Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 42
Claudia's POV
It was already 8 pm at wala pa rin si Mama.
Tapos na ang dramahan namin ni Dad dahil umere na iyong inaantay niyang palabas sa TV.
Tahimik lang akong sumasabay sa panonood dahil nakita ko ang pagiging seryoso ni Dad doon.
Cooking show ang palabas at hindi ako maka-relate dahil hindi naman ako marunong pagdating sa ganoong larangan. Shut up na lang ako.
Ilang minuto pa ang lumipas nang may kumatok at saka bumukas ang pinto.
Saktong mapag-sino ko ang bagong dating ay siya namang pagbilis ng tambol nitong puso ko.
"Na'ku salamat, Sean."
Si Mama iyon at mukhang magkasabay silang dumating.
"Anak, pasensya kana kung ginabi ako. Ang hirap kasing makasakay, wala pati ang mga kuya mo kaya nag-commute na lang ako papunta rito. Sakto naman at nagkita kami sa lobby ni Sean, dito rin pala ang punta niya.”
“Bakit iho? May kailangan ka ba?”
Napatingin ako kay Sean nang tanungin siya ni Dad. Hindi naman siya sumagot. Nagulat pa ako ng tumingin siya sa akin tapos kaagad din namang binalik ang tingin niya kay dad.
Ano `yun?
Napalingon ako kay Mama ng bigla na lamang siya humagikgik saka umupo sa gilid ni dad.
“Okay, mukhang naiintindihan ko na. Pero alalahanin mo `yung sinabi ko sa iyo, Sean.” Madiin na sabi ni Dad.
“Yes po Tito, tanda ko po iyon.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Mukhang natutuwa si mama sa nakikita niya at ramdam ko naman ang kaunting tensyon sa pagitan ni Dad at Sean.
Napigil ko ang hininga ko ng balingan ako ng tingin ni Dad. “Umuwi kana, Claudia, kay Sean kana sumabay para hindi ka masiyadong gabihin.”
“Po?” gulat kong tanong.
“Okay lang naman siguro sa iyo `yon, Sean?” Baling ni dad kay Sean.
“Opo, wala pong problema.”
“Ingat kayong dalawa,” sabi ni Mama saka tumayo at lumapit sa akin para halikan ako sa ulo.
Si Mama na rin ang humila sa akin patayo sa kinauupuan ko. Hindi ko kasi maintindihan ang mga nangyayari. Parang may sarili silang mundo at ako, pinapanood ko lang sila. Haays!
Wala na akong nagawa ng ihatid na kami ni Mama hanggang sa labas ng pinto kung saan naka-confine si Dad.
***
TAHIMIK lang kaming dalawa ni Sean habang nasa biyahe kami.
Hindi ko alam kung paanong nakayanan kong sumakay sa kotse niya at magpanggap na para bang wala lang ito sa akin. Don’t get me wrong, paano ko ba pakikisamahan ang tatay ng anak ko kung alam kong pamilyado na siya?
Saka okay lang ba kay Chonna itong ginagawa ni Sean?
Bakit nasa ospital siya tapos aalis din kaagad?
Pasimple kong nilingon si Sean. Nasa daan lang ang tingin niya. Napabuntong-hininga tuloy ako. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin--- o baka sa akin. Mukhang hindi naman big deal sa kanya na kasama niya ako. Kakainis!
“Kumain ka na ba?”
“Huh?” Gulat kong tanong sa kanya.
Nilingon niya ako. “Kumain kana ba?”
Inalala ko ang mga nangyari kanina. Hindi pa pala ako naghapunan dahil inuna kong pakainin si dad. Nawala sa isip ko na hindi pa ako kumain.
“Mukhang hindi pa. Kain na muna tayo bago ka umuwi,” kaswal na sabi niya.
“S-sige.”
JAPANESE restaurant ang napili ni Sean na kainan namin.
Oo, siya talaga ang pumili kasi hindi naman niya ako tinanong. Basta na lang siyang huminto rito at inaya akong bumaba para kumain.
Siya na rin ang nag-order ng kakainin namin. Wala namang problema sa akin `yun basta ba siya ang magbabayad--- charot lang!
“Here’s your order sir/ma’am,” sabi ng waiter na nag-assist sa amin.
Saktong makita ko ang mga pagkain na nasa lamesa ay siya namang pagkalam ng tiyan ko. Jusko! Rinig nila iyon, ni Sean at ng waiter.
Nang tingnan ko ang waiter ay ngumiti lang ito sa akin. Nang si Sean naman ang nilingon ko ay halatang nagpipigil ito ng tawa. ‘Nakakahiya ka Claudia!’
“Enjoy po,” magalang na sabi ng waiter saka na umalis.
“Kain na tayo.” Nakangiti namang sabi sa akin ni Sean. Tumango na lang ako.
Ni hindi ako makakain ng maayos dahil sa eksena kanina. Pambihirang tiyan `to, bigla-bigla na lang kakalam.
Magana kaming kumain ni Sean. Walang nagsasalita, tanging sa pagkain lang nakatuon ang atensyon naming dalawa. Hindi gano’n kadagsa ang tao sa resto kaya naman hindi ka mahihiyang kumain ng marami. Haha!
"Kumusta ka na?"
Naiwan sa ere ang hawak kong kutsara dahil sa biglang pagtanong ni Sean.
Akala ko pa naman ay hindi na niya ako papansinin hanggang sa matapos kami sa pagkain.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko saka ako uminom ng tubig. Nakatingin lang naman siya sa akin habang ngumunguya.
"Okay lang naman… maayos naman kami," sagot ko saka ko na muling hinawakan ang kubyertos at sinubo ang laman no'n.
"Kami?" Nagtatakang tanong ni Sean sa akin.
Doon din ako natigilan. Bakit nga ba 'kami' ang sagot ko? Sinalubong ko ang tingin ni Sean. Ang pagkakatanda ko, sabi ni Daddy ay alam ni Sean ang tungkol kay Chescka.
"May iba ka pang kasama habang nasa Saudi ka?"
Natikom ko ang bibig ko.
"Bakit? May gusto ka pa bang malaman?" Nanantiya kong tanong.
Hangga't maari, ayoko munang magbigay ng impormasyon kay Sean lalo na kung tungkol kay Chescka. Pwede bang sa susunod na lang na pagkikita namin?
"Kumusta si Chescka?"
Nanlaki ang mga mata ko ng tanungin niya ako.
"Iyan ba ang gusto mong malaman kaya inaya mo pa akong kumain?" Inis kong tanong sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, g-gusto ko lang malaman kung okay siya—"
"Okay siya, Sean. Okay kaming mag-ina." Pagpuputol ko sa kanya.
"Nami-miss ko ang anak ko, Claudia, sana payagan mo akong makita ko siya."
Iyong namumuong galit at sama ng loob ko ay umurong ng makita ko ang itsura ni Sean. Kung paanong isinisigaw ng mga mata niya ang lungkot at pananabik.
Pero hindi ba't buntis si Chonna? Magkakaanak na sila— may anak na sila. Bakit ganito siya kalungkot ngayon?
***
TANGHALI na akong nagising dahil sa mga iniisip ko kagabi.
Naging maayos naman ang pag-uusap namin ni Sean kagabi, at gaya ng sinabi niya, gusto niyang makita si Chescka.
Parang ang nangyari ay inaya niya akong kumain sa labas para hingiin ang permiso ko para makalapit siya sa bata.
'Bakit? Tingin mo inaya ka niya ng date? Dissapoint ka girl?'
Napailing na lamang ako dahil sa pagbabara ng isip ko.
Tama. Kung gusto mang lumapit ni Sean sa akin, ginagawa niya `yon para kay Chescka. Para sa anak niya.
Bumuntong-hininga muna ako bago ako bumangon sa higaan. Inayos ko na rin muna ang itsura ko bago ako bumaba para hanapin si Chescka.
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang matunog na pagtawa nang anak ko. Natigilan ako ng may marinig akong pamilyar na boses.
No! No!
Napatakbo ako kung nasaan man naroon si Chescka. Nakita ko sila sa may garden. Nasa loob ng inflatable swimming pool si Chescka habang nasa labas naman si Sean at nakikipaglaro ng water gun!
What the!
"Chescka!"
Hindi ko napigilang mapasigaw saka malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit kaagad sa kanilang dalawa.
Wala silang ibang kasama! Paano kung itakas ni Sean si Chescka?
Gosh! Ano bang pinag-iisip ko.
"Are you mad, mom?"
Nag-aalalang tanong sa akin ng anak ko.
Doon lang din ako kumalma. Bakit nga ba ganito ang naging reaksyon ko?
Bumuntong-hininga ako bago ko binalingan si Sean. "Anong oras ka dumating dito?"
Tumingin siya sa pambisig niyang orasan. "I think, 8 am?"
Sinulyapan ko si Chescka. Halata pa rin ang pag-aalala niya. Hinaplos ko ang pisngi niya.
"Galit ka po ba Mommy? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"No, I'm okay. Nagulat lang ako."
"Oh? Anong nangyari rito?" Tanong ni Mama na kadarating lang habang may hawak na tray ng pagkain.
"Okay ka lang, Anak?" Tanong pa niya sa akin.
"Nabigla ko po yata si Claudia, Tita."
Naikot ko ang bilog ng mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Sean.
Hindi lang niya ako binigla. Minamadali rin niya. Parang kagabi lang kami nag-usap tapos ngayon ay umaaksyon na siya? Sinong hindi mapa-praning sa gano'n?
Inilapag ni Mama iyong tray sa lamesa saka ako tinapik sa balikat. "Halika, anak. Sa kusina muna tayo para makakain ka. Hindi ka pa nag-aalmusal."
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ay nilingon ko pa si Sean. Nagulat pa ako ng magkasalubong ang tingin namin.
.
.
.
"Mama bakit n'yo naman po sila iniwan kanina?" Bungad kong tanong kay Mama pagkapasok namin sa kusina.
Tumawa ito. "At bakit naman hindi? Anak niya si Chescka, mas siya ang may karapatan sa bata kaysa sa akin."
Kumunot ang noo ko. "Ina ako ni Chescka Ma, mas may karapatan ako."
Bumuntong-hininga si Mama bago humarap sa akin.
"Anak, wala namang masamang intensyon si Sean sa bata. Hindi rin naman niya itatakas ang anak n'yo. Gusto lang niya makasama si Chescka, sino ba naman ako para ipagkait `yon sa kanya?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"Hindi ko na ipinaalam sa iyo dahil tulog ka pa. Simpleng bonding lang naman ang request ni Sean," dagdag pa ni Mama.
"Nagpakilala si Sean bilang kaibigan mo, kung `yun ang inaalala mo."
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama.
Inilapag niya sa harap ko ang pinggan na may lamang sinangag, itlog at hotdog. Muli siyang tumalikod at pagbalik niya ay ang basong may lamang gatas naman ang inilapag niya sa harap ko.
"Kumain kana," nakangiti niyang sabi.
"Masiyado ng maraming nangyari, anak nang umalis ka. Sa sobrang dami ay gusto ko na lang na maging masaya ka."
"Mag-usap kayong dalawa ni Sean, anak. Para kay Chescka at para sa inyong dalawa.
Nasundan ko na lamang ng tingin si Mama ng lumakad na ito palabas sa kusina.
Sobrang tagal ko ngang nawala. Na tipong hanggang ngayon ay ipinagtataka ko kung bakit kasundo nila si Sean gayong ipinadala nila ako sa Saudi para makalayo sa mga taong nakakakilala sa akin. Lalo na kay Sean.
Anong nangyari habang wala ako?
===
©J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat