Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 33
Claudia's POV
ISA lang ang masasabi ko, ang ganda ka-bonding ng mama ni Levi.
Para lang silang mag-barkada. Parang tulad sa bahay, si Daddy lang talaga ang laging wala dahil nakatuon ang atensyon niya sa work.
Nasa sala sina Cedrick at Tyra kasama nila ang mama ni Levi, habang kaming dalawa ay magkatabing nakaupo sa harap ng piano. Subukan daw naming kumanta habang nag-pa-piano siya.
Nasabi rin kasi niya sa akin na dito nila ginawa ang pag-voice record nila ng mama niya.
Malapit lang naman ang pwesto namin sa sala kaya tanaw namin ngayon ang dalawa na sige sa paghaharutan. Paano ba naman, kung mag-subuan ng pagkain sa harap ng mama ni Levi ay feel at home.
Nang mapatingin ako sa mama ni Levi ay napansin kong nakatingin pala ito sa akin. Ngumiti siya kaya naman gumanti rin ako ng ngiti saka ako bumaling kay Levi.
"Ready?" Tanong niya.
Tumango ako. "Game!"
Napatingin ako sa mga daliri niyang nagsimula ng magtipa sa mga tiles ng piano. At doon, sinimulan na niya ang pagkanta.
Bumuntong-hininga ako kasabay ng pagbalik-tanaw ko sa nagdaang mga araw kung saan nakikita ko ang mapag-pasyensyang imahe ni Levi.
Tipong kahit na ba iniinis ko na lang siya ay parang wala lang iyon sa kanya, samantalang tinutulungan lang naman niya ako.
Unang-una, ako ang obligadong mag-perform, napasama lang siya. Napangiti tuloy ako.
Lahat na yata nang gusto ng isang babae ay matatagpuan na sa katauhan ni Levi.
Lumingon siya sa akin nang ako na ang kakanta. Nakangiti siya kaya naman ngumiti rin ako.
Sa pagkanta ko ay siya namang pagpasok ni Sean sa isip ko. Daig pa ang nagbura ng mga nakasulat sa pisara, ang pagbura ng isip ko kay Levi. Pinalitan iyon ni Sean.
Bakit kaya ganito ang naging kapalaran naming dalawa?
Bakit hindi na lang kaya naging kami? Iyong totoo ha…
Bakit kailangan pa niyang bumalik sa ex niya?
Naalala ko bigla iyong huling pagpunta niya sa bahay. Iyong itsura niya habang naglalakad siya palayo sa akin.
Guni-guni ko lang ba iyon?
Gawa-gawa lang ba ng isip ko iyon para maawa sa kanya?
Napailing ako. Doon bumalik ako sa kasalukuyan.
Hindi na tumutugtog si Levi at nakatingin na lang ito sa akin.
Gano'n ba kalalim ang isip ko?
"Okay ka lang?" Maingat niyang tanong sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. Dapat hindi ko siya iniisip sa ganitong sitwasyon. Nakakahiya.
"Tara, makisalo muna tayo sa kanila," aya niya sa akin.
Magkasabay kaming lumapit sa pwesto nina Tyra.
"Bakit kayo huminto?" Takhang tanong ng mama ni Levi.
"Gutom na po si Claudia, Mom."
"Ohh,"
Nilingon ako ng mama ni Levi. Imbes na ngiti ay paniguradong ngiwi ang naibigay kong reaksyon dito.
Bakit ba naman kasi ang pangit ng dahilan ni Levi. Jusko!
***
NAGLALAKAD na ako ngayon papuntang room.
Maaga ang dating ko ngayon dahil ang aga ring manggising ni Daddy. Gusto raw niyang ihatid ako sa school. Nakakapanibago.
Nagtaka ako dahil sa ikinikilos ng ibang estudyante, umagang-umaga pa lang pero parang ang active na nila.
Ang nakakapagtaka lang ay hindi na nila ako tinatapunan ng nakakainis na tingin di tulad dati. Sa iba nakatuon ang atensyon nila at mabuti iyon.
Ano kayang mayro'n?
"Talaga!? Na'ku sino kaya iyon?"
Natigilan ako ng marinig ko ang usapan sa nadaanan kong kumpulan.
"Sayang! Wala kasing cctv sa hallway ng CR, paano nila malalaman kung sino iyon?" Sagot naman ng isa.
Hindi ko maintindihan. Minabuti ko na lang na dumiretso sa room.
Pagpasok ko ay kaunti pa lang ang tao. Umupo na ako sa pwesto ko saka ko kumuha ng notebook para magbasa muna ng lesson.
Napangiti ako ng makita ko ang sobre sa loob ng bag ko. Iyon iyong lagayan ng ticket na ibinigay sa akin ni Jessa kahapon. Imbes na ticket, pera na ang laman nito ngayon.
Kagabi kasi habang naghahapunan kami. Nabanggit ko kila Mama ang tungkol sa ticket na kailangan kong ibenta.
Nang una ay nagtataka sila kung bakit may gano'n pang senaryo. Pinaliwanag ko na lang sa kanila. At iyon, sila na rin ang bumili ng ticket para raw wala na akong alalahanin pa. Sold out kaagad ang 100 pcs na ticket! Hehehe
"Uy narinig n'yo na ba ang usapan sa labas?"
Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang kaklase ko. Sa likuran ko iyon nakaupo at dahil maaga pa lang kaya naman iyong dalawang kaibigan niya ay nakatabi sa kanya.
"May nakita raw silang pregnancy test sa cr ng mga babae," sabi nang isa.
What!? PT?
Kaya pala gano'n na lang ang chismisan sa labas.
"Kung estudyante iyon, kawawa naman. Masisira ang future niya dahil sa kagagahan niya." Nakaismid na sabi ng isa.
Napakurap-kurap ako. Paano na nga ang future no'n kung nabuntis siya ng maaga? Nakaramdam ako ng lungkot.
Napalingon ako sa gilid ko ng mapansin kong may umupo ro'n. Si Sean. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko.
Hindi nagtagal at dumarami na ang mga kaklase ko. Natanawan ko na rin sina Jessa, Chincy at Tyra.
Kinawayan nila ako kaya naman gano'n din ang ginawa ko. Kaso, natigilan ako ng mapansin kong nakatingin pala sa akin si Sean. Otomatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Kainis.
Nagsimula ang klase. Discussion then quiz after.
Ang sumunod ay nagpasulat lang dahil may meeting daw itong pupuntahan.
Iyong isang teacher naman, in-open ang chismis sa school.
Bale, may natagpuan daw na pregnancy test sa CR ng mga babae kahapon. Iyong janitress ang nakakita, tapos dinala sa guidance iyon.
Sinabi rin ni ma'am na nakakalungkot ang umiiral na isyu ngayon sa school. At sana raw, lahat ng mga senior ngayon ay matapos ang taon na ito.
Hindi nila matukoy kung kanino at sino ang gumamit ng PT. Walang cctv sa hallway papuntang cr at sa paligid nito. Iyon kasi ang request ng mga parents noon dahil nga gusto nila ng privacy sa mga anak nila. At ngayon nga na may ganitong pangyayari, ang mga school organization tuloy ang paniguradong sumasakit ang ulo.
Ano bang balak nila?
Hanapin iyong tao na iyon?
At ano naman ang gagawin nila pagkatapos?
Hindi ba't mas maganda kung hindi na lang dinala ng janitress iyong PT sa guidance. Hindi na lang sana nila pinaalam sa iba. Konsiderasyon sa kung anong kahihinatnan nang may-ari no'ng PT.
Napabuntong-hininga tuloy ako.
"Relax, lilipas din ang isyu na ito."
Napalingon ako kay Sean nang magsalita siya. Hindi naman siya nakatingin sa akin.
May alam kaya siya?
May lead na kaya?
Gusto ko sanang magtanong sa kanya kaso naalala kong hindi nga pala kami close. Che!
Hindi ko siya pinansin. Walang teacher ngayon pero nandito kami sa room at naghihintay na matapos ang oras para makapag-break time na.
Naalala ko iyong ticket! Binuksan ko ang bag ko saka ko kinuha ang sobre.
Napatingin ako sa president ng section A, si Patricia. Naglakad na ako palapit sa kanya pagkasara ko ng bag ko.
"Ah… ito na pala iyong pera."
Napansin kong kumunot ang noo niya. At ng maintindihan niya ang sinabi ko ay gulat niya akong tiningnan.
"Naubos mo iyong ticket?"
Ngumiti ako. "Binili ng pamilya ko kaya sold out kaagad."
Kinuha naman na niya ang sobre.
"Kay Joanna ka dapat lumapit. Siya ang treasurer natin, siya ang naka-assign sa perang kikitain ng ticket. Pero sige, ako na ang bahalang mag-abot nito. Salamat at good luck!" Sabay ngiti niya.
Tumango ako at naglakad na pabalik sa upuan ko.
***
UWIAN na.
Mag-isa lang ako ngayon palabas ng school. Hindi ko pa natawagan si Mama dahil hindi ko rin sigurado kung magpapasundo ba ako o mag-commute na lang para hindi siya maabala.
Napabuntong-hininga ako. Kasama ang grupo sa pangkalahatang practice ng mga senior.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi ako kasali ro'n, hindi rin naman kasali si Levi sa practice pero maaga itong umuwi.
Sinundo ito kanina ng mama niya kaya kahit hindi pa oras ng uwian ay nakaalis na ito. Muli akong bumuntong-hininga.
Nagulat ako ng may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Bumababa ang salamin nitong bintana. Kusang nawala ang emosyon sa mukha ko ng makita ko kung sino ang sakay nang kotse.
"Sumabay kana sa akin, Claudia."
Nakatingin lang ako sa kanya. Sa tingin ba niya ay sasakay ako sa kotse niya? Baka mamaya ibangga pa niya iyan.
"May lakad ako, Chonna." Walang ganang sagot ko.
Nakita ko ang pagkagat-labi niya. Nag-iisip kung anong sasabihin.
"Pwede ka bang makausap? Kahit saglit lang?"
Lihim akong nainis. Para siyang si Sean, bagay na bagay sila. Mga feeling close.
"Please?"
Pangungulit niya pa. Mabibigat ang hakbang ko palapit sa kotse niya. Napansin kong lumapit siya para buksan iyon, gusto niyang magkatabi kami.
Pagkasara ko ng pinto nitong kotse ay umalis naman na kami kaagad.
.
.
.
DITO niya ako sa coffeeshop dinala. Hinayaan ko lang siyang mag-order dahil wala naman akong balak na magtagal dito, lalo na kung siya ang kasama ko.
Dumating na iyong in-order niya. Lasagna at flavored coffee ang order niya. Same kami.
Nagsimula na siyang kumain habang ako, nakatingin lang sa kanya.
Maganda si Chonna, maputi, may pagkasingkit at higit sa lahat, flawless. Para siyang model na kahit anong ipasuot mo ay paniguradong babagay sa kanya. Kumbaga mas mukha pa siyang babae kaysa sa akin.
Kapag pinagtabi kami ay paniguradong siya kaagad ang pipiliin. Pinipili, habang ako ay ipinagpapalit. Tsk.
"Ayaw mo ba niyan?"
Mayamaya ay tanong niya. Halos kalahati na kasi ang nakain niya samantalang ako ay pinapanood ko lang siya. Feeling ko tuloy, ako iyong boyfriend niya. Kakainis ha!
"Diretsuhin mo na lang ako, Chonna. Anong kailangan mo?"
Binitawan niya iyong kutsarang hawak niya. Uminom siya ng tubig, inabot niya ang tissue saka ipinunas iyon sa bibig niya.
Tiningnan niya ako sa mga mata at dahil doon, pakiramdam ko ay paniguradong hindi ko gugustusin ang kung ano mang sasabihin niya.
Kailangan ko na bang takpan ang tainga ko?
Bumuntong-hininga siya na para bang kumukuha siya ng lakas nang loob.
"Buntis ako, Claudia."
Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay para akong isang papel na pinagpupunit dahil sa sinabi niya.
"B-buntis ka?" Halos kandabulol kong tanong. Baka kasi mali lang ang narinig ko.
Ngunit sa sunod-sunod niyang pagtango. Pakiramdam ko na ano mang oras ay mahuhulog ako sa kinauupuan ko.
Napansin ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
Bakit siya umiiyak?
Dapat ako ang umiiyak! Ako ang nasasaktan ngayon!
"I'm sorry, Claudia."
Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng pag-iling ko.
"Excuse me," saka ako mabilis na tumayo.
Bastos man itong gagawin kong pag-iwan sa kanya kahit na ba alam kong buntis siya. Pero bahala na.
Tawagan niya si Sean para sunduin siya. Basta ako, gusto kong mapag-isa.
Pagkalabas ko pa lang sa main door ng coffeeshop ay patakbo na akong lumayo sa lugar na iyon.
Sa nanlalabo kong paningin ay siya namang pagpatak ng mga butil ng ulan. Nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko. Timing, ha.
Ni hindi ko nagawang sumilong kahit pa mas lumakas ang buhos nang ulan. Para akong waterproof na tumatakbo sa kalsada.
Daig ko pa ang nagnakaw sa grocery store dahil sa mabilis kong pagtakbo.
Hindi ko namalayan ang isang pigura sa harapan ko, bumangga ako ro'n.
Naramdaman kong parang umikot ang paligid at siya ring mahigpit na pagyakap sa akin ng kung sino.
"Claudia…" tawag nito sa akin.
Nakita kong si Levi pala ito. Nakahawak sa payong ang isa niyang kamay habang ang kabila naman ay nakayakap sa akin.
Mabilis ko siyang niyakap. Sumiksik ako sa dibdib niya at doon ko binuhos ang lahat ng pwede kong mailuha.
Umiyak ako nang umiyak na para bang sa gano'ng paraan ay mababawasan nito ang sakit na nararamdaman ko.
Sobrang sakit!
===
©J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat