logo text

CHAPTER 36 : The Alpha

Chapter Thirty-six : The Alpha
Napatingin ako sa apat na lalaking nakabulagta sa lupa.
"Patay na po ba sila?"
"Oo! Kailangan na nilang mawala dahil nakakasagabal at nakakaperwisyo na sila ng mamamayan dito."
Naglakad kami na kami. Dumaan kami sa dinaanan ko kanina papunta sa village.
Naalala ko ulit sina Ashley. Nasaan na kaya yung mga yun? Baka napanu na sila. Mga talipandas talaga hindi manlang ako ginising. Edi hindi sana ako naghahanap ng ganito at hindi ko sana nakita yung apat na yun. Ang sakit ng leeg ko. Akala ko tuloy mamamatay na ako eh.
Habang naglalakad kami pabalik ay kung anu-anong tinatanong ko sa kanya. Feeling close lang ang peg ko mga dear!
Napag-alaman kong sya si Mashiko Alcaizer at isa syang Alpha. Hindi nya daw kasama ang kanyang kanang kamay which is the Beta. Iyon ang tawag sa lobo na pinagkakatiwalaan ng Alpha. Sya ang namumuno sa grupo ng mga wolf. Hindi sila masama na tulad nung naengkwentro ko kanina. They help to secure the safety of Airidan Kingdom and even the Villages here. Sila din ang tumutulong sa hanapbuhay ng mga hunters sa lugar na ito, tulad ng pangangaso sa gubat at iba pa.
Galing daw ang apat na lobo kanina sa Darkio Momentorica. Na siguradong inutusan na manggulo at manakot dito sa Hallowvale Village. Sila daw ang mga rebeldeng lobo na humiwalay sa kanila. Hindi lang sila lima o apat kundi marami din. Nakontrol ang kanilang isipan ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Lumishia kaya naman sumanib sila sa kadiliman.
Sabi pa ni Uncle Mashiko ay may nagpadala sa kanya ng isang liham kanina lang na agad naman nyang natanggap.
Naks naman! Uncle! Eh yun na lang daw itawag ko sa kanya.
Naglalaman yung sulat ng isang paanyaya para sa isang pagsasalo-salo na gaganapin sa Hallowvale Village. Pagdating nya daw doon ay walang mga tao sa labas kaya nagtaka sya. Magtatanong na daw sana sya nang may makita syang apat na lalaki. Unang tingin pa lang ay napag-alaman na nyang lobo ang mga ito kaya nagtago sya. Amoy din nya ang kakaiba nitong dugo sa katawan. Hindi nya nakikita ang mga ito sa kanilang bayan kaya alam nyang mga kalaban ito.
At doon nga ay napag-alaman nyang may mga kakaiba silang ginagawa. Bawat kababaihan sa village ay kinukuha nila at kapag nanlaban ay pinapatay agad.
Nakuha nya yung isa nilang kasamahan at nakatakas ang apat. Kaya naman pala apat lang yung nakaharap ko ay dahil nakuha na nya. Pilit daw nyang tanungin kung sino ang nag-uutos pero ayaw sumagot. Ngunit sa bandang huli ay umamin din ito na si Lumishia ang may kagagawan. Pero ayaw nyang maniwala doon. Alam nyang may iba pa.
Kung hindi si Lumishia, sino? Yun ang tanong! Sino? Yun na kaya ang sinasabi sa akin ng tinig na traydor sa kaharian ni Lumishia?!
NAKARATING kami sa harap ng mga kabahayan. May ilang ingay akong naririnig na siguradong mga kasama ko na iyon. Pagdating namin sa harap ng village ay nandoon na nga sila at nagkakagulo.
"Bakit nyo kase hinayaang iwan mag-isa si Luna?" malakas na sigaw ni Lucas. Kitang kita ang galit at inis sa mukha nito.
"Nataranta na din kase kami ng makarinig kami ng alulong ng mga lobo. Mabilis kaming lumabas at hindi na namin nagising si Luna. Pasensya na kayo, kasalanan ko." napayuko si Mon.
"NO! Hindi lang kasalanan ni Mon ang nangyari. Kasalanan naming tatlo dahil kami ang kasama ni Luna sa caben." sabi naman ni Winter.
Inis na nabasabunot si Lucas sa kanyang buhok.
"Hindi nyo kasalanan. Walang may kasalanan. Ang kailangan nating gawin sa ngayon ay hanapin si Luna. Baka lumabas lang iyon at nag ikot-ikot dyan sa paligid para hanapin tayo." Si Fire ang nagsalita.
"Tama si Apoy! Hindi ito oras para magsisihan tayo. Aksidente lang ang lahat at walang may kasalanan." pagsang-ayon ni Ken.
Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa pinto ng caben. Malayo ang tingin at para bang napakalalim ng iniisip.
"Shhhh! Wag kayong mag-ingay guys. I can feel something. There is someone watching us from behind---" Hindi na natapos ni Maicko ang dapat na sasabihin dahil bigla na lang sumigaw si Ashley.
"BUWAAAAAAAAAANNNNN!"
Halos mabasag ang eardrums ko sa malakas na sigaw nya. Napatingin na din ang siyam sa aming gawi.
"LUNAAAAAAAA!!!" Mabilis pa sa alas-kwatrong nakarating sa harapan ko sina Mon para bigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Saan ka ba nagpupunta? Bigla ka na lang nawala sa loob samantalang iniwan ka naman naming tulog pa." nag-aalalang sabi ni Mon.
"Pinag-alala mo kami. Akala tuloy namin ay nakuha ka na nung apat na panget na yun." Halos maiyak na si Winter habang binabanggit iyon.
"Sorry Buwan! Hindi ka namin nagising. Bigla na lang kaming umalis ng walang paalam. Hindi na yun mauulit Buwan. Hindi ka na namin iiwan ng walang pasabi." Sobrang higpit ng yakap nilang tatlo sa akin. Napangiti naman ako.
"Ano ba kayo, hindi nyo naman kasalanan eh. Saka wala namang nangyari sakin masama. Nakaharap ko yung sinasabi nyo at hindi naman nila ako nasaktan."
Paulit-ulit silang humihingi sa aking ng sorry kahit hindi naman nila kasalanan.
"Hindi sinaktan? Pero ano yang bakas ng kamay sa leeg mo?" inis na singahl ni Khairo sa akin. Maging sila ay napatingin na din sa leeg ko na sinakal nga pala nung lalaking lobo kanina.
Bakit hindi ko naalala na sinakal nga pala ako? At muntik ko na ding makalimutan si Uncle Mashiko.
"Hindi naman ako nasaktan." It's a lie. Ang sakit kaya ng leeg ko at muntik nakong mawalan ng hininga. "Hindi naman nila ako napatay dahil may biglang dumating para patayin yung mga lobo." Tumingin ako kay Uncle Mashiko na nasa likuran namin.
Doon lang nila napansin na may kasama pala ako kanina pa.
"A-Ang A-Alpha! Sya ang Alpha hindi ba?" Mon stummering. Kumapit sa braso nya si Winter na parang natatakot.
Nakakaintimidate naman talaga si Uncle Mashiko pero hindi ko iyon naramdaman. Hindi manlang ako nakaramdam ng kaba o takot ng makita ko sya. Why is that?
"Bakit kasama mo ang Alpha, Luna?" tanong ni Ken.
"He helped me." maikling sagot ko.
"Your Highness!" Bahagyang yumuko si Uncle Mashiko sa kanila. "Kinagagalak kong makilala ang mga batang prinsipe at prinsesa. Ako'y naparito dahil may nagpadala sa akin ng mensahe na nagsasabing imbetado ako sa isang salu-salo sa Gurdianne Village ngunit wala akong naabutang tao doon. Nakita ko ring may kakaibang nangyayari sa Village kaya naisipan kong tumulong na lang." paliwanag nya.
"Ngunit hindi ka nagpapakita sa mga tao, hindi ba? Pero bakit ngayon, nandito ka?" takang tanong ni Khairo.
Hindi sya nagpapakita sa mga tao? Pero bakit?
"Nagpapakita ako ngunit sa mga pili lamang." Napansin kong tumingin sya sa akin. "Naririto ako dahil sa isang bata. Malakas ang pakiramdam naming mga lobo, alam namin kung may kalabang papalapit o kung may nangangailangan ng tulong namin. At isa pa....."
Nakita ko ang paglapat ng tingin nito kay Maicko.
"Ikaw na ba si Maicko Javier?"
Nagtaka naman si Maicko sa tanong nito.
"Ako nga! Bakit alam mo ang pangalan ko?"
"Bukod sa sinabi ni Luna ang ngalan mo, ang totoo n'yan ay kilala din kita."
Napuno ng singhap ang buong paligid mula sa mga kaibigan ko at sa mga prinsesa't prinsipe.
"You mean... Kilala mo kung sino talaga ako? Kilala mo ba ang mga magulang ko?"
Bakas ang pananabik sa boses at mga mata ni Maicko. Alam ko na kahit hindi nya sabihin, ramdam kong gustong gusto nyang makilala ang tunay nyang pamilya.
At ngayong nandito na ang Alpha na maaaring makatulong sa kaibigan kong makilala ang pamilya nya, nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko.
Dahil FINALLY! Masasagot na lahat ng katanungan ni Maicko.
"Hindi lang kilala, dahil kilalang kilala ko ang mga magulang mo. Pagsapit ng madaling araw ay magpatuloy na kayong muli sa paglalakbay. Madadaanan ninyo ang aming tahanan, doon makikilala mo na ang iyong matagal ng hinahanap na pamilya."
"BAKIT HINDI PA NGAYON? BAKIT KAILANGAN PANG IPAGPABUKAS?"
Nilapitan nina Tims at Lucas si Maicko.
I know na ngayon nalaman na nya ito, hindi na sya magsasayang pa ng oras. Kaya ganyan na lang sya kung makapag react. Naiintindihan ko sya.
"Bro, tama ang Alpha. Ipagpabukas na lang natin ang paglalakbay dahil malalim pa ang gabi. Hindi natin alam ang maaari nating makasagupa sa dilim," Lucas said. Sumang-ayon naman si Timothy.
"Maicko!" Pagtawag ko sa kanya tsaka ko sya nilapitan. "Alam ko na gustong gusto mong makilala ang tunay mong mga magulang. Lahat naman tayong lima ay ganoon ang nais, diba? At alam ko rin na hindi ka na makapaghintay na itanong lahat ng nais mong malaman ng kasagutan. Pero... pero tama si Uncle Mashiko, ipagpabukas na lang natin ang pagpunta sa kanilang village. Delikado ang paglalakad sa dilim."
Yumuko sya kaya naman tinapik ko ang kanyang balikat.
"Walang mangyayaring masama sa kanila. Makakasama mo pa sila."
Sa pag-angat nya ng kanyang mukha ay isang butil ng luha ang naglandas sa kanyang pisnge.
Umiiyak sya!
"Salamat, Luna! Salamat! Salamat dahil pinapunta mo ang Alpha dito. Kahit na napakadelikado ng nangyari ay nagawa mo pa ring alalahanin ako, kami na mga kaibigan mo."
Tuloy-tuloy na nagbagsakan ang mga luha sa kanyang mata. Mahigpit na yumakap sya sa akin na ginawaran ko rin naman ng kasing higpit na yakap pabalik.
"What friends are for nga 'diba?" Mahina kong bulong sa kanya. "H'wag kang mag-alala, Maicko. Malapit mo na silang makilala."
"Oo, Luna!"
Napagkasunduan namin na magpahinga nang muli dahil maaga pa ang gising namin kinabukasan. Madaling araw pa lamang ay aalis na kami para tahakin ang Village ng mga lobo. Madadaanan namin iyon papunta sa White Stoneburrow Village—ang lugar kung saan nakatira ang mga nabubuhay na puting mangkukulam.
Mangkukulam?
Doon ko kaya makikilala ang mga magulang ni Mommy? She's a white witch kaya malamang ay doon naninirahan ang magulang ng tumayo kong ina sa mundo ng mga tao.
"Bakit nandito ka pa?"
Nagulat ako sa boses na bigla na lang nagsalita sa likuran ko. Nasa labas kasi ako ng caben namin at nagpapalipas ng antok. Kahit kasi gustong pumikit ng mga mata ko, ngunit kung ayaw ng katawan ko ay wala rin.
Napatingin ako kay Khairo na syang nagsalita.
"Eh bakit nandito ka rin?"
"Kailangan ba talagang ibalik sa akin ang tanong, Luna? Seryoso, anong ginagawa mo pa dito? Dapat nagpapahinga ka na rin dahil aalis na tayo ilang oras na lang."
Naupo sya sa tabi ko.
"Wala lang. Hindi kasi ako makatulog—I mean inaantok ako pero hindi ako makatulog. Excited lang siguro dahil sa wakas ay matatagpuan na rin ni Maicko ang mga magulang nya. Masasagot na lahat ng katanungang kailangan nya para maging buo muli."
"Ganyan ka ba talaga maging kaibigan? Ikaw pa talaga ang mas excited kaysa sa kay Maicko?"
"Syempre naman! Dapat maging masaya ka rin para sa kaibigan mo, dahil alam ko ang nararamdaman nya noon hanggang ngayon na malapit na nyang makilala ang mga ito. Natutuwa lang ako para sa kanya."
"Don't worry!" Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Khairo sa buhok ko. "Makikilala mo rin ang mga magulang mo, Luna! Nararamdaman ko na malapit mo na rin sila makilala. Magtiwala ka lang!"
Hindi ko alam kung dahil ba sa ginagawang paghaplos nya sa buhok ko, kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko? O baka mas higit pa doon?
Ewan! Hindi ko pa alam.
Sa ngayon, ang misyon muna ang iisipin ko. Saka ko na pagtutuunan ng pansin ang kakaibang nararamdaman ng puso ko sa tuwing may kasweetang pinapakita ang lalaking katabi ko ngayon.
Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa ni Khairo.
"Sorry nga pala sa ipinakita ko sayo kanina. Naiinis lang talaga ako." Panimulang basag nya sa kathimikan. Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya. Nagtataka kung bakit nga ba sya naiinis sa'kin kanina habang papunta kami dito.
At ang sunod nyang sinabi ay talagang nagpagulo sa puso ko.
"Bakit kasi ang ganda-ganda mo? Ang dami tuloy mga siraulong gustong makipagkilala sayo. Nakakainis lang dahil... dahil... nevermind! Matulog ka na, maaga pa tayo mamaya."
Napaawang ang mga labi ko dahil sa bigla nyang di pagtuloy. Ang gague lang?
Nakita kong tumayo na sya bago humarap sa akin. "Goodnight, Luna!" He said while smiling then he immediately left me with a 'what's with that' look in my face. Ni hindi manlang ako pinagsalita bago umalis.
Matagal na nakatitig ako sa papalayong likuran ni Khairo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Ano daw?
"Bakit kasi ang ganda-ganda mo? Ang dami tuloy mga siraulong gustong makipagkilala sayo."
"Bakit kasi ang ganda-ganda mo? Ang dami tuloy mga siraulong gustong makipagkilala sayo."
"WHAT THE HECK?!"
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa nais nyang sabihin.
Nagseselos ba sya?
"Darn it!"
Sa mga oras na ito, isa lang ang sigurado ako. Walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko.

Komento sa Aklat (235)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata