Homepage/ACADEMIA DEL MOONTERIA/
CHAPTER 26 : Royalty Ball Went Wrong
Chapter Twenty-six : Royalty Ball Went Wrong
Nagsimula nang maging wild ang mga students. Charot lang!
Nagsimula na kaming kumain. May ilan namang nagsasayaw na sa gitna ng mini dance floor sa tabi ng stage. May mga malilikot at iba-ibang kulay ng ilaw ang nagkalat doon.
"Luna tara sayaw tayo. Minsan lang 'to mangyari. I-enjoy na natin." aya sa akin ni Winter. Nakatayo na silang dalawa ni Mon kasama sina Ken.
Umiling naman ako. "Mamaya na lang busog pa ako. Kayo na lang muna." pagtanggi ko.
No! Hindi ako sasayaw! Never akong sasayaw! I hate dancing, meeh!
"Huwag ka ng kj dyan Luna. Tara na, sayaw na us!" pagpupumilit ni Winter.
"Winter huwag mo ng pilitin pa ang ayaw. Baka kase hindi lang sya marunong sumayaw dahil parehong kaliwa ang paa nya. At isa pa, hindi sya bagay sa dance floor. So yeah!"
Napatingin ako kay Mon nang sabihin nya iyon. May bahid ng pang-iinsulto sa boses nya pero hinayaan ko na lang. Ayokong pumatol sa kagaya nya. Tsk!
"Mon h'wag ka ngang ganyan kay Luna. Busog pa nga raw diba. Tsaka a---"
Pinigilan ko si Winter. "Yeah! Baka nga tama si Mon na parehong kaliwa ang paa ko at hindi ako nababagay sa dance floor." Sinabayan ko ng pagkasarkastiko ang pagkakasabi ko niyon.
"Sige na Winter kayo na lang muna. Nandoon na sina Ken ohh."
"Sure kang dyan ka lang?" Tumango naman ako saka ngumiti. "Sige!" Umalis na silang dalawa papunta sa dance floor. Ako naman ay nanatiling naka-upo lang at nagmamasid sa paligid.
Napatingin ako sa wristwatch ko at mag aalas otso na pala ng gabi.
"Guys, I just wanna ask. May gusto bang kumanta o tumugtog dyan? Warm-up lang bago magsimulang tumugtog ang Jasper Squad Band. Anyone? Anytwo?" pagtatanong nung girl na MC.
Pero walang sumagot.
"Sayang naman! Ayaw nyo bang ilabas ang talent nyo? Malay nyo manotice kayo ng isa sa mga 12 Royalties na nandyan lang sa paligid-ligid. Ayaw nyo?"
Pero wala talagang may gusto.
"Ayaw nyo talaga? Wala talagang maglalakas loob dyan? One song lang naman."
"Tinatamad yata yung mga singer ng Aquamarine eh!" sigaw ng isang lalaki sa may table nina Ashley.
"Mga sirena lang naman ang may magagandang boses dito. Si Winter bakit di nyo tanungin." sabi pa nung isang babae na pakiwari ko'y isang Agatian student.
"Winter! Ms. Winter. Princess Winter Jeysel? Where are you? Payag ka ba sa request namin?" Palinga-linga pa yung babae para makita kung nasaan ni Winter. Natawa naman ako ng nagpupumilit na magtago ni Winter sa pagitan ni Ken at Warren.
"HINDI! HINDI AKO PAPAYAG NA PAKANTAHIN NYO ANG WINTER KO!"
Isang malakas na sigaw ng isang lalaki ang aming narinig. Napalingon ako sa entrance ng venue at nakapameywang na nakatayo doon ang isang lalaki.
Bakit ko nga ba nalimutan ang isang ito? Ilang araw din syang nawala eh. Sino pa ba ang tumatawag kay Winter ng 'Winter Ko'? Nag-iisa lang naman po si Lance Azekiel diba?
Naglakad ito na para bang siga sa kanto at lumapit ito sa stage. Narinig ko pang naghiyawan sina Marion na nasa buffet table na kumakain. Jusko! Nandun lang pala sila.
"Mr. Lance at bakit hindi ka naman papayag na kumanta si Winter? Tatay ka ba nya?"
"Hindi! Dahil hindi ko kalevel si Tito Willfred para maging tatay nya, dahil ako lang naman ang magiging future husband ni Winter Ko. Right, Labidabs?" Nakangiti ng matamis na baling nya kay Winter.
"Shut up Azekiel! Pero tama sya, hindi ako kakanta. Iba na lang." sigaw na sagot ni Winter.
"Pero sino naman ang kakanta eh ayaw ng--"
"SYA!!! SYA ANG KAKANTA!"
Muling sigaw ni Lance sabay turo sa pwesto ko. "SI LUNA ANG KAKANTA! RIGHT LUNA?!" Turo nya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.
"W-WHAT? NO WAY! BAKIT AKO?"
Susko! Why me? Pagsayaw nga ayaw ko, ang kumanta pa kaya?
"LUNA! LUNA! LUNA!" hiyawan nila na ginatungan din ng ibang mga naririto. Kahit sina Ashley ay ganun din ang ginawa.
"SIGE NA BUWAN! KAYA MO YAN! IPAKITA MO ANG TALENT MO BABAE. ITS YOUR TIME TO SHINE, BUWAN!" sigaw ni Ashley na may pathumbs-up pang nalalaman.
Sh't! Ayoko sabi ng atensyon eh.
Pero nang makita ko si Mon na may kakaibang tingin, tingin na nanghahamon sa akin ay napa-isip ako.
Hinahamon talaga ako ng isang ito ah! Sige, pagbibigyan ko sya.
"Sige! Kakanta na ako. I will show HER what I've got! Baka gusto nyo din sumayaw ako? Aahhh! Nah- sa susunod na lang pala."
Tumayo ako at taas-noong naglakad papunta sa stage. Sinulyapan ko pa si Mon na naka smirk sa akin. Psh!
"Yun naman pala eh! Ating pakinggan ang awitin ng Binibining nasa ating harapan. Let's all give Ms. Luna Silvan, A.D.M New Face around of aplause!!!" sabi ng MC bago sila bumaba ng stage.
Tumingin muna ako ng masama kay Lance. "Yari ka sa akin mamaya!" mahinang sabi ko sa kanya na nginisihan nya lang.
Lumapit ako sa mga lalaking nasa backstage para humiram ng gitara. Kumuha na din ako ng upuan at nilagay iyon sa tapat ng mic. Umupo ako at sinimulang magstrum ng gitara.
"GOOOO BUWAN!"
"LUNA! LUNA! LUNA!"
"LUNA H'WAG MO AKONG IPAPAHIYA! PARA 'TO SA WINTER KO!" sigaw pa ni Lance na sinundan naman ni Winter.
"LUNAAAA WAG KANG MAKIKINIG SA KUMAG NA YAN! PERO GOOO LANG! GALINGAN MO. WOHHOOOO!"
Napailing na lang ako. Huminga muna ako ng malalim bago magsimula.
♫︎♫︎♫︎
On the day when I laughed hard
Why is the night darker?
It keeps bringing me down, down, down
Hmm, the words that everyone said so easily
Maybe you can hear it soon
I've heard enough I've heard enough
Of the things that I'm not
Tumahimik ang buong paligid. Tanging ang tunog ng hawak kong gitara at ang aking pagkanta ang maririnig.
♫︎♫︎♫︎
Even if the whole world changes
I'm still the same
I dreamed of this path I walked
As it was then, as it was then
The first time I danced every day
I was left there
Nagsimula na ring silang mag humm ng song at nakisabay na din sa akin.
Umangat ang tingin ko sa harapan. Nakita kong nagswisway din ang mga katawan at nakataas na din ang kanilang mga kamay sa ere. Para tuloy akong nagko-concert dito sa stage. Nagsimula naman nang sumayaw ng sweet ang mga nasa mini stage na pinangungunahan ni Lance at Winter.
♫︎♫︎♫︎
Sunday night, I've been swallowed by my bed
I've been all over my head
Wonderin' if I gotta try and pretend
I don't know what day it is
I'm afraid I'll find myself hoping to know
The brighter that light gets
My shadow is getting longer
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at huminto iyon nang matagpuan ko ang isang pares na kulay abong mga mata. Patuloy pa rin ako sa pagtugtog at pagkanta na hindi iniiwas ang tingin sa kanya.
Tila ba hinihigod ang kaluluwa ko ng kanyang mga tingin. Kakaibang pakiramdam na tanging sa kanya ko lang nararamdaman.
Khairo Airieck, ano bang meron sayo? At para bang dinadala ako sa kakaibang mundo. Mundong tanging nakakaalam lang ay ikaw at ako.
Ano bang nangyayari sakin?
Iniiwas ko na sa kanya ang tingin ko nang matapos na ang kanta. Tumayo ako saka nagbow sa harap nila. Nagpalakpakan naman ang lahat.
Muling umakyat ang dalawang MC at tumabi sa akin.
"That was a wonderful performance, Ms. Luna! Hindi mo naman sinabi sa amin na magaling ka palang tumugtog at kumanta." nakangiting puri ng babaeng MC.
I don't know her. Sensya na.
"Hindi naman. Konteng kaalaman lang."
Nag thank you lang ako bago nagpaalam. Bumalik ako sa backstage para isauli ang gitara at upuan.Nagsalute pa sila sa akin bago ako tuluyang umalis doon.
Bumalik na ako sa table namin. Nang madaanan ko sina Ashley ay nakipag-apir muna ako sa apat. May ilan pa akong narinig na mga bulungan about sa akin. Siguro ay magbabarkada sila.
"Grabe! Hanga na talaga ako kay Ms. Ganda!"
"Oo nga! Maganda na, matalino pa at madami pang talent."
"Sinabi mo pa. Natatandaan ko pa nga kung paano sya pumana noon sa Oldcrest Town eh."
"Nakita nyo yun?"
"Oo naman! Nandoon kami. Galing noh?!"
"Sana all na lang!"
Napangisi ako nang makabalik na ako sa table namin. Binati ako nina Winter na tuwang tuwa. Nakatanggap na naman ako ng mga papuri mula sa aming mga kasama na naging dahilan para inis na tumingin sa akin si Mon.
Hinamon mo ko eh! Yan tuloy. Sensya na!
Dalawang kanta ang tinugtog ng banda bago magsimula ang pinaka hihintay ng lahat. Ang 'Choose One Of The Royalty' kuno nila. At pagdating ng alas dose ng gabi ay magsisimula ang Grand Ball na pangungunahan ng labindalawang Royalties together with their choosen partners. May Midnight Date din at Fireworks display na syang maienjoy ng lahat.
"HANDA NA BA ANG LAHAT?" tanong nung MC. Naghiyawan naman ang lahat.
"Handang handa na nga talaga ang lahat. Atin ng simulan ang CHOOSE ONE OF THE ROYALTY with a twist. Magiging baliktad ang kalalabasan ng ating palabas ngayon, dahil ang labindalawang Royalties na ang syang pipili ng kanilang gustong makapareha."
Samu't saring sigawan at hiyawan ang maririnig. May ilan pang tumili at isinigaw ang Royalty na gusto nilang makapareha.
"ILABAS NA ANG ULAM-- AY MALI PALA. ILABAS NA ANG 12 ROYALTIES!"
May kabaliwan din ang dalawang ito. Mukha bang mga ulam yan? Sabagay mukha nga! Ahihihi! Landi mo Luna kahiya ka.
Nagsilabasan na ang labindalawang napiling Royalties. Uang lumabas ang lalaking hindi ko kilala. Gwapos sya at makisig din. Gwapo talaga eh! Diko maidescribe basta isa syang Fafa. Chos! Sunod ay si Khairo na nakapamulsang lumabas. Seryoso ang mukha pero ang lakas ng dating. Ganun din ng lumabas si Fire. Magkaibigan nga silang dalawa. No doubt at that!
Naghiyawan ang lahat ng girls at maging ang ilang boys nang makalabas na ang labindalawang Royalties. 8 boys and 4 girls.
Nanlaki ang mga mata ko ng tumigil sa isang lalaki ang aking paningin. Si Lucas na ngiting-ngiti habang may pakaway-kaway pa. Kasama sya? Seriously?! Well, gwapo naman kase talaga. Silang lahat ay may angking kagwapuhan at kagandahang taglay.
Nandoon din si Ken, Calix at maging si Lance na kung makangisi ng nakakaloko ay wagas.
Bakit kaya hindi nakasama si Mon at Winter doon? Ahh, ewan!
Siniko ko si Winter. "Bakit?"
"Bakit hindi kayo kasama sa 12 Royalties?"
She pout at me. Cute!
"Ayoko! Ayoko talaga! At isa pa, itanong mo dun sa dalawang kumag na nakangisi sa stage. Ang papanget! Mukhang mga unggoy." inis na sagot nya sabay irap kay Lance na nakatingin pala samin-- sa kanya lang pala.
Aahhh! Gets ko na! Binabakuran na ni Ken at Lance The Kumag sina Mon at Winter. MWEHEHE! Mainggit kayo guys! HAHAHA!
(Bakit ikaw Luna, hindi ka ba naiinggit?)
Nah! Author naman syempre hindi noh!
(Sabagay! Lima-lima nga pala yung sayo. HAHAHAHA!)
Ohww! Shut up, Author! Magsulat ka na lang pwede?!
(Eto na nga!)
"Atin munang kamustahin ang ating unang Royalty. How are you Mr. Clyden Emmanuel?" tanong nung isang MC dun sa lalaking unang lumabas kanina. Clyden pala ang pangalan nya.
"I'm always fine, Ms. MC!" nakangiting sagot nito.
"That's good! That's good to know. So, what about lovelife, kamusta naman?"
Nagsigawan ang ibang kalalakihan na nasa kabilang table. Kabarkada nya siguro.
Nakangiting sumagot ito. "Well, currently single. But I have this girl in my mind right now." Muling nagsigawan ang mga kaibigan ng lalaki maging ang ibang girls naman ay napatili dahil sa kilig.
"Oowww! May I know who's this girl is? Pabulong lang lods!" pagbibiro ng Mc.
"Later! You all know who she is."
"Mukhang ang pipiliin ng ating Handsome First Royalty ang babaeng napupusuan nya. So, girls and mga vaklush just wait lang kayo dyan. Next nating kakamustahin ang ating Sexy, gorgeous, sizling hot na Prinsipe. Prince Khairo of Airidan!"
Malakas na hiyawan ng mga kababaihan ang namutawi sa paligid.
"How are you Prince Khairo?"
"I'm fine!" maikling sagot nya sabay ngiti ng mala-nakapanlalaglag panty. Jusko! Ano ba namang description yan Luna. Umayos ka nga.
"Ohww... Hi Fine, I'm Good! CHAROT LANG. How about lovelife, Prinve Khairo? Is there also a girl in your mind?"
"Yeah! And she's actually right here, right now!"
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o hindi. Pero talagang nakita ko ang pagdaan ng tingin nya sa akin habang sinasabi nya ang mga iyon.
Geezzz! Nababaliw na yata ako.
"Ohwww!! Mukhang mga inlove ang ating Royalties ahh. Naks naman! Mainggit kayo!"
Natawa ang lahat dahil sa pang-aasar ng MC.
"Ang sunod natin ay walang iba kundi si Prince Fire of Firess Hallowvale! Kamusta ka Prince Fire?"
"Katulad nila, ayos lang din ako. Gwapo pa rin!" sagot nya sabay ngiti ng matamis.
Malakas na nagsigawan sa kilig ang mga girls. Nakihiyaw na din ang katabi kong si Winter at Zayne.
"Malakas ang confident ng ating Prinsipe ahh! How about lovelife Prince Fire. Huwag mong sabihin na inlove ka din dahil talagang maraming iiyak ngayong gabi."
"Kung ganun, hindi ko na lang sasabihin."
Dahil doon ay mas lumakas ang sigawan. May ibang sumigaw pa ng Namedrop daw. Tapos may ilang nagluluksa na dahil ang mga gwapong Prinsipe na kanilang hinahangaan ay may babae ng natitipuhan.
"Aba! Aba! Mukhang marami talagang iiyak ngayon. Uwi na tayo girls, may nanalo na. HAHAHA!"
Natawa sila. Pati ako ay natawa na din. Ang kukukit eh!
"Pero hindi naman iisang babae ang tinutukoy nyo ah!" sabi nung isang MC out of the blue.
Natigilan ang lahat. Maging ang mga kalahok ay hindi din agad nakapagsalita.
"Ahhmm.. Hindi naman siguro, right Khairo and Fire?"
"Let's see!"
Ramdam ang tensyon na pagitan ng tatlo. Muling nagsalita ang MC upang mawala iyon. Kinausap nya din ang iba pang kasali hanggang sa matapos.
"OKAY!!! HANDA NA BA ANG LAHAT NA UMIYAK? AYYY MALI NA NAMAN. HANDA NA BA ANG LAHAT SA KASIYAHAN?"
Nagsigawan ang lahat.
"SIMULAN NA NATIN!"
Nilapitan nila si Clyden at may ibinigay na red rose dito. Ibibigay yata iyon sa babaeng mapipili nila.
"Mr. Clyden who's the lucky girl you want to be with?" malakas na tanong ng MC. Ngumiti si Clyden bago sumagot.
"Can I have your full attention, Ms. Luna Ashairika Silvan!"
"THE F'CK???" galit na asik ni Khairo sabay tingin sa nakangiting si Clyden.
Malakas na hiyawan at sigawan na nagmula sa mga estudyante ang bumalot sa buong venue. Pero tila para akong nabingi sa narinig. Tanging ang mga pagbuka ng kanilang mga bibig lang ang nakikita ko.
Ano ba yun? Seryoso ba yun? Parang tanga ako talaga?
Isang malakas na yugyog ang nagpabalik ng aking ulirat. Napatingin ako sa aking katabi na si Winter at Zayne na niyuyugyog ako.
"LUNA!!!! Luna kailangan natin silang pigilan."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (235)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
interesting story. keep it up author 💜💜
27/04/2022
1good
17/02
0dagdagan Mona
28/11
0Tingnan Lahat