logo text

CHAPTER 45 : Mystery in Animal's Den

Chapter Fourty-five : Mystery in Animal's Den
"LAMBO likes you, Miss!"
"Mukhang gusto nga nya ako." Hinimas ko ang malagong balahibo ng leon na nagpapalambing sa akin. Dinilaan din nito ang aking mukha.
Nakakatuwa! Para syang pusang nagpapalambing sa amo at tutang gustong magpahimas ng kanyang balahibo.
Lumapit si Air kay Vieto—sya yung amo ni Lambo at isa sa pinakabatang Hunters dito.
"Siguraduhin mo lang na yung leon lang ang may gusto kay Luna ah." May pagbabantang wika nito. Napakamot na lang si Vieto sa ulo dahil sa kawalanghiyaan ni Air. Prinsipe pa mandin ang isang ito, jusko naman.
"Tumigil ka nga Air. Gagawin kitang tapa dyan eh. Tapos ipapaulam kita dito kay Lambo." Hinimas ko ulit ang ulo ng leon na naglalambing. "Diba Lambo?"
Umikot sa akin si Lambo habang nakadikit pa rin sa'king katawan ang kanyang malambot na balahibo, na parang sumasang-ayon din sa sinabi ko.
I giggled while playing his fur that gives tickles on my skin.
Sumimangot si Air habang naka-irap sa akin.
Kinantyawan naman nina Ken ang kakambal dahil sinuway ko ito ay mas pinili ko pa ang leon kaysa sa kanya.
Sorna agad, Air! Mas love naman kit—JOKE! HAHAHAHAHA!
DINALA KAMI ni Vieto sa kanilang village—ang Vantre Village, tirahan ng mga malalakas na Hunters.
"Maligayang pagdating sa aming munting baryo Royal Highnesses! Ikinagagalak namin ang inyong pagbisita dito sa amin. May maipaglilingkod po ba kami sa inyo?" anang si Kuya Kiendro. Sya ang namumuno sa mga Hunters.
"Ikinagagalak rin namin ang aming pagparito, ngunit hindi kami dumayo sa inyong baryo upang bumisita lamang. Naririto kami upang tumulong." Wika ni Mon.
Nagkatinginan ang mga lalaking naririto ngayon sa aming harapan. Katulad sa mga mangkukulam, wala ako nakitang mga kababaihan dito. Marahil ay bukod rin ang tinitirhan ng mga kadalagahan sa kanila.
Ang organisado ng kanilang pamumuhay. Iyon ang tinatawag na family planning. CHAR!
"Marahil ay ipinadala kayo dito ng mga Hari't Reyna, nagpapasalamat na ako sa inyong mabuting hangarin. Naglakbay pa kayo ng malayo para lamang matulungan kami sa aming problema, na ilang linggo na ring nagaganap."
"Aming hangarin ang makatulong sa aming bayan, Ginoong Kiendro."
"Kung ganoon ay halina kayo at ipapasyal ko kayo sa aming Animal's Den."
Nauna itong maglakad kaya sumunod naman kami sa kanya. Habang patungo kami sa sinasabi nyang tahanan ng mga alaga nilang hayop ay may nararamdaman akong kakaibang enerhiya sa paligid. Ngunit wala naman ako makitang kahina-hinala, kaya hindi ko na lang pinansin iyon.
Nang makarating kami sa malaking Animal's Den o kung tawagin sa mundo ng mga mortal ay Zoo.
Katulad nang nabalita sa amin, nakakulong nga ang mga hayop dito, maliit man o malaki ang uri nila. Kung dati ay nakakalabas ang mga hayon, ngayon ay hindi na dahil sa kakaibang nangyayari sa kanila.
"AAAHHHHHHHHHHH!"
Malakas na hiyaw ang narinig namin mula sa quarters ng mga lobo. Mabilis na tumakbo kami palapit doon at naabutan namin ang isang caretaker ng mga alagang wolf na nakalugmok sa damuhan. May sugat ang kamay at nagdurugo iyon.
"Help him guys!" Mabilis na utos ni Mon. Dinaluhan naman agad ito ni Ken at Lucas upang tulungang makatayo.
"May first aid kit kaming dala, Ginoong Kiendro. Maaari bang humingi ka ng tulong upang madala sya sa kanyang bahay upang makapagpahinga?"
"Sige, mahal na prinsesa!"
Agad namang tumakbo paalis si Ginoong Kiendro upang tumawag ng kasamahan.
"Mahapdi po ito kaya tiisin lang po ninyo." Paalam muna ni Mon bago linisin ang sugat ng caretaker. Matapos malinis at malagyan ng gamot ay binendahan na dinni Mon ang sugat sa kamay nito.
"Inumin nyo po ang herbal na gamot na ito kada anin ma oras upang maiwasan ang impeksyon at ang pagdurugo. Pampalinis po iyan ng sugat mula sa kagat ng lobo. Sa loob ng dalawang araw ay makararamdam kayo ng panghihina kaya magpahinga lang po muna kayo."
"P-Pero... Pero mahal na Prinsesa p-paano po ang trabaho ko?"
Lumapit si Air sa amin saka tinapik ang balikat ng lalaki.
"H'wag po kayong mag-alala, ipapaalam pi namin kay Ginoong Kiendro ang sitwasyon ninyo at kakausapin po namin sya na sa loob ng ilang araw na pahinga ninyo ay may sahod pa rin kayong matatanggap."
"M-Maraming s-salamat po! Maraming salamat po!"
Dumating na rin naman ang dalawang lalaki na maghahatid sa caretaker sa tinitirhan nito. Mahirap na, baka kasi bigla na lang ito mawalan ng malay habang naglalakad dahil sa epekto ng kagat.
Kinausap saglit ni Air si Ginoong Kiendro na mabilis namang sumang-ayon.
Napatingin ako sa lobong nasa loob ng quarter nito. Pinagmasdan ko itong mabuti.
Ang mga lobo ay isa sa kinakatakutang mababangis na hayop sa gubat, ngunit sa kabila niyon ay marami pa ring nahuhumaling sa maganda nitong itsura. May mababait na lobo at meron din namang masasama. Katulad na lang ng half human-half wolf. And this one is pure wolf. Lobo lamang ito at hindi nagiging tao kapag nanaisin o di kaya ay kapag kabilugan ng buwan.
And there is something na nagpataas ng kilay ko.
Ang mga mata nito.
Ang mga mata nito ay purong itim na tila walang nakikita maliban sa kadiliman.
At sa puntong ito isa lang ang naalala ko, ang mga mata ng lobong nakita ko noon sa labas ng village ng mga white witches. Iyong lobong naging tao. Iyong kahit saan ako mapatingin nakikita ko sya.
Nakaramdam agad ako ng masama. This is not really good at all!
Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakaling makita ko ulit sya. At kung mangyayari man iyon, sigurado na akong SYA NA NAMAN ang may kagagawan nito.
Ngunit wala, hindi ko sya nakita. Lahat ng nandito, maliban sa amin, ay mga amo o nag-aalaga sa mga hayop.
"Luna!"
"Ohh?!"
Napatingin ako kay Timothy na syang tumawag sakin. "Bakit Tims?"
"May napapansin ka ba sa mga hayop dito?"
Naningkit ang mga mata ko. Nagtaka sa kanyang sinabi.
"Napapansin? Bakit? May kakaiba ba sa kanila?"
Hindi ito sumagot bagkus ay lumapit pa sya sa isang quarter ng ibon. Ibon na may iba't ibang kulay. Parrot??
Nakatingin lamang ako sa kanya habang nananatili ang kanyang tingin sa tatlong ibon na nasa loob ng hawla. Itinagilid ko ang aking ulo at nag-obserba din.
Isa lang naman ang napansin ko, ang pagkakaroon nila ng itim na mga mata. Buong sakop ng kanilang mga mata ay purong itim at walang ibang kulay katulad ng puti.
Parang zombie.
Teka nga—don't tell me nasa isang tv show kami na ang title ay ZOOMBIE?! JOKE LANG! Back to the topic.
Para silang kontrolado kaya ang kanilang paningin ay walang makita, dahil tanging utak lang ng mga hayop ang ginagamit ng may kagagawan nito.
Pero ang nakapagtataka, naging observant si Timothy sa bagay na ito. He don't like animals. Sa aming lima sya ang ayaw sa mga hayop kahit nga malapitan lang ng pusa o vute na puppy ay ayaw nya. He don't hate it but the fact na madidikitan sya ng mga ito, that's what he don't like.
Pero ngayon, tila nararamdaman nya ang mga hayop.
"Tila natatakot sila sa tuwing mahahawakan. Natatakot sila na baka saktan sila ng hahawak sa kanila. They being traumatized, Luna. Maybe, maybe someone did something to them."
Napatingin ako kay Timothy nang sabihin nya ang mga salitang iyon.
"You mean?"
"Tinakot sila. May tumakot sa kanila. At may komokontrol sa kanilang isipan. Look at with their eyes, its all black. They're blinded by I don't know who."
Tama nga ang naiisip ko. Pero...
"I don't like animals, Luna. But that doesn't mean I hate them nor never will like them. I just don't like to be attached with animals tapos kapag nakahanap na sila ng mas gusto nilang amo, iiwan ka na rin. That's what I hate, to be abandoned by someone."
Sobrang lalim ng kanyang hugot. Hindi ko alam na may ganito pala syang dinadalang bigat sa kanyang puso. Alam nya kayang iniwan rin sya ng kanyang tunay na mga magulang? Ngunit lahat naman ng nangyayari may rason kung bakit, diba?
I know Tims since mga bata pa lang kaming lima. Sya yung tipo ng lalaking mapagbiro, happy go lucky na para bang hindi dinaramdam ang problema. Hindi rin sya nagsasabi kung ano man ang bumabagabag sa kanya basta malalaman na lang namin solve na.
"At ngayong nakikita ko silang nahihirapan, na wala manlang kayang tumulong sa kanila. Naramdaman kong baka ngayon, baka ngayon na ang tamang panahon para sila naman ang kailangang tulungan."
Lumapit ako sa kanya saka sya tinapik sa balikat.
"I know may isang hayop mula sa kanilang lahat na mananatili sa tabi mo, iwan ka man ang buong mundo."
Nakarinig kami ng tila huni ng hayop na parang naiinis o may kagalit. Sabay kaming lumingon ni Tims sa likuran at nakita namin roon si Lambo. Naka-upo ito at nakatingin sa aming dalawa.
"L-Lambo!"
Lambo growls.
"May problema ka ba sa'kin malaking leon?" tanong ni Timothy dito. Humuni ulit ito na para bang sumasagot kay Tims.
I was shocked when Tims laughed at Lambo and they talk again like they're just the only two can understand each other. And while looking at Timothy having fun talking to the lion as if he can understand—wait... WHAT THE???
Timothy really talks to Lambo as if he can understand what the lion saying. I blink my eyes twice—no trice dahil akala ko naghahalucination lamang ako, but no! Nag-uusap talaga sila.
Tuwang tuwa si Timothy habang naiinis naman ang leon dito. Para bang nag-aasaran sila tapos yung hayop ang pikon.
"D-Did you... Did you really understand what he saying, Tims?"
Humarap si Tims sa akin bago tumango.
"Actually, matagal nang nangyayari ito. Hindi ko lang masabi sa inyo dahil baka magulat nga kayo at mapagkamalan akong baliw. But when we went here, narealize ko na its amazing to have this extraordinary skill. Pwede kong kausapin ang mga hayop."
"WOAAHHHHHH! DAEBAK!"
He laughed at me. "Buwan ako lang 'to! HAHAHA!" Natawa rin ako sa kanya kaya ko sya pinalo sa braso.
"Siraulo ka talaga! Pero baka kaya mong kausapin ang mga hayop dito para matulungan natin sila."
Tumabi si Lambo sa gilid ni Tims saka ito tumingin dito na para bang naghihintay din ang isasagot.
Malungkot na tiningnan ni Timothy ang mga hayop sa bawat quarters.
"Nakalulungkot ngunit hindi ko sila kayang kausapin. May humaharang sa kanila para magawa ko iyon."
Humuni si Lambo na tila nalulungkot din ito para sa kanyang kapwa animals.
Lions are knows to be the king of jungle because of them being a dangerous and brave animal. Pero ngayon, nakikita ko ang kahinaan ng kanilang hari at iyon ay ang makitang wala ka manlang magawa upang matulungan ang iyong mga kasamahan.
At sa puntong ito, nakikita kong may pagkakapareho silang dalawa.
COULD IT BE—???
BUMALIK MUNA ang iba sa bahay ni Ginoong Kiendro upang mapag-usapan ang gagawing hakbang sa mga hayop. Nagpaiwan naman ako dahil gusto kong mapagmasdan ang mga ito at para na rin may magmatyag dito.
Nakita ko namang magkasama pa rin si Timothy at Lambo ngayon. Naglalakad silang dalawa paikot sa buong Animal's Den. Nagpaalam kasi si Tims na hiramin muna ang leon na kaibigan na nito kay Vieto. Pumayag naman si Vieto dahil hindi lang naman si Lambo ang alaga nito, sa katunayan ay inihabilin lamang sa kanya si Lambo ng tunay na nag-aalaga dito.
Napagpasyahan ng dalawa na libutin ang kabuuan ng Animal's Den. Sumang-ayon naman ang lahat doon.
Naupo ako sa isang wooden stool malapit sa isang kubo na pahingahan ng mga caretaker ng lugar. Ipipikit ko na sana pansamantala ang aking mga mata upang makapagpahinga nang may mahagip akong isang tao.
Nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa isang malaking hawla—ang Lion's Den.
Doon namamahinga si Lambo kapag pagod o di kaya ay kakain na. Wala roon ngayon ang leon dahil kasama nga ni Timothy, diba? Ngunit bakit may anino ng isang malaking leon sa loob ng madilim na yungib na iyon.
Kinusot ko ang aking dalawang mata dahil baka namamalikmata lamang ako sa aking nakita. Baka may limitasyon din ang kakayahan kong makakita ng malinaw kahit napakaliit na detalye lamang. Pero sa muli kong pagmulat ay gano'n pa rin, may nahagapos na leon sa dulo ng yungib gamit ang malalaking kadena.
Tila humigingi ito ng tulong ngunit hindi makagawa ng ingay. Pero bakit?
Kung may leon nga sa loob ng yungib siguradong si Lambo iyon, kung gayon sino ang leong nakakagala at nakakasalamuha namin?
At sino ang taong—SHIT!!!
Nanlaki ang aking mga mata nang makilala kung sino ang taong nasa harapan ng Lion's Den. SYA! Sya na naman.
Iba na naman ang wangis nito, nagbabalat-kayo gamit ang mukha ng ibang tao. Ngunit hindi nya ako malilinlang dahil kilalabg kilala ko ang may sunog sa kabiyak na bahagi ng katawan.
Lacreshia!
•••••
(Author's Note:
Hi! Hello! Annyeong! May nagbabasa pa ba? Kung meron, taas paa! CHAROT!
Hello to all ADM Readers ^_^ Kamusta kayo? Sana nageenjoy kayo. Sensya na sa mabagal na updates hihi. Salamat dahil nagtatyaga kayo sa paghihintay at maraming maraming salamat sa pagbabasa.
Happy Reading yeorobun! Mahal ko kayow!)

Komento sa Aklat (234)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata