Homepage/Ang Taguan (Allegro Centro - Kabataan Series #1)/
Kabataan 39
Kabataan 39
Sampung Bilang
A/N : SAMPUNG BULANG is a song compost by me. Please do not change the lyrics. Don't steal it and copyright. You will know the tone in my Fb acc Violet Jam but it didn't have instruments. It will be posted there after KS#1 is complete. Thank you!
---------------
"Hi, Isabelle..."
Nakatayo siya ng hindi kalayuan sa amin ni Aeron. Bumitaw ako sa hawak ni Aeron.
Kuryoso akong lumingon Kay Aeron na nanatiling nakatitig kay Chandrey.
"I know what's on your mind Isay."
"Bakit?" Tanong ko.
He faced me. Hinawakan niya ako sa baywang ko. Muli niyang sinulyapan si Chandrey na naghihintay.
"He wanted to say sorry and also to talk to you my lady." He told.
Unti unti akong tumango kay Aeron. "But, You need to talk just the two of you... Aalis muna ako Isay." Malamig na sabi ni Aeron.
Bigla akong nanginig sa sinabi Niya. "Hindi ka galit?"
Umiling ito at marahan na nagbilin ng halik sa pisngi ko. "Hindi. See you later my lady. For now, talk to him."
Tumango ako. Hinarap ko si Chandrey na nakapamulsa.
"Take care of my lady. Or else you'll regret it." Banta ni Aeron.
Tipid na tumango si Chandrey sa kaniya.
"Aalis na ako..." Bumuntong hininga siya at umalis.
"Isay..." Panimula nito.
Unti unti ay lumapit siya sa akin. "Please, 'wag kang magalit. Gusto ko lang talaga na makausap ka..."
"Ano... Bang pag-uusapan natin?"
"First, Sorry dati. Nagsisi na ako at nasabi ko na sayo ng paulit ulit ang 'sorry' pero mukhang hindi sapat 'yon para gumaan ang kalooban ko."
"Chandrey, napatawad na kita. Hindi mo na kailangan gawin 'to."
"Hindi Isay, I want you, yes. I like you. Pero alam ko naman na may nagmamay-ari na sayo at sa puso mo. And all I wanted is to see the girl I regret to hurt, be happy to a man who is willingly to risk for. At Isa pa, ano ang laban ko sa Isang Epifanio?"
I smirked. Lahat dito hindi ko Alam bakit kinakatakutan si Aeron.
"And gusto kong bumawi sayo."
"Hindi na Chandrey,"
"Isay, just this Once. And I'm happy to set my heart free from you. At gusto ko, pagkatapos nito, magkaibigan nalang tayo. Magmamahal ako ulit, pero malungkot lang kasi walang makakapantay sa isang Isabelle na mahal ko dati..."
Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mabilis. Alam ko natigilan siya pero kalaunan ay niyakap Niya ako pabalik. Kumalas ako gaya niya at tiningnan namin ang isat-isa.
I smiled on him. "You deserve someone better and great. Naniniwala ako Chand, may mas makakapantay sa'kin. Napatawad na kita, ilang ulit na. Masaya ako na masaya ka para sa akin. Gusto ko din na Sumaya ka. Malay mo— May bubunggo sayo!" Tili ko nang may bumunggo sa likod ni Chandrey kaya siya natisod papunta sa akin.
"Hala sorry!"
Umayos si Chandrey pagkatapos inis na hinarap ang babaeng bumunggo sa kaniya.
"Hindi mo ba nakikita na may tao! Ugh people you're so blind!" Iritado nitong sabi na nakapikit.
Hinawakan ko sa braso si Chandrey para huminahon. Tiningnan ko ang Babae. Nakauniporme siya ng pang teacher. Naka-awang ang bibig niya sa inasta ni Chandrey. Tinapik ko ang mukha ni Chandrey.
"Hoy, Chand."
Minulat nito ang mga mata at tila bang magic na tumigil ito sa pagmura.
"Sorry, hindi ko talaga sinasadya Sir and Maam. Pasensya na, may mga bata kasing tumatakbo kaya ako na... Nabunggo sa likod niya. Pasensya na po." Magalang na Sabi nito.
Inalog ko si Chandrey. Tiningnan niya ako. "Bakit?"
I rolled my eyes to him and return my gaze on the woman. "Pasensya na kung bigla siyang nagalit. Hehe."
"Okay lang Maam, pasensya na talaga Sir. Hindi po sadya ang nangyari." Nakayukong Sabi nito.
"I-it's o-okay... Uh, I'm sorry."
"Sige po, sorry kung naistorbo kayong dalawa. Mukhang nag-uusap kayo ng girlfriend mo." Ani nito kaya bigla kong tinulak palayo si Chandrey sa akin kung kaya nagtaka siya sa akin.
Lumunok ako. "Maam, hindi ko siya boyfriend at hindi niya ako girlfriend. Friends lang po." Pagtama ko.
"Ahh, gano'n ba? Hehe, mga Kabataan kasi ngayon puro love life na ang iniisip. Eh, doon naman ito patungo hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. Shet! Gusto kong matawa na magwala.
"H-hindi po."
"No, no, no, Miss. She is already engaged and I'm not his boyfriend type. I'm still...single." nag-iwas ng tingin si Chandrey.
"Ahh okay. Pasensya na talaga."
"Are you single?"
Nagulat ako sa tanong ni Chandrey sa Babae. Gulat din ang reaksyon nito nang tiningnan ko siya.
"H-huh?"
"Sorry, I mean is are free later or do you have nothing to do later?"
Napatakip ako ng bibig. Hanep din itong si Chandrey ah. Sakalam.
"A-ah... Oo, free ako. Actually, after nitong class. Bakit?"
"That's great, babalik ako dito pagkatapos kong mahatid si... Isay. Gusto mo bang kumain tayo sa Resto or kahit saan mo gusto.."
"Sige ba, libre mo?"
"Oo."
"Okay, see you... Later then. Excuse me."
Aalis na Sana ito nang nagsalita ulit si Chandrey. "What's your name?"
Natigil ito at humarap muli sa amin. She smiled. "Riza, ikaw?"
"Chandrey..."
Tumango ito at nagpaalam muli na aalis na.
Tiningala ko si Chandrey. Gusto kong matawa ngunit ayaw ko.
"What was that?"
"Bakit? Isay, mukhang nahanap ko na."
I Smile. Indeed. "Good luck."
"Thanks, Pero kailangan na kitang ihatid. Baka magalit ang Epifanio sa'kin."
"Saan tayo pupunta?"
"Mangghan."
Tumango ako at sumunod sa kaniya palabas ng eskwelahan. Sumasakay sa sasakyan niya. Tahimik lamang kami hanggang sa makarating sa Mangghan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba na ako. Hinarap ko siya. He sighed between us.
"So... Dito lang ako puwede. Aalis na ako Isay, Be happy today."
I nodded. "Mag-ingat ka Chandrey."
"I will."
Pumasok na siya ng kaniyang sasakyan at pinaandar ito. Bumusina ito sa akin at kumaway naman ako nang makaalis na ito.
"Mangghan, here I come."
Naglakad ako papasok sa Mangghan. Madaming bumati sa akin na nagtra-trabaho dito. Tipid akong ngumiti sa kanila habang naglalakad.
"Hi Miss, si Sir Aeron po ba?" Sambit ng isang manggagawa.
Tumango ako. "Opo, alam niyo kung nasaan siya?"
"Opo Miss, hinihintay ka nga po niya 'e."
"Sige po, salamat."
Pumunta ako sa gitnang parte ng Mangghan. This part is actually kung nasaan ang Taguan.
Mula rito naaaninag ko na ang mesa at upuan na may puting tela at may taong nakatayo sa gilid nito habang may gitara at may katabi siyang Babae na may microphone na hawak.
Naningkit ang mga mata ko nang makalapit na ako. Lumabas si Aeron sa puno ng Mangga. May hawak siyang mga bulaklak at sa kagustuhan kong matawa, hindi ko nagawa. Nakita ko kasi ang logo sa gilid ng bulaklak. Caffe de Cero. Kina El.
"For you my lady." Nakangiting tinanggap ko ang mga bulaklak at malayang inamoy ang mga ito.
"Thank you."
"Sit my lady." It's not even a question. Umupo ako sa inilahad niyang upuan. Umupo rin siya sa kabila kung saan magkaharap kami.
Nagsimulang tumunog ang gitara ang kumanta ang Babae.
Una sa lahat
Bakit ba natatakot?
Bakit ba kinakabahan
Sa tuwing kaharap ka
Unang tanza palang, relate na ako sa kinakanta nito.
'Di ko maiwan
Na ika'y iwasan
Sapagka't ako'y mahina
Gusto ko nalang umiwas pa
"Staring this day, I will start to compromise." Aeron said.
"Una sa lahat, wala ng taguan Isay. Ang tulad mo...mahirap hanapin. Pero handa akong hanapin ka para sa nawawalang puso ko."
Nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang mapupungay na nakatitig sa akin.
"Dalawang... Mga mata ang gamit ko para Sana ika'y makamit~" Pag Kanta nito sa kinakanta ng Babae.
Sayong mga tingin ako'y nalulunod sinta
Ngunit kahit sa pagtingin Ika'y umiiwas
"Pangatlo. Tatlong taon Isay really?"
"Ha?"
"Cyrus told me. You have a crush on me for Three years. And I don't know what to treat you those times."
Ayt! Shit lang ha! Makakatikim sa'kin mamaya si Kuya Cyrus.
Sampung bilang ang ibibigay sa'yo
Sana naman, ika'y magbago na
"Pang-apat. Simula ngayon, magiging tapat na tayo sa isat-isa. You'll be soon my wife."
Napangiti ako sa sinabi niya. I will be his wife soon.
"And I wanted to live here with you. With our children's in the future."
"Panglima... Back then, it was a wrong move. Sabihin sayo na hindi kita gusto? Ang pinaka bwesit na sinabi ko."
I chuckled at him.
Sampung bilang ang ilalaan sa'yo
Sana naman, masabi na mahal mo ako
Sampung Bilang...
"Anim. Animo'y para kang hinahabol ng aso at dila mo nagkabuhol buhol sa tuwing kaharap mo ako... At anim na beses ko sinabi sa sarili ko hindi kita gusto."
"Pito..."
Babalik na ba
Ang dati kong pinangarap
Ang dati kong pinagmasdan
Muling masisilayan
"Pilit ko mang kalimutan ka, subalit hindi ko magawa dahil ikaw ang tinitibok nito." Sabay turo niya sa dibdib niya.
Ngunit bakit gano'n
Di ko mapigilan
Na ika'y ibigin
Gusto ko nalang magtago pa
"Walo..."
Tapat naman, nagmahal sayo
Kahit ito'y hindi masuklian
Sayong mga tinig ako'y nahuhulog sinta
Ngunit kahit sa pagsagot ika'y umiiwas
"Walong salita ang iiwan at ilalaan ko para sa'yo. At sasabihin ko sa huli," Tumayo siya mula sa pag-upo at inilahad ang kamay niya sa akin.
Napatingala ako sa kaniya at sinunod ang gusto niya. Tumayo din ako. Hinawakan niya ang baywang ko at ipinatong ang mga kamay ko sa balikat nito.
Namumungay ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin habang nangingiti. Wala na akong maihihiling pa. Naka kay Aeron na ang lahat.
"Mahal kita... At patuloy na mamahalin... Hanggang wakas."
Mahina akong napaiyak sa sinabi Niya. Tumango ako at sinaldal ang ulo ko sa dibdib nito.
"Mahal na mahal din kita, Aeron hanggang wakas.."
Sampung bilang ang ibibigay sa'yo
Sana naman, ika'y magbago na
"Siyam... Kung iba man ang gusto mo ngayon, handa pa din ako maghintay sa'yo."
Sampung bilang ang ilalaan sa'yo
Sana naman masabi na mahal mo ako
"At sampu... Masasabi ko na din sa wakas. Ang nilalaman ng puso ko na ikaw lang... Ikaw lang ang hahanapin mula sa taguan."
Sampung bilang...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (291)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
love u all🫶🏻 - Violet_jam
29/10/2024
0so great
07/07/2024
0wow that's awesome
05/07/2024
0Tingnan Lahat