Epilogue

Epilogue
Nakaupo ako ngayon sa bench at nagbabasa ng libro. Mag- isa lang ako at walang istorbo. Pero naramdaman ko na may nakatingin sa akin. I gave a small glance, sino kaya iyon.
Hindi ako nagpahalata sa nakatitig sa akin. At si Isay pa. Umiling ako at tinuon ang mata sa libro.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang sabi ng kasama niya. "Ang gwapo talaga ni Aeron noh?" Ani nito.
She is grade 7 right now, and I'm grade 10. Ka klase ko ang Kuya niya si Cyrus. Matalik na kaibigan ko.
Nang nagbell na ay inayos ko na ang mga gamit ko at umalis na doon. First Class ko pa naman ito at bawal akong mahuli. Iniwan ko sila doon at patuloy na nag-uusap ang dalawa.
"Sir Aeron, nandito na po ako sa labas ng gate. Kasama ko ang kapatid niyo ho, si Sarah." Ani ng driver ko.
Kumunot ang noo ko habang kausap ito sa telepono. "What she's doing here?"
"Ay Sir!, Gusto niya daw makita si "Isay" raw po." Magalang na sagot niya.
"Okay. Palabas na din ako."
"Sige po Sir."
Habang naglalakad ako palabas papuntang gate ng school. Mula dito narinig ko na ang boses ni Cyrus at ng iba pa niyang kaibigan. At nang lumapit pa ako ay nakita ko si Sarah nakangiti at nakasuot na kulay pink na dress. So cute little sis.
"Sali ako!" Ani ni Cyrus.
Anong pinag-usapan ng mga ito?
"Sarah" Tawag ko sa pangalan nito.
Nilingon ako ni Sarah at ngumiti sa akin. "Hi Kuya."
Tiningnan ko silang lahat at binalik kay Sarah ang tingin ko. "Anong meron?" Tanong ko.
"Maglalaro kami mamaya E-r, sali ka?" Ani ni Joseph.
"Oo nga Aeron, minsan lang toh." Si Richard.
I guess, wala naman akong gagawin. Why don't I have fun with them.
"Game." Sagot ko sa kanila.
I glanced at Isay. Alam kong pinipigilan niyang ngumiti o ano. I know she likes me. Sinabi ng gagong Kuya niya.
"Later well play, let's go Sarah" Sambit ko sa kapatid at naglakad patungo sa kaniya.
"Bye Bell!" Paalam nito kay Isay.
In another day, madaming rumors na nagpapakalat na may nililigawan ako. Which is wala naman. Nakikita kasi kami minsan ni Arissa na magkasama. I can't help but join to her company. Wala akong magagawa kasi kailangan din minsan ni Arissa ang tulong ko sa school.
"Imbitado kayong lahat sa birthday ni Isay!" Deklara ni Cyrus.
Tumawa si Bruce. "Sure, why not? Diba? How old is she now?"
"Thirteen na." Sagot nito.
"Sana oll." Si Russell.
"Gago Tanda na natin." Si Cyrus.
Umiling ako sa kanila. "Ikaw lang matanda dito." Ani ko. Pikunin ko kaya si Cyrus.
Binato niya ako ng maliit na bato. Natawa ako ganon din sila. Sarap pikunin nito.
"Kuya A?, Pwedeng ikaw nalang ang pumunta sa birthday ni Isay? Masama kasi pakiramdam ko." Ani nito.
Lumuhod ako sa kaniya. Nakahiga siya sa kama niya ngayon at masama ang pakiramdam. Hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti.
"Well...I guess ako nalang muna ang aalis. Get well Lil sis."
Tipid siyang ngumiti sa akin. My poor sister.
"Kuya, iyong nasa mesa ko na paper bag, nandoon ang regalo ko kay Bell.." Ani pa nito.
Nilingon ko ang mesa niya at nandoon nga ang tinutukoy niya. Tumayo ako sa harap niya. "Sure Lil sis. Ibibigay ko kay Isay." Sang-ayon ko.
"Thank you Kuya A!"
Pero napangiwi ako nang makita ang regalo niya. Libro?
Nakarating ako sa bahay nina Cyrus. Madaming tao ang pumunta. Pagpasok ko. Sinalubong ako ni Tita Jane at Zairus.
Ang akala ko, busy si Zairus dahil sa kompanya nila. Young age, namulat sa business si Zairus. Kaya mala Business man ang dating talaga nito.
Nahagip ng mga mata ko si Cyrus na nagkwe-kwentuhan kina Joseph. Tinawag ko siya dahilan para napalingon siya sa gawi ko at nagpaalam itong umalis na muna doon.
Lumapit siya at nakipag-appear. "Buti nakarating ka. Si Sarah?"
Umiling ako. "May sakit si Sarah, hindi siya makakapunta kaya ako nalang. Uh... Puwedeng tawagin mo si Isay?"
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Okay?" Sumilay ang mala asong ngiti nito.
Pagkabigay ko ng regalo ay alam ko naiilang ako kaunti. Hindi ko din alam kung paano haharapin ang taong may gusto sa akin.
"Happy birthday Isabelle." I greet her. Sumilay ang isang ngiti sa labi niya na hindi ko inakala na sa simpleng happy birthday ko, kaya ko siyang pangitiin. Seems I have effect on her. But why do I feel it is wrong to like her back...
I like Isay. That's the truth. Pero patuloy ko pa din tinatanggi sa sarili na hindi puwede. Bata pa si Isay at bilang nakakatanda sa kaniya. Dapat alam ko kung paano siya pagsabihan.
The day I rejected her. It's not my intention to leave her or hurt her feelings. Ito na nga ang kinakatakot ko na baka masabi ko din na "gusto kita" pero hindi. Ayaw ko talaga na may masaktan akong tao. Lalo pa si Isay. Ngunit kahit anong gawin ko. Hindi ko siya puwedeng pagbigyan ngayon. Kaya ginawa ko ang isang bagay na nagpaiyak sa kaniya.
Tila nag-iba ang tingin ko sa kanila ni Cyrus nang malamang nawawala si Sarah. Para bang nangibabaw ang galit ko kay Isay na hindi ko inaasahan na kaya ko siyang pagalitan. Ang sakit pero hindi hadlang iyon para itago ang inis at galit ko.
Nasa U.S kami. Dito ako nagpatuloy sa pag-aaral at gano'n din si Sarah. Sarah said to me she saw Mom. Our real mom. Pero binalewala ko iyon dahil simula nang iwan niya kami. Binura ko na din siya sa isipan ko.
"Aeron I like you."
Pag-amin ni Arissa sa akin. Mapakla naman akong natawa. After she cheat may gana pa siyang Sabihin ito?
"See Aeron? Arissa likes you! We will prepare the wedding as soon as possible—"
"What?! I'm not going to be married to a girl I didn't love anymore! Ma can't you understand? She cheat big time! What do you expect me to do? Deal with her again? Sorry to disappoint you but a thousand times no!"
Inaamin ko naging kami ni Arissa before. Napilitan ako sa gusto ni Mama, at pumayag ako dahil gusto kong makalimot. But it didn't work.
Umalis ako at iniwan ko sila doon sa restaurant na gulat sa mga sinabi ko. And then, an image of Isabelle Zacarias crying in front of me, because I hurt her.
Sampung taon na ang nakalipas. Panahon na para bumalik. Kaya walang pasabi na nag-iimpake ako ng gamit ko at tinawagan si Sarah na aalis kami. Uuwi kami sa Allegro.
Kahit anong pigil ni Mama. Babalik ako. This is my decision. And I decided to be with the girl I never wanted to be lost again in my arms.
"Kumusta Cyrus?"
Muli kaming nagkita ni Cyrus dito sa Manila. After years dito pa talaga kami nagkita ulit.
"Maayos naman... Aeron, I'm sorry about the past."
Umiling ako. Oo aaminin ko nagalit ako Pero matagal na iyon. I am already healed.
"Ayos lang Cyrus. Ako dapat ang mag-sorry. Pasensya na, nadala lang ako ng galit ko nang mawala si Sarah."
He nod. "It's okay. Past is past pero kailangan pa din nating itama ang lahat sa atin."
He was right about it. Dahilan para wala sa sariling nagtanong ako kay Isay.
"Kamusta naman si Isay?"
He gulped and look at me. "M-Maayos naman siya... Why?"
"Nothing, I just... Want to know." Kibit balikat ko.
Cyrus smirked. "Kilala kita Aeron. Alam mo na may gusto ang kapatid ko sayo pero ngayon wala na. Sampung taon na ang nawala. Kaya wala ka ng pag-asa." Aniya.
Nagdilim ang ekspresyon ko sa sinabi niya. "May pag-asa kong susubukan ko —"
"Ano Aeron? Susubukan ang alin?"
Nagtiim bagang ako. "Manligaw Cyrus. Liligawan ko si Isay."
"Anong rason?" Taas kilay nito.
Inirapan ko siya. "Kailangan bamay rason? Then I love your sister!" Matapang na sagot ko.
Umawang ang labi niya sa sinabi ko. You heard it Cyrus. I won't regret it. The day I reject your sister is the day where I regret all I made to her.
"Aba! Uuwian ko 'yan!"
"Makapagsabi ka parang hindi ka din manliligaw ng kapatid ko huh?"
"That is another way around."
"Gago."
When I saw her. She change. She is a defined woman now. Napangiti ako sa isipan ko. Ngayon ko lang muling naramdaman ang isang bagay na sa kaniya ko lang naramdaman. Kay Isay lang.
"Now I know the reason why I still like you.." Sabi ko dito.
I make her some unexpected ways. Because it's more better to not expect the unexpected.
Muling nag-iba ang ekspresyon niya nang malamang lumabas ang balita tungkol sa kasal na ginawa ni Arissa. I hate her for that. Masyado na siyang desperada.
Isabelle Zacarias is the only girl I love. Kaya nagalit ako kay Mama at Tita Arlyn na 'mama ni Arissa' dahil sa invitation na ginawa nila.
"Are you that desperate huh?! Freaking shit! Kahit anong gawin ninyo hindi niyo mababago ang isip ko at lalong hindi ako papayag na ilayo niyo ang babaeng mahal ko!"
All courtship, jealousy of her. Bittersweet. It's all worth it. Ang daming sakit ang dumaan sa amin. Madaming luha ang bumuhos pero kahit gano'n, walang sumuko.
"Umalis na kayo! Ako na ang bahala dito! Isay!" Sigaw ko.
Umiling ito habang pilit na kumakalas kay Tito Rolando. "Hindi, A-Aeron!"
Tinitigan ko siya ng mabuti. I smile. "Umalis na kayo. Kaya ko na 'to. Isay please... Do it. Tito, go.."
Bumaling ako kay Arissa na pilit na tumayo. Kaya nilingon ko sina Isay.
"Go now!" Sigaw ko ulit.
"Hindi!"
Mariin akong pumikit at minulat ang mga mata. Don't be stubborn Isabelle. "Isay, I love you... Go!"
Isang putok ang tumigil lahat.
*Bang!
"Aeron!"
Natamaan ko ni Arissa sa dibdib nito kaya tuluyan itong bumagsak. Nakaramdam ako ng hapdi sa baywang ko. Ininda ko iyon at sinubukan na tumayo pero hindi ko na kaya. Unti unti, dumilim ang paningin ko at napakit na lamang ako.
Na next thing I just woke up. And I heard a familiar tone saying something to me.
"Umuwi na tayo..."
Iyon ang nadinig ko. Nakapit pa din ako at naramdaman ko na inihiga nito ang ulo sa gilid ko. Ilang minuto pa. Minulat ko ang mga mata ko at doon ko nakita si Isay na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Marahan kong hinaplos ang kaniyang ulo at ramdam niya ito para magising siya. Nang makita ko siyang umiiyak ng dahil muli sa akin. Nasasaktan ako, nagsisi ako kung bakit pinapaiyak ko siya.
"Umuwi na tayo..." Mahinang sabi ko.
I thank God that I survived. Hindi ko alam dahil sa sitwasyon ko may tsansa akong mamatay. Pero sa pagpala ng Diyos ako'y nabuhay at malayang binubuhos ang pagmamahal ko kay Isay. At muli Kong hinalikan ang malambot nitong labi na para lang sa akin. Akin lang.
"Please Aeron, let me..." Pakiusap ni Chandrey sa akin.
Bumuntong hininga ako at tumango sa kagustuhan niyang makausap si Isay. "Fine, after that. You need to do something for me."
Tumango ito. "Sure Aeron. For Isay."
Bawat ngiti, bawat haplos, bawat halik, at bawat salita na nilalaan ko sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam na ilabas lahat ng iyon. No more hiding option.
"I'm sorry for her lost Tita Arlyn..." Pakikiramay ko.
She smiled to me but in her face, nakaukit ang sakit na nararamdaman nito.
"I'm so sorry Tita... I hope you Understand me too. I do care and love for your daughter as a friend only... I'm sorry if I can't pass the line."
Tinapik niya ang balikat ko. "It's okay Aeron. I understand you. Kahit ako, hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal. We just do that because our company is drowning Aeron. We need help."
Tiningnan ko si Tita Arlyn. I smile. "Tita, I'm willing to help. Tutulong ako sa companiya niyo."
I offer her to be partners in business. Pinakiusapan ko si Papa na maging parte ang Diaz sa Mangghan. Just for temporary. Dahil ako ang hahawak ng Manggahan balang araw.
"Kuya A, you do love Isay right?" Sarah asked me.
"Of course Sarah."
She smiled. "Alam ko Kuya A, sinisigurado ko lang. Pero kilala kita eh, Your eyes tell me how obsessed you are to Isay. "
"So Cyrus are?" Tara kilay ko.
She chuckle. My sister is also the way to reach Isay. They were best friends. At masaya ako na may mag-aalaga sa kapatid ko. Isang marangal at kilala ko. May tiwala ako kay Cyrus.
"Cyrus is." She told na mahina naman akong natawa.
We plan for our wedding. Laking gulat ng iba na ikakasal na ako ng totoo. Ewan ko ba at bakit dapat silang magulat?
One day before the wedding will be heading in Allegro Church. Nag-inuman kaming lahat na mga Lalaki. Si Isay naman gusto ko na siyang makita pero bukas, akin na siya.
Kinakabahan ako ngayon habang hinihintay na dumating ang sasakyan na sinakyan ni Isay. Lahat excited ng makita siya. This is it.
Madaming nagtaka kung bakit wala pa sila. Tiningnan ko si Papa. At binalingan ang Mama at Papa ni Isay. Nanginginig na ako sa kinatatayuan ko.
"Hello?" Dinig ko mula kay Cyrus sa telepono.
Lumapit ako dito. "Who's that?" I asked.
"Po?"
"Cyrus"
Natulala si Cyrus at nataranta naman si Sarah nang binitawan ni Cyrus ang telepono.
"Cyrus, and'yan na sila?" I question again.
Hindi siya sumagot. Tiningnan niya ako sa mata. "Kailangan tayo ni Isay." Aniya at tumakbo ng hindi ko alam pero sinundan ko siya palabas ng simbahan.
"Cyrus!"
"Naaksidente si Isay!" Aniya pa.
Natigil ako at umiling. Hindi 'to pwede. Dali dali akong tumungo sa sasakyan ko at pinaandar ito para umalis.
Nang makarating sa hospital na sinabi ni Cyrus sa akin ay nagpapanic na ako kung ano ang gagawin ko.
"May pasyente ba dito, pangalan Isabelle Zacarias?"
"Wait po sir," tiningnan niya muna ang log book at tumango sa akin. "Opo sir, nasa room 134." Aniya at mabilis akong tumungo roon.
"May bumangga sa sinaskayan namin Sir Aeron. Talaga po parang sinadya?" Ani ng driver na kasama ni Isay na ngayon ay sugatan. Napamura naman ako sa isipan ko.
"Isay, how are you feeling? Hmm?" Hinaplos ko ang buhok nito.
Mahina siyang ngumiti sa akin. "Masakit pa katawan ko.." sagot niya.
Tumango ako at kinagat ang labi ko. Maya Maya ay may dumating na pulis. Hinarap niya at ng magalang.
"Sir, may update na po kami tungkol sa nangyaring banggaan." Ani ng pulis.
And I can't believe it na ang bumangga kina Isay ay ang ex ni Arissa. Ang Sabi ng parents nitong 'ex' niya sa mga pulis. 'kung mawawala lang naman si Arissa, magpapakamatay nalang ito at isasama nitong magbayad ang babaeng nagwasak kay Arissa.'
They were sorry for what happened. Mabuti at nakapagtimpi ako. Nasa ospital din ang lalaking iyon at hindi pa nagigising.
At pinangako kay Isay, ikakasal kami ng wala ng titigil o hadlang. Kung sino man ang gustong humadlang, humanda siya sa akin.
Many years, we've been apart. Many tears, had flowed. Many heart aches comes. Many suffering, sacrifice, pain, and forgiveness. In the end, we are the end game. At hindi ako papayag na hindi siya babagsak sa akin.
"Mr & Mrs. Epifanio."

Komento sa Aklat (291)

  • avatar
    BalgumaJamela

    love u all🫶🏻 - Violet_jam

    29/10/2024

      0
  • avatar
    buenafeimah

    so great

    07/07/2024

      0
  • avatar
    Angela Abanes

    wow that's awesome

    05/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata