logo text

CHAPTER 47 : Timothy and Lambo

Chapter Fourty-seven : Timothy and Lambo
PARANG ISANG masamang panaginip ang nangyari kagabi na tila nakalaya na mula sa matagal na pagkakabalot sa isang masalimuot na bangungot.
Hindi man namin tuluyang nahuli si Lacreshia dahil mabilis na nawala na lamang ito na tila bula. Ngunit nagkaroon naman kami ng ideya kung ano ang nais nya at kung bakit nya ginagawa ang mga ito.
Ano man ang ginagawa, gagawin o ginawa ng isang tao masama man o mabuti, lahat ng iyon ay may kadahilanan. At siguradong may dahilan ni Lacreshia kung bakit ginagawa nya ito. Ngunit sa masamang paraan at hangarin nga lang.
Nakaupo ako sa isang wooden chair dito sa kwartong inuukupahan naming mga girls sa bahay ni Ginoong Kiendro.
Nakatanaw ako sa masayang kapaligiran mula sa labas. Pagkagising kasi namin ay nagkakagulo na sa Animal's Den. Akala namin ay may masama na namang nangyari ngunit kabaliktaran pala. Nag-iingay ang lahat dahil magaling na ang mga hayop. Wala na ang mahikang itim na bumabalot sa mga ito na nagpapahirap sa kanila.
Maging ang buong Hunter's Village ay gumaan ang pakiramdam at nagliwanag ang kapaligiran.
Matapos naming dumalaw sa puntod ng ama ni Lambo ay nagpasya na kaming umuwi upang makapagpahinga saglit bago tuluyang bumalik sa Academia. Nagpaiwan naman saglit doon si Timothy upang samahan si Lambo na magpaalam sa ama nito.
Ito na kasi ang huling Village na aming pupuntahan upang tulungan.
Kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko bago kami tuluyang bumalik. May bumabagabag man ngunit alam kong makakaya na namin kung sakali man na sumiklab ang digmaang paparating. Basta sama-sama kami at tulong tulong alam kong makakaya namin.
Pagkakaisa, pagtutulungan at tiwala sa isa't isa. Iyan ang matibay na pundasyon ng isang TEAM.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, Luna."
Napatingin ako kina Mon at Winter nang pumasok sila at tumabi sa upuang inuupuan ko.
"Pinagmamasdan ko lang ang magandang araw sa labas," sagot ko.
"Maganda bang matatawag mo iyan? Sobrang init kaya! Kulang na lang ay maghubad ako ng damit kahit may mga lalaki pa tayong kasama," reklamong wika ni Winter.
Natawa ako sa kanya. "Pwede mo namang gawin iyon. Sa labas ng mundong ito kahit sobrang ikli na ng suot mo at halos makita na ang kaluluwa mo, walang pakielam ang mga tao."
Nanlaki ang pareho nilang mga mata dahil sa sinabi ko. Mas lalo lamang akong natawa dahil sa reaction nila.
"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mon.
"Joke lang! HAHAHAHA!"
I saw them pout their lips at me.
"Pero seryoso, pwede ka naman maghubad ng damit para magpapresko... kung nasa beach tayo." Dugtong ko pa.
Namiss ko tuloy magpainit sa ilalim ng araw at magtampisaw sa tubig alat ng dagat.
Noong nasa mundo pa kami ng mga mortal malimit ang outing naming pamilya, magkakaibigan at minsan buong klase ang magkakasama. Iba't ibang beach sport or water sports ang namimiss kong babalik-balikan.
Masarap maligo sa dagat, nakakaitim nga lang. Pero mageenjoy ka naman, diba?
"Mon diba may malaking lagoon na malapit sa palasyo nyo? Yung lagoon na pwedeng paglanguyan dahil mula naman sa talon ang tubig na bumabagsak doon?" Winter asked her.
"Hmmm?! Iyong Bluecean Lagoon ba?"
"Oo! Oo, iyon nga! Hindi pa sarado ang lagoon na iyon diba? Tutal ay madaraanan naman natin iyon bago makabalik sa Academia. Baka naman pwedeng doon muna tayo magpalipas ng maghapon bago bumalik sa Academia?"
"Tanungin natin ang iba mamaya."
"AYOSSS!"
Napangiti kaming pareho ni Mon sa tuwang inasal ng aming kaibigan.
"Luna anong libro iyang hawak mo?" Napatingin ako sa librong kanina ko pa pala hawak-hawak. Nalimutan ko nang basahin dahil natuon ang atensyon ko sa labas.
"Eto ba? Sabi ng tinig na palagi kong naririnig, kailangan kong mahanap ang libro. Libro na kung saan malalaman namin ang tunay naming pinagmulan. At ito na ang librong iyon."
"Kailan mo nakuha iyan? Bakit ngayon mo lang inilabas. Nakilala na natin ang tunay na pinagmulan ni Maicko at Ashley."
"Noong nanggaling kami sa kweba kung saan namamalagi ang mga itim na mangkukulan, no'ng araw ding iyon ay bigla na lamang sumulpot sa kung saan ang punong hinahanap ko. Nagpakita rin sa akin ang diwatang pinagmumulan ng tinig na naririnig ko."
Sinimulan kong ikwento sa kanilang dalawa lahat ng sinabi sa akin ng diwata na nagngangalan ring Luna—no, hindi pala. Dahil ayon sa kanya ay ako ay siya, siya ay ako. Iisa lang kaming dalawa.
"Meaning malalaman natin d'yan kung sino talaga kayong tatlo nina Lucas?! Ano pang hinihintay natin?"
Dahan-dahan kong binuksan ang aklat ngunit puting pahina lamang ang aming nakita roon. Walang kahit anong sulat manlang.
"Sa tingin ko ay tanging si Luna lamang ang makakabasa ng nilalaman ng aklat." Mon said.
Sa tingin ko rin ay parang ganoon nga ang kalalabasan nito.
"Labas muna kami Luna. Ikaw na muna ang bahala riyan." Paalam ni Mon sa akin. Tumango naman ako sa kanila bago sila tuluyang lumabas ng kwarto.
Pinagmasdan kong mabuti ang libro. At kahit anong gawin kong pagbuklat sa bawat pahina ay nananatiling puti lamang ito.
Ibinaba ko muna saglit ang aklat sa ibabaw ng bintana pagkatapos ay nagtungo ako sa aking bag. Kukunin ko na dapat ang aking phone nang bigla na lamang humangin na naging sanhi para malaglag ang aklat sa sahig.
"Sobrang lakas namang hangin iyon. Nakakaloka!"
Kinuha ko na ang phone ko sa bag saka ko binalikan ang libro na hinulog ng hangin. Binuksan ko rin ang glass window na sumarado din pala kanina.
At nang mapatingin ako sa kawawang librong hinulog ng hangin ay gano'n na lang pagkagulat ko sa nakita.
Nakabukas ang libro at may mga buhay na larawang nakadikit sa pahina. Dahan-dahan iyong lumilipat sa kabilang page at kasabay rin ang pagpalit ng mga larawang gumagalaw.
Parang Art Motion lang ang peg. Tila buhay ang mga larawan sa bawat paglipat ng pahina. Nagsasalaysay ito ng masayang larawan ng isang pamilya.
Pamilya ni Maicko. Iyon ang una kong nakita.
Napangiti ako nang makitang masaya ang kaibigan namin sa tunay nyang mundo at pamilya na sa wakas ay nakilala din nya. Nagsasanay si Maicko kasama ang anak ni Uncle Mashiko na si Cal. Ang dalawang anak na susunod rin sa yapak ng mga magulang bilang Alpha at Beta.
Sumunod na imahe ay isang grupo ng kababaihang white witches. Nagkakatuwaan ang mga ito sa isang malinis at malinaw ang tubig na batis.
Mas lumawak ang ngiti ko nang makita si Ashley. Kaya pala matagal ko nang napapansin ang kagandahang taglay ng kaibigan namin ay dahil may lahi itong puting mangkukulan. Nagtataglay ng malakas na mahina at isang katangian na meron sila ay ang pagkakaroon ng bata at magandang mukha.
Kaya pala palaging pinupuri ni Ash ang itsura ko, palagi nitong sinasabi na "Ang ganda mo talaga, Buwan. Nagmana ka sa akin" dahil nagmana nga naman talaga ako sa kanya. HAHAHA!
Let's claim it, Marekels!
Sunod na larawan ay ang lugar na kinalalagyan namin, ang Hunters Village.
Nasa larawan ang isang taong kilalang kilala ko. Walang iba kundi si Timothy. Masaya itong nakikipaglaro sa mga hayop sa gubat. Suot ang usual na damit mangangaso at may dala-dalang arrow and bow sa likuran. May ilang hunters din itong kasama specially hunters like his age. Nagkakatuwaan sila habang ang iba naman ay nakikipaghabulan sa mga usa.
"A-Anong ibig sabihin nito?"
Lumipat ang mga pahina kahit wala namang nagbubuklat no'n. Wala ring hangin na lilipad sa mga pages.
At sa paghinto niyon ay sya namang paglabas ng mga sulat. Mabilis na sinundan at binasa ko ang mga sulat doon dahil nawawala din agad.
"Oh em gie!"
Singhap na tugon ko sa nabasa. Timothy is one of them! Timothy is a son of a great Hunter named Kier Lansford. At ang taong ito rin ang nagmamay-ari kay Lambo the first.
"That makes sense now!" Natawa ako ng mahina habang inaalala lahat ng napansin ko kay Tims mula kahapon. Kaya naman pala!
Kaya naman pala kaya nyang makausap ang mga hayop at malaman kung anong nararamdaman ng mga ito ay dahil that's what he is. Kakayahan at abilidad nya ang makipag-usap sa mga ito.
Because HE really BELONG here!
Pagkatapos niyon ay wala nang sumunod pa.
"Nakapagtataka! Bakit wala kami ni Lucas?"
Kinuha ko ang libro at binuklat iyon ngunit wala nang lumabas pang mga larawan o sulat. Bakit?
Pabagsak na naupo ako sa wooden chair na disappointed dahil hindi ko nalaman kung sino ba ako, kami ni Lucas.
"Bakit gano'n? Bakit hindi pa ipinakita ang tunay naming pinagmulan ni Lucas? Bakit kami lang ni Lucas?"
Napatingin ako sa bintanang sumara kahit wala namang hangin.
"Luna!"
Ang tinig na iyon. "Diwata! Bakit diwata?"
"Luna, h'wag kang madismaya dahil lahat ng bagay ay may tamang oras at pagkakataon."
Nang sabihin nya ang mga katagang iyon ay pilit kong ibinalik ang sigla at saya ko kanina.
"Marahil ay tama sya. Baka hindi pa lang ngayon ang tamang oras para malaman ko kung sino ako. May tamang pagkakataon para dito."
Tumango-tango ako para kumbinsihin ang sarili ko. Malungkot man pinatatag ko pa rin ang aking loob para sa mga kaibigan ko.
Masaya pa rin ako para kay Tims.
NAKANGITING bumaba ako sa salas ng bahay para ibalita sa kanila ang good news na nalaman ko. Dala ko na rin ang bag ko dahil sigurado akong uuwi na kami sa Academia. Naabutan kong naghahanda na nga sila para lumakad.
"Buti naman bumaba ka na. Aalis na tayo," sabi ni Lucas.
"Luc si Tims nasaan?"
"Ayon! Nasa bakuran. Parang ayaw pa yatang umalis eh."
"Huh?"
"Kasama ng mga hayop sa may bakuran. Tuwang tuwa nga pati mga hayop tila natutuwa din sa mga kwento at kalokohan ni pareng Tims."
"Ahmm... P-Paano kaya kung hayaan muna natin sya dito?"
"Anong gusto mong sabihin?"
Ngumiti ako ng makahulugan na agad din naman nyang nagets.
Pinanlakihan ako nito ng mata. "Ibig mong sabihin..."
"Nalaman ko ang totoong pinagmulan ni Tims, Lucas. He belong here! He's one of them, Luc."
"Tongonong Timothy yan!!!! Dati palang Hunter di man lang natin nalaman agad. Ano pang ginagawa natin dito? Sabihin na natin sa kanila."
Mas nauna pa si Lucas na tumakbo palapit sa iba upang ibalita ang nalaman. Dating chismoso yata ang isang iyon eh.
"HOYYYYY!!! GUYSSSSS!!! MAY GOOD NEWS AKOOOOO!!!"
Maligalig na pahayag ni Lucas. Mabilis namang nakuha nito ang atensyon ng mga kasama namin.
Naiiling na pinanood ko na lamang si Lucas na ibalita ang good news sa iba.
Si Kier Lansford ay isa sa pinakamalakas at matapang na Hunter dito sa Moonterifico. Isa sa pinagkakatiwalaan ng mga Hari't Reyna ng apat na kaharian. Matalino ito at mabilis mag-isip pagdating sa mga solusyon ng iba't ibang problema at suliranin dito sa syudad.
Ngunit dahil sa dignaang pinasiklab ng kampo ni Lumishia noong panahong kumukuha sila ng mga mamamayan dito upang sumanib sa kanila. Dahil makapangyarihan pa rin ang dating prinsesa ng Moonteria at ang panganay na anak ng Hari at Reyna, walang nagawa si Kier kundi protektahan ang kanyang mga kasamahan kahit pa buhay man nito ang kapalit.
Mas inuna rin nito ang kapakanan at kaligtasan ng kaisa-isa nilang anak na si Kier Simon.
Nang magkaroon ng pagkakataon para itakas at ilayo ang mag-ina nya, wala itong sinayang na pagkakataon. Ngunit...
Ngunit hindi nila inaasahan na may nakasunod sa kanila. At upang mailigtas ang anak ay nagsakripisyo ang asawa nya. Kitang kita ng dalawang mata ng batang si Kier Simon ang pagpaslang sa kanyang ina ng walang kalaban-laban. Dahil sa traumang nangyari tila nagkaroon ito ng post traumatic disorder sa murang edad.
Umiiyak at puno ng galit na lumisan si Kier kasama ang anak papalayo, patungo sa mundong walang ibang nakakaalam kundi ang ilan lamang.
Nang makarating sa mundo ng mga mortal ay agad namang nakahanap ng mapag-iiwanan si Kier sa anak. Isang mag-asawang hindi kayang magkaroon ng anak. Mahirap man para sa isang ama na iwan ang anak sa iba, wala syang magawa dahil ito pa rin naman ang iniisip nya. Kaligtasan lamang ng anak ang nais nya.
Bumalik si Kier sa Moonterifico upang ipaghigati ang pagkamatay ng asawa ngunit hindi rin sya pinalad. At sa huling pagkakataon, binigyan nya ng kakayahan at proteksiyon ang kanyang anak na nasa mabubuti ng kamay.
At ang nangyaring trauma noong baby pa si Tims ay iyon ang dahilan kaya hirap para sa kanya ang makakita ng iniiwanan o bigla na lang pinabayaan. Naalala ko ang hugot na sinabi nya sa akin tungkol sa mga hayop. Nakalulungkot.
Sa murang edad at wala pang muwang ay nakasaksi si Tims ng gano'n lalo na at sarili pa nyang ina.
NATAPOS naming ibahagi sa buong Hunters ang kwento, lubos na kasiyahan ang kanilang naramdaman.
"Ikaw ang muling magpapatuloy ng lahi ng iyong yumaong mga magulang, aming mahal na Hinirang! Bilang anak ng pinakamalakas at pinagkakatiwalaan naming lider, simula ngayon ay inaanunsyo ko nang ikaw ang magiging aming pinuno. Naririto kaming mga Hunters upang paglingkuran at tulungan ka sa lahat ng iyong mga plano sa ating angkan." Anunsyo ni Ginoong Kiendro sa buong kapulungan ng mga Hunters.
"MABUHAY ANG BAGONG PINUNONG KIER!"
"MABUHAY!"
"MABUHAY ANG BAGONG PINUNO NG ATING LAHI!"
"MABUHAY!"
Nakangiting tumingin sa amin si Tims. He mouthed 'thank you so much' to us. Lumapit naman sa kanya sina Lucas ay tinukso tukso ito.
"Ito na rin ang tamang panahon upang ibigay ko sayo ang responsibilidad bilang bagong tagapag-alaga ni Lambo." Nakangiting wika ni Vieto kay Timothy.
"Pero... Ikaw na ang nag-alaga—"
"Inihabili lang sya sa akin, remember? At bilin din sa akin na kapag nahanap na ni Lambo ang kanyang magiging partner sa lahat ng bagay, walang pagdadalawang isip na si Lambo mismo ang lalapit dito."
Napatingin kami kay Lambo nang lumapit ito sa tabi ni Timothy. Umupo na tila isang Hari at saka itinagilid ang ulo paharap kay Timothy bago umungol.
Natawa kaming lahat.
"Pati si Lambo nagrereklamo dahil parang ayaw mo syang alagaan. Choosy ka pa?! Diba Lambo?" Natatawang wika ko.
Umungol naman ang leon na para bang nag agree sa akin.
Natawa ng mahina si Tims bago lumingon sa malaking leon.
"OO NA! OO NA! Simula ngayon ako na ang bago mong owner. Simula ngayon tayo na ang palaging magkasangga, okay ba?"
Umungol ito na parang natutuwa sa sinabi ng bago nyang tagapag-alaga slash partner.
••••
(Author's Note:
Hi! Hello! Annyeong! Since Election day tomorrow, May 9, 2022 Monday. Baka hindi po muna ako mag update, but after that day sure ako na mag aupdate ako lalo na at malapit na tayong magtapos ^_^ Ilang mga nalalabing kabanata na lamang.
📌 NOTE THIS 📌
For more infos about the Mysterious Author of A.D.M follow her and her journey as a writer...
You can check and visit her social media accounts as the following ;
FACEBOOK : Jesika Astrid Rejano (Official Account)
: Heyitsmejesika Wp (Writing Account)
Available din sya sa Messager ^,^ if you want to message her
TWITTER : _heyitsmejesika (Temporary Closed)
You can also send message her using SayOut.
 sayout.me/say/akolangtosisika
She wants to be prend with her readers <3 Happy Readings! Mahal ko kayow! <3

Komento sa Aklat (234)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata