"ANONG palabas 'yon?!" Diring-diri ako habang nagpapahid ng cotton pad sa labi ko para maalis lahat ng bakas ng halik ng manloloko kong ex kanina sa horror house. Nagkandaleche-leche ang gabi ko dito sa kwarto at hindi ko mapigilan na suntokin ang unan sa tabi ko. Pinapanood lang ako ni Kuya na kanina pa occupied ang utak habang nagwawala ako dito sa kama. Hinayaan ko lang siyang mag-isip sa kung ano mang pinagkakagulohan ng utak niya basta ako kailangan ko lang ilabas lahat ng inis ko sa katawan kaya heto, pinagbubuntonan ko ng inis ang unan sa kama. "Akin na nga 'yan!" He hissed at me then grabbed the poor deflated pillow from my tight grip. Poorly deflated that it looked like a marshmallow that is not fluffy anymore in the mouth. Now I'm worried that it's not as cozy as before. "Jess, do you still love him?" Nagtagpo agad ang kilay ko sa tanong niya. Ilang beses ko ng sinagot 'yan ah bakit ba siya paulit-ulit? Isa pa 'tong nakakainis eh pabalik-balik lang tayo gano'n? Naririndi na ko at isa pa, hindi ba siya napapagod kakatanong sa 'kin niyan? "I DON'T!" Diniinan ko ang maikli kong sagot, tinatamad na ko eh. Mas mabuti pang planuhin na namin ang susunod na gagawin. Napahawak ako sa dibdib ko agad nang may biglang sumagi sa isip ko. "Kuya what if he still loves me?" The corner of his lips rose while looking at me intently. "Hindi ba obvious Jess?" I scoffed at his conclusion. "Si Jacob? Mahal pa rin ako?" I pointed at my sternum because he's unbelievable and it never once crossed my mind that that jerk still loves me until now. It makes me nauseous. "Hindi mo lang siguro napansin pero ako kitang-kita ko. Huling-huli ko lahat ng titig niya SAYO," sabay turo niya sa mukha ko. Seryoso ang tono ng pananalita ni Kuya kaya shut up nalang ako. Kapag magsasalita na siya 'yong real talk na talaga, nakikinig nalang ako na parang bata. "Kapag ang lalaki nagmahal for the first time, hindi agad 'yon nawawala Jess kaya walang duda m-" I cut him off kasi hindi ko talaga matatanggap na may kakating pang pagmamahal ang mokong na 'yon sa 'kin. Hindi 'yon maari! DEFINITELY NOT! "What if it's false positive?" I raised a brow forcing my stand to oppose his claims. "Bakit? Natatakot ka ba? Akala ko ba wala na talaga?" He pointed at my left chest referring to my heart. "We need to run more tests to prove your claim Kuya," I asserted and immediately turned my back from him then throw myself to bed and shut my eyes close in anguish. "Pwede ka pang umatras Jess. Magkalinawan kayo, mag-usap k-" Agad kong tinakpan ang tenga ko ng unan at binalot ang sarili ko ng kumot para hindi na marinig ang mga susunod na sasabihin niya. Hindi ang halik na 'yon ang mapagbabago ng isip ko. Most importantly, hindi ko hahayaan na sisirain lahat ng plinano ko dahil lang sa lintek na pagmamahal na 'yan. Hindi ako naniniwala sa second chances at itutuloy ko ang aking nasimulan. Kung totoong minahal niya ko, hindi niya dapat naisip ang magloko at saktan ako ng gano'n. Naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko 'tsaka binisita ako ng antok. Kinabukasan, paggising ko wala na si Kuya at nag-iwan lang siya ng sticky note malapit sa lampshade. "Level 2 - Pool." I yawned while reading his message at dumiretso na ko ng shower at nagbihis ng one-piece bikini. Bright yellow matching my radiant skin tone. Its sweetheart neckline exposed my cleavage. I slipped on my white marikina shoes saka sinuot ang black shades ko. I looked at myself in the mirror to check my butt cheeks up to my overall figure. I looked hot and irresistible as usual. With a smile, I grabbed my phone and sunscreen before leaving the room. "Tignan lang natin kung hindi dadapuan ng langaw ang bunganga ng ahas na 'yon sa gagawin ko mamaya," I whispered at myself while going down the stairs heading to the pool. Rinig na rinig ko na ang mga hiyawan ng mga classmates ko na nagkakatuwaan sa pool habang naglalakad ako sa hallway. I heard the splashing of water and the squeal of fun and excitement while waiting for their turn at the slide. "In 5, 4, 3, 2, 1, ACTION!" Then I flashed the charming smile that could captivate all their attention to me. I waved my hands to say Hi and just like I presumed, their heads turned towards my direction but just for a short period when they heard a scream of disgust at the sunbathing area. Full of confidence akong lumapit sa area na 'yon suot ang pekeng ngiti ko. 'Yong tipong mahahalata niya kasi kabisado naman niya ang art ng kaplastikan. "Is everything alright?" Tinapunan ko ng makahulugang tingin ang isang crew ng hotel na hawak-hawak ang isang tray. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at inayos ang dala niya saka pinulot ang basong natumba sa tray. Kumuha siya ng towel sa empty cottage at pumagitna naman ako ng muntik na siyang sabunotan ni Ivy. Don't you dare lay a hand on my father's employees or else, AKO mismo ang sasagasa sayo. Sarap sabihin lahat ng 'yon sa kanya ng harap-harapan but of course, I controlled my boiling point then stifled an approachable smile. Nabaling ang atensyon ko sa ex-bestfriend kong umuusok na ang ilong at tenga kasi natapunan ng orange juice ang bikini niya which she really deserved at kulang pa 'yon sa lahat ng kagagahan na ginawa niya dati. "Oh my God! Ivy, are you okay?" I looked at her with fake worried eyes pero ang totoo, ang lapad ng ngiti ko habang pinapanood siyang naiinis. Medyo naawkward siya sa presence ko at kitang-kita ko ang galit na pilit niyang tinatago sa mga mata niya. Nakataas ang isang kilay niya at nakakuyom pa ang kamao. Sigurado naman akong nakita niya 'yong ginawa ni Jacob kagabi at hindi niya mapagkakaila na nasaktan siya dahil ang mismong boyfriend niya ang humalik sa ex-girlfriend niya. However, I made sure that my kind act today will convince her that last night was not my fault for two reasons. Una, dahil hindi ako malandi kagaya niya at pangalawa, dahil hindi ako ang nag-initiate ng halik. Dapat lang malaman niya kung ano ang kaibahan nun at kung sino ang dapat na pinupuntirya niya and for sure, hindi AKO 'yon. "Ano ba! Bakit ba ang tanga mo? Ganito ba ka cheap ang service niyo na kahit pagserve ng juice, ARGH!" Nagpanting ang tenga ko pagkasabi niya ng 'cheap' but I managed to control my temper buti nalang marunong akong magtimpi ng peke. I wrapped the white towel around her waist na inabot ng crew sa kanya pero hindi niya tinanggap. Ikinagulat niya ang pagvolunteer ko at medyo nahiya sa mga taong nanonood sa amin. "Ivy, ako nalang magrereport sa manager nila about what happened. If you don't mind, I can go with you to the swimwear shop para makabihis ka ng bago at hindi CHEAP na bikini." I stifled a kind smile pagkatapos kung iemphasize ang word na cheap sa mukha niya at eto naman si tanga kinagat naman ang offer ko. Good thing, hindi nagbago ang mapurol mong utak Ivy. Kunting offer ko lang, nabitag ka na agad. Hindi ko inalis ang mabait kong ngiti habang tinulungan ko siyang pumili ng bikini. Pink two-piece bikini ang napili niya and I gestured her to get inside the fitting room. While she's inside the fitting room, I sent a discreet message to Jia and I received a response in less than a minute. I plastered a despicable smirk secretly and took it off when she finished fitting in. "Let's go?" I asked and gestured after she paid at the cashier then we went back to the pool. "Thanks Jess." I waved my hand saying no probs at iniwan na siya dun para magsunbathing ulit. NO thanks Ivy, I had fun looking at you getting irritated and will have more fun ruining your lovey-dovey time in the future. Because starting from this day onwards, I know your locations. I sat at the edge of the pool away from people pushing each other for a dive. Ang mga lalaki, kunwari kinakamusta ako pero kabisado ko namang pinopormahan ako. Samantala, 'yong iba nagpapasikat at nagpapansin by showing their backflips sa pool. I just enjoyed dangling my feet on the water then my eyes fixed on Jacob na nakatopless at umupo sa tabi ni Ivy. Tumango-tango siya sa sinasabi ni Ivy na probably about the accident kanina. I looked away when he almost caught me staring at their direction baka isipin niyang humihingi ako ng closure or proper breakup whatever which is not going to happen. Tumayo ako saka umalis na sa pool papuntang CR. I inhaled a large amount of air then exhaled forcefully. I jumped out of surprise when Jacob startled me with his deep voice. "Why are you here?" I pointed him and his brow raised. Tumingala siya to check if he's at the right place but he pointed me back instead as if I was the one who made a mistake. A grave one. "This is the men's comfort r-" I covered my mouth in an instant then looked around and he's right. I just committed a stupid crime. Gusto kong sabunotan ang sarili when I realized I entered the wrong place. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanya at sa loob before making up my mind to get out of that place. My goodness! I didn't look at him nor bother explaining myself and left the area composed as if I didn't commit a crime.I looked around to make sure that no one noticed me and thank God, the area was clear. I continued walking still confident and not looking suspicious. Bumalik ako sa room ko but before I could open the door, someone grabbed my wrist kaya napaangat agad ang tingin ko sa kanya. "You left your sunscreen b-" I cut him off averting his gaze because I'm embarrassed about what happened earlier. "Oh thanks." Dali-dali kong tugon saka binuksan ang pinto. Bago pa ko makapasok ay hinigit niya ang braso ko kaya napatitig ako sa mga mata niya. "C-an we talk... privately?" he stammered and I looked down at his trembling hands. Hindi ko alam kung anong dapat isagot and given that Kuya was not around. Heto na naman ako nastuck up sa mga eksenang hindi nakaplano. Pumapalya rin pala kapag planado ang lahat. I only have myself right now so it's up to me to decide. Pinasok ko na 'to kaya dapat handa ako anytime sa kung anong mangyari. "Let's talk somewhere else." I lowered my voice sabay inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. I entered the room to get my wallet then he followed me outside the hotel. Tahimik kaming naglakad papuntang cafe sa katabing resort kaya okay lang na naka-bikini pa rin ako. Wala naman akong pakialam kung agaw-pansin ako ngayon dahil nakasanayan ko na ito. I can feel his penetrating stolen glances at me but I didn't complain. Pumasok kami sa isang maliit na cafe na walang masyadong tao dahil enjoy na enjoy sa dagat. He moved the wooden chair bago ko pa ito maabot kaya pilit akong ngumiti sa kanya at umupo nalang dun. Gentleman pa rin pala siya hanggang ngayon, good for Ivy. Well, hindi na ko nahuhulog sa mga gano'ng istilo. He moved it back forward and took my seat. Dumating naman ang isang waiter at kumuha ng order namin. Since wala naman akong gana ay buko juice nalang ang inorder ko. We waited for the order at nagpalinga-linga lang ako sa loob ng cafe. Ang cute ng design para siyang candy house at may mga Kpop posters sa gilid saka freedom wall na puno ng sticky notes. Probably, mga message ng mga couples kapag pumupunta dito like duh, maghihiwalay rin kayo. Tinukod niya ang siko sa wooden table while his fingers closed together at ramdam na ramdam ko ang mga tumatagos na titig niya sa 'kin. Ano ba yan! Hinay-hinay lang baka maadik ka na sa 'kin! Walang challenge ang revenge ko kung ganun eh! , bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga abstract painting na malapit lang sa table namin. Kunwari ay nagscroll ako sa phone ko para may magawa saka ko lang naisip na itext si Kuya kung nasaan kami at kung ano ang dapat kong gawin dito. Alangan naman mag-uusap lang kami tapos ano? Magdadrama siya, kunwari mag-aapologize siya kagaya nung nasa mga teleserye. Yuck! Kadiri! Less than 1 minute ay nakatanggap agad ako ng reply from Kuya. From: Babe TRACKER You read it right. Babe na talaga 'yong nilagay ko sa phonebook as per instruction. Ang bossy niya nga eh! Nakakainis! Itinago ko agad ang phone nang ilapag na ng waiter ang order namin. Chineck ko muna at inamoy bago tikman ang buko juice. Mas maigi na 'yong sigurado baka may lason pa 'to. "It's good." Ngumiti ang waiter sa 'kin when he heard my compliment saka iniwan na kaming dalawa. I crossed my legs over to the side while my hands were placed on my thighs waiting for him to start a conversation. "So, anong pag-uusapan natin?" I leaned my back on the chair while tapping my fingers on the table. He swallowed a lump in his throat and stared at me before saying the two most cliche words in the whole wide world. Cliche but struck me to the core. "I'm sorry... I really am."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Wala la.g gosto ko lang
25/09/2024
0It's good
17/06/2024
0ang ganda ng kwento
06/06/2024
0Tingnan Lahat