logo text

CHAPTER 28 : Argue

Chapter Twenty-eight : Argue
One week has passed since the Royalty Ball went wrong happened dahil sa kagagawan nina Khairo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagkaganun. Ayoko namang mag assume na dahil sakin, na ayaw nyang makapartner ko si Clyden which is really imposible.
Pagdating ng Monday ay walang nagbanggit about sa nangyari. Balik ulit sa dating gawi na para bang walang nangyaring kaguluhan sa Ball.
Sabagay, hindi naman iyon big deal sa lahat. Its just a simple arguement between them.
At isang linggo na ring lantaran akong nilalait at iniinis ni Mon. Akala nila ay simpleng asaran lang iyon pero para sa kanya at mqy iba pa. At hindi ko talaga mawari kung ano ang ikinagagalit nya sa akin.
Ayoko namang patulan dahil ayoko ring magkagulo kami. Nananahimik na lang ako at sumasagot kapag medyo hindi na sya nakakatuwa.
Para nga daw kaming magkapatid na nag-aaway. Na talagang hindi maganda sa pandinig.
Nakita ko pa ngang umirap sya nun ng sabihin iyon ni Winter na para bang diring-diri at ayaw na maging kapatid ako. Kung katulad lang din naman nya na sa loob ang kulo ay huwag na lang din. Baka araw-araw lang kaming magkagulong dalawa.
Katulad ngayon.
Inaasar nya akong parehong kaliwa ang mga paa. Kung alam nya lang na kasali ako dati sa pep squad ay baka mapahiya sya. Ayoko lang talagang sumayaw kapag walang magandang dahilan para gawin ko iyon.
"Ang sabihin mo hindi ka talaga marunong sumayaw. Sweet dance nga baka hindi mo rin alam kung paano eh."
"Hayyyy naku! Kung alam mo lang Mon kasali si Buwan sa Pep Squad noong nasa Mortal World pa kami. 4 years syang naging leader." pagmamayabang ni Ashley.
Mon cross her arms at nagsmirk sa akin.
"Kung ganun naman pala, bakit hindi mo ipakita? Let's have a battle. Dance Battle to be specific."
Napailing na lang ako. Ano papatulan ko na ba ang isang ito?
Nandito kase kami sa soccer field dahil may practice sina Marion. Yep! May sport din kaming subject noh. Wala kaming klase dahil request iyon nina Marion na kase sa Soccer team. Sila na lang daw kase ang maglalaro at manonood na lang kaming mga girls.
At kung itatanong nyo kung bakit nandito si Ashley? Ayun, tambay! Breaktime kase nila.
"Ano Luna? Naduduwag ka ba?" nakangising hamok nya sa akin kaya tiningnan ko sya ng masama. "O baka naman takot kang talunin ng isang Prinsesa?"
Inis na tumayo ako. Pipigilan na sana ako ni Ashley at Winter pero sinabi kong 'okay lang'.
Napipikon na din namam kase ako sa isang 'to. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
"O ano? Sasaktan mo ba ako? HAH! Duwag! Isa kang duwag!"
Konte na lang talaga tatamaan na'to sakin. Pero dahil mapagpasensya akong tao ay pinigilan kong huwag magalit. Natatakot akong baka kung ano na naman ang magawa ko.
"Mon tama na yan! Parang sumusobra ka na yata eh." saway sa kanya ni Winter.
"Ohhh? Sa kanya ka na rin kampi ngayon? Ganun ba Winter?"
"H-Hindi naman sa ganun. Kase sobra na yung lumalabas sa bibig mong pang-iinsulto kay Luna. Wala naman syang ginagawa sa'yo."
"HAH! Akala nyo lang yun. At pwede ba manahimik ka na lang. Si Luna naman ang sinasabihan ko at hindi ikaw. Unless kung naiinsulto nga ba talaga si Luna."
Naikuyom ko ang dalawa kong kamao dahil sa pag-pipigil ng galit at inis.
"LUNA DUWAG!" muli nyang sigaw sa akin na syang nagpa-alarma ng aking sistema. Nakuha na din niyon ang atensyon ng lahat na naririto sa field.
"ISA KANG MALAKING DUWAG LUNA! Kaya siguro iniwan ka ng mga magulang mo ay dahil wala kang kwentang anak para sa kanila. Wala kang kakayahan. Hindi ka nababagay sa lugar na ito. Hindi ka tanggap dito Luna. Bumalik ka na lang sa mundo ng mga tao na kung saan doon ka talaga nababagay. Isa kang duw--"
"MONCHESKA LUMINA MOONTERIA-DEL FIERRO!"
Isang malakas na sigaw na mula sa baritonong boses ng lalaki. Napatingin kami sa pinanggalingan niyon at nakita naming papalapit na sina Khairo kasama si Fire, Calix at Ken.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Moncheska? Bakit ganyan mo pagsalitaan si Luna?" batid ang inis sa boses ni Khairo.
"K-Khairo! K-Kase kasalanan naman ny--"
"Sa pagkaka-alam ko walang kasalanan sa'yo si Luna. Mon what's happening to you?" nagtatakang tanong ni Calix sa pinsan.
"Lahat na lang ba kampi sa Luna na iyan? Ako yung matagal nyo ng kakilala at kasama. Ako yung kaibigan at pinsan nyo pero parang bigla na lang bumaliktad ang lahat." masamang tumingin sa akin si Mon. "Simula ng dumating ka dito! Nakakainis ka na, alam mo ba yun? Bakit hindi ka na lang umalis dito at bumalik sa pinanggalingan mo. Hindi mo na makikita ang mga magulang mo na iniwan ka. Iniwan ka na nila at hindi na babalikan pa. Wala kang kwen--"
Nag-aalab ang mga matang tumitig ako sa kanya. Ang mga nakakuyom kong palad ay bahagyang mas dumiin pa. Kulang na lang ay dumugo ang aking palad dahil sa kukong tumatarak doon.
"Alam mo, mas gugustuhin ko pang insultuhin mo ako kahit kaylan mo gustuhin. Pero yung idamay mo ang mga magulang ko na kahit minsan ay hindi ko pa nasilayan? Hinding hindi ko na yun palalampasin.".
Dahan dahan akong humakbang palapit sa kanya. Sobrang intense pa rin ng aking mga tingin na ipinupukol sa kanya, na kanyang ikinaurong.
"Ayaw kitang patulan dahil may pag-galang pa rin ako sa inyong mga nakatataas. Pero sinagad mo na ang pasensya ko. At kahit isa ka pang prinsesa ay papatulan na kita."
Mariin akong pumikit at bahagyang itinaas ang aking braso. Nakabuka na ang aking dalawang palad at para bang may tinatawag na lumapit sa akin. Ramdam ko ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa aking katawan. Nangyari at naramdaman ko na din ito noong unang may kakaibang nangyari sa akin. Yung time na may lumabas sa aking kapangyarihan.
THIRD PERSON'S P.O.V
Isang malakas na hangin ang bigla na lang lumabas sa kung saan. Naging dahilan iyon kung bakit mababakas ang gulat at takot sa kanilang mga mukha.
Isang malaking ipo-ipo ang nabuo mula sa malakas na hangin. Nagliparan ang mga dahon at sanga ng punong kahoy. Agad na pinalayo ang mga estudyanteng malapit sa lugar ng pinangyayarihan. Gulat din na nagsilabasan ang mga profs at maging ang iba pang nakatataas sa paaralan. Bakas ang takot at gulat sa mukha ng mga Faculty members.
Kahit ang taong gumagawa niyon ng hindi nya nalalaman ay nagulat din.
Saan nanggaling iyon? Ako ba ang may gawa nito? Katanungan ni Luna sa kanyang isipan.
"SH'T! PIGILAN NYO SI LUNA! HINDI PA NYA MACONTROL ANG KAPANGYARIHANG LUMALABAS SA KANYA." malakas na utos ni Khairo na sinunod naman nina Lucas. Hahawakan na sana nila si Luna ngunit bigla na lang nitong itinapat ang kanyang palad sa magtatangka, dahilan upang tumilapon tumilapon ang mga ito sa field.
"Mon please lumayo ka muna dito. Kapag nakikita ka nya mas natitrigger syang mas palakasin pa ang hangin na pinalalabas nya." paki-usap ni Calix sa kanya.
Pero hindi ito nakagalaw. Tanging gulat at takot ang mababakas sa kanyang mukha.
Luna, sino ka ba talaga? Yan ang tanong ni Mon sa kanyang isipan.
"Mon halika na! Kailangan nilang pigilan si Luna dahil baka mapanu pa sya kapag mas lalo nyang nailabas ang kanyang galit." Hinila na ni Winter ang nakatulala pa ring si Mon.
"A-Ako ba talaga ang may dahilan kung bakit sya ngayon nagkakaganyan? K-Kasalanan ko ba talaga? Ang gusto ko lang naman ay--"
"Saka na natin 'to pag-usapan. Kailangan muna nating maka-alis dito. Sila Khairo at Ken na ang bahala kay Luna."
Agad silang tumalima. Lumayo sila sa field na kung saan sobrang laki ng hangin no-- ipo-ipo ang ginawa ni Luna.
"B-BUWANNNN!!! Natatakot na ako. Baka mapanu ang kaibigan ko." umiiyak na wika ni Ashley. Bumaling ito kay Mon. "Ikaw! Ikaw ang mag kasalanan. Wala namang ginagawang masama sa'yo si Buwan pero kung makapanghusga at lait ka kala mo ang perfect mo. Dinamay mo pa ang mga magulang nya na hindi man lang nya nakikilala pa." galit na sigaw nito sa nakayukong si Mon.
"I-I... I-I'm s-sorry! Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya."
Sasagot pa sana si Ashley pero pinigilan na sila ni Winter.
"Ash saka na natin 'to pag-usapan. Saka h'wag na muna tayong magsisihan, please!"
Huminga ng malalim si Ashley bago muling tumingin kay Mon.
"Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa kamalditahan mo." galit na singhal ni Ashley dito bago lumakad paalis. Pumunta ito sa tabi nina Maicko na nag-aalala na din para sa kaibigan.
Samantalang sa kabilang bahagi naman ay nakatanaw sa kanila sina Ms. Amethyst at Ms. Persepone na may nababakas na pag-aalala sa kanilang mga mukha.
"Amethyst nagsisimula na. Unti-unti nang lumalabas ang mga kapangyarihang nakatago kay Luna." nag-aalalang wika ni Ms. Persepone habang nakatanaw kay Khairo at Ken na kinakausap si Luna.
"Kailangan na nyang magsanay. One of this days, lahat ng iyon ay lalabas na sa kanya at baka hindi nya makontrol iyong lahat. Kailangan na nating gawin ang plano." sagot ni Ms. Amethyst sa kanyang kaibigan.
"Kausapin natin sila kapag maayos na si Luna." Tumango ang Enchantres dito.
Natatakot man sa mangyayari ay nagtiwala pa rin sila sa dalawang binata na mapapatigil si Luna. Sila lang ang may kakayahang pumasok sa loob ng malaking ipo-ipo na hindi nasusugatan.
Hindi alam ni Luna kung anong nangyayari sa kanya. Basta alam lang nya ay may lalaking nakatitig sa mga mata nya. Tinutukso syang tingnan din ito.
Isang pares ng kulay abong mga mata. Yan ang sumalubong sa kanya. At katulad noong una na hindi nya din makontrol kung ano mang ginagawa nya ay ganito din ang ginagawa nito sa kanya.
Tanging ang kanilang mga mata lang ang nag-uusap na para bang may mga sariling buhay.
"Luna please pag-usapan natin 'to. Kakausapin namin si Mon kung ano bang problema nya. Tumigil ka lang please, Luna." nakiki-usap na turan ni Khairo sa kanya.
"Alam naming wala kang kasalanan. Alam nating maayos din 'to, diba? Kaya please tumigil ka na. Magiging maayos din ang lahat."
Tila ba may sariling isipan ang kanyang kamay at ibinababa na nya ang mga iyon. At dahil lamang sa masuyong paki-usap ng binata sa kanya ay para bang nanghihina sya.
Bigla na lang nawala ang malaking ipo-ipo at ang malakas na hangin na bumalot sa buong soccer field.
Paki-ramdam ni Luna ay nanghihina sya at gusto na lang nyang humiga at matulog. Dahil sa panghihina ay bigla na lang syang bumagsak na agad namang nasalo ni Ken na syang nasa likuran nito.
"LUNAAAA!"

Komento sa Aklat (235)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author 💜💜

    27/04/2022

      1
  • avatar
    AdlaonMarian

    good

    17/02

      0
  • avatar
    Kherbie Canillo

    dagdagan Mona

    28/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata