Chapter 36

Claudia's POV
DITO ako sa restroom dumiretso nang iniwan ko silang dalawa.
Mabilis kong pinahid ang namumuong luha sa mga mata ko. Ayokong makita ako ng mga kaibigan ko sa ganitong sitwasyon. Wrong timing naman si Sean. Kaasar!
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng sleeveless casual dress, above the knee at pinaresan ko ng wedge na sandals. Fitted ito sa itaas ng katawan ko, wavy naman pagdating sa beywang ko hanggang pababa.
Light makeup lang ang nilagay ko sa mukha ko. Tamang hindi magiging putla ang labi ko at hindi gaanong mapapansin ang eyebags ko.
Ilang sandali ko pang pinagmasdang ang mukha ko sa harap ng salamin habang kinukundisyon ko ang sarili ko.
Napakurap ako nang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa shoulder bag ko.
Mabuti at nandito ako sa banyo, nakalimutan kong i-silent ito. Gulat akong napatingin sa screen nang makita kong si Jessa ang caller.
"Hello?" Kagat-labi kong sagot.
"Nasaan ka? Sabi ng kaklase natin ay nakita ka na nila rito kanina."
Akala ko ay bubungad sa akin ang inis niyang boses pero nakakapagtaka na nag-aalala ang tono niya. May nakakita ba sa amin ni Sean? Napasinghap ako.
"Nandito lang ako sa CR, papunta na rin ako riyan."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Okay, sige. Hihintayin ka namin."
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag nang bigla ulit iyong tumunog.
"I'm okay, Jessa. Papunta na ako riyan kaya hindi mo na kailangan mag-alala," bungad ko kaagad pagkasagot ko ng tawag.
"Ha?" Sagot ng kabilang linya.
Napakunot tuloy ako ng noo nang mapansin kong iba ang boses ng kausap ko. Tiningnan ko ang screen nang phone ko, gulat pa ako ng makita kong si Mama iyon.
"Hello? Anak? May problema ba riyan?" Tanong ni Mama.
"Wala, Ma, akala ni Jessa ay late ako. Naglibot kasi ako sa school at nandito ako ngayon sa CR." Pagdadahilan ko.
"Oh, I see."
"Bakit po kayo tumawag?"
"Right. Hindi ko nasabi sa iyo kanina na may lakad kami ng Daddy mo. Hindi ko sure kung uuwi ka mamayang lunch pero nilutuan na kita nang ulam mo. Nasa ref, initin mo na lang. Wala ang mga kuya mo. Baka magtaka ka na wala kang madatnang tao sa bahay." Paliwanag ni Mama.
"Okay, Ma. Ingat kayo ni Daddy."
"Sure, goodluck diyan. Fighting!" Narinig ko pang humagikgik si Mama kaya naman napangiti ako.
"C'mon, Hon, baka ma-late tayo," rinig kong sabi ni Daddy sa kabilang linya.
"O'siya, ibaba ko na. Take care, love you."
"Love you too, Ma."
Narinig ko na lang ang tunog ng end call.
Napatingin ako sa entrance nang CR nang may nagmamadaling pumasok. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong si Chonna iyon.
Mabilis siyang pumasok sa isang cubicle saka roon nagduduwal. Para siyang lasing na nasobrahan sa alak kaya siya suka nang suka.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Anong gagawin ko?
Ilang sandali pa ay narinig ko naman ang mga yabag niya palapit sa gawi ko. Nagulat siya ng magtagpo ang tingin namin sa salamin pero kaagad din naman siyang nagbawi ng tingin saka nagmumog.
Bakas ng luha ang mga mata niya habang namumutla naman ang buong mukha niya. Inabot ko sa kanya ang isang pack ng tissue ko dahil napansin kong wala siyang dalang pamunas.
"Thanks," sabi niya nang kinuha niya iyon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang awkward.
"O-okay ka lang?" Alanganing tanong ko.
Napansin kong saglit siyang natigilan.
"Yes, it's just normal because for the first trimester of being pregnant women."
Ako naman ang natigilan sa sagot niya. Tumango na lang ako at saka na naglakad paalis pero napahinto ako nang tawagin niya ako kaya naman nilingon ko siya.
"Goodluck," tipid siyang ngumiti saka na muling ibinalik ang tingin sa salamin.
Hindi na ako nag-reak pa bagkus lihim akong nagpasalamat na walang ibang tao ngayon dito dahil sa kondisyon niya.
Pareho kaming nagulat nang makita ko si Sean sa labas ng CR. Lumingon ako sa loob saka muling binalik ang tingin sa kanya.
Ah, kaya pala walang pumapasok dahil may bantay sa labas. Lalapit pa sana sa akin si Sean, kaso may palapit na grupo ng estudyante. Iyon ang una niyang nilapitan para harangin at pagbawalang pumasok sa loob.
Mapait akong ngumiti ng maalala ko ang sinabi ni Sean nang kasagsagan pa ng issue about sa PT na nakita nila sa CR ng mga babae.
Kaya pala gano'n na lang siyang ka-confident ay dahil may alam siya.
Bumalik sa isip ko iyong sinabi niya sa akin kanina. Na huwag ko raw gustuhin si Levi.
Hindi ko alam kung bakit may gana pa siyang sabihin iyon sa akin gayong may Chonna na sa buhay niya at madadagdagan pa. Tsk!
Nagagalit ako sa kanya pero tinatalo nang feelings ko para sa kanya ang galit na nararamdaman ko. Ang daya!
Lumakad na ako palayo habang busy pa siyang kausapin ang grupo ng estudyante.
.
.
.
Bumungad sa akin ang boses ng host. Halos mapuno na rin ng tao ang court. Dumadagundong ang ingay sa paligid at ramdam na ramdam ang kasiyahan ng mga estudyanteng nanonood.
Bakas sa mga mukha nila ang excited at pagkatuwa!
Mabilis na akong naglakad papunta sa booth dahil paniguradong kumpleto na ang team namin at ako na lang ang hinihintay. Baka masermunan pa nila ako. Tsk!
"Sorry, gumala lang ako at hindi ko namalayan ang oras." Nakangiwi kong sabi pagkalapit ko sa kanila.
Kumpleto na nga kami. Nandito sina Jhayrone, Cedrick, Chime, Levi, Tyra, Chincky at Jessa. Kami ang magkakasama sa booth. Team kaming walo.
Lahat sila ay may hawak na cellphone. May mga balloons din sila, iyong mahahaba. Daig pa ang may concert mamaya.
"It's okay. Dito muna kayo ni Levi dahil mamaya pa naman kayo mag-pe-perform. Just relax, okay?" Kalmadong sabi ni Jessa.
Nang tingnan ko silang lahat ay excited din sila. Nakaupo si Cedrick habang nasa harapan nito ang laptop niya. Katabi niya sina Tyra, Chime at Chincy. Si Jhayrone naman ay naka-assist kay Jessa.
Magkatabi kami ni Levi ngayon at ngayon ko na nararamdaman ang kaba ko nang maalala ko kung gaanong karaming estudyante ang nanonood.
Narinig ko ang paninimula ng event. Prayer, some music at sunod-sunod na.
Galing sa section A ang host. Isang lalaki at babae at masasabi kong ang galing nila. Sila ang nag-i-introduce nang mga nag-pe-perform. Ang galing nilang mag-entertain dahil pareho silang kwela. Hindi ko nga lang sila gano'n ka-close.
Second, minutes, and hours have passed. Mas kinakabahan ako. Nang tingnan ko si Levi ay tamang pagkain lang ng candy ang ginagawa habang nag-i-scroll sa phone niya.
Napatingin ako kay Jessa nang lumapit ito sa amin.
"Be ready guys, after the two performer's ay kayo na." Nakangiting sabi nito saka muling naglakad palayo.
Nilingon ko si Levi at nagulat pa ako nang mapansin kong nakatingin pala ito sa akin. Mukha siyang relax na relax, kakainggit.
"Nang-aasar ka ba?" Inis na tanong ko sa kanya.
Ang loko, bigla akong tinawanan.
"Namumutla ka, Claudia," sinundan niya uli iyon ng pagtawa. Sinamaan ko nga siya ng tingin pero walang epekto iyon sa kanya. Napapadyak tuloy ako.
"Natatandaan mo iyong sinabi ko sa iyo?" Nilingon ko siya at pilit inalala kung alin ba sa mga sinabi niya ang tinutukoy niya ngayon.
"Kumanta ka na para bang ipinahahayag mo sa kanya ang nararamdaman mo. Idaan mo sa simyo ng musika ang nais mong iparating sa kanya. Kumanta ka na para bang siya ang nakikita mo, sa paligid mo."
Pinagkatitigan ko siya ng matagal. Tama, iyon ang sinabi niya dati nang nag-aalangan ako.
"Ito ang pagkakataon na ilalabas mo ang feelings mo para sa kanya nang hindi mo direktang sinasabi sa kanya. Pagkatapos nito, saka ka magdesisyon kung ipagpapatuloy mo pa ba o ipapaubaya mo na lang siya sa iba."
Naglinyahan ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya o kung dapat ko bang sagutin iyon.
"Minsan ang pag-ibig, masakit kapag ipinipilit. Kaya dapat alam mo kung dapat pa bang ipaglaban o dapat na bang sukuan para hindi ka maubusan ng pagmamahal para sa sarili." Napansin kong yumuko siya at ramdam ko ang bigat ng emosyon niya.
Napaangat ako ng tingin nang tumayo siya.
"Guys, kayo na!" Sigaw ni Jessa.
Tumayo na rin ako kahit pa naguguluhan ako sa sinabi ni Levi.
Magkasabay kaming lumakad papuntang stage. Natigilan pa ako nang makita ko ang picture naming dalawa ni Levi na siyang nasa background namin. Para talagang concert ang dating!
Saglit kaming in-introduce nang host. Nagpalakpakan ang mga audience at saka na pumailanlang ang musikang nakatakda naming kantahin ni Levi.
Magkaharap kami sa stage at parehong may hawak na microphone. Ngumiti sa akin si Levi saka marahang lumapit sa akin na siyang nagpatili sa mga nanonood.
"Isipin mo, ako si Sean. Kumanta ka nang galing diyan sa puso mo," bulong niya sa akin.
"I could stay awake just to hear you breathing
Watch you smile while you are sleeping
While you're far away and dreaming…"
Sinimulan ng kumanta ni Levi sa nakatokang lyrics sa kanya.
Huminga ako ng malalim bago ko sinimulan ang sa akin.
"I could spend my life in this sweet surrender
I could stay lost in this moment forever…"
Kanta ko habang inaalala ko ang mga araw na magkasama kami ni Sean sa bahay. Sweet surrender, yes.
Magkasabay naming kinanta ang chorus. Mas maraming lyrics na kinanta si Levi habang ako'y naging second voice lang niya. At mas gusto ko iyon.
Nagtama ang tingin naming dalawa at pansin kong punong-puno ng emosyon ang mga mata niya na para bang tulad ng sinabi niya, na isipin namin ang taong mahal namin.
Sila ang kantahan namin kahit na ba na kaming dalawa ang magkaharap ngayon. Gano'n ang nakikita ko sa kanya.
Nagulat ako nang paglingon ko sa background ng stage ay siya namang pag-paskil nang mga picture namin ni Levi.
Iyon yung mga araw ng practice namin, mula sa garden ng school, playground sa subdivision at maging sa bahay nina Levi, may picture kami!
Iyong iba ay stolen shot dahil hindi kami nakatingin, iyong iba naman ay crop dahil alam kong group picture iyon na kaming dalawa lang ang pinakita.
Nilingon ko si Levi pero napakurap ako nang bigla kong makita si Sean sa harapan ko imbes na si Levi. Nakatayo siya habang nakatingin sa akin.
Am I dreaming?
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at marahan niya iyong pinisil. Doon ko naalala ang kanta, kung anong nangyayari ngayon.
Ang kaso sa biglaang pagkanta ko sa chorus, narinig ko ang boses ni Levi. Para akong nagising sa isang panaginip.
Naririnig ko ang sigawan nang mga nanonood. Gusto nila ang pag-perform namin.
Gusto nila, pero gusto ba kami nang taong mahal namin? Hindi. Salungat iyon sa reyalidad.
Magkasabay naming kinanta ni Levi ang duet na lyrics.
At ng solo na ni Levi ang pagkanta ay nakita ko sa mukha niya ang madamdaming pagkanta niya na para bang sinasabi niya ang lyrics na ito kay Chonna. Na siyang mahal niya.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya dahil sa mataas na tono ng parte nitong kanta. Naramdaman ko rin naman ang pagpisil niya sa kamay ko na para bang sa ganoong paraan niya sinabi na kaya ko.
Sa ginawa niyang iyon, na-realized ko na siya pala ang humawak sa kamay ko kanina. Hindi si Sean, ilusyon lang ang nakita ko kanina. At kahit na kailan man, malabong magkakatotoo iyon.
Magkasabay naming kinanta ni Levi ang mataas na tono ng chorus na para bang sabay rin naming sinasabi sa sarili namin na kaya namin. Kaya naming makaraos sa mataas na pagsubok.
Magagawa rin naming maka-move on--- tama. Mukhang ito ang dahilan kung bakit ginawa namin ito ngayon. Para palayain ang damdamin namin. Once and for all.
Masigabong palakpakan ang natanggap namin ng matapos kami sa pagkanta. Maging ang mga host ng event ay bakas ang tuwa at pagkabilib sa nakita nila.
Pinaghandaan ba naman namin ito, eh. Plus, certified singer ang parents nitong kasama ko kaya naman hindi na ako magtataka kung ganito ang reaksyon nila. Sabit lang ako.
Nilibot ko nang tingin ang paligid.
"Kiss!"
"Kiss!"
Sigawan ng mga nanonood. Bigla akong kinabahan. Nanunukso naman ang dalawang host na nasa gilid namin.
"Hey! Behave lang kayo at baka palayasin tayo rito," suway ng babaeng host. "Pero sige na, friendly kiss lang!" Kinikilig pang udyok nito.
Napatingin ako sa harapan ko at doon ko nakita si Levi na nag-aalangan sa request na iyon. Maski ako, hindi ko gusto iyon.
"Kiss! Kiss!" Muling sigaw nila.
Napansin kong lumapit sa akin si Levi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi na ako nakapag-reklamo nang halikan niya ako sa pisngi. Kung halik bang matatawag iyon gayong parang nakipag-beso lang siya sa akin.
Nang tingnan ko ang paligid ay bakas ang pagkadismaya nila. Lihim tuloy akong natawa dahil naisahan namin sila.
Mabilis na napalis ang ngiti sa labi ko ng mapadako ang tingin ko sakto sa kung nasaan sina Sean at Chonna.
"Isa pa! Isa pa!" Pangungulit ng mga nanonood.
"Hep! Friendly kiss iyon kaya okay na," suway nang lalaking host.
Rinig ko pang usapan sa paligid ko habang magkatitigan kami ni Sean.
"Tara, may bago nang mag-pe-perform," sabay alalay sa akin ni Levi dahilan para mabaling ko ang tingin ko sa kanya.
"Ha?" Wala sa sariling tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa booth.
Napansin ko ang lokong ngiti niya. "Lutang ka na naman, malala kana. Hulog na hulog kana kay Mr. Chua," sabay tawa niya.
"Aww!" Daing niya nang sikuhin ko siya.
Kung makapagsabi akala mo hindi siya patay na patay kay Chonna. Kaasar!
Narinig kong may sinabi pa siya pero hindi ko masiyadong naintindihan dahil sa pagsasalita nang host.
Ang narinig ko lang ay 'nagising' at 'katotohanan'.
Kumibit-balikat na lang ako saka ko hinanap si Cedrick sa booth nang makabalik na kami.
Alam kong siya ang nag-edit nang mga picture namin ni Levi, yari siya sa akin!
===
©J. O. Arandia

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    BarojaboErick

    sana makakoha ako ng diamond

    29/12

      0
  • avatar
    Princess Pis-an

    nice story I love it

    27/11

      0
  • avatar
    Vyella Cazrine San Pedro

    ganda ng storyyy

    07/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata