Kabataan 1

Kabataan 1
Elliza
Pagkatapos ng araw na ito. It will be a special day. Ang araw na kung saan magce-celebrate ako ng kaarawan ko at magiging dose anyos na ako.
"Oy excited na siya sa birthday niya." Panunuya ni Joyce.
Humagikhik ako. "Medjo."
"Basta pupunta talaga ako Isay, dapat may Shanghai ha?"
Natawa ako. "Shanghai huh?"
"Oo naman!"
"Isay!" Sigaw ni Kuya Cyrus.
"Hi Isay"
"Hi Isabelle"
"Hi Isay!"
Bati nina Joseph, Richard at Clara.
"Hello!"
"Mukhang ang saya mo ngayon Isay ah?" Si Richard.
Ngumisi lamang ako.
"Masaya talaga 'yan, birthday n'ya bukas eh." Sambit ni Kuya Cyrus.
"Birthday mo pala Isabelle?" Tanong ni Clara na tumango ako.
"Happy birthday!" Bati nilang tatlo.
"Bukas pa ang birthday!" Sipat ni Kuya Cyrus.
"Advance kasi kami Cyrus" Sabay kindat ni Richard kay Kuya Cyrus.
"Nasaan si Ate Rebecca?" Tanong ko.
"Hindi pa sila tapos sa klase kaya ayon wala." Sagot ni Joseph.
"Ahh"
"Bukas pumunta kayo ha?" Sambit ni Kuya Cyrus.
Tumango silang tatlo. "Sabihan niyo nalang si Rebecca." dugtong nito.
"Sige."
"Kuya, pasok na kami sa room." Paalam ko.
"Sige Isay, sabay nalang tayo mamaya."
Nagpaalam na kami ni Joyce na mauna na at pumunta sa room.
Pagpasok ay umupo ako sa aking upuan. Nasa likod nakaupo si Joyce.
"Looking good huh?" Sambit ng lalaki na kaklase namin.
Hindi ko pa masyadong kilala ang mga classmate ko pero yung iba dito ayaw ko nang makilala.
Hindi siya pinansin nito at umupo malapit sa akin. Maganda sana siya kung kukunin niya lang ang salamin niya. Mapauti din siya at mahinhin.
"Pipi kana ba Miss Bacero?" Sambit pa nito.
"Hindi ako pipi." sagot ng babae. He smirked.
"Nagsalita din oh! Hahaha"
"Ayoko ng away Mister Lewandowski." Diretchong sambit ng babae.
"All right, but I'm not here to fight with you. Nandito ako para tuksuin ka Miss Bacero."
Tuluyan na itong pumunta sa upuan niya at umupo.
Napansin ko na subrang tahimik ng babae kaya kinablit ko siya para mapalingon siya sa akin.
Ngumiti ako. Hindi ko alam bakit ginawa ko iyon pero gusto ko siyang maging kaibigan ko.
"Hi" Sambit ko.
Mukhang natigilan siya pero hindi pinahalata iyon. Inayos niya ang salamin niya at ngumiti.
"Hello"
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"E-Elliza Khil Bacero" at nag iwas siya ng tingin sa akin.
"Ang ganda ng name mo. Ako si Isabelle Zacarias, Isay nalang or Bell" pakilala ko.
Binalik niya muli ang tingin sa akin.
"Nice to meet you, Bell" May pag-alinlangan na sambit niya.
Ngumisi ako. "Pwede ba kitang tawagin Khil?"
"U-uhm, El nalang." sagot niya.
"El.., sige El."
Natapos ang klase at inaya ko si El na sumama sa amin ni Joyce at pumayag naman siya sa gusto ko.
Mabait siya kaya nga lang ay mahiyain rin. Hindi katulad ng iba jan mga papansin.
"Ang ganda mo siguro El kung wala kang salamin noh?" Sambit ni Joyce.
"H-huh?"
"Oo nga El ang ganda mo kaya" Pagsang-ayon ko.
Nag iwas siya ng tingin sa amin.
"Hindi ko pwedeng hubarin ang salamin ko. Medjo malabo na kasi ang mga mata ko" Sambit niya.
"Gano'n ba?"
"Oo."
"Hi Zairus!" Isang sigaw ng mga babae hindi kalayuan sa amin ang umingay sa canteen. Sinundan pa ng madami.
"Hi Russell omyghad!!!"
"Bruce!!!!ang gwapo mo!"
Nilingon namin ang direction kung saan madaming nagtutumpokang  mga babae. Lahat sila kaniya kaniyang tili parang mga kitikiti o kinikiliti sila kahit wala naman.
"Here we go again..." Buntong hiningang sambit ni El. Nakatitig lang siya sa aklat na binabasa niya at walang pakealam sa nangyayari.
"Kilala mo kung sino ang mga feeling gwapong mga iyon El?" Tanong ni Joyce.
"Yep" sagot niya.
"Sila lang naman ang isa sa mga anak mayaman dito sa school at kilala ang pamilya dito sa Allegro bawat centro." Saad niya.
Tinuro niya ang lalaking matangkad, gwapo at may pagkachinito na may hawak na libro.
"Siya si Zairus John Willow, kilala sila sa Allegro Dos at may ari ng Isang alakan dito."
Sunod tinuro niya ang lalaking seryoso ang mukha na katabi ni Zairus.
"Iyan naman si Bruce Eagan. Taga Allegro Tres. Si Bruce ay isang magaling na kaaway at tuksuin dito. 'Isa na ang babaeng kilala din dito ay kaaway niya. Kaya 'wag kang magkakamali kung ayaw mo ng away."
Sunod ang lalaking todo pa gwapo sa mga babae. Tsk.
"Siya si Russell Lewandowski. Siya ang classmate natin at...ang lalaking tumutukso sa akin. Taga Allegro Quatro."
"Eh bakit ka niya tinutukso?" Tanong ko.
"Alam ng lahat na lahat ng mga nerds dito katulad ko, tinutukso niya at binubuli at iyon ang dahilan kung bakit ang iba ay hindi nagtatagal dito sa school." Saad niya.
"Eh sino ang kilala sa Allegro Uno?" Tanong ni Joyce.
"Ang mga Reyes. Babae siya Hannah raw ang pangalan. Sila ang nagpapatakbo sa Uno."
"Dito sa Inyo sa Centro dahil ito ang pinupuntahan talaga ng turista. Kilala sa inyo ang Manggahan at ang may ari ay mga Epifanio. Kaya damay na si Aeron doon." Sambit niya.
"Taga saan kaba El?" Tanong ni Joyce.
"Sa Allegro Quatro.." Sagot niya.
"Ahh..."
"eh sa Singko?" Tanong ko.
"Mga Alavaro ang nagpapatakbo doon"
Matagal ang aming pag uusap at ng dahil doon mas naging close pa ako kay El.
"Pwede ka bang maimbita sa... birthday ko El?" Tanong ko.
Nilingon niya ako at ngumiti "Sige." Maagap na sagot niya.
"Yehey!"
"Isabelle" tawag sa likod ko.
"Hi Joseph."
"Isay" sulpot ni Kuya Cyrus. Napalingon siya kay El.
"Oh, Hi Elliza"
"Hi Kuya Cyrus."
"Kuya, inimbita ko si El sa birthday ko." Ngiting sabi ko.
Lumaki ang mata ni Kuya Cyrus at lumapit sa akin tapos lumayo kami ng kaunti sa kanila.
"Bakit mo inimbita si Elliza? Eh inimbita ko si Russell shit!" Aniya.
"H-hindi ko alam kuya eh."sabay kamot ko sa ulo.
"May problema ba Cyrus?" Tanong ni Joseph.
Umiling si Kuya. "W-wala."
"Elliza, sure ka bang pupunta ka bukas sa birthday ni Isay?" Tanong ni kuya.
Ngumisi siya at tumango "Oo naman Kuya Cyrus." Sagot niya.
"Pero ano kasi eh,I-Inimbita ko siya.." nakangiwing sambit ni Kuya Cyrus.
"Okay lang Kuya Cyrus. Hindi naman ako nandoon para kay Lewandowski, kundi para sa birthday ni Isabelle." Saad niya.
Tumango si Kuya. "Okay...Ayos lang talaga sayo?" Tanong niya pa ulit.
Maski ako parang ayaw ko na siyang papuntahin dahil tutuksuin nanaman siya ni Russell.
"Oo Kuya Cyrus, okay lang talaga sa'kin." sagot ni El.
"Okay" wala na. Pumayag na.

Komento sa Aklat (291)

  • avatar
    BalgumaJamela

    love u all🫶🏻 - Violet_jam

    29/10/2024

      0
  • avatar
    buenafeimah

    so great

    07/07/2024

      0
  • avatar
    Angela Abanes

    wow that's awesome

    05/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata