Homepage/In love with My Enemy/
CHAPTER 8
DEMIE POV.
" Sinong gustong sumunod? " tanong ni Sir. Nagtaas ako ng kamay, tinawag niya ako sa harap. Kinuha ko yong gitara ko saka ako umupo sa inupuan ni Khaizer kanina. And then nag-umpisa na ako sa pag-awit. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha, pero ipinagpatuloy ko parin ang pagkanta. Pagkatapos kong kumanta ay naupo na ako. At nagpalakpakan naman sila
" Grave, habang kumakanta ka, i feel your strong emotion, at yon naman dapat diba? Ayaw mo bang ide-decate? " tanong ni sir, umiling lang ako saka umupo sa upuan ko. Tumayo naman si Jhoel at nagpaalam itong pupunta ng cr, pinayagan naman ni Sir... Hmmmf, if i know naman na umiiwas lang talaga siya. Ayon may mga sumunod na rin sa akin hanggang sa nagbell na. Break time na kasi, sabi ni Sir bukas nalang daw yong iba. Tumingin aki sa likod ko ayon parang hinihintay ako na lumabas. Si Khiana naman at si Khaizer ayon sweet nila tsssk. Ede sila na ang masaya badtrip. Diko mapigilang inihagis ko yong aklat na nasa arm chair ko.
" Ahhh...nakakainis " sigaw ko, napatingin silang lahat sakin.
" Anong tinitingin-tingin niyo? " sigaw ko sa kanila pwera nalang sa mga kaibigan ko, kasi kahit badtrip ako diko sila pinag-iinitan. Lumabas ako ng classroom , pumunta ako sa likod ng stage. Hindi naman sumunod ang mga kaibigan ko, alam nilang pag badtrip ako kailangan kong mapag-isa. Hanggang sa umiyak na ako kasi hindi ko na mapigilan.
KATE POV
Malapit na ang break time kay kumuha ako ng papel saka ko sinulatan ng " Im gay " nilagyan ko ito ng tape. Gaganti ako sa Lhoke na ito, alam ko naman na siya ang naglagay ng palaka sa bag ko eh. Dahan dahan ko itong idinikit sa likod niya. Napangiti ako, tignan nalang natin kung anong gagawin niya kapag pinagtatawanan siya...ahaha.
Siguradong salubong na naman ang mga kilay niya at uusok ang iling niya sa galit.
Break time na kaya naglabasan na sila maliban sa aming magkakaibigan pati na rin si Khaizer. Hinihintay ko kung lalabas sila pero wala. Si Bhea nagbabasa ng aklat, si Khiana naman ayon ang sweet nila ni Khaizer...tssk siya na may lovelife at si Demie naman ayon badtrip parin pano kasi iniiwasan siya ni Jhoel. Mga lalaki talaga mga paasa.
Whooo...nagulat talaga ako grabe si Demie inihagis niya yong aklat niya. Talagang badtrip siya. Napatingin kami lahat sa kanya, may mga kaklase na rin kasi kaming pumasok dito sa room.
" Ah...nakakainis " sigaw niya, saka tumingin sa mga kaklase namin.
" Anong tinitingin-tingin niyo? " sigaw niya sa mga ito. Saka nag-evil glare. Nakakatakot siya pag-badtrip pero kahit badtrip yan hindi niya kami pinag-iinitan kaya love namin yan eh. Tapos lumabas siya ng room, susundan ko sana kaso pinigilan ako ni Bhea at Khiana
" Bat ano bang problema niya " tanong ni Khaizer
" Problema lang naman niya yong lintik na kaibigan mo " naiinis kong sagot
" Iniiwasan kasi siya ni Jhoel " sabi naman ni Khiana.
" Hayaan niyo kakausapin ko si Jhoel " sabi ni Khaizer.
Bigla pumasok si Lhoke tapos ang sama ng tingin niya sa akin. Lumapit siya sa akin at saka ibinato sa akin yong papel na idinikit ko sa likod niya kanina.
" Alam kong ikaw ang may gawa niyan " sigaw niya sa akin...Whoa. medyo natatakot na ako kasi naman kung makatingin sa akin parang lalamunin ako ng buo. Pinagtitinginan na kami, halos dumating na kasi lahat ng kaklase namin.
LHOKE POV.
Nasa canteen kaming tatlo, nagpa-iwan si Khaizer eh, siya na may Gf. Lumingon ako sa paligid...whoa bat ganun kanina ko pa napapansin na kapag may nakakakita sa amin ay nagtatawanan at nagbubulungan sila habang nakatingin sa amin.
" Anong meron satin? " tanong ko kay simon at kay Jhoel
" Ewan " sagot nila
" Sayang ang pogi pa naman niya "
" Kaya nga eh...sayang lahi niya "
" Sinabi mo pa, pareho naman pala kaming boy ang hanap...ahahaha "
Narinig kong kwentuhan ng katabi naming mesa, nagtatawanan pa sila. Maya-maya ay lumapit si NyJheel, team mates namin sa basketball. May kinuha siya sa likod ko.
" Brad! Ano to? " natatawa niyang tanong saka iniabot sa akin yong papel. Binasa ko
" Im Gay " pucha...Binasa rin ni Simon at Jhoel.
" Kanina pa yan nakadikit sa likod mo, sige alis na ako " nakangiting sabi ni NyJheel. Tumingin ako sa paligid, shit!!nakaytingin sila sa amin at nagbubulungan.
" Sino may gawa niyan? " kunot noong tanong ni Jhoel.
" Sa wakas nagpakatotoo kana rin " natatawang sabi ni Simon. Nag-evil glare lang ako sa kanya.
" Joke lang " nakangiti niyang sabi saka nag-sign peace sa akin. Linukot ko yong papel saka ako lumabas ng canteen. Sumunod naman sila sa akin, ang bilis ng lakad ko. Isang tao lang ang alam kong gagawa nito sa akin. Pagpasok ko ng room sinipa ko yong upuan na nasa harap, buti nalang walang naka-upo dito...eh sa galit ako eh. Naubos na pasensya ko sa Kate na ito eh. Nav-evil glare ako sa kanya, lumapit ako sa kanya saka ibinato yong papel.
" Alam kong ikaw ang may gawa niyan " sigaw ko sa kanya. Wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami.
" Bakit may ebidensiya kaba? " nakangiti niyang tanong..abat nakukuha pang ngumiti
" Wala, pero alam kong ikaw lang ang gagawa nito sa akin. " medyo malakas parin boses ko. Nakakainis siya eh, lalo akong ginagalit. Buti nalang naging babae ito, dahil kung hindi baka nasuntok ko na ito.
" Mr. Scott diba sabi mo masama ang nambibitang " nakangiti niyang sabi
" Kapag nalaman kong ikaw ang may gawa nito humanda ka sa akin " sabi ko sa kanya saka ako lumabas ng room. Sumunod ulit yong dalawa, ano ba naman tong dalawang ito. Huminto ako sa paglalakad.
" Gusto kong mapag-isa " sabi ko saka naglakad ulit aki. Nakaintindi naman ako sila. Hindi na ako sinundan, nagpunta ako sa Lutos Pond at naupo sa may ilalim ng puno. Punta nalang ako sa classroom kapag nag-bell na.
DEMIE POV.
Malapit nang magbell kaya inayos ko na ang sarili ko. Naglakad na ako papunta ng room ng may nag-tap sa shoulder ko kaya liningon ko ito.
" Hi Anne, dito ka pala nag-aaral "
Si French lang pala
" Oo, bakit dito ka rin? " tanong ko habang naglalakad, sumabay na rin siya.
" Oo, kakatransfer ko lang kanina. Nalipat kasi dito yong Kuya ko kaya sinama ako "
" Ahh, anong year ng Kuya mo? "
" No, Teacher siya "
Ah..naalala ko na, si Sir Jeff yong music teacher namin.
" 3rd year ka rin " tanong ko
" Yup!! " nakangiti niyang sagot
" Anong section mo? " tanong ko
" III-PINK " sagot niya
" Malas naman " bulong ko sa sarili ko pero napalakas ata.
" Ano? " tanong niya
" Wala, sabi ko roommates tayon" ngumiti lang siya. Nakapasok na kami sa room. Nakita ko si Jhoel, parang ako nalang at yong teacher namin ang wala. Paupo na sana ako sa tabi ni Jhoel ng tawagin ako ni French Troy
" Anne " tawag niya, napatingin ang lahat sa kanya, ang lakas kasi ng boses eh.
" Ano? " naiinis kong tanong
" Ang kulit mo kasi eh " sabi niya, nagtaka ako. Bat naman niya nasabi yon
" At bakit na naman? " kunot noong tanong ko habang nakatingin sa kanya.
" Sa kakulitan mo kasi natabig mo ang puso ko yan tuloy nahulog sayo "
Shit...napatingin na naman sa amin yong mga kaklase namin. Tumingin ako kay Jhoel bat ganon parang galit siya, tsssk bahala siya. Lumingon ako kay French nakangiti ito
" Ulol!! " naiinis kong sagot saka ako umupo, nakita kong umupo siya sa bakanteng upuan sa likod. Dumating na rin yong teacher namin, then nakita niya si French kaya hiniling niya na magpakilala ito. Pagkatapos magpakilala ni French ay nagdiscuss na si maam at habang nagtuturo si maam ay lumilipad ang aking utak.
" Class dismiss " yan lang ata ang naintindihan ko sa sinabi ni maam. Pagkalabas ni maam ay nagsilabasan na din yong ibang classmate namin kasi lunch time na.
" Hmmm, tara na Demie " akit ni Bhea, pero lumapit si NayJheel
" Bhea, sabay tayo gusto sana kitang maka-usap " sabi nito
Si Khiana kasi sasabay kay Khaizer. Si Kate iba yong way ng Bahay nila, tumingin sa akin si Bhea halatang ayaw akong iwan.
" Sige na, sumabay kana sa kanya "
" Pero wala kang kasabay " sabi niya...biglang may sumingit sa usapan.
" Sabay nalang kami ni Demie " tsssk...si French lang pala, malas naman ang kulit kaya nito. Umalis na sila Bhea, si Kate naman nagpa-alam na rin. Kaya naglakad na ako sumabay naman si French. Nakapayong ako ang init kasi, biglang kinuha ni French yong payong.
" Ako nalang maghawak " nakangiting sabi niya. Hinayaan ko nalang, tapos kinuha ko yong cellphone sa bulsa niya. Malapit na kami sa bahay ng huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
" Bakit " tanong ko
" Ang boring naman ng cellphone ko " sagot niya habang nakatitig sa phone niya.
" Bakit naman? " Nagtatakang tanong ko, nakita kong ngumiti siya
" Wala kasi dito yong number mo eh " nakangiting sagot niya, tsssk heti na naman siya.
" Ulol " naiinis king sagot saka nagpatuloy sa paglalakad pero hinawakan niya yong kamay ko kaya napahinto ako.
" Ano? " naiinis kong tanong
" Number mo na please " sabi niya saka nagpuppy eyes. Tsssk! Binigay ko na nga para tigilan na niya ako sa kakukulit niya.
" May kapalit yan ah " sabi ko pagkatapos kong ibigay number ko
" Sige ba, ano bang gusto mo? " nakangiting tanong niya
" Ibili mo ako ng checheria, yong nova "
" Diba Demie Novie Anne pangalan mo? " tanong niyang nakangiti parin. Tsssk! Hindi ba ito napapagod ngumiti
" Oo bakit? "
" Alam ko na itatawag ko sayo "
" Ano? " kunot noong tanong ko
" Nova " sabi niya saka tumawa ng tumawa, napangiti na rin ako
" Diba ikaw rin si French fries " nakangiti kong sabi..biglang may dumaan sa gintna namin
" Padaan " sabi nito,, wuahh!! Si Jhoel pala pero nasa tabi naman kaming nag-uusap ni French ah. Bakit sa gitna pa talaga namin siya dumaan..
" Tara na ka " sabi ko kay French kaya naglakad na kami.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (45)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ito na ba Ang katapusan, baka Naman may kasunod pa ito
30/11/2024
0Thank you so much novelah
25/10/2024
0non
23/09/2024
0Tingnan Lahat