logo text

Ch. 15 - Accident

**
Mira's POV
"Ehem baka naman matunaw kayo pareho sa titigan niyong yan ah!" Sabi ko kina James at Jasmin. Pano ba naman kase titig na titig sila sa isa't-isa.
"Ayeeee. Baka naman no more CaiMin na at mapalitan ng JaMin!" Kantyaw pa ni Raisah. Taba talaga ng utak neto kahit kelan e nu? Minsan sarap bigyan ng medal.
"Yeeee. Bagong loveteam!" Gatong ni Jessica
"Baka mamaya kayo na susunod kina Daphne ah!" Dagdag pa ni Kaye
"H-Huy! W-Wag kayong ganyan!" Deny ni Jasmin sabay iwas ng tingin kay James.
Nakita ko namang palapit sa amin ang grupo nila.
"Oh? Nginingiti-ngiti mo dyan Stupid Jerk?" Iritang tanong ko sa kumag na ito. Ewan ko ha? Pero sa lahat yata ng taong nakilala ko siya lang ang lalong pumapangit pag nakangiti.
"Bakit? Masama bang ngumiti sa taong nagligtas ng buhay ko, Mira?" Bumilis ang tibok ng puso ko nung binanggit niya ang pangalan ko. For the first time, tinawag niya ako sa pangalan ko.
"Oh? Bat tulala ka? Nakaka starstruck ba talaga ang kagwapuhan ko?" Sabi niyang hawak-hawak ang chin niya. Namula ako ng marealize kong nakatitig na pala ako sakanya.
"Ano?! Hindi ah! Ang pangit mo kaya!" Sigaw ko sakanya sabay iwas ng tingin.
"Bat namumula ka?" Hinawakan niya ako sa chin at inangat ang mukha ko.
Dugdug.Dugdug.Dugdug
Puso! Ano bang nangyayari sayo?!!
Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. As in kung yung sa park 2inches ngayon tantya ko nasa 1 and a half inch... My God! Hahalikan niya ba ko?!
"May dumi ka sa mukha" Sabi niya at may kinuha sa pisngi ko.
"Ito oh? Kanin" Pinakita niya sa akin. Namula nanaman ako sa hiyaaaa. Putaaaa!! Akala ko pa naman hahalikan niya ako este ano ba!! Anong hahalikan Almira?! Gusto mo naman ha?!!!
Oo na! Nababaliw nako. Nag-uusap ang isip ko intindihin nyo nalang 😑
"Kala mo hahalikan kita no?" Nankangising tanong niya. Oo! Akala ko! Akala ko!! Arrrgggg. Ano ba 'tong iniisip ko?
"Tse. Asa ka naman Stupid Jerk!" Sabi ko sabay tulak sakanya. Tangina niya ah? Kala niya ba nadisappoint ako?

Hayup ka Author, kung ipahiya moko parang di tayo magpinsan ah? Ano? Nakalimutan mo na?

Sige, hihilain kita! Mwahahahah. Oh ano?!
Ano na dyan Author? Takot ba?!
"Oh, wag mo naman akong hinuhubaran sa isip mo baka maglaway kapa dahil sa six-packed abs ko. Mahirap na" Nabalik ako sa reality nang magsalita nanaman itong Stupid Jerk na to! At anong sabi niya? Hinuhubaran?! What the f.....

Tumahimik kana dyan!
"Hoy! Excuse me ha? Ni di ka nga nasagi sa isip ko hubaran pa kaya?! Duh!" Inirapan ko siya ng matinding-matindi! Kumukulo ng sobra ang dugo ko!
"Asus, sa gwapo kong ito malamang bago ka matulog iniimagine mo ako" Nakangising sabi niya pa at naupo na sa harapan ko. Kung minamalas ka nga talaga, sa harapan ko pala nakaupo ang kumag na 'to. Sana pala di ko na niligtas tong Stupid Jerk na 'to nu?!
"Kapal mo talaga nu? Sarap mong tirisin ng pinong-pino" Gigil na sabi ko at pinanliitan ko siya ng mata. Pigilan niyo ko masasakal ko talaga 'tong hayop na to!
Alam niyo, simula nung pauwi kami galing Tagaytay lagi niya na akong kinukulit pati sa gc namin. Nakakainis. Mas gusto ko pa yung dati na iniinis at binabara niya ako e kesa ganito na ang feeling-feeling niya. Tsk!
"E kung halikan kaya kita diyan, matitiris mo pa kaya ako?" Sabi niyang ang lapit-lapit ng mukha sa akin. Teka! Paano siya nakalapit ng ganon kabilis? May sapi ata 'tong kumag na to e! Pero... Wait... Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Napalunok ako....
Dugdug.Dugdug.Dugdug
Gusto ko siyang itulak pero di ko mahagilap ang lakas ko.
Ang lapit na talaga ng mukha niya. Hahalikan niya naba ako ng tuluyan? Hoy! Mira! Anong tuluyan?! Hindi pwedeng manakaw ng Stupid Jerk na 'yan ang first kiss mo! Gising!!
* BOOGSH *
"HAHAHAHAHAHAHA" Tawanan nila. Paano ba naman kase, nahulog sa upuan si Stupid Jerk dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sakanya.
"Aw, aray... Nabalian ata ako. Dalhin niyo ako sa clinic" Sabi niyang hawak-hawak ang bewang niya at namimilipit sa sakit.
"Hala ka Mira!" Bigla akong nagpanic sa sinabi nila. Hindi siya makatayo. 
"Tulungan nyo ako dalhin natin sa clinic!" Sigaw ko sakanila at agad naman lumapit ang boys para buhatin siya.
Agad-agad namin siyang itinakbo pababa ng clinic nako! Ano ba kaseng ginagawa mo Mira! Napaka reckless mo talaga! Nadisgrasya nanaman siya dahil sayo! Hutaaaaaa!
**
"Okay lang naman siya, aside sa maliit na gasgas niya sa braso may kunting bali lang siya sa bewang kaya di pa siya pwedeng tumayo." Explain sa amin ng school nurse.
"Pero di naman po naalog ang utak niya nurse? Baka sakali po tumalino" Natawa naman ang nurse sa sinabi ni Romnick
"Hoy gago ka talaga ulol. Di na kelangan maalog ang utak ko para tumalino kase matalino nako!" Si Stupid Jerk na sa kabila ng kondisyon nagawa pang masapak si Romnick
"Osya tama na yan, kayo na bahala dito at may meeting pa ko. Please don't leave him unattended kase di niya pa kayang tumayo" Sabi ng nurse at lumabas na.
"Arghhh! Kasalanan ko nanaman ito!" Sabunot ko sa sarili ko
"Wag mo sisihin ang sarili mo. Di mo naman sinasadya e" Pang aalo sa akin ni Kaye. Nandito narin pala silang lahat.
"Oo nga tsaka kaya mo lang naman siya natulak kase kinukulit ka niya" Sabi pa ni Jessica
"Pero kahit na.." Naalala ko nanaman yung sa pool na muntik niya na ikamatay. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Nakokonsensya ako puteeeek!
"Tama na yan Mira. Di mo kasalanan" Si Jasmin
"Oo nga, kulit kase ng isang yan e" Sabi rin ni Raisah
Napatingin ako kay Stupid Jerk na nakahiga sa strecher habang masaya pang nakikipag asaran sa mga kaybigan niya. Bat ba ganito ang taong 'to? Palaging masaya kahit na kita mo naman sa mga mata niyang nahihirapan na. Hays.
* Alarm *
"Hala, may klase na" Nataranta kaming lahat nung narinig ang alarm.
"Paano si Stu-- este Archie dito?" Tanong ko sakanila
"E kaw na magbantay, kaw naman tumulak e diba guys? Hahahahaa" Tangna talaga netong CJ nato kelangan paba ipaalala saken?
"Oo nga Mira. Alis na kami bye" Sabi din ni Siano at tinulak mga kaybigan niya palabas
"Paano ba yan, samahan ka namin dito?" Tanong ni Jessica
"Hindi wag na, kaya ko na to. Pasok na kayo kase baka mamaya mag quiz pa"
"E pano ka?" Alalang tanong nila.
I just shrugged my shoulder "Bahala na, sige na guys. Padala nalang ng bag ko mamayang dismissal"
"Sige, sige excuse ka nalang namin kay ma'am" Sabi ni Jasmin at tuluyan na silang umalis.
Napabuntong hininga ako.
"Yaya I need water please" Napatingin naman ako kay Stupid Jerk
"Anong sinabi mo?" Pinanliitan ko siya ng mata. Wow ah? Ako? Yaya niya?!
"Sabi ko nauuhaw ako. Bilhan mo ako ng tubig"
"Wow. Lakas din ng loob mo mang-utos noh?"
"Baka nakakalimutan mo kaya ako nandito dahil tinulak mo ako? Kaya dapat lang na pagsilbihan mo ako" Nakangising sabi niya
"Sino ba 'tong balak akong halikan ha?! Alamo kung tutuusin pwede kitang kasuhan ng harassment e!" Nakapamewang na sigaw ko sakanya
"Hahahahahah. So inexpect mo talagang hahalikan kita?" Tangina at ang lakas pa ng loob tumawa ng kumag ah?
"Bakit hindi ba?!"
"Malamang hindi! Hahahahaha" Ay! Umasa nanaman ako arggg este putaaaa! Mira kanina kapa ah! Kanina kapa!
"Nakakatawa nu? Grabe. Hahahaha" Sarcastic kong sabi
"Oo naman. Hahahaha" Tawa niya pa. Inirapan ko nalang siya at sinandal nalang sa arm chair ang ulo ko.
"Mira, pssttt. Mira!" Bumilis nanaman tibok ng puso ko. Arghhh. Nakakainis na 'to ah? Ano bang problema mo ha? Puso?! Bat sa tuwing tinatawag ka niya sa pangalan mo gumaganyan kana? May sakit kaba?!
"Almira Khalid!" Napaangat ako
"Ano nanaman ba?!" Sigaw ko. Sige act normal
"A-Ano? Naiihi ako" Naiilang na sabi nya
"Tapos?"
"Ano pa nga ba, edi alalayan mo ko" Nakangising sabi niya
"A-Ano?! Ayoko nga!"
"Anong gusto mo? Tiisin ko 'to tapos magkasakit ako sa kidney edi madadialysis ako tas di makakatayo at unti-unting mamamatay?" Nakaramdam nmn ako ng konsensya.
Tatayo na sana ako para lapitan siya, "Pag nangyari yun habang buhay mo talagang pagsisisihan na di mo na masisilayan ang kagwapuhan ko" Sa sinabi niya tuluyan na akong tumayo at binatukan siya
"Aray ko naman!" Reklamo niyang himas-himas ang ulo niya
"Kase ikaw magpapatulong kalang din dami mo pang sinasabi! Halika na nga!" At kinuha ko ang kamay niya para isabit sa balikat ko. Nakita ko namang napangiti siya
"Oh? Bat ka nakangiti?!"
"Kase alam ko namang gwapong-gwapo ka saken"
"Aray! Nakaka ilan kana ah?" Reklamo niya ulit. Inapakan ko lang naman ang paa niya 😑
"Tumahimik kana kase dyan ang bigat-bigat mo e!" Sabi ko habang akay-akay ko siya papuntang cr. Tangina neto e. Braso niya palang pakiramdam ko mababali na balikat ko e.
"Osya salamat nga pala" Napatingin naman ako sakanya
"Saan?"
"Dito. Kase sinamahan mo ako" Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Kahit napaka kumag nitong Stupid Jerk na 'to nakakaawa din minsan. Ako naman kase may kasalanan bat nandito siya e kaya dapat lang na bantayan ko siya.
"Oh dito na tayo" Sabi ko nalang sabay bukas ng pinto ng cr. Agad naman siyang pumasok at sinara ang pinto. Tumalikod naman ako baka mamaya biglang magbukas ng kusa yan ano pa makita ko
"Wag mo akong sisilipan!" Sigaw niya
"Asa ka naman!"
Matapos ang ilang minuto lumabas na siya ng pinto. Agad ko naman siyang inalalayan.
"Dahan-dahan Stupid Jerk, tanga ka pa naman"
"Aba, gumaganti ah?"
"Oo naman, kala mo ba nakalimutan ko na yung sinabi mong 'yon?"
"Sempre hindi mo makakalimutan 'yon kase lagi naman akong nasa isip mo. Tama ba ako?" Nakangising sabi niya. Bat ba ngisi ng ngisi taong to? Kamukha niya si Flekek. Yung aso nina Babo Kagi na kapit bahay namin.  😑
"Kapal mo talaga e nu? San mo ba hinuhugot yang kayabangan mong yan?"
"Sempre sa kagwapuhan ko"
"Isa pang sapak gusto mo?"
"Ito naman, di na mabiro. Pero di kapa nakakapag pasalamat saken sa pagkakaligtas ko sayo ah?" Biglang sumeryoso ang mukha niya
"Bat naman ako magpapasalamat e nailigtas din naman kita?"
"E ngayon nadisgrasya nanaman ako dahil sayo kaya dapat magpasalamat kana bilang kabayaran ulit" Oo nga, tama siya. Wala naman sigurong masama kung magpapasalamat ako.
"S-Salamat"
"Yan, ganyan nga" Sabi niyang nakangiti.
"Oo na, dahan-dahan sa pag upo" Sabi ko at dahan-dahan siyang nilapag sa strecher.
"Oh sabing dahan-da-----" Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya nalang akong hinila paupo sa tabi niya.
"Higa ka narin muna. Matagal pa dismissal" Tiningnan ko ang relo ko at 1:25pm palang. Tama nga siya. Inayos ko nalang ang pwesto ko at nahiga sa dulo ng strecher na medyo malayo-layo sakanya.
"Wala naman akong gagawing masama sayo e. Kung makalayo naman 'to wagas"
"Malay ko ba nu!"
"Hahahaha. Baka nga ikaw ang may masamang gawin sa akin e"
"Ew ah? Asa ka naman" Sabi ko at tinalikuran siya
"Idlip muna ako. Sakit ng likod ko" Paalam niya tas naramdaman kong tumalikod din siya sa akin.
"Wag mo ko rarape'in. Habang buhay kang makukulong" Pahabol na sabi niya pa
"Ang kapal mo talaga!" Di na siya sumagot.. Siguro tulog na
* Yawn *
Antok narin ako....

Komento sa Aklat (62)

  • avatar
    BartolayGillian

    they are going to give you a heads up I think I have a heads up I 😺 I think I have a heads up I think 🧐🧐🧐 I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have some time I get off 📴📴📴📴📴📴📴 I think I have a heads up I think I have a heads up I

    10/04/2025

      0
  • avatar
    karenpernecita

    high recommended to read, one of the best story that i read, my goshh can't move on😭

    24/01/2025

      0
  • avatar
    Itchel Labajo

    NC title

    12/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata