Homepage/Falling into our Sweetest Wiles/
First Sweetest Wile
"OHH!"
"NOO!"
The whole crowd looked down, sad. Kung gaano ka fierce si Jia kay Kris ganun naman kabitter si Hazel kay Rey. Hindi ko naman siya masisisi, si Rey ang unang bumitaw sa relationship nila eh. Agad namang sinundan ni Jia si Hazel at nagpatuloy ang activity. Thanks to Marz, she knew how to motivate and cope up with the show.
The activity resumed and it took maybe 10 turns until the bottle pointed to me. This time, all eyes were on me as the bottle's head pointed in my direction.
Nobody budged since they were mystified by who I was. I'm wearing a hood to cover my face and my image is vague because the bonfire's flame depleted.
I heard the crowd murmuring so I decided to remove my hood and stand revealing my identity. Silence roared in the crowd, some were whispering who am I while others became rigid as if they saw a prominent icon before them.
I can't read everyone's expression but the majority were shocked except for Ivy that looked terrified beside my ex. Nabasag lang ang katahimikan nang kalaunan ay may nakakilala rin sa akin. Walang iba kundi si Marz. I abruptly scowled my brow signaling her to perform the planned show.
"Jessica best! Akala ko hindi ka pupunta?" He acted very well like what we planned. Naawkward nga 'yong iba pero nagawan naman ni Marz ng paraan.
"No, I changed my mind. Miss me?" I said confidently and winked to the guys.
"Jess, is that really you?" gulat na tanong ni Kwenn at sinunggaban nila ako ng yakap except sa mga dudes and my ex with my ex-best friend.
"Pare ang hot ni Jessica." Narinig ko namang sabi ni James.
"JESSICA! JESSICA!" The batch yammered in unison.
"TRUTH! TRUTH!" hiyaw ng mga girls.
"DARE! DARE!" hiyaw naman ng mga boys. Hindi matapos tapos ang hiyawan so I decided.
"SHHHH!!GUYZ!" saway ni Marzie controlling the crowd.
"I choose..." I glanced at everyone estimating their facial expressions. I'm sorry girls but I have to side with the boys this time.
"DARE!" I eventually decided.
Naghagalpakan sa tuwa ang mga boys na parang nanalo sa lotto. Ang mga girls naman, ayon nagtampo sa akin. Bumunot na si Marz habang hindi naman magkamayaw ang lahat sa pagtatalo.
"Okay, Jessica your dare is pumasok sa horror house kasama si..." May pathrilling effect pa talaga si Marz.
"SI?" sabay na tanong ng lahat, high school pa rin ang sistema kung kiligin ang lahat.
'Yong mga lalaki naeexcite habang bumubunot ng pangalan si Marz habang ang mga girls ay tahimik lang.
"JACOB" Marz declared that made all the hair of Ivy's body stand all at once.
"Teka, bakit si Jacob? Baka naman pumipili ka lang Marz."
Ivy complained that confused everyone. Panig ang lahat sa akin, they even supported our loveteam during junior high but they don't know what happened between us. Dahil sa ikinilos niya ay nagkaroon ulit ng mga bulong-bulongan mostly from the girls.
"Actually Ivy, si Jacob talaga ang nabunot ko." Ipinakita ni Marz ang papel at wala na siyang nagawa after basahin 'yon and the rule clearly stated na 'WALANG BAWIAN'. I smirked at her sinasadyang mainis sa presensiya ko.
"JACOB!JACOB!" Everyone cheered except for the snake beside him.
NAGTILIAN ulit ang batch samantalang ang mga lalaki naman ay dismayado dahil hindi sila ang nabunot para maging kasama ko. Nang marinig ko ang loveteam namin, parang bumabalik lang kami sa dati pero iba na ang bumubuhay sa loob ko at 'yon ay galit.
I saw his figure through my peripheral vision who was approaching me straightly but I was astonished by the next thing he did. He held my hand in front of the batch as we left the ground and everyone witnessed it which drives them crazy. He held it as if I'm gonna run away and then... he lead me through the darkness.
Sa kabila ng ipinakita ni Jacob sa lahat, hindi bakas sa mukha niya ang pagkabahala kung ano ang mararamdaman ni Ivy. Basta- basta lang niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko na parang dati lang, nung kami pa.
Wala kaming imikan simula nung pumasok kami sa horror house. Ang dilim at kinikilabotan na ko dahil kunti lang ang ilaw sa loob at wala akong masyadong naaninag. Gusto ko ng bumitaw mula sa mahigpit na paghawak niya pero diretso lang ang tingin niya at wala atang balak bitawan ang kamay ko.
"Jacob, why did y-" Ang lakas ng kabog ng puso ko ngayon dahil sa takot sa dilim. Parang naninikip ang dibdib ko pero kailangan kong malagpasan 'to.
"Nakita mo naman kung paano kumilos si Ivy kanina, just hiding the truth from them." He lowered down his voice.
Yeah, hiding the truth. Dun naman siya magaling eh kaya nga naloko nila ako 'di ba? Sa sobrang galing nila magtago ng truth kaya nandito kaming dalawa ngayon.
"Wala na naman sila, kaya pwede mo na a-"
Halos mapaiyak na ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa 'kin. Pilit kong inaalis ang kamay sa kanya nang may malamig na kamay na humawak sa binti ko kaya napatalon at napasigaw ako ng wala sa oras. Napayakap pa ko sa kanya na hindi sinasadya. Nabigla siya sa inasta ko at nagkatinginan kami na tila ba binabalikan ang matamis naming nakaraan.
Maya-maya ay kumalas na ko sa yakap sabay yuko dahil sa hiya.
"Pasensya na, natakot AHH!" I screamed again at the top of my lungs nang may tumambad na pekeng bangkay sa harap namin na tila ba'y pinaglalaruan nila kami sa loob.
Sa pangalawang beses ay napayakap ulit ako sa kanya at nanginginig na ko sa sobrang takot. Feel ko namumutla pa nga ako. This is not an act anymore, swear natatakot na talaga ako but not to the extent na maiihi ako sa saluwal ko.
Kahit anong tago ko ay halata na man na takot na takot ako sa dilim. Napangiti naman siya na kinainis ko. Para kasing sinasabi niya na matakutin pa rin ako at walang pinagbago.
"Bakit ka ngumingiti? Si-guro natutuwa ka kasi takot pa rin ako sa dilim nuh?" Buong tapang kong sambit kahit na nanginginig pa ang boses.
Nagkibit-balikat lang ang loko-loko at akmang iiwan pa ko.
"Hindi mo naman kailangan itago, pwede mo namang hawakan ang kamay ko." Nakakairita ang ngisi niya sa 'kin ngayon, ngiting asong ulol.
"Hindi mo na ko pwedeng hawakan kagaya ng dati." Malungkot na tinig ang humaplos sa malamig na hangin na pumapagitna sa amin.
"Hinahawakan lang kita para hindi rin ako matakot," agap niya at lihim akong napatawa sa sinabi niya.
Well, that was unexpected. But anyway, let's get back on track.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" naniniguradong tanong niya.
It's funny that we're turning tables though.
"Hindi ah, bakit? May nakakatawa ba?" palaban na sagot ko kahit bakas naman sa mukha ko na nagpipigil ako ng tawa.
I cleared my throat to persuade him then silence roared inside. Again, wala na naman kaming imikan at patuloy na naglakad para makalabas na sa mala-liberentong bahay na punong-puno ng mga nakakatakot na maskara. Nailangan ako sa sobrang tahimik kaya napagpasyahan kong magsalita.
"You remembered when I said yes?" Mas nailang siya sa tanong ko and he remained silent waiting for me to continue.
"Brings back a lot of memories right? That was Valentines Day tapos sinamahan mo ko sa horror house." I started telling him our story and I find it funny. Naramdaman ko ulit ang kirot sa loob ko.
Marahang tumango si Jacob na para bang pareho kami ng iniisip pagpasok namin ng horror house. Sinulyapan ko siya habang patuloy siyang nakikinig.
"Nga pala hindi ko pa nasasabi sayo kung bakit kita sinagot dati pagkatapos nating lumabas sa horror house. Siguro iniisip mo na sinagot kita nun dahil mahal na kita." I continued jokingly despite the darkness enveloping the spot we're in.
Pinanlakihan niya ko ng mata pagkasabi ko nun sabay tango tanda na gusto niya akong magpatuloy. Humarap ako sa kanya kahit kunting parte lang ng mukha niya ang naaninag ko. Sinubukan kong abutin ang mukha niya dahil gusto kong hawakan ito ulit sa pinakaunang beses simula nung huli naming pagkikita.
"Kung iniisip mo na mahal na kita nun ay nagkakamali ka," mahina kong ani sa kanya.
My hand stopped reaching his face within an inch away then laid it back down. He frowned at me then inhaled deeply bracing himself for the next thing he will know tonight. I hate to admit that being with him still makes me weak. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas. Akala ko nailabas ko na lahat ng sakit mula sa puso ko pero akala ko lang pala 'yon.
Hindi uobra lahat ng pangbabawi ko kung magpapatalo ako sa level 1 pa lang. Buti nalang at madilim dahil hindi niya makikita na may butil ng luha ang kasabay na pumatak sa mata ko. Yumuko ako saglit at buong lakas kong sinabi sa kanya.
"Sinagot kita nun dahil akala ko ikaw lang ang karapat-dapat na hahawak sa kamay ko." Rinig na rinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Huli ka Jacob, sige lang.
Tama ang ginagawa mo, hawakan mo ang kamay ko. My lips curved a devious smile in the darkness.
Gusto kong maalala niya na ako ang kauna-unahang babaeng minahal niya at sinira niya dahil sa isang pagkakamali. Bumuntong-hininga ako bago magsalita ulit.
"But I was wrong back then Jacob. Kaya hindi mo na pwedeng hawakan ang kamay ko kagaya ng dati," sambit ko sa malamig na espasyong pumapagitan sa aming dalawa.
Binitawan niya ang kamay ko at pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon ay dahan-dahan akong lumakad palayo sa kanya. Bumalot ulit ang isang malamig na katahimikan sa loob. Mag-isa kong hinarap ang dilim na hindi na siya kasama. Ang kaninang nakakatakot na lugar ay napalitan ng kalungkutan na para bang naantig din namin ang damdamin ng nananakot kanina. Maya-maya ay huminto ako sa paglalakad at tinignan ko siya na nakapako sa kinatatayuan.
"Jacob!" tawag ko sa kanya at madali naman niya kong sinulyapan sabay balik-tingin ko sa tinuturo.
"Malapit na pala tayong makalabas oh, hali-"
Dahil nakatalikod ako sa kanya, hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. At sa sandaling ibinalik ko ang tingin sa direksiyon niya ay huli na para umatras pa ko.
Pinutol niya ang sasabihin ko nang idampi niya ang mga labi niya sa labi ko. Dumating rin sa punto na nangyari na ang pinakakinatatakutan kong mangyari.
Gusto kong kumaripas ng takbo, pumiglas, sampalin siya o mas madali ang maglaho ngunit hindi umaayon ang buong katawan ko. Ni kunting galaw, wala akong nagawa kundi ang lumuha habang hinahagkan ako ng lalaking dati na kong binitawan.
Napakalabag sa kalooban ko ang ginagawa niya ngayon. Mas lalo niyang hinuhukay ang matagal ko ng kinikimkim na poot at galit. Kasabay nito'y mas pinapalalim niya ang sugat sa puso ko. Sa mga sandaling iyon, hindi ko naramdamang huminto o humina man lang ang takbo ng oras.
Habang hinahalikan niya ko ay isa-isa kong naalala lahat ng pagtataksil nila ni Ivy sa akin. Naramdaman ko nalang ang mga matitinik na luha na sunod-sunod na umagos sa malamig kong mukha.
Hindi man lang ako naguluhan sa ginawa niya bagkus ay nagtaka kung bakit ganito siya kong kumilos. Pakiramdam ko, inaayunan ako ng kapalaran para mas madali akong makapaghiganti. I didn't budge and allowed him to continue what he's doing kahit nasusuka na ko sa paghawak niya sa beywang ko at ang napakalapit naming mainit na katawan.
Mas ginagalit lang niya ko dahil sa ginagawa niya ngayon. At kung sinuswerte ka nga naman, hindi talaga mapakali ang mang-aagaw na babaeng kinasusuklaman ko sa buong buhay ko.
It's showtime!
Tignan natin kung ilang balde ng luha ang mapipiga sa mga mata mo Ivy habang pinapanood mo ang isang hindi makakalimutang amorosa na dati mo namang ginagawa. Simula pa lang 'to ng bangungot mo Ivy.
I wrapped my arms around Jacob's neck and deepen the kiss. He tightened his grip on my waist and our kiss became passionate.
Sinimulan ko na ang bakbakang ito kaya wala na 'tong atrasan kahit sabihin pang alindog lang ang tanging sandata ko sa misyong ito. And to turn this scene into romantic suspense, I opened my mouth when I felt his tongue brushing against mine. I hated it. It's disgusting. He angled his face to the other side and I gladly replied. Marahan akong napapikit habang ninanamnam ang tagumpay.
Sige lang Ivy, manood ka at 'wag na 'wag kang kukurap. I grinned at the back of my head.
Kabahan ka na dahil baka pagkatapos nitong reunion ay naibalik na ang inagaw mong pinakamamahal na lalaki sa dating nagmamay-ari ng puso niya.
It turns out that this kiss I withdrew is my First Sweetest Wile.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Wala la.g gosto ko lang
25/09/2024
0It's good
17/06/2024
0ang ganda ng kwento
06/06/2024
0Tingnan Lahat