Homepage/ACADEMIA DEL MOONTERIA/
CHAPTER 37 : Maicko's Father
Chapter Thirty-seven : Maicko's Father
PAGDATING ng madaling araw ay gising na lahat kami. Sobrang aga pa nga kaysa sa orihinal na gising ko sa umaga. 3:30 am pa lang ay nag-aalmusal na kami sa balkonahe ng caben.
Nagpaluto si Uncle Mashiko ng almusal namin sa kakilala nyang malapit lang dito ang tahanan.
"Maraming salamat po sa almusal Uncle Mashiko," wika naming lahat sa tinaguriang Alpha.
Naks diba? Uncle na.
Tulad nga ng sinabi ko, nasa new generation na tayo. Kahit pa dito sa mundo ng mahika ay bagong henerasyon na rin sila.
"Kain lang kayo ng kain dahil malayo-layo rin ang ating lalakarin. Sigurado akong gugutumin kayo," Uncle Mashiko said.
"Hindi ka po ba kakain?" tanong ko.
"Busog na'ko. Pinakain muna ako roon bago ako bumalik dito."
Tumango-tango na lang ako. Ano kayang kinakain ng mga taong lobo? Karne ng hayop? O gulay?
Bakit ba?! Curious ako eh!
"Kapwa hayop nyo rin po ba ang kinakain nyo? No offense meant po ah. Curious lang po ako."
Natawa naman ang Alpha sa biglaan kong tanong.
"As always curious, Luna!" Napatingin ako kay Khairo ng sabihin nya iyon. "Inosente ako bakit ba? Tsaka hindi naman pinagbabawal ang magtanong ah. Sabi nga 'H'wag mahihiyang magtanong'. DUH!!"
Tumawa na lang ito sa akin habang umiiling iling pa.
Bakit masama ba? Hindi naman 'diba?
"Kung mapipigilan naman na kumain ng kapwa namin hayop, bakit hindi?! Marami na rin sa amin ang nakakalabas na sa mortal world kaya naman marunong na kami magluto at kumain ng gulay at lutong mga pagkain. Hindi na mahirap sa amin ang makihalubilo sa mga tao," paliwanag ni Uncle Mashiko.
PAGKATAPOS naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit para magpababa ng kinain. Mahirap nang magka ulcer sa panahon ngayon. Walang ospital at doctor dito, minamagic lang nila ang mga bagay-bagay kapag nanaisin nila.
Nang dumating ang alas kuwatro ng madaling araw ay nagpasya si Uncle Mashiko na magsimula ng maglakad patungo sa Village ng mga lobo.
"Malayo po ba ang Wolf Village mula dito?"
"Malayo layo rin ang lalakarin natin mula dito hanggang sa aming tahanan. Pero h'wag kayong mag-alala, hindi naman nakakapagod maglakad. Exersice din ito para sa inyong mga kabataan."
"Wala po bang sasakyan dito? Like bus or jeep? Kahit tricycle manlang wala rin? Hindi ko keri ang malayong lakarin eh," reklamo ni Ashley.
"Buhatin na lang kita, Ash. Gusto mo?" suhestiyon ni Lucas.
"Chachansing ka lang kumag ka. Magtigil ka dyan!" singhal ni Ashley dito.
Napakamot na lang si Lucas bago tumabi at inakbayan si Maicko na mukhang kinakabahan.
Kahit sino naman siguro kapag nalaman ko na yung pamilyang matagal na nahiwalay sayo ay makikita mo na rin sa wakas. Kaba, pagkamiss, pangungulila ang nararamdaman nya ngayon.
Apat na oras din yata kaming naglalakad sa kalagitnaan ng malawak at mahabang kalsada. Ni wala manlang ngang mga kabahayan sa dinaraanan namin. Wala rin kami nakakasalubong na mga tao sa daan.
"Liblib na po ba ang lugar na ito? Nakapagtataka dahil walang mga bahay sa paligid at wala rin tayong nakakasalubong." pahayag ni Mon.
Napansin rin pala nya. Akala ko ay ako lang ang nakatutok ang pansin sa buong paligid.
Busy rin kasi ang iba sa kwentuhan at tawanan, kaya talagang hindi nila napapansin ang kakaiba sa paligid.
"Nasa dulo na tayo ng Airidan Gullet Kingdom. Liblib na ang lugar na ito at tanging mga lobo na lamang ang nakakaalam at nakakapasok sa premises ng Wolf Village."
Kaya naman pala.
"Nang umalis kami sa dati naming tahanan ay dito kami napadpad. Marami din kasing sugatan sa mga kasamahan namin kaya no choice kami na dito mamalagi, hanggang sa dito na din kami nanatili."
Pumasok kami sa malaking punong kahoy na may daanan sa gitna. Para iyong portal na kung saan makakarating ka sa naisin mong puntahan kapag pumasok ka doon.
"WOWWW!" Manghang bulalas naming apat na girls nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.
Bumungad sa amin ang maliit na pamayanan ng mga lobo. Ngunit sa kabila ng masikip na lugar ay mapapansin mong marami pa rin sila.
Nagkakasiyahan ang ilan. May mga kumpol ng kabataan sa kabila habang may naglalarong mga bata sa banda roon.
Masaya, tahimik, simple at payapang pamumuhay.
"Marami ang natira sa aming mga kasamahan pero may ilan na tumiwalag at lumipat sa kampo ni Lumishia."
Para talaga kaming nasa magical world. Ang bawat bahay ay nakatayo sa itaas ng mga puno at ang ilan naman ay nasa lupa na gawa sa hagdan-hagdan.
"ANG ALPHA! Bumalik na ang Alpha!" Sigaw ng isang lalaking nasa 20s lang siguro, nang mapatingin ito sa amin.
Natuon ang atensyon ng lahat sa amin. May pagtataka at nagtatanong na mga tingin. Pero nang makita nila ang mga prinsipe at prinsesang kasama namin ay galak at tuwa ang namutawi sa mukha ng mga naririto.
"MAGBIGAY PUGAY SA MGA PRINSESA'T PRINSIPE!"
Sabay-sabay silang yumuko bilang pag-galang sa mga anak ng Royalties.
Bumaba kami sa pinakabulwagan ng lugar. Sinalubong ng masisigla at nagkukulitang kabataan ang Alpha nila.
Yumakap ang mga ito sa binti ni Uncle Mashiko. Ginulo naman nito ang buhok ng mga batang tuwang tuwa sa pagdating nya.
"Uncle! Uncle! Sino po sila?" tanong ng batang babae na may maliit na mukha.
Cute! Mukha syang manika.
"Anika, sila ang prinsesa at prinsipe. Mag hello ka sa kanila."
Bahagya itong yumukod. "Masaya po kaming makilala kayo sa personal mga kamahalan."
Yumuko si Mon para makapantay si Anika.
"Ikinagagalak din namin kayong makilala, Anika! Kamusta ka?"
"Ayos naman po kami dito, Mahal na Prinsesa."
Ngumiti ito ng matamis bago tumingin sa akin. Tapos bumalik ulit ang paningin kay Mon, tapos sa akin ulit.
"Magkapatid po ba kayo? Magkamukha po kasi kayong dalawa eh. Ang ganda nyo po pareho. Sana all!"
Napangiti ako sa kabibohan at kakyutan ni Anika. Kahit ang ilan sa mga lobong nandirito ay natawa din sa kadaldalang taglay ng bata.
May lumapit sa aming ginang. "Pagpasensyahan nyo na po si Anika. Madaldal po talaga ang batang ito."
"Okay lang po iyon. Hindi na po bago sa amin ni Mon ang masabihang magkamukha. Kung matagal na nga po ako dito sa Moonterifico ay malamang na itinuring ko na syang kambal ko dahil palagi kaming napagkakamalang magkapatid," paliwanag ko sa ginang.
Ngumiti naman ito sa amin at magalang na nagpaalam. Pagkatapos ay hinila na nito si Anika palayo sa amin. Mukhang sya ang ina ng bata. Magkamukha kasi silang dalawa.
"Tara, doon tayo sa bahay ko. Ibibigay ko na ang hiling na nais makamtan ni Maicko."
Nagkatinginan kaming lahat. Tuwa at kaba ang pare-pareho naming nararamdaman, pero alam ko na MAS ang nararamdaman ni Maicko sa mga oras na ito.
Naglakad ang Alpha papunta sa isang malaking bahay na gawa sa kawayan at matitibay na punong-kahoy. Sumunod naman kami sa kanya papasok sa loob.
Malawak ang loob, may mahabang mesa sa gitna ng living room na may mga nakahilerang upuan.
"Dito kami nagpupulong kapag may mga gawaing kailangang bigyan agad ng solusyon, katulad nang mababangis na hayop na kailangang puksain dahil pumupwerwisyo sa malapit na pamayanan dito."
May ikalawang palapag ang bahay at kita mula dito sa ibaba ang walang pintuan.
"Kayo lang po ba ang mag-isa dito?" Ashley asked.
"Kasama ko ang anak ko at asawa. Nasa gubat sila ngayon..." saglit itong tumigil bago tumingin kay Maicko. "Kasama nila ang Ama mo. Maya-maya lang din ay darating na sila, konting minuto na lang makikilala mo na ang iyong ama."
"Ang ina ko? Nandito rin ba sya?"
Nag-aalangang sumagot si Uncle Mashiko pero sa huli ay umiling din.
"Hindi ako maaaring magsabi nito sayo. Hintayin mong ang iyong ama mismo ang sumagot sa bawat mong katanungan."
Lumapit ako kay Maicko para tapikin ito sa balikat. Nakaramdam na agad ako ng hindi magandang pakiramdam nang mag-alinlangan si Uncle na sagutin iyon. At maging ang lungkot sa mga mata nito ay hindi nalihis sa aking paningin.
"Magpahinga muna kayo rito. Magpapahanda lamang ako ng pananghalian natin. Mamayang hapon na kayo maglakbay ulit. Pasasamahan ko kayo sa aking dalawang alagad upang may gumabay sa inyo papunta sa kabilang bayan."
"Ano pong bayan ang susunod dito?" May bahid ng kuryosidad sa boses ni Ashley ng itanong nya iyon.
Ngumiti si Uncle Mashiko.
Ngiting may masayang balitang kaagapay. What was that?
"White Stoneburrow Village. Ang tahanan ng mga puting mangkukulam."
Napatigil ako nang marinig ang sagot ni Uncle.
P-Puting M-Mangkukulam?
Ibig bang sabihin ay ang tahanan ni Mommy? Tunay na tahanan ng tumayo kong ina sa mundo ng mga tao?
Napansin ko ang pagsulyap sa akin ng Alpha. Hindi ko mapaliwanag pero feeling ko ay may alam sya tungkol sa ina-inahan ko.
"Maiwan ko muna kayo."
Pumasok na ito sa pintuang papasok yata sa mismong kusina. Naiwan kaming sampo na akala mo'y may bigla na lang dumaang anghel na walang pampers sa sobrang katahimikan.
Napansin naman ni Ashley ang pananahimik ko.
"May problema ba, Buwan?"
Umiling ako bago ngumiti. "Wala naman. Namimiss ko lang si Mommy at Daddy. Nang marinig ko ang word na mangkukulam ay si Mommy agad ang naalala ko. Maaari kayang nasa lugar na iyon ang pamilya ng tumayong ina ko?"
"Marahil ay naroroon nga ang pamilya ni Tita. H'wag kang mag-alala, makikilala mo rin sila at maibabalita mo ang mga nangyari sa mahabang panahon na nanatili sila sa Mortal."
"Naiisip ko lang, baka galit sila sa ginawa nina Mommy at Daddy noon."
Tinapik nya ang balikat ko.
"Think positive lang, kay?"
Tumango naman ako. "Oum!"
Napansin ko naman ang titig ni Air sa akin kaya tumingin din ako dito. At nakumpirma ko ngang nakatingin sya sa gawi namin ni Ashley.
Umiwas naman ako ng tingin dahil naramdaman ko na naman ang mabilis na kabog ng aking dibdib sa mga titig nya.
Kung ano man itong nararamdaman ko, kailangan ko munang isantabi dahil sa marami pa akong kailangang tuklasin at malaman tungkol sa akin. Ayoko munang isabay ang nararamdaman ko sa misyong ito. May tamang oras pagdating sa love, lalo na at prinsipe sya. Samantalang ako, hindi ko pa kilala kung sino ba talaga ako.
Tho, I have powers and strenght like them. Hindi pa rin iyon sapat para malaman kung saan ba talaga ako galing.
Sa ngayon, misyon muna at maging ang paghahanap sa pamilya ng mga kaibigan ko muna ang iisipin ko. Lalo na ngayon na isa na sa mga kaibigan ko ang makikilala na ang kanyang pamilyang matagal ding nawalay sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na si Uncle Mashiko sa kusina. May mga kasunod itong babae at lalaling naka-apron na may dala-dalang pagkain. Isa-isa ng mga ito na nilapag iyon sa mahabang mesa.
"Halina kayo, alam kong gutom na kayo dahil sa mahabang lakbayin kanina. Maupo na kayo rito habang hinihintay natin si—"
Napatingin kami sa pintuang malakas na bumukas at sumara. Kasabay noon ay ang malakas at malagong na boses ng lalaki.
"AMA! AMA! SABI NI AMANG SILYO AY DUMATING KA NA. AT MAY MGA KASAM—OHHHWW! May mga bisita nga!"
Isang lalaking may sukbit-sukbit na lalagyan ng arrow at pana sa balikat ang pumasok. Napatigil ito nang makita kami. Kasunod nya ay isang babaeng may mahabang buhok at isang lalaking may buhat na bag na puno ng hindi ko alam kung anu-ano.
Ito na siguro ang sinasabi ni Uncle na anak nya at asawa. At ang isa pang lalaki na mukhang kaedaran lang din ni Uncle ay kamukhang kamukha ni—
"OH MY GOSH!" Mariing bulalas ko nang mapagtanto ang isang bagay.
Nakatitig lamang ako sa lalaki. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan kahit may suot na damit ay hindi mo maiiwasang hindi mapansin ang hubog niyon. At ang isang bagay na nagpalawak ng ngiti at panlalaki ng mga mata ko ay...
Kamukha ng lalaki si Maicko.
Katulad namin ni Mon na palaging sinasabi noon, para silang pinagbiyak na bunga.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (234)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
interesting story. keep it up author 💜💜
27/04/2022
1good
17/02
0dagdagan Mona
28/11
0Tingnan Lahat