Homepage/KILLING GAME (Cleansing with Blood)/
Chapter 17
SHEILA
Sino ang pumatay sa kanila? Sino! Maya-maya ay may naaninag kaming mg babae na nakamini skirt at nakablouse. Malalaki ang kanilang mga braso at hita. Maugat ang kanilang mga kamay.
"Mga babae ba talaga 'yan?"tanong ko na ikinatawa ni Draenne.
"Babae na may itlog."bulong ni Arkane
"Lalaki 'yan. Katawan palang parang kargador"
Naglakad sila papalapit sa amin at pakimbot-kimbot pa maglakad. Sobrang kapal ng pulbo na nilagay nila sa mukha kaya nagmukha silang clown na bakla.
"Ang cute mo naman miss"wika ng isa naming kasamahan.
"Telege?"pacute nito. Halatang inipit ang boses n'ya para maaging tunog babae.
"Mga parak kami!"dagdag n'ya. This time, lalaki na ang kanyang boses.
"Parak?. Parak sayo"banat naman ng kasamahan namin. Nagtawanana kami sa pinagsasabi nila.
"Ako ang hepe sa lungsod na ito. Buti nalang ay naabutan namin kayo."wika ng isang matabang lalaki. Nagmumukha s'yang santa Claus na bakla dahil sa kapal ng kolorete n'ya sa mukha
"Salamat po sa pagligtas hepe. Tanong lang, bakit kayo nakasuot ng ganyan? Nagmumukha kayong Japanese na walang mata"wika ni Jasmin. Halatang napikon ang hepe.
"Ganito kasi 'yan. Bawal kaming makialam sa paglilinis pero inutosan kami ng mayor na iligtas kayo kaya nag-isip kami ng paraan kung paano namin maitago ang aming pagkatao"wika ng isang pulis. Gusto kong matawa dahil sa mga hitsura nila.
"Maraming salamat Hepe. Kung hindi dahil sa inyo, marahil patay na kaming lahat ngayon."wika Aeyron habang kinakamayan ang hepe.
Tinignan ko si Draenne at Arkane na nasa likoran namin.Seryoso ang kanilang pag-uusap at walang mga emosyon na lumalabas sa dalawa nilang mukha. Hmm mapuntahan nga 'tong dalawa.
"Ano pinag-uusapan n'yo?"tanong ko na ikinagulat nila. Para silang nakakita ng multo dahil sa reaksyon ng kanilang mukha.
"Ahh.ehhh. w-wala. Nag-uusap lang kami kung saan makakahanap ng pagkain"palusot ni Draenne sabay kamot ng ulo.
"Oo tama! Nagugutom na kasi kami"wika ni Arkane habang nakangiti ng malaki. Nakakunot naman ang aking noo habang nakatingin sa dalawa. Nakangiti si Arkane? Tinignan ko si Draenne at nagpalingon-lingon s'ya sa paligid at iniiwasan ang aking mga tingin.
"May tinatago ka ba Draenne?"seryosong tanong ko sa kanya. Nakasimangot na ako habang nakatingin sa kan'ya. Suminyas si Arkane ng kung ano at umiling si Draenne.
"W-Wala Sheila. Wala kaming tinatago. Diba Arkane?"wika n'ya habang kinakalabit si Arkane.
Nakatingin si Arkane sa malayo at hindi pinansin si Draenne. Binalik ni Draenne ang tingin sa akin. Tinaasan ko s'ya ng kilay sabay alis.
"Walang siguridad ang tatay mo. Kailangan n'yo s'yang makuha sa lalong madaling panahon"wika ni Hepe sa akin. Hindi ko mapigilang mag-alala kay nanay ata tatay. B-Baka mapaano sina Mommy at Daddy.
"Kailangan n'yo lang pumunta sa boundary ng lungsod dahil epektibo lamang ang batas sa loob ng Medsville at hindi sa labas. Maraming mga pulis at nurse doon."wika ni Hepe.
Lumuwag ang aking pakiramdam nang malaman na may ligtas na lugar pala sa loob ng empyernong lungsod na ito. Pero kailangan muna na maligtas namin sina Mommy at Daddy.
"Mauna na kami. Sana ay makarating kayo sa Boundary. Alas dos pa kaya may limang oras pang natitira bago ang matapos ang paglilinis.Goodluck" wika ni Hepe sabay talikod sa amin. Pinanuod namin silang maglaho sa kadiliman.
"Ano pang hinihintay n'yo! Tara na sa boundary!"sigaw ni Jasmin. Nagsigawan sila dahil sa sobrang tuwa. Excited n silang pumunta sa boundary.
"Hindi ako sasama"malungkot kong wika. Natigilan sila sa kanilang kasiyahan.
"Bakit Sheila? Ayaw mo bang makaligtas at maka-alis sa empyerno na ito?"tanong sa akin ni Jasmin.
"Nag-aalala ako sa kalagayan ng mga magulang ko. Lalo na at nalaman kong wala palang bantay sa bahay" wika ko. Lumapit si Jasmin sa akin at hinawakan ang dalawa kong palad.
"S-Sorry Sheila, Gusto rin naming makaligtas at maka-alis sa lungsod na ito. Sugatan ang iba naming mga kasama at isa pa, tapos na ang mission namin. Napabagsak na namin ang oragnisasyon nila."wika n'ya sabay bitaw
"Tara na!"wika ni Aeyron sabay lingon sa akin. Hindi ko sila masisisi at isa pa, malaki ang naitulong nila sa akin.
"Don't worry Sheila, nandito lang kami. Hindi kita iiwan"wika ni Draenne sabay hawak ng aking balikat. Hinawakan ko ang kamay ni Draenne.
"Nandito din kami no. Hindi rin kita iiwan Sheila"wika ni Ayumi sabay hawak ng aking kamay. Lumapit din sina Chris at Arkane at nakatayo kami habang pinapanood ang pag-alis ng Grupo ni Jasmin.
"Mag-iingat kayo Sheila!"sigaw ni Jasmin.
"Kayo rin. Sana makarating kayo sa boundary ng ligtas"
Gumanti s'ya ng ngiti sabay kaway. Unti-unti na silang nawawala sa kadiliman. Pinanood namin sila hanggang sa mawala ang tunog ng kanilang sasakyan.
"Let's Go, ililigtas pa natin si Mayor"wika ni Draenne habang nakasakay sa driver's seat.
****
Sumakay kami sa sasakyan at nagsimula nang tahakin ang madilim na karsada. Napuno ng bangkay at dugo ang mga lansangan. Mga bangkay ng babae,bata at matatanda. May mga sasakyan na nasusunog.
Mga bahay na walang ilaw at basag ang bintana.
"Tulong!"wika ng isang babae na dugoan. Nakaharang s'ya sa gitna ng karsada at may bag na dala.
"Tulongan natin siya Draenne!"sigaw ko sa kanya pero hindi s'ya kumibo. Wala ring kibo si Arkane.
Imbis na huminto si Draenne at lumabas, mas lalo n'yang binilisan ang takbo at sinagasaan ang babae. Tumilapon ang babae at nagpagulong-gulong. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
"Bakit Draenne? Bakit mo pinatay!"sigaw ko sa kanya. Maya-maya ay biglang sumabog ang babae.
"Suicide bomber"mahinang bulong ni Draenne.
"Mga taong willing magsakripisyo at mangdamay ng maraming buhay"wika ni Arkane. Hindi ko alam na suicide bomber pala 'yon. Paano nalang kung walang Draenne at Arkane. Sigurado akong patay na kaming lahat.
Habang papalapit na kami sa village ay pabigat nang pabigat ang aking pakiramdam.Nakapasok na kami sa Village. Wala namang nagbago sa buong Village at mukhang okay naman ang lahat.
"Hayss Salamat"nakahinga ako nang maluwag. Hinimas naman ni Ayumi ang aking kamay at ngumiti.
"Magiging Okay ang lahat Sheila"wika ni Ayumi. Maya-maya ay biglang tumigil ang sasakyan.
"Bakit tayo huminto?"Tanong ko kay Draenne.
"Ang mga magulang mo!"sigaw n'ya. Bigla akong kinabahan sa aking narinig .
"Bakit? Anong nangyari?!"
Author's Note: Votes and comments are highly appreciated.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (129)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice
07/11
0apaka ka ganda nag story deserve mopoto
25/10
0it's good
03/07/2025
0Tingnan Lahat