Homepage/In love with My Enemy/
Chapter 19
Khiana Pov
" I'll go ahead, siya nga pala Kate turuan mo rin si Demie kung paano mag-patawad para hindi na hilingin na mamatay na ang isang tao, turuan mo rin siyang wag maging selfish at turuan mo rin siyang intindihin ang mga magulang niya at higit sa lahat turuan mo siyang makinig at magsabi sa magulang ng problema, dun ka naman magaling eh. At pag-aralan niyo rin namang mag-patalo kahit minsan at wag isisi sa iba ng mga pagkakamali niyo. At sabihin mo Khaizer lahat kung gusto mo hindi kita pipigilan but do not expect na magiging ok pa ang lahat " sabi ko sabay alis sa tambayan
Sa oras na to hindi ko na alam kung tama ba ang ginawa ko. Na sana binigyan ko ng chance si Demie para mag-paliwanag. Alam ko pareho kaming may mali pero gusto ko lang naman siyang tulungan. Gusto ko lang naman na ibaba niya ang pride niya lalo na kung magulang na ang usapan. Alam ko may gusto siyang patunayan sa magulang niya pero hindi na tama yong mga ginagawa niya. At kung nasasaktan man siya ganon din magulang niya. Kaibigan ko siya at mahal ko siya kaya ayaw kung maka-gawa siya ng pag-kakamali na pag-sisisihan niya sa huli.
" Khiana hinahanap ka ni Khaizer ah " sabi ng isa sa mga classmate ko
" Ha, sige. Saan naba siya " tipid kong sagot
" Ah sabi niya pag nakita kita sabhin ko daw na hihintayin ka niya sa likod ng building. Bakit parang kagagaling mo sa pag-iyak may problema ba? " Saad nito
" Ah wala, sige salamat " sagot ko dito
" Wala yon, sige una na ako " saad nito, saka naglakad papalayo
Sa oras na ito parang wala na akong lakas para makipag-usap kahit kanino. Yong tipong gusto ko nalang munang manatili sa madilim na kwarto saka ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Salamat sa Diyos dahil ibinigay niya si Khaizer, siya kasi yong comfort zone ko. At natatakot akong iwan din niya ako. At dahil sa malalim kong pag-iisip hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa likod ng building.
" Hinahanap mo daw ako? " Tanong ko kay Khaizer na naka-talikod sa akin
" Bakit Khiana? " Sabi nito habang naka-talikod
" Ha? Ano bang sinasabi mo hindi kita maintindihan Khaizer. Humarap ka nga sa akin " sabi ko dito saka lumapit at hinawakan ang kamay niya
" Hindi mo ako maintindihan o ayaw mo lang intindihin " galit nitong saad saka hinawakan ako ng mahigpit sa kamay
" K-khaizer ano ba, nasasaktan ako. Ano bang kasalanan ko? " Naiiyak kong sabi. Kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.hindi naman siya ganto dati eh
" Bakit mo ako niloko? Bakit? Puta naman Khian bat ako pa? " Sigaw nito sa akin, nakikita ko sa mata nito ang galit
" Sorry, Khaizer let can explain please. Oo nong una dare lang yon, pero habang tumatagal minamahal na kita. Naramdaman mo naman diba? "
" Sorry? Minahal? I dont feel the same way " sagot nito sabay smirk
" K-khaizer ano bang sinasabi mo. Please give me a second chance please. I promise i can be a good girlfriend to you " umiiyak kong sagot. Hindi ko kakayanin kong kahit si Khaizer galit sa akin
" Khiana listen, if you did everything because of the dare that your friend made, its ok you know what? Dahil niligawan lang rin naman kita dahil sa pustahan namin so were even now. Ang pag-kakaiba lang natin na-fall ka samantalang ako hindi " sagot nito saka ngumiti sa akin
" K-khaizer wag mo namang sabihin yan please. Mahal mo rin ako diba? Mahal mo ako dahil nararamdaman ko ang pag-aalaga, kung paano ka mag-care sa akin. Khaizer hindi ako manhid. Please stay with me. Umiiyak kong saad saka ko siya niyakap ng mahigpit yong tipong hindi na siya makaka-alis sa pagka-yakap ko sa kanya
" Khiana wag kang disperada. Hindi kita mahala, do you understand? At may girlfriend na ako nasa Manila siya and mag-tratransfer na siya dito para mag-kasama kami. So please stay away from me " saad nito saka pilit na inalis yong pag-kakayakap ko sa kanya
" Ginagawa mo lang yan dahil galit ka sa akin. Saktan mo ako, sampalin mo ako kung yan ang mag-papagaan sa loob mo but please wag mo akong iwang mag-isa. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw iiwan ako. Khaizer ayaw ko ng mag-isa ulit " umiiyak kong sagot dito. Natatakot na ulit akong mag-isa baka hindi ko na kakayanin pa.
" Im sorry, alam kong may makikilala kang para sayo. Pero sana layuan mo na ako. Ayaw kong masaktan yong babaeng mahal ko ng dahil lang sayo saad nito saka nag-lakad ng papalayo
" Khaizer i love you, wag mo akong iwan please. Khaizer bumalik ka, bumalik ka sa akin " sigaw ko dito pero parang walang narinig at nagpatuloy sa pag-lalakad.
Ito na ba yong karma ko, ito na ba yong karma sa ginawa ko kay Demie. Pero bakit ang sakit. Ginawa ko kay Demie yon para ma-realize niya na mahal siya ng magulang niya pero bakit ako kinuha lahat ng mahal ko.
Sumabay pa yong malakas na ulan at kidlat. Parang sinasamahan ako sa sakit na nararamdaman. Lord bakit? Bakit palagi akong nag-iisa? Ayaw ko na pong mag-isa, malungkot at masakit pag lahat ng mahal mo iiwan ko. Lord ang laki ng paniniwala ko pero bakit palaging sakit ang kapalit nito.
Tanging umiyak lang ang nagawa ko. Parang wala na akong lakas na tumayo at lumilim. Ang tanging gusto ko nalang ay magpahinga. Sumasabay sa pagpatak ng ulan ang aking luha hanggang sa nagdilim nalang ang paningin ko. At may naramdaman ko lang na parang may bumuhat sa akin.
Nag-karoon ako ng malay, pero hindi pamilyar sa akin yong kwarto kung saan ako naka-higa. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto pero pang-babae lahat ng laman nito. Tatayo sana ako ng may marinig akong ingay sa labas ng kwarto hanggang sa may iniluwang magandang babae ang pintuan, baka siya ang may-ari ng kwarto.
" Hi, kamusta na yong paki-ramdam mo? " Tanong nitong naka-ngiti. Baka nasa 20's na tong babae, at maganda siya mahaba ang buhok na blonde, maputi at ang kinis ng balat. Ideal girl baga.
" Ok ka lang ba? " Tanong ulit nito, na parang natataranta
" Hmmm, sorry po. Ok na po ako " tipid kong sagot
" Hmmm, akala ko ng hindi ka pa ok, by the way may dala akong soup, higupin mo na para magka-laman yong tiyan mo " naka-ngiti nitong saad saka inabot sa akin yong soup
" Salamat po, nasaan nga pala ako " nahihiya kong sagot dito
" Ahh, nasa bahay kita. Nakita ka raw ng kapatid ko at ng mga kaibigan nito na walang malay sa gitna ng ulan kaya naman dinala ka nila dito. Ano bang nangyari sayo? " Mahaba nitong paliwanag
" Salamat po sa kapatid niyo. Wala naman pong nangyari sa akin, nahirapan lang po akong huminga " pag-sisisnungaling ko dito. Ayaw kong sabihin kung ano ang totoo, ayaw kung kaawaan ako ng iba. Gusto kong makita nila na matatag ako
" Hmmm, sige pahinga ka muna, baba lang ako " naka-ngiti nitong saad
Hindi ko alam kung anong reason at bakit ko siya nakilala. Ang hirap na kasing magtiwala lalo na kung pa-ulit ulit ka ng nasasaktan.
" Lord, kung deserve ko man yong sakit na nararamdaman ko ngayon, wag mo po akong pababayaan kasi hindi ko kaya. Lord wala akong mapag-sabihan everytime na hindi ako ok. At sana dumating ulit yong araw na maramdaman ko ulit ang saya, kasi ngayon naghahalo na yong sakit, bigat at pagod na nararamdaman ko " bulong ko sabay punas sa mga luhang nag-uunahang tumulo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (45)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ito na ba Ang katapusan, baka Naman may kasunod pa ito
30/11/2024
0Thank you so much novelah
25/10/2024
0non
23/09/2024
0Tingnan Lahat