Homepage/ACADEMIA DEL MOONTERIA/
CHAPTER 38 : Beta's Son
Chapter Thirty-Eight : The Beta's Son
THIRD PERSON'S P.O.V
"MANUEL!" Pagtawag ng Alpha sa matalik nyang kaibigang si Manuel, ang tumatayong pangalawang pinuno sa kanilang pangkat. Ang BETA!
Ang Beta ay ang kanang kamay ng Alpha. Na kung saan silang dalawa palagi ang magkasama at magkasangga sa lahat ng bagay.
Simula pagkabata ay si Mashiko at Manuel na ang palaging magkasama sa paglalaro at kahit sa pagsasanay nang malalaki na sila. Kilala na rin nila ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa.
Masaya at tahimik na pamunuhay lamang ang namamayani sa buong Wolf Village. Katulong sila ng mga mamamayan ng apat na kaharian sa pananatili ng katahimikan sa buong Syudad ng Moonterifico. Kinatutuwaan ang mga batang lobo ng Hari at Reyna dahil nagiging katuwaan at alaga sila ng mga batang prinsesa at prinsipe. Ang mga lobo na mahuhusay sa pakikipaglaban, sa sandata at iba pa ay syang naghahasa sa bawat kakayahang meron ang dating mga prinsesa at prinsipe, na ngayon ay ang mga kasalukuyang hari at reyna.
NAPATINGIN si Manuel sa mga panauhin. Nakilala nya ang prinsesa't prinsipe. Ngunit sa isang binata natuon ang paningin nya. May kung anong meron ito na itinunulak ng kanyang katawan para alamin.
"Magbigay galang sa mga Mahal na Prinsesa't Prinsipe!" wika nito.
Yumukod ang tatlo bilang paggalang.
"Bakit nagawi sa lugar na ito ang mga Royal Highness?" May ngising wika ng binatang anak ng Alpha.
"Cal!" suway ng ina nito. "Ipagpaumanhin ninyo ang kapilyuhan ng aming anak. Ako nga pala si Hana, asawa ng Alpha. At ito naman ang anak namin na si Cal. Ikinagagalak ko po kayong makita rito sa aming lugar mga Mahal na Prinsesa't Prinsipe, pati na rin ang inyong mga kasamahan."
"Magandang araw din po sa inyo!" Sagot ni Mon at Winter. Tumango lang ako pagkatapos ay ngumiti ng mapadaan sa akin ang tingin ng ginang.
Maganda ito, hindi halatang may anak nang binata. At may mahinhing pananalita at maging sa kilos. Kung sa Mortal World ay nakapa sopistikado ng bawat galaw at kilos nito.
"Halina kayo para makapananghalian na." Sambit ng Alpha. Nagsiupuan naman na ang lahat.
"Naglalakbay ang kanilang grupo upang makatulong sa bawat pamayanan ng Moonterifico. Maganda rin iyon upang mas lalo pang mahasa ang kanilang abilidad, para kung sakali mang dumating ang araw na sakupin ng kampo ni Lumishia ang buong syudad ay kaya nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin."
"Ngunit... May mga bago yatang salta dito sa Moonterifico." Malaki ang boses at nakakakilabot kung pakikinggan ang pananalita ng Beta.
"Silang lima ay nagmula sa mundo ng mga tao," sagot ng Alpha sa katanungan ng kanyang kaibigan.
Mukhang natigilan si Manuel nang marinig ang lugar na pinanggalingan ng mga bata. Mahabang panahon na rin simula ng mawalan sya ng balita tungkol sa mundong iyon.
Napatingin syang muli sa binatang nakatingin din sa kanya ngayon. Nakaramdam sya ng pananabik para sa anak na nawalay sa kany, sa mga oras na iyon.
Hindi nya alam kung bakit pero may kakaiba talaga sa binatang pinagmamasdan nyang mabuti.
"Si Ashley, Lucas, Timothy, Maicko at Luna. Silang lima ay naririto dahil sa napakamahalagang bagay. At iyon ang makilala ang tunay nilang pamilya. Pamilyang simula nang sanggol pa lamang ay hindi na nila nakagisnan."
'Maicko!?' anang isipan ni Manuel.
Umawang ang mga labi ng mag-ina dahil sa narinig.
"Pumanhin sa inyo mga bata." Bahagyang yumuko ang ulo ng Beta sa lima upang humingi ng paumanhin.
At sa pag-angat nito ng paningin ay sa isang binatang lalaki na naman napako iyon. Pinagmasdan nyang mabuti ang binatang pinangalanang Maicko.
"Kapangalan mo ang anak ko. Maicko!" May bahid ng kalungkutan sa boses ng Beta. "Matagal na panahon ko na rin syang hindi nakikita. Kung sana lang ay—" Napatigil ito at muling pinagmasdang mabuti ang kabuoan ng binata.
Nakikita nya ang kanyang munting katauhan noong nasa edad pa lamang sya nito. Tahimik kung iyong pagmamasdan ngunit kapag iyong makikilala ng lubusan ay matatag at matapang ito.
Kamukhang kamukha nya ang binatang kaharap.
Para lamang syang nananalamin sa pamamagitan ng binata.
"Bukod sa misyong pinapagawa sa kanila mula sa Academia, ay may isa pa silang pakay. At mangmumula iyon sa iyo, aking kaibigan."
Napatingin si Manuel kay Mashiko nang sabihin nito iyon.
"Anong ibig mong sabihin?"
Sumenyas si Mashiko sa kinakabahang si Maicko. Bakas sa mukha nito ang galak, tuwa at kasabikan para sa nawalay na magulang. Tumayo si Maicko kaya napatingin din sa kanya si Manuel.
"I-Ikinagagalak ko po kayong makilala, Ama!"
Nanginginig ang mga labing bigkas ni Maicko habang nakatngin sa kanyang ama na natulala at tila hindi nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
"A-Anak?"
"Ako po si Maicko! Sana natatandaan nyo pa po ako, Ama!"
"A-Anak ko! I-Ikaw nga!"
Mabilis na tumayo ang Beta upang malapitan ang anak para bigyan ng mahigpit na yakap.
"Kaya pala! Kaya pala may kakaiba sayo, lukso pala ng dugo ang nararamdaman ko."
Umiiyak ang mag-ama habang magkayakap at nagtatapikan ng balikat.
Sobrang katuwaan ang nararamdaman ng lahat ngayon, lalong higit na si Maicko. Dahil sa wakas, sa loob mahigit labing siyam na taon ay muling nagkasama ang dalawa.
"Ama, si Ina? Nasaan po ang aking ina?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Manuel. Nakaramdam ng kalungkutan ang puso nito dahil sa ala-alang muling bumabalik.
ANG MASAYA at tahimik na pamumuhay ng lahat ay nagbago simula nang mangyari ang masalimuot na trahedya at sakuna sa Moonterifico, na sinabayan pa ng masamang dulot ng pagkabaha-bahagi mula sa kapatid ni Luisha na si Lumisha.
Naging makasarili ito at masama dahil sa kasawiang naramdaman.
Totoo ngang kapag pakiramdam mo ay ayaw at pinagtaksilan ka ng lahat, lalo na ng malapit sayo, makararamdam ka ng galit at puot sa puso mo. Wala kang maiisip kundi sirain ang masayang buhay na meron ang mga taong akala mo'y nanakit at nang-iwan sayo. Hindi mo na maiisip ang posibilidad na kahihinatnan ng iyong gagawin bandang huli.
Walang nagawa ang mga lobo kundi ang maghanap ng bagong tahanang malilipatan. Sapagkat nawasak lahat ng kanilang mga bahay at ari-arian na naipundar.
At bilang anak ng yumaong Alpha, si Mashiko ay sumunod sa yapak ng kanyang ama. Nasawi ang kanyang mga magulang dahil sa malakas na bagyo, maging ang magulang ng kanyang kaibigan ay ganoon din ang naging kapalaran.
Mahirap man ang mawalan ng mahal sa buhay, ngunit tuloy pa rin ang buhay.
Sa loob ng matagal na panahon, si Mashiko at Manuel ang namuno sa kanilang angkan at pangkat. Naging maayos ang kanilang pamumuhay sa bago nilang tahanan.
Ngunit....
Sa kabila ng maayos na buhay, may pagsubok talagang darating para tayo'y subukin at para mas lalo pang patatagin.
Mas lalong sumama ang ugali ni Lumishia. Umalis ito ng Moonterifico at bumuo ng sariling pangkat.
At sa kasamaang palad ay ang pangkat ng mga lobo ang pinuntirya nito. Ang mga batang lobo ay kinuha ng masamang kampon ni Lumishia upang gawin alila at maging kakampi na rin nila. At dahil isa sa pinakamalalakas na nilalang ang mga lobo, hindi pumayag si Mashiko at Manuel na mangyari ang nais ng dating prinsesa.
Nanlaban sila. Ngunit dahil may malalakas na kapangyarihan ang mga black witches na umanib kay Lumishia, hindi nila naipagtanggol lahat ng kanilang kasamahan.
May mga namatay, nasugatan at nawalan ng mahal sa buhay.
At isa na roon ang matalik nyang kaibigan.
"Nakaligtas ako pagkaraan ng ilang araw mula sa natamong malalalim na sugat, ngunit..."
Nahihirapan itong ituloy ang sasabihin.
"Ama! Ngunit ano?"
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago hinawakan sa magkabilang balikat ang anak.
"Ngunit, hindi nakaligtas ang iyong ina mula sa mga itim na lobo."
Nakaramdam ng awa at lungkot si Luna para sa kaibigan. Sabik na sabik ang kaibigan mula sa yakap at aruga ng tunay na ina, ngunit napakasakit na marinig iyon nito. Na ang inang hindi nito nasilayan mula pagkabata, ngayong malaki na ito ay hindi pa rin pala masisilayan.
DALAWANG TAONG gulang pa lamang ang anak ni Manuel at ang asawang si Mira, at si Maicko iyon. Ang susunod sa yapak ng amang si Manuel.
Nang upang h'wag madamay sa kaguluhan at labanang nagaganap ay inihabilin ni Manuel ang munting anak sa kaibigang si Mashiko. Ipinagbilin pa nito na kung sakali mang may mangyari sa kanya, ito na ang bahalang magtago sa kanyang anak.
"Dinala ka ni Mashiko sa mundo na kung saan hindi iisipin ng mga kalaban na naroroon ka. Nang magising ako dalawang araw ang nakalilipas mula nang mangyari ang laban sa pagitan ng itim at puting lobo, kwinentong lahat sa akin ni Mashiko ang lagay mo."
Umupo silang pareho. Bakas pa rin ang luha sa mga mata, maging ang pighati at lungkot na nadarama.
"Tuwing gabi ng Biyernes ay nagtutungo ako sa mundo ng mga tao na kung saan naroroon ka dinala ng iyong Uncle Mashiko. Pinagmamasdan ko ang paglaki mo. Hindi man kita mahawakan at mayakap bilang anak ko, alam ko na sa pamamagitan ng gabay at proteksiyon na kinabit ko sa iyo, mailalayo kita sa kapahamakan."
Napatingin si Luna sa kaibigang katabi. Sumisinghot singhot na kasi si Ashley at pati na rin si Mon. Kahit nga sya ay ramdam din ang kalungkutan sa bawat kwento at pagmamahal kahit na mula sa malayo at patago.
"Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako kung hindi ko nailigtas ang mama mo. Patawad dahil hindi mo ako nakasama sa panahong nagdaan. Alam kong marami akong pagkukulang bilang ama mo, at ngayong magkasama na tayong dalawa, pupunan ko lahat ng mga pagkukulang na iyon. Mula sa iyong kaarawan hanggang sa mga importanteng okasyon sa iyong buhay."
"Wala naman po kayong kasalanan, Ama. Ginawa po ninyo lahat ng inyong makakaya, ngunit ganyan talaga ang buhay. Hindi man natin gistuhin, may mga nangyayari talagang hindi natin mapipigilan. Isa pa, maraming salamat po dahil kahit mula sa malayo ay binibisita nyo pa rin ako. Naramdaman ko pa rin naririyan lamang kayo. Salamat din po sa kakayahang meron ako na nagmula sa inyo. Lumaki akong kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa."
Bumaling si Maicko sa lalaking tumulong sa kanya, at maging sa kanyang mga magulang.
"Ipapangako po namin na mabibigyan din ng kawakasan ang kasamaan dito sa Moonterifico. Maraming salamat po dahil iniligtas nyo ako at ang ama ko."
"Ikinagagalak ko ang matulungan ang anak ng kaibigan ko simula pagkabata. Parang anak na rin kita simula ngayon. Si Cal..."
"Sya ang makakasama mo. Tutulong at gagabay sayo mula sa mga bagay na nais mo pang malaman tungkol sa ating mundo."
"Maraming salamat po!"
Tumingin si Maicko sa anak ng kaibigan ng kanyang ama. Sumaludo ito sa kanya sabay ngisi. Napangiti naman sya. Mukhang magkakasundo silang dalawa at ramdam iyon ng bawat isa.
NAGPALIPAS muna ng tatlong oras sina Luna bago muling maglakbay.
May nakapagsabi kasi sa kanila na may nagaganap na kidnapan sa susunod na Village, ang village ng mga mangkukulam.
Nawawala daw kasi ang ilang kababaihan mula sa edad na fifteen hanggang labing-walo. Nasa sampo na ang nawawala mula noong nakaraan pang mga araw hanggang kagabi. Mukhang sa gabi daw kasi ito tumatarget ng huhulingin sa hindi maipaliwanag na kadahilanan at kung sino nga ba ang kumukuha.
At katulad ng napagkasunduan nilang siyam ay panatilihin muna si Maicko sa Wolf Village, upang makasama ang magulang. At para na rin makilala pa ang mga kauri nito.
Masayang nagpasalamat si Maicko sa mga kaibigan.
"Maraming salamat dahil magkakaroon ako ng panahon para lubusang makilala ang aking tunay na tahanan."
Tinapik ni Lucas ang kaibigan.
"Ano ka ba, bro! What's friends are for nga, diba? Basta ba ipakilala mo ako aa mga wolf chix dito pagbalik natin sa Academia ah."
Sinapak naman ito ni Ashley.
"Babaero ka talaga. Pati naman dito ay dinala mo yang kawalanghiyaan mo."
"Aray naman Ash! I don't love you na. Sinasaktan mo na ako."
"CHEE! Hindi rin kita mahal, OGAG!"
Natawa naman lang ang mga kaibigan dahil sa pagiging aso't pusa ng dalawa.
"Basta, ingat kayo sa paglalakbay ah. Alam ko naman kaya nyong lahat yan eh."
Nakipag fist bomb muna ang limang lalaki sa kaibigang si Maicko bago magpaalam.
"Mag-iingat kayo mga bata! Nawa ay makabalik kayo sa Academia ng masaya at natupad ang misyon ng bawat isa." Paalam ng ama ni Maicko sa kanila.
"Paalam po! Masaya kaming nagkasama na kayong dalawa. Make a good memories together!"
Kumaway na rin sina Luna sa mga lobong kumakaway sa kanila habang may mga ngiti sa labi.
Katulad ng sabi ng Alpha ay nagpasama ito ng dalawang lalaki upang may maghatid sa kanila sa susunod na Village. Medyo nakakatakot rin kasi ang dinaraanan papunta sa White Stoneburrow Village.
Nang makalipas ang ilang oras na paglalakad ay may nadaraanan na silang ilan-ilang kabahayan. Ngunit tila walang mga nakatira sa mga ito.
"Malapit na tayo." Wika ni Ken. "Di po ba?" Sabay lingon sa lalaking kasama nila.
"Oo, malapit na tayo. Maghanda kayo dahil nakararamdaman ako ng panganib na papalapit."
Nakaramdam naman sina Luna ng pangamba. Kahit kasi sya ay naramdaman din ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa daang tinatahak.
Ano kaya ang tinutukoy nitong panganib na paparating?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (234)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
interesting story. keep it up author 💜💜
27/04/2022
1good
17/02
0dagdagan Mona
28/11
0Tingnan Lahat