Chapter 41

Claudia's POV
ALAM ko naman na magkikita kami ni Sean, expected ko na iyon dahil hiling `yon ni Chescka. Pero bakit naman biglaan?
Ni hindi sumagi sa isip ko na magkikita kami kaagad. Sa ospital pa talaga kung saan naka-confined si dad.
At anong ginagawa ni Chonna ro'n?
Anong ginagawa nilang dalawa ro'n?
Close ba silang tatlo?
Argh! Kakainis!
Napapadyak tuloy ako dahil sa mga naiisip ko. Doon ko lang din napansin ang pagtinginan ng mga taong napapadaan sa harap ko.
Pasimple akong yumuko at humanap ng mauupuan na hindi masiyadong nadadaanan. Pagkaupo ko ay saka ko naman nilibot ang tingin ko sa paligid.
Hindi pa gano'n kalayo ang ospital pero marami na kaagad akong nakikitang pwede kong mabilhan ng pagkain.
Paano ba naman kasi…
"Claudia, anak, come here."
Hindi ko alam kung paano akong nakahakbang ng maayos palapit kay Dad gayong ramdam ko ang panglalambot ng tuhod ko. Anytime feeling ko ay bigla na lang akong mapapaupo sa sahig dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman ko.
"Kailan ka pa umuwi, anak?"
Tanong sa akin ni daddy habang inaayos ko iyong dala kong prutas sa lamesang naroon.
"Noong isang linggo lang po," sagot ko.
"Hi," bati sa akin ni Chonna. Tipid na ngiti lang ang tinugon ko.
Simula ng dumating ako ay bigla silang natigil sa kung anong pinag-uusapan nila kanina. Napapaisip tuloy ako kung ano iyon?
"Kumain na ba kayong dalawa?"
Tanong ni dad kina Chonna at Sean.
"No, Tito. Dumiretso na kami rito ni Sean---"
"Balak kasi naming sa pag-uwi na lang kumain ng lunch." Pagpuputol ni Sean kay Chonna.
Umayos ako ng tayo nang balingan ako ng tingin ni dad. At pakiramdam ko, kung ano man ang maririnig ko sa kanya ay hindi ko magugustuhan.
"Claudia, okay lang ba kung bilhan mo sila ng makakain? Sobrang late na para sa lunch nila. Nakakahiya na inimbitahan ko sila tapos inuna pa nila akong puntahan---"
"Sure, marami naman akong nadaanang restaurant kanina habang nasa biyahe. Ako na pong bahala."
"Thank you, take care."
.
.
.
Really?
Nagawa nilang bumiyahe papunta rito tapos ang kumain nang tanghalian ay hindi?
Hindi ko alam kung ano bang pagkain ang gusto nila. Wala rin kasi silang ni-request kaya tuloy hindi ko rin alam kung anong bibilhin ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Sa daming pwede mabilhan ng pagkain ay saka pa ako nahihirapan.
Ilang beses pa akong bumuntong-hininga bago ako pumasok sa isang restaurant. Baka magtaka sila kung bakit ako matagal. Pero naisip ko rin, baka gusto rin nilang magtagal ako para hindi ko marinig ang usapan nila.
Tungkol ba sa business iyon?
Paanong nangyari na close silang tatlo?
Napapailing na lang ako. Sa sobra kong pag-iisip ay siya namang pagsakit ng ulo ko.
Pabalik na ako sa ospital bitbit itong pagkain nang dalawa. Bahala sila kung hindi nila magustuhan. Che!
Kumatok na muna ako bago ko binuksan iyong pinto. Baka kasi magulat na naman ako tapos may iba na namang bisita si dad, mahirap na.
Mukhang tapos na silang mag-usap dahil nagbibiruan na lang silang tatlo.
"Kumain muna kayo," aya ko sa kanila saka ko nilapag sa lamesa iyong dala ko.
"Pasensya na kayo at biglaan ang meeting natin. Kumain na muna kayo bago umalis," sabi ni Dad.
"No problem, Tito," nakangiting sabi ni Chonna.
Pansin ko lang na parang close sila ni dad. Si Sean naman ay tumango lang. Tipid magsalita, tulad pa rin ng dati.
Pagkatayo nila sa kaninang pwesto nila ay saka naman ako pumunta sa kanang bahagi ni dad para doon maupo habang sina Sean at Chonna ay magana ng kumakain.
"Kumusta sa Saudi, anak?"
"Po?" Gulat kong tanong.
Ngayon lang niya kasi ako tinanong dahil kanina pagdating ko, utos ang narinig ko sa kanya. Tinuon ko ang tingin ko sa hawak kong plato kung saan ko nilagay iyong binalatan kong orange.
"O-okay naman po. Maayos po kami ro'n," sagot ko.
"Nabanggit na ba sa iyo ni Jessie ang kumpanya natin dito sa Pilipinas?"
Napaangat ako ng tingin kay Dad habang nakakunot ang noo ko.
Kumpanya?
"Base sa reaksyon mo ay hindi pa. May project ang kumpanya, malaking proyekto iyon at humingi ako ng tulong kay Sean para i-guide ka niya."
"What!?" Gulat kong tanong.
Nakita ko ang ngiti ni Dad. Para siyang natutuwa sa reaksyon ko. Habang sina Sean at Chonna ay nakamasid lang sa aming dalawa.
Pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa gawi ni Sean.
Anong iniisip ni Dad?
Eh `di ba kaya nga niya ako pinadala sa Saudi ay para makalayo kay Sean?
Mali ba ako ng pagkakaintindi?
"Si Jessie na ang bahalang magpaliwanag sa iyo, Claudia. Baka magalit iyon sa akin, masiyadong maaalalahanin ang kuya mo." Tumawa pa si Dad.
Ang gulo! Pasimple kong tiningnan si Chonna. Nakangiti lang ito sa sinabi ni Dad, si Sean naman ay tahimik lang pero halatang nakikinig sa usapan.
.
.
.
Inabutan na ako ng gabi rito sa ospital.
Pagkatapos kumain nina Chonna at Sean ay umalis din naman sila kaagad. Naiwan kaming dalawa ni Daddy rito.
Kinamusta lang ako ni Dad at nagtanong ng tungkol kay Chescka. Ni minsan kasi ay hindi pa sila nagkita ng anak ko. Sa picture, siguro. Pero sa personal ay hindi pa.
Hindi naman sumasali si dad kapag nakikipag-video call si Mama sa amin. Alam ni Chescka na may Lolo siya. Sadyang hindi ko na lang din pinilit na magkaharap sila dahil na rin sa nakaraan.
Hindi pa ako nakakahingi ng tawad kay Dad. Pagkaalis kasi no'ng dalawa ay siya namang pagdating ng nurse para tingnan ang lagay ni Dad. Pagkatapos no'n ay natulog na si Dad.
7pm na at oras na ng kain ni Dad. Naubos naman niya iyong ni-request niya sa aking vegetable salad, nilagang baka at kaunting kanin. Naghagilap pa ako kung saan ako makakabili ng gusto niya, mabuti na lang talaga at maraming malapit na kainan dito.
Nagpapahinga na ulit si dad at inaantay ko na lang si Mama para maging kapalitan ko sa pagbantay kay Dad.
Nakatuon ang atensyon ni Dad sa tv na nandito sa private room niya. Balita ang palabas kaya tahimik lang din ako.
Pakiramdam ko ay malapit ng mapanis ang laway sa bibig ko. Ang awkward na rin ng ambience. Nakakabinging katahimikan at tanging ingay lamang ng telebisyon ang maririnig.
"Claudia… I'm sorry,"
Mabilis akong napalingon kay dad dahil sa narinig ko. Nasa tv pa rin ang atensyon niya. Nagkamali lang ba ako ng rinig?
"I'm sorry, anak," sabi ni dad na ngayon ay nakalingon na rin sa akin.
"D-daddy…"
"Gusto ko lang magkaroon ka ng magandang buhay kaya pinilit kitang umalis dahil ayokong masaktan ka sa kung anong pwedeng mangyari kapag nanatili ka rito."
Nangilid ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagbalik ng mga alaala na naging dahilan para lumayo ang loob ko kay Dad.
"Daddy, please, dito na lang ako… ayokong umalis. Please, dad."
Pagmamakaawa ko kay Dad habang nakaluhod sa harap niya.
Simula ng sinabi niya ang desisyon niya ay hindi ako mapalagay. Ayokong umalis, kaya ko namang magbuntis na nandito pa rin ako sa Pilipinas. Pwede naman ako sa probinsya, `wag lang sa labas ng bansa.
"You need to go, Claudia. That's my final decision." Blangko lang ang ekspresyon ni Dad.
"Susundin ko lahat ng gusto mo, dad. Just please, I want to stay here…"
"Enough!"
Nasindak ako sa biglaang pagsigaw ni Dad. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng library.
"Ronnel, kumalma ka. Buntis ang anak mo, intindindihin mo ang sitwasyon n'ya," sabi ni mama saka ako dinaluhan para alalayang makatayo.
"Ayan! Kaya tumitigas ang ulo niyan dahil kinukunsinti mo!" Baling ni Dad kay Mama.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nagpapalitan sila ng sagutan.
"Buo na ang desisyon ko at hindi na mababago iyon. Makakalabas na kayo…"
Huling sulyap sa akin ni Dad na mababakas ang galit sa mukha nito saka bumalik sa tapat ng laptop nito at doon na tinuon ang atensyon nito.
…
Napakurap ako ng maramdaman ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"Ayokong umasa ka kay Sean dahil lang sa magiging anak n'yo. Ayokong pakasalan ka niya dahil sa sitwasyon na mayro'n kayo noon. Ayoko, anak na isalang ka pa sa mabigat na responsibilidad. Tama na `yung sa anak mo lang. Tama na Chescka sa panahon na iyon dahil ayaw kitang makitang masaktan at mawasak habang bata ka pa."
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy ang luha ko dahil sa mga naririnig ko.
"Pasensya kana anak kung inisip kong hindi mo kaya. Pasensya na kung wala akong tiwala… dahil nasira na iyon ng malaman kong nagdadalang-tao ka. Nasira ang tiwala ko sa inyong dalawa ni Sean, anak. Patawad."
Napahikbi ako at sa unang pagkakataon simula ng bumalik ako rito… mabilis kong tinawid ang agwat namin ni Dad saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry, daddy. I'm so sorry…"
Naramdaman ko ang ganting yakap sa akin ni Dad habang marahang tinatapik-tapik niya `yung likod ko.
"Sshhh… napatawad na kita bago ka pa man humingi ng tawad. Anak kita, mahal ka ni Daddy."
Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay para akong bumalik sa pagkabata. `Yun bang kapag nadapa ako at umiyak ay kay Dad ako tatakbo para magpaalo sa kanya.
Ang init ng pakiramdam… ang gaan sa loob. Parang natutunaw ang puso ko habang nakakulong ako sa mga bisig ni Dad.
"Sean knows that you have a daughter pero pinigilan ko siyang huwag kayong guguluhin hangga't hindi kayo nakakabalik dito."
Napahiwalay ako ng yakap kay Dad, at gulat siyang tiningnan.
Napansin ko ang ngisi sa kanyang labi. "Hindi ka niya guguluhin, anak… kung hindi mo siya papayagan," sabay kindat pa niya sa akin.
What?
===
©J. O. Arandia

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    BarojaboErick

    sana makakoha ako ng diamond

    29/12

      0
  • avatar
    Princess Pis-an

    nice story I love it

    27/11

      0
  • avatar
    Vyella Cazrine San Pedro

    ganda ng storyyy

    07/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata