** Mira's POV "Nak, gising na. 6:30am na!" Sigaw saken ni mama sabay uyog Erm... Antok pako e pero bago pa ko masigawan ulet ni mama bumangon na ko at naghilamos. "Kumain kana at maligo. Ihahatid ko na si baby sa school" "Opo ma" sagot ko at nagsimulang magsandok ng pagkain. Nakakatamad pa talagang pumasok! Arghhhhhh! Di pako maka get over sa bakasyon e. Kainis! "Osya alis na kami nak. Bilis-bilisan mo dyan at malalate kana!" "Opo" at binilisan ko naman ang kain at agad-agad naligo. Late nanaman ako pakshettt! * 7:30am Patay na tumunog na ang alarm. Kelangan ko ng takbuhin to! "Almira! Hintay!" Sigaw ng lalaki sa likod ko kaya agad kong nilingon "Oh? Romnick! Classmates tayo diba?" Hingal kong tanong "Di ko alam. Basta Marigold ako" "Ako rin tanga. Bilisan mo late na tayo!" At sabay na kaming tumakbo papasok ng school. Naku naman, ang malas-malas! 1st day palang late nako. Hays Pagdating namin ng room halos kumpleto na lahat ng kaklase ko. Buti nalang wala pa teacher namin kundi masasabon na kagad ako 1st. day palang "Huy Mira, dito" Tawag saken ni Kaye nung makitang papasok ako. Agad naman akong lumapit at umupo sa empty seat na nag iisa nalang sa pagitan nila ni Daphne. "OMG. Classmates ulit tayo girl!" Excited na sabi saken ni Jessica "Oo nga e. Namiss ko kayo besprens!" Sabay yakap ko sakanila "Oa neto. Kala mo naman e nu di tayo nagkita-kita nung summer. Hello! Pareho lang tayong taga IRM gaga!" Angal ni Jessica "Tong isang to, panira ng moment e!" "E tama naman kase si Jessica!" Pag agree pa ni Daphne. Sabay-sabay nalang kaming natawa. Hay naku, kahit na takas sa mental tong mga kaybigan kong to mahal na mahal ko sila. Nagkwentuhan pa kami ng nag kwentuhan tungkol sa summer ng biglang dumating ang teacher namin. "Good morning class, I'm Mrs. Claire Dimayuga and I'll be your Science teacher for this year." Agad naman kaming tumayo "Good morning Ma'am Dimayuga" Bati namin sakanya in chorus "Okay, please take your seat class." "Ang dami pala nating bagong classmate noh?" Sabi ko ng mapansin kong ang daming new faces. I mean, nakikita ko naman na sila sa school pero 1st. time ko sila maging classmate. "Kaya nga e. Yung iba transferee daw." Sagot ni Jessica habang iniikot din ang paningin sa bagong classmates namin "Okay class, since it's first day you have to introduce yourselves. Let's start with you." Turo ni ma'am dun sa bago naming kaklase. "Hi, good morning classmates. My name is Archie Garnace but just call me Archie." Pagpapakilala nung bago sabay wink. Aba't--- mukang ang landi ng isang to ah? Pero hmmm, may itsura ang kumag. Kaso arghhh. Ang landi! "Hi everybody! This is Levin Carlo Bravo, Levin for short at your service. Bow!" Natawa naman na kami sa introduction nya. Ay naku, kahit kelan sira ulo yang Levin na yan e! "Hi classmates, good morning. My name is Romnick Lagyal" Hays, classmates nanaman kami nitong Romnick na to! Di na ata kami pag hihiwalayin ng tadhana e. "My name is Norsaid Siano. Siano nalang" "Christian James Colot here. Just CJ" "Hello, my name is James Dacara" "I'm Joseph Villapez." Blah blah blah blah "Goodmorning ma'am, goodmorning classmates. I'm Kaye Rose Fabia. Just call me Kaye" At finally, turn na namin para magpakilala. "Good morning classmates. I am Almira Khalid, Mira for short." Nakangiting pagpapakilala ko naman. "Hello classmates, my name is Daphne Jimenez" "Hello. I am Jessica Aristoteles. Jessica nalang." And blah blah blah Nung matapos na lahat magpakilala biglang nagsalita si ma'am. "So okay, again.. I am Claire Dimayuga, your Science teacher and also your adviser. Nice to meet you all." "Nice to meet you ma'am." We said in chorus "Class anyway, we will be having seating arrangement." "Seating arrangement?!" "OMG. Hiwa-hiwalay na tayo!" "Ano ba yan! Dapat wala nalang e!" Reklamo namin. Kase naman... "Ma'am wag na po please, okay na po kami sa arrangement namin." Reklamo ng iba kong kaklase "No buts. This is alphabetical so let's start with Adzi, Hannahiya. Please move here." At lumipat agad si Hanna sa tinurong seat ni Ma'am. "Ano ba naman yan nakaka inis!" Reklamo ko. "Imbes na tabi-tabi na tayo e. Hays!" Singhal naman ni Jessica At isa-isa na kaming pinalipat sa bagong seat namin. Nakakawalang gana. Arghh! "Oh, sabi na e. Tabi nanaman tayo. Hahaha" Salubong kagad ni Romnick. Ewan ko ba! Palagi ko nalang nakakatabi tong kumag na to kapag may seating arrangement! Hays "Tse! Tumahimik ka dyan!" Pagsusungit ko sakanya. Kase naman obviously, di ko katabi mga kaybigan ko. Itong seat ko nasa pinaka likod at pinaka gilid ako, si Jessica nasa 1st. row, si Daphne sa 4th. row sa kabilang side and luckily, nasa harapan ko lang si Kaye kaya kahit papano di ako mabobored. Wala naman masyadong nangyari sa araw na ito since introduction day palang naman sa lahat ng subjects but stil, nakakapagod. Gusto ko pa mag bakasyon e. Ano ba yaaaaan! * Yawn * Nakaka antok. ** A/N: Ito lang muna for now. HAHAHA! Anyway, this is based on true story but NOT ALL the details ay accurate. Like their attitudes, appearance and I changed some character's name. Again, this is dedication story to section Marigold of TNHS and hindi ito totally na story nila. I just used their names as my characters but nag ask ako ng permission. Have a nice day! Enjoy reading. Please send your love and support via vote, comment and share! Muwaaa!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (62)
BartolayGillian
they are going to give you a heads up I think I have a heads up I 😺 I think I have a heads up I think 🧐🧐🧐 I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have some time I get off 📴📴📴📴📴📴📴 I think I have a heads up I think I have a heads up I
10/04/2025
0
karenpernecita
high recommended to read, one of the best story that i read, my goshh can't move on😭
they are going to give you a heads up I think I have a heads up I 😺 I think I have a heads up I think 🧐🧐🧐 I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have a heads up I think I have some time I get off 📴📴📴📴📴📴📴 I think I have a heads up I think I have a heads up I
10/04/2025
0high recommended to read, one of the best story that i read, my goshh can't move on😭
24/01/2025
0NC title
12/10/2024
0Tingnan Lahat