot ako. "Suplado?!"
Kaya no choice, si Fire muna ang kakausapin ko. Tinulungan ko ito na makaupo ng maayos sa isang tumbang punong kahoy. Kinuha ko ang first aid kit sa bag kong dala saka ko ginamot ang sugat nya.
Pero imbes na umaray at tumawa pa ito.
"Siraulo ka na nga talaga. May sugat ka na nga, masaya ka pa?"
"Luna, wala ka ba talagang alam? O sadyang wala ka lang pakielam?"
Naibaba ko ang bulak pagkatapos ay yumuko. Tang!na! Paano ba 'to? Ang hirap naman.
"Fire sa totoo lang—"
"You know, I like you! Gusto kita Luna! Pero dahil may gusto rin sayo ang kaibigan ko, pinipigilan ko yung nararamdaman ko. Ayokong magkasira kami dahil lang sa iisang babae. Nangyari na rin kasi iyon sa mga magulang nyo eh at alam nating pareho iyon, diba? Nangyari na rin iyon sa kanya at sa kapatid nya. Kaya ayoko ng mangyari pa ulit iyon sa pangatlong pagkakataon. Baka hindi na nya kayanin. Pero tang!na lang eh. Hindi ko napigilan, Luna!"
Umiiyak na ako. Umiiyak na'ko habang nakikinig sa daing nya.
"Ayoko rin namang mangyari 'yun eh. Sa tingin mo ba ay ginusto ko ito? Sa tingin mo ba gusto kong mag-away kayong dalawa dahil lang sa'kin?"
"H'wag mong i-LANG lang ang sarili mo, Luna."
"Bakit kasi ako? Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?"
"Fire naman ehhhh!" Pinahid ko ang mga luhang bumabagsak habang nagmamaktol sa tabi nya.
Narinig ko syang tumawa.
"Huwag kang tumawa!"
"Ang pangit mo kasing umiyak eh. Luna, gusto kita, oo. Pero si Khairo mahal ka nya. At nakita ko iyon. Hindi man nya bulgarang pinapakita at pinaparamdam sa'yo, pero nakikita ko dahil kung may mas nakakakilala sa kanya maliban sa mga malalapit sa kanya, ako iyon. I know him since when we're young at masasabi kong he really loves you. Magagalit ba ang kumag na iyon kung hindi?"
"Bakit mo kasi ginalit? Siraulo ka din eh! Edi sana wala kang sugat ngayon, gague ka!"
He smiled. A real smile.
"Worth it naman yung suntok."
"H-Huh? Anong pinagsasabi mo dyan? Kailan pa naging worth it ang suntok?"
"Worth it sya dahil worth it naman ang ipinaglalaban nya. I can feel it, Luna. Mahal mo rin sya! Mahal mo sya, diba?"
Pakiramdam ko ay nahuli akong mag tinatagong malaking sikreto. Sabagay, tinatagong sikreto naman talaga iyon. Hindi na nga lang ngayon.
"See? Namumula ka! Alam mo ba kung bakit ginawa ko iyon kanina?"
Umiling ako.
"Nakita kasi kitang masama ang tingin kay Mon at Khai kanina. At doon pa lang alam ko na agad ang sikreto mo. Kaya naman naisip ko na asarin si Khai para naman may magkaaminan na ng tinatagong feelings sa isa't isa. Medyo napalakas ang ang suntok nya pero okay lang basta h'wag sa mismong mukha."
Malakas na hinampas ko sya sa braso. "Aray naman! Kayo na nga ang tinutulungan eh, galit ka pa dyan?"
"Siraulo ka kasi! Pero bakit mo yun ginawa? Akala ko ba—"
"Dahil narealize ko na wala rin naman akong laban lalo na at nakikita ko na ang tunay na ebidensya. Oo, masakit dahil unang beses mangyari ito sa'kin."
"So meaning... first love mo'ko?" Tumagilid ako saka sya tiningnan ng mapang-asar.
Pinitik naman nya ako sa noo. "H'wag kang assuming, Luna. Anong first love ka dyan. Oo na! Just shut up!"
Natawa naman ako. Gague na nga siraulo pa pero sya lang yung siraulong kayang magpaubaya kahit mahirap, para lang sa pagkakaibigan.
Sabagay, mas madaling humanap ng taong mamahalin kaysa kaibigan tunay na mapagkakatiwalaan.
At dahil sobrang bait ni Fire sa akin. Masayang niyakap ko sya ng mahigpit. Halatang nagulat naman ito sa ginawa ko pero yumakap na rin bandang huli.
"Basta kapag pina-iyak ka nya, lumapit ka lang sa'kin gagawin nating letchon si Khai. Okay ba?"
Umiiyak na ngumiti naman ako. "Maraming salamat, Fire! H'wag kang mag-alala, darating din ang taong magmamahal sayo, higit pa sa kaya mong ibigay sa kanya. Basta friends pa rin tayo ah."
"Syempre naman. Ninong pa ako ng anak ninyo eh."
Hinampas ko ulit sya. Ang kulit eh!
Akmang yayakapin ulit sana ako ni Fire nang may brasong humila sa akin at niyakap ako sa bewan palapit sa katawan nito.
"A-Air!"
"Tama na yung isang yakap, sobra na kapag dalawa." Maawtoridad na wika nito.
Tumawa naman si Fire sa likuran ko.
"Chill bro! Kalma ka na, nagpaubaya na'ko, diba? Tama na rin yung isang suntok, masakit eh ayoko nang madalwahan pa."
"Mabuti na ang nagkakaintindihan tayo."
Tumango-tango si Fire saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Iwan ko na kayo d'yan. Mukhang kailangan nyo ng alone time together eh. Pero...."
Lumapit si Fire sa akin. Tumaas naman ang kilay ni Air na masama pa rin ang tingin sa isa.
"Pahinge muna remembrance," aniya nito. Akmang ilalapit na ang mukha sa mukha ko pero mabilis ang naging kilos ng lalaking nakayakap sa akin. Imbes na ako ang mahalikan ni Fire ay kamao ang dumapo sa nguso nito.
"AHHHH! FIRE! AIR ANO BA!?"
Malakas na tumawa si Fire dahil sa sinapit ito sa pangalawang pagkakataon.
"Sabi ko nga, titigil na. Mukhang love na love yata ako nyang kamao mo, bro. Kanina pa nagpapahalik sa'kin."
"Ogag!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagpaalam na ito ng tuluyan bago sumunod sa iba naming kasamahan.
"Siraulo talaga!"
"At sya lang yung siraulong kilala ko na tumatawa pa, nasuntok na nga."
"Pero mas magiging siraulo ako kung malaman ko na totoo nga yung pinagsasabi nung siraulong iyon kanina."
Napatingin ako sa kanya.
"Possessive ako at teritorrial, Luna. At gusto ko.... AKIN KA LANG!"
Mas hinapit nya ako palapit sa kanya. Napakapit ako sa magkabila nyang dibdib.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge at ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa pagkakadikit naming dalawa.
"Sa'yo lang naman ako, simula pa lang!"
•••••
Team Apoy o Team Hangin??? Comment naman kayo d'yan. HAHAHAHAHA!
HAPPY READINGS!

Komento sa Aklat (234)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata