Homepage/In love with My Enemy/
CHAPTER 10
DEMIE POV.
Tsssk, nakakinis nadamay pa ako sa ganti ng bwesit na Lhoke na ito. Ayon badtrip na naman, biglang tumunog cellphone ko. Nagmessage pala sa akin si Kate.
From: Kate
Dem, hindi muna ako papasok ng 1st subject gusto ko kasing mapag-isa. Paki-sabi nalang dalawa.
To:Kate
Ok, pero ok ka lang ba?
Tumunog ulit ang cp ko, dalawang beses. Binasa ko
From: Kate
Oo ok na ako, dont worry.
Diko na ni-replyan, binasa ko yong isang message.
From: French Fries
Nova nasa school kana ba?
Hindi ko rin ni-repyan, tumingin ako kay NyJheel may katxt din yaya siya. Biglang may tumwag sa akin, tssssk si French lang pala.
"Nova, andito kana pala" nakangiti na naman siya. Nakita kong may dala siyang isang malaking Nova at softdrinks. Iniabot niya sa akin, kinuha ko naman.
"Thanks"
"Your welcome"
"Binuksan ko na yong Nova saka ko inumpisahang kainin. At heto na naman ,pagkain ng isa pag-kain ng lahat. Ganyan kaming magkakaibigan eh, napatingin ako kay French hindi pa rin pala siya umaalis sa tabi ko
"Oi, French baka may lason to ha" natatawang sabi ni Bhea
"Grabe ka naman, lason talaga" sagot ni French. Hindi lang ako umiimik. Biglang tinapik ni French yong balikat ko.
"Bakit?"kunot-noong tanong ko
"Sana lupa nalang ako at ikaw ang ulan" nakangiting sabi niya. Naki-usyuso naman yong dalawang nasa likod ko.
"Bakit naman?"tinaasan ko siya ng kilay
"Para sa ayaw mo't gusto sa akin parin ang bagsak mo" nakangiti niyang sagot, napansin kong napalingon sa amin si Jhoel.
"Oi, kinikilig aki" sabi naman nong dalawa sa likod ko.
"Electric fan kaba?"tanong ko sa kanya
"Bakit?" Nakangiti niyang tanong
"Ang hangin mo kasi, tsssk dun kana nga" pagtataboy ko sa kanya. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin yong teacher namin.
KATE POV
Maaga akong pumasok, sabagay lagi naman. Kailangan kasi eh, takot ko lang na mawala ang scholarship ko. Pagpasok ko ng classroom, may rose na naman na nakalagay sa arm chair ko. Mahigit isang linggo na atang may naglalagay ng rose sa arm chair ko tuwing umaga. Kinuha ko yong bulaklak saka ko inipit sa aklat ko, ganon palagi ang ginagawa ko. Hindi na ako pumunta sa tambayan namin, hihintayin ko nalang sila dito sa classroom. At heto na nga si Khiana kasama si Khaizer, kasunod nila sina Bhea at NyJheel.
"Good morning" bati nila sa akin, ngiting ngiti sila ngayon ah. Blooming ang mga peg, tssssk sila na ang inlove.
"Good morning" bati ko rin sa kanila saka ako ngumiti.
"Si Demie pala?"tanong ko
"Ah..mamaya pa yon, nagtxt daw si Jhoel sa kanya eh gusto daw siyang maka-usap nito" sagot ni Khiana
"Ah..ok" sagot ko saka ako bumuntong hininga
"Anong kakantahin mo mamaya?"tanong ni Bhea
"Hindi ko pa alam, bahala na" sagot ko
"Ako rin, hindi ko pa alam kong anong kakantahin ko" sabi naman ni Khiana
"Tinatanong?"tanong ko
"Tok" tsssk, binatukan ba naman ako
"Masakit yon ahh" reklamo ko
"Sinasabi ko lang, masama naba magshare ngayon" medyo nagtatampo niyang sabi. Pikon na ata ang best friend ko
"Pikon agad. Agad-agad"
"Ewan ko sayo" sagot niya
Napatingin ako kay Bhea, kumakain ito ng stick-o. Hmmm,paborito namin yon eh. Inagaw ko yong dalawa sa kanya, napalingon lang siya saka itinuloy ang pagkain. Iniabit ko naman kay Khiana yong isa, kinuha rin naman niya.
"Peace offering!"tanong niya
"Hindi noh, bakit inaaway ba kita para kailangan kong magbigay ng peace offering. Nag-evil glare siya sa akin
"Sige na nga baka lamunin mo pa ako ng buo eh" sabi ko
"Tok" binatukan ako, nakakarami na itong babaeng ito ah
"Ano ako aswang para kainin ka ng buo" naiinis niyang sagot....magsasalita pa sana ako ng dumating na si maam eh. Pero napandin kong wala yong antipatiko kong katabi, silang mag-kakaibigan pala. Lumingon ako kay Khiana.
"Bat asan yong bf mo?"tanong ko
"Pinatawag sila ng coach nika eh, kaya excuse sila saglit pero maya-maya lang andito na ang mga yon" sagot niya
"Bat wala pa si Demie?"tanong ko
"Ewan ko, teni-text ko pero hindi nagrereply" sagot niya. Humarap nalang ako kay maam at heto discuss dito, discuss doon. Inaantok na ako, ewan ko ba pero ngayon lang naman. Ayon biglang dumating yong boys, tsssk ayan na yong demonyo kong katabi. Umupo na sa tabi kobsi Lhoke, waaah...biglang may tumama sakin na papel. Pati si Lhoke napatingin sa papel, ginawa itong eroplano saka pinalipad sakin. Tumingin ako sa pinanggalingan ng papel tssskk si Xypher at nakangiti pa ang luko. Binuklat ko ang papel at may nakasulat dito.
(Pwede ko bang makuha ang phone number mo, si Xypher toh)
Tsssk, wala akong panahon...binalik ko sa dating pagkakaayos nong papel. Tsssk alam ko na, ipinalipad ko ito papunta kay maam Mhelysa.
"Ano to?"tanong ni maam saka pinulot ang papel tapos binuklat.,natawa si maam ahahah
"Maam ano po yan?"taning ni Simon, binasa naman ni Maam ng malakas yong nakasulat, nagtatawanan ang lahat.
"Maam, kinukuha po phone number mo" natatawang sabi ni Simon, nagtatawanan pa rin sila
"Xypher, tell me para kanino yon?"tanong ni maam habang nakangiti
"K-kay Kate po sana maam" sagot naman ni Xypher, tssssk nakakainis naman. Tumingin sakin si maam saka ngumiti
"Ano Kate, ibibigay mo ba?"tanong ni Maam
"Tsssk, NO maam, No" sagot ko, nagtawanan silang nakakainis tsssk.
"Anong nakakatawa?"inis kong tanong sa kanila sa kanila, ayon tumahimik naman sila.
"Tama na nga yan, kayong mga bata kayo. Syanga pala sa friday na ang pagpapalista sa mga clubs, one day lang yon medyo busy kasi ang mga teachers kaya kailangang madaliin. Kaya naman sa friday wala kayong ibang gagawin kundi magpalista at maki-cooperate"
"Maam, may nabago po ba sa mga clubs?"tanong ni Khiana
"Wala" sagot ni Maam
"Maam, pwede po bang dalawang club ang club na sasalihan ko?"tanong ni Lhoke, napatingin ako sa kanya
"No, dapat isa lang kasi yong vacant time ay ginawang club time so pano mo paasukan yong isang club kung dalawa ang kukunin mo. Eh, tuwing friday lang ang vacant time diba kaya ones a week lang ang club time" paliwanag ni maam na nakatingin kay Lhoke.
"Sayang naman" sabi ni Lhoke
"Bakit ano bang pinagpipilian mong salihan?"tanong ni maam
"Ammmft, Camera club po sana saka music club"
"Ai...mamili kana lang sa dalawang yon"sabi ni maam. Sana naman Camera club nalang siya, ayaw ko siyang kasama sa music club noh.
"Ok po maam" sagot ni Lhoke
"Absent si Demie?"tanong ni Maam. Oo nga pala wala pa rin yong babaeng yon eh andito na si Jhoel, asan na kaya siya?
"Maam nagtxt po siya, masama daw po ang paki-ramdam niya nasa clinic daw po siya" sagot ni Bhea. Ano kayang nangyari sa pag-uusap nila ni Jhoel.
"Ok sige, wait niyo nalang next teacher niyo. Goodbye class"
"Good maam, Thank you maam" sabay-sabay naming paalam. After 5 minutes dumating na rin si Sir Jeff, music teacher namin.
"Good morning Sir" sabay-sabay naming bati
"Good morning" hindi parin tumitingin sa amin si Sir, nakatutok siya sa cellphone.
"Ok class, excuse si Demie at si French Troy nasa clinic daw sila" sabi nito saka tumingin sa amin.
"Yesterday your having an performance, at ngayon natin itutuloy, am I right? Tanong ni Sir
"Yes Sir" masaya namin sagot
"Ok, sino ang gustong maunang mag-perform" tanong ni Sir, kaya naman nag-taas ako ng kamay.
"Ok, in front please" naka-ngiting sabi ni Sir.
Pumunta na ako sa harap, dala dala ko yong gitarang ni Khiana, hiniram ko lang ito dahil wala akong sariling gitara. Umupo na ako sa upuang inilagay ni sir, bale tabi kami ni Sir.
"Name" tanong ni Sir
"Frit'z Angel Kate Escuetas Sir"
"Hmmm, nice name. Dapat kasing ganda mo ang performance mo" nakangiting sabi ni Sir.
"Ok, pwede mo nang simulan"
"Ok po sir" saka sinimulan ko ng tumugtog.
"I would like to dedecate this song to my bestfriend Demie Novie Anne, alam ko na may problema ka ngayon pero lagi mo sanang isipin na hindi ka nag-iisa. Narito lang kami kasama mi palagi at handang damayan ka" nakita king nasa pinto si Demie kasama si French, nakatayo lang sila dun...narinig yata ako
Pagkatapos kong idedecate ay kumanta na ako.
Pagkatapos kong kumanta ay pumalakpak silang lahat ng classmate namin pati na rin si Sir.
"Grave ang galing mo palang kumanta Kate" sabi ng classmate ko
"Oo nga, pwede ng sumali sa The Clash" nakangiting sabi ng isa sa mga classmate ko.
"Thank you" sagot ko.
Pagkatapos kong magperform ay pinuntahan ko si Demie saka niyakap.
"All is well" sabi ko, naluha naman si Demie.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (45)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ito na ba Ang katapusan, baka Naman may kasunod pa ito
30/11/2024
0Thank you so much novelah
25/10/2024
0non
23/09/2024
0Tingnan Lahat