Homepage/ACADEMIA DEL MOONTERIA/
CHAPTER 42 : Lucas is Safe and Meet the White witches
Chapter Fourty-two : Lucas is Safe and Meet the White witches
HUMAHANGOS NA bumalik kaming tatlo sa Village. Nadatnan namin sila sa salas ng bahay ni Aling Marisol.
"LUCAS!"
Hinihingal na lumapit ako sa kanila. "A-Anong nangyari?"
Ginagamot ni Aling Mirasol ang walang malay na katawan ni Lucas. May pinainom iyong gamot na hindi ko alam ang pangalan at kung para saan iyon.
Tumayo na si Aling Mirasol bago humarap sa amin. Nagpupunas ito ng kamay.
"Aling Mirasol kamusta po si Lucas? Ano pong nangyari sa kanya?"
Tinapik nya ako sa balikat. "H'wag ka nang mag-alala, iha. H'wag na kayo masyadong mag-alala dahil maayos na ang lagay ni Lucas. Kailangan lang nya ay ang magpahinga ng isang araw."
"Ano pong nangyari? Bakit nawalan sya ng malay?"
Tila nag-isip pa si Aling Marisol bago sumagot. May pagtataka sa boses nito.
"May lumason sa kanya. Pero hindi naman malalang lason iyon, pinatulog lamang sya nito at walang ibang epekto sa katawan. Lalo na kung malakas at matapang ang nagtataglay ng may katawan ay walang epekto ang lason. Mabuti na lamang at may itim na mangkukulam tayong kasama kaya natulungan nila ako sa pag-gawa ng antidote."
"Ano pong ibig mong sabihin? Na isang itim na mangkukulam ang lumason sa kanya?" Naguguluhang tanong ni Timothy.
"Ngunit lahat ng itim na mangkukulam na kasamahan nila Lola Anniyah ay kasama natin kanina." Pahayag naman ni Ashley. "Paanong mangyayari na isang itim na mangkukulam ang gunawa niyon sa kaibigan namin?"
This not make sense at all. Maliban na lang kung...
Bumaling ako sa mga itim na mangkukulam. "May mga kasamahan pa po ba kayo sa Darkio?"
Si Miya ang sumagot. "Meron. Meron pa. Ngunit ginawa silang alipin dahil wala daw kaming silbi para sa kanila. Kami lamang ang nakatakas at nakakulong ang iba pa."
Nakakulong? This not make sense also. Paano makakagawa niyon ang isang mangkukulam kung nakakulong ito? Maliban na lang kung nakakalabas-masok ito ng walang kahirap-hirap.
"May isa pa pala, si Lacreshia. Sya ang kanang kamay ni Queen Lumishia. Sa lahat ng mga kasamaang ginagawa nila sa bawat baryo ng mga kaharian ay si Lacreshia ang nagpapatupad ng mga iyon. Sa kanya rin nag rereport ang mga inuutusan nya at minsan pa nga nahuli ko silang hindi ipinapaalan sa reyna ang kanilang isinagawa."
Lacreshia?
Sino naman iyon?
H-Hindi kaya... Hindi kaya sya ang taksil sa Darkio?
"Anong itsura ni Lacreshia?"
"Mula sya sa mga itim na lobo, ngunit hindi sinasadyang sumalin sa kanya ang mahika ng isang itim na mangkukulam na dapat sana ay sa reyna Lumishia mapupunta. Simula noon ay may kakaibang kababalaghan nang nangyayari sa kanya na tangin sya lamang ang nakakaalam."
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at maging sa aking mga braso.
May gano'n palang pangyayari dito?
"At si Lacreshia din ang nagsabi sa amin na ang tanging makapagbabalik lamang kay Inang sa dati nitong lakas ay ang pag-alay ng puting mangkukulam na may natatanging gandang taglay. Sinabi din nito na kapag nangyari iyon ay magkakaroon si Inang ng mas malakas na mahika. Dapat naming gawin iyon kapalit nang hindi nya pagsumbong sa reyna na nakatakas kami."
Grabe! May balak yata ang Lacreshia na iyon na linlangin ang mga itim na mangkukulam upang magkaroon ng malaking alitan at away sa pagitan ng itim at puting mangkukulam.
"Argh! Its frustrating!" Inis na bulalas ni Timothy. Napahilamos na rin sa mukha sina Fire dahil sa inis at kagulohan ng isip. Nakakasakit naman talaga ng isip kung talagang iisipin mo.
Pero lalo namang masakit kung wala kang isip. CHAROT! HAHAHA!
Nalunod ako sa malalim na pag-iisip. Lacreshia. Ang pangalang iyon. May kakaiba akong nararamdaman nang marinig ko ang pangalang iyon.
"Anong itsura ni Lacreshia?" I asked out of the blue.
"Palagi syang may balabal na telang itim sa ulo na tumatabon sa kanyang mukha hanggang leeg. Palagi din itong naka-itim at kapag tumingin ito sa iyo ay talagang mangingilabot ka dahil sa nakakatakot nyang mga mata."
"I-Itim ba lahat ang kulay ng mga mata nito?"
"O-Oo! Oo! Paano mo nalaman?"
Sh!t!
May mga ideya nang namumuo sa isip ko pero hindi pa sure na sure kung totoo nga ang naiisip ko. Pero may nagtutulak sa'kin na paniwalaan ang nalalaman ko.
AAAHHHH!
NOW, IT MAKES SENSE!
Kaya pala kaya nyang maging lobo at maging tao ay dahil sa nangyari sa kanya. At maaaring ang mga kakaibang nangyayari dito ay isa na ang pagpapalit-palit ng anyo.
Shooooocks!!!
At hindi imposible na may kaya na rin itong gawin katulad ng kayang gawin ng isang dugong bughaw.
"Damn it! Mukhang alam ko na kung bakit gano'n na lang kabilis nagawa ng kung sino man iyon ang pagkakalagay ng lason kay Lucas. Hindi maaaring ibigay nito mismo iyon ng harapan, maaaring ang hangin ang ginamit nito upang mapunta kay Lucas ang lason at malanghap ito."
Napatingin ako kay Khairo nang sabihin nya iyon.
"Kaya pala kanina ay naramdaman kong may kakaiba sa paligid. Dahil ang hangin ang ginamit nya upang mapalanghap kay Lucas ang lason," pagsang-ayon naman ng kakambal nito na si Ken.
And that makes sense!
"Oo, tama!" Malakas na pahayag ni Aling Mirasol. Bakas ang kaaliwalasan sa mukha nito na para bang nawala na ang isiping bumabagabag kanina pa sa kanya. "Iyon ang kanina ko pa iniisip. Hindi gawa sa tubig lasong nainom ng kaibigan nyo, kundi mula sa hangin na nalanghap nito."
Kaya pala sobrang lalim ng iniisip nito matapos ipainom kay Lucas ang lunas sa lason.
"Ngayon may mga nalalaman na tayo, kailangan na lang natin ay mga ebidensya na magpapatunay na totoo kung ano man ang naiisip natin. Basta ang mahalaga ay ligtas na si Lucas." Mon said.
Tumango naman kami.
Sa ngayon ay iyon nga muna ang importante. Importante pa sa mahalaga.
Kailangan ko pang makakalap ng impormasyon tungkol sa Lacreshia na iyon upang makumpirma ang hinala.
"Isa pa, kailangan din nating protektahan ang bawat isa. Hindi natin alam ang takbo ng isipan nga taong iyon at ng mga taga Darkio." Fire exclaimed.
"Right!"
"Iyon ang dapat nating gawin, ang protektahan ang isa't isa ano man ang mangyari."
"Mabuti pa magpahinga na muna tayo. Masyado nang malalim ang gabi. Bukas na lamang natin pag-usapan ang mga namgyari. Sigurado naman akong magigising na rin si Lucas, bukas."
May nilaan na kwarto si Aling Mirasol para sa amin at para sa mga kasama naming itim na mangkukulan. Tutal ay sobrang laki ng kanyang tahanan at nag-iisa lamang sya sa bahay na ito.
Nasaan kaya ang pamilya nya?
Bago ako sumunod sa kanila sa itaas ay napatingin pa muna ako sa larawang nakasabit sa dingding. Iyong larawan ng isang babae na una kong napansin dito.
"Buwan?"
Napatingin ako kay Ashley na bumaba pa para puntahan ako.
"Ohh Ash, bakit?"
"Hindi ka pa ba aakyat? Anong tinitingnan mo dyan?" Napatingin din sya sa larawang tinitingnan ko. "Ang ganda nya no? Nandito kaya sya? Gusto ko syang makilala."
Napatingin ako kay Ashley nang sabihin nya iyon. Admiration is visible on her eyes. Pero may mas higit pa roon.
"Kailan ko kaya makikilala ang tunay kong mga magulang? Pakiramdam ko ay katulad rin ako ni Lucas at Maicko na hindi tunay na anak ng magulang na kinagisnan ko sa mundo ng mortal. Kasi simula nang dumating tayo dito may mga kakaiba nang nangyayari sa'kin na hindi normal para sa isang tao. Ano sa tingin mo, Buwan? Kailan ko kaya malalaman ang tunay kong pagkatao, katulad ni Maicko?"
Hindi agad ako nakapagsalita.
Tumawa ito sa naging reaction ko. Pagkatapos ay inakbayan nya ako.
"Tara na nga! Matulog na tayo, next time na lang natin pag-usapan ang tungkol d'yan."
Tumango naman ako bago ngumiti. "Sige, tara!" Naglakad na kami paakyat, papunta sa ikalawang palapag na kung saan naroroon ang mga kwarto.
"Nakakapagod palang sumigaw ng gano'n kalakas? Dati-rati naman dumadaldal lamang at kung sisigaw man ay kapag may ginagawang katarantaduhan lang ang tatlong lalaking kaibigan natin."
"Sira ka talaga. Ipahinga mo na lang yan." Tumatawang naglakad kami papasok sa kwartong tutuluyan namin.
KINABUKASAN, malalakas na boses ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Nilibot ko ang buong kwarto na nakitang mahimbing pang natutulog ang tatlo kong kasama.
Gising na rin naman ako kaya bumangon na ako pagkatapos ay kumuha ng pamalit sa dalang bag bago magtungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay napagpasyahan kong bumaba na lamang upang malaman kung anong meron at tila maingay.
"INANG BAKIT HINDI NYO SINABI SA AMIN ANG PLANO NINYO KAGABI, PAANO KUNG HINDI NAGING MAAYOS ANG NANGYARI?"
Isang babaeng may edad nang 30s siguro ang nagsasalita. Maganda ito. Matangkad rin at halatang hindi ordinaryong nilalang. Isa itong puting mangkukulam.
Grabehhh!
Tila natotomboy ako. HAHAHAHA!
"Sandi, h'wag ka nang magdadada d'yan dahil wala namangasamang nangyari. Natulungan natin ang ating mga kaibigang itim na mangkukulam. Hindi ba't dapat pa tayong magpasalamat dahil naisalba natin ang ating mga kasamahan?"
"P-Pasensya ka na Ina. Nadala lang ako ng takot at pangamba. Ibinalita kasi si Samuel ang nangyari kagabi. Naisip ko lang na baka hindi maging maayos ang pag-uusap nyo, wala pa naman kami dito. Pasensya na talaga Ina."
Tinapik ni Aling Marisol ang balikat ng babae.
"H'wag mo na ngang isipin iyon. Ang mahalaga ay tapos na ang nangyayari dito sa ating baryo."
"Oho nga, Ina. Salamat sa mga Royal Highness na tumulong sa atin."
Napatingin ako sa bumukas na pinto. Pumasok mula roon ang tatlong dalaga at isang magandang babae na medyo matanda sa tinawag ni Aling Mirasol na Sandi. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang mawala ang natatangi niyong kagandahan.
Para syang babaeng hindi tumatanda.
Sabagay, kapag witch ka kaya mong panatilihin ang bata mong mukha. Maliban na lang kung ubos na ang lakas mo, tulad ni Lola Anniyah.
Ngunit ang nagpalaglag ng panga ko ay ng makilala kung sino ang babae na nakikita ko ngayon mismo sa aking harapan.
"O.M.G! Is this for real?"
Napatingin sa akin ang magandang babae na kapapasok lamang. Ngumiti ito na mas lalong nagpamangha sa akin.
"Magandang umaga iha! Mukhang may bago kaming bisita, maliban sa mga prinsipe't prinsesa." Aniya nito habang nakangiti pa rin.
S'YA 'YUNG BABAENG NASA LARAWAN. ANG BABAENG NGAYON KO LANG NAREALIZE NA MEDYO HAWIG NGA KAY ASHLEY.
OMG!!!
"WAAAHHHH! ANG GANDA MO NAMAN! ANONG NGALAN MO? AKO SI ASHA."
Napapitlag ako ng mabilis na lumapit sa akin ang tatlo sabay yakap sa akin. Enebe ete!
"Ah eh.. hehehe... H-Hi! L-Luna ang pangalan ko." Nahihiyang sagot ko.
"ANG GANDA DIN NG PANGALAN MO. AKO NGA PALA SI AYANIKA."
"AKO NAMAN SI ASHAILA. MAY KAMUKHA KA, ALAM MO BA?"
"AH EH... HEHEHE!"
Natameme ako bigla. Ngayon ko lang napagtanto na puro sila mga babae at wala pa akong nakikitang lalaki. Wala bang mangkukulam na lalaki? Paano sila nagbubuntis kung walang lalaki.
"Silly! HAHAHAHA!"
"May lalaki sa'min, syempre. Ngunit hindi sila naninirahan dito. Sa kabundukan sila naroroon."
"P-Pa.. Papaano nyo—" Gulat ako. Nakakabasa ba sila ng iniisip?
"Mga anak! H'wag nyo ngang takutin ang ating magandang panauhin? Ang kukulit nyo talaga." Tawag sa kanilang tatlo ni Sandi ayon kay Aling Marisol.
Tumawa naman ang magandang babae pagkatapos ay lumapit kay Aling Mirasol at nagmano.
"Luna, halika! Ipapakilala ko sa iyon ang dalawa kong anak at tatlong apo."
Kung ganoon, anak nya ang dalawang magagandang babae na ito?
"Si Ayashi, ang panganay ko." Turo nya sa magandang babae na kahawig ni Ashley. "Hi, Luna! Maari mo akong tawaging Tita Ashi."
"Hello po Tita Ashi!"
"Eto naman si Asandra at ang tatlo nyang anak. Nagpakilala naman na sila diba?" Ani nito sabay tawa ng mahina. "O-Opo! Hehe."
"Hi, Luna. Tita Sandi na lang ah."
"S-Sige po Tita Sandi."
"Ang tagal magising ng mga kaibigan mo. Siguro ay talagang napagod kagabi. D'yan lamang kayo at ipaghahanda ko lamang kayo ng almusal."
"Tulungan na kita Ina." Wika ni Tita Sandi. "Mabuti pa nga."
"Sa bakuran lamang kami, Ina." Paalam ng tatlo.
"H'wag kayong magpapasaway." Sigaw naman ng ina ng mga ito mula sa kusina.
"Bye, Luna. See yah around!" Kumaway ang mga ito sa akin na ikinatango ko lang naman.
Napatingin ako kay Tita Ashi nang mapatingin din ito sa akin pagkatapos ay ngumiti na naman.
"Luna alam mo bang nakikita ko ang magkapatid na Moontetia sa katauhan mo?"
Natigilan ako. Naguguluhan sa sinabi nya.
"A-Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Ang katangiang meron ka ay ang pinaghalong katangiang meron ang magkapatid. Natatandaan ko pa noon, isa ako sa naging kaibigan nila. Katulad ni Lushia, mabuti ang puso mo. Kaya mong pagaanin ang loob ng isang tao gamit lamang ang iyong boses at paghaplos ng kamay. At si Lumishia naman, katulad nya matapang ka at walang kinakatakutan. Kaparehong kapareho mo ng ugali si Moncheska, ngunit alam kong ikaw lamang. Ikaw lamang ang kayang magpabalik kay Lumishia."
Para akong natulos sa aking kinalalagyan.
Paano nya nalaman ang tungkol dito? May naikwento ba kami kay Aling Marisol tungkol sa tunay na mission namin ng mga kaibigan ko kaya kami naririto sa mundo nila?
Parang wala naman. Pero bakit alam nya?
"Hindi na mahalaga kung bakit may nalalaman ako. Umaasa akong mapabalik mo sa dating kabutihan ang puso ni Lumishia. At umaasa din ako na makikilala mo na ang iyong tunay na pamilya. Malapit na, Luna!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (235)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
interesting story. keep it up author 💜💜
27/04/2022
1good
17/02
0dagdagan Mona
28/11
0Tingnan Lahat