Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 32
Claudia's POV
Araw-araw ang practice namin Levi sa kanta.
Sa totoo lang, hanga ako sa pasensya na tinataglay ni Levi. Hindi ako singer, well… kumakanta naman ako pero puro acoustic at OPM lang at madalas sa banyo lang.
Hindi ko pa naranasang mag-perform unless group activity iyon sa school na kailangan talagang gawin. Pero hindi naman kasi ako active sa mga extra curriculum ng school. Ngayon lang, kung kailan graduating na ako sa high school.
Ang nakakatuwa lang na parte ng buhay ko ngayon ay nakikita ko ang saya sa mukha ni Mama. Suportado niya ako at talaga namang nakikita ko iyong reaksyon niya nang mga panahon na kapag pinapatawag siya sa school para umakyat sa stage dahil may award ang mga kapatid ko. Gano'n siya kasaya samantalang kakanta lang naman ako.
Sa araw-araw namin na pag-practice ay lagi naming kasama sina Chincky, Tyra, Jessa, Jhayrone, Cedrick at Chime. Napapansin ko rin ang camera na lagi nilang dala, at maging ang mga pagkain. Tipong kaming dalawa ni Levi ay kumakanta, habang sila, parang nag-pi-picnic lang.
Napapansin ko rin ang mga kakaibang ngiti nila na para bang may binabalak silang kalokohan. Nang sinabi ko iyon kay Levi, sabi niya, baka sila-sila lang din naman ang nagbibiruan. Hindi naman sila gagawa ng kilos na ikasisira naming dalawa o ikapapahamak namin dahil kaibigan namin sila. OA masiyado si Levi, ang lalim mag-isip parang si Jessa.
Magkakasama kami ngayong walo na naglalakad papunta sa cafeteria. Break time ngayon at napagpasiyahan ng grupo na rito na lang tumambay.
Pinili namin na sa mahabang lamesa na may sampung upuan pumwesto para kasya kami. Monoblock ang upuan at yari sa plastic ang lamesa.
Si Tyra at Cedrick ang bumili ng pagkain, sagot daw muna nila ang bayad. Taray kapag pumapag-ibig, nagiging galante. Sanaol!
"Kumusta ang practice n'yo?" Tanong ni Jessa.
Nasa kaliwa ko si Jessa, sa kanan ko naman ay si Levi. Katabi ni Jessa si Jhayrone sa kaliwa niya habang sa kanan naman ni Levi ay bakante ang upuan. Bale limang mga silyang pinagharap sa mahabang lamesa ang ayos.
Sa harapan namin nakapwesto si Chincky at Chime na may pinapanood sa phone. Hindi ko alam kung ano dahil naka-earphone sila at share sila ro'n.
"Okay lang naman, Jessa. Sana kayanin ni Levi ang pagturo sa akin," sabay tawa ko.
"Madali ka naman turuan, Claudia dahil may alam kana sa music. Pasaway ka lang talaga," sabay tawa niya.
Aba't---
"Mabuti naman. Ibibigay ko mamaya iyong ticket na kailangan nating mabenta para sa event. Inabot na kasi ng president natin, naiwan ko lang sa bag."
"Kailan ba talaga natin iyong mabenta? Paano ako na wala masiyadong friends dito sa school?" Nag-aalala kong tanong.
"Tutulungan ka naman namin, chill lang." Singit ni Jhayrone.
Tumango na lang ako. Ilang sandali pa ay natanawan na namin sina Tyra, parehong puno ng pagkain ang bitbit nilang tray. Kakalabitin ko na sana si Levi para utusang tulungan sila pero napansin kong tumayo na siya, gano'n din si Jhayrone dahil busy itong dalawa na nasa harapan namin.
"Anong mayro'n? Bakit ang dami n'yong binili?" Tanong ni Chincky pagkalapit nila.
"Nice, pre, inspired!" Pang-aasar ni Chime kay Cedrick.
"Sanaol, may inspirasyon," segunda naman ni Jhayrone.
Napansin kong nilingon siya ni Jessa kaya bigla ang tahimik niya. Lahat tuloy kami ay natawa.
"Dami n'yong sinasabi, kumain na nga lang tayo at baka maubusan tayo ng oras." Suway naman ni Tyra. Tumango ako.
Mabilis na naming nilantakan ang pagkain. Mga; burger iyon, jolly hotdog, pizza, snacks, shake, juice at bottled water.
Binuksan ni Tyra ang box ng pizza at biglang parang umikot ang paningin ko ng maamoy ko ang aroma ng cheese roon. Mabilis kong tinakpan ang ilong ko saka ko sinarang muli ang box ng pizza. Nagtataka naman nila akong tiningnan. Lalo na si Tyra na pansin ang pagkunot ng noo niya.
"Bakit, Claudia?" Tanong niya.
"A-ang…" hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.
Basta, ayoko ng amoy. Ayoko ng aroma ng pizza lalo na iyong amoy ng cheese! Parang ang sakit sa ilong. Parang nakakasuka, at parang amoy malansa. Basta hindi ko gusto!
"Huwag mong buksan, mabaho ang amoy." Iyon na lang ang sinabi ko.
Mas kumunot ang noo niya. "Hindi naman, ah. Saka binantayan ko iyan habang binabalot nila." Pansin ko na ang inis sa boses niya.
Nakaramdam ako ng bigik sa lalamunan ko. Sanay na ako sa pagiging mataray niya pero bakit ngayon na nakikita ko siyang naiinis at ako ang dahilan ay para na akong maiiyak.
"S-sorry," sabay hingang malalim ko para mawala itong bigik sa lalamunan ko.
Napansin kong lumambot naman ang ekspresyon sa mukha niya.
"No, no, nagtataka lang ako. Madalas naman tayong kumain ng pizza kaya nagulat lang ako. `Di bale, marami pa namang ibang pagkain," sabay ngiti niya.
Napangiti rin ako at katulad ng pagdaan ng eroplano sa kalangitan ay gano'n lang din kabilis na dumaan ang nararamdaman kong pag-iyak. Masaya na ulit ako.
Nang tingnan ko ang iba naming kasama ay nagkakatinginan sila at nagpapakiramdaman habang kumakain. Parang biglang may dumaang anghel dahil sa biglaang pagtahimik ng lamesa namin.
"Bago kayo umuwi mamaya, ipapaalala n'yo sa akin na kukunin n'yo iyong ticket n'yo, ha." Si Jessa ang nagsalita.
"Okay,"
"Sure."
Tinuon na namin ang atensyon namin sa pagkain.
Pasimple kong nilibot ng tingin ang paligid. Marami pa ring mga estudyante sa loob, tapos man na kumain ay nandito pa rin, iyong iba naman ay may mga sariling mundo at kanya-kanyang grupo.
Pagpasok pa lang namin kanina ay ramdam ko na ang mga tingin na ipinupukol nila sa grupo. Wala naman na akong magagawa ro'n dahil mata nila iyon. Tsk!
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang mas umingay ang lugar dahil maraming naghahabol na makabili ng pagkain nila. Wala na rin masiyadong maupuan, iyong iba pagkabili ay diretso na lang sa labas.
"Sean!"
Kusa akong natigilan ng may marinig akong tumawag sa pangalan niya. Nang pasimple kong sulyapan si Levi ay nakatingin din ito sa akin.
"Pare sumabay na kayo rito, wala ng pwesto." Narinig kong sabi ni Jhayrone.
Naramdaman ko namang siniko ni Jessa si Jhayrone.
"Oo nga, may bakante pa naman." Si Chimme ang nagsalita.
Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong tumayo si Chime at lumipat dito sa tabi ni Levi. Si Chincky naman ang pumwesto sa kaninang inuupuan ni Chime.
Nang tingnan ko si Sean ay napansin kong nakatingin din pala ito sa akin.
Simula nang magpunta siya sa bahay last week ay hindi na naulit iyon. Hindi na rin siya masiyadong namamansin kahit na ba magkatabi lang kami ng upuan sa room. Ibinaling ko ang tingin ko sa katabi niya, si Chonna.
Napansin kong nag-usap silang dalawa. Tumango naman si Chonna. Parang nagtatanong si Sean kung okay lang sa kanya na sumabay sa amin.
"Sige, salamat," mayamaya ay sabi ni Sean.
Nauna niyang nilapag ang tray ng pagkain nila at saka niya pinaghila ng upuan si Chonna. Nakaalalay siya rito at ingat-ingat. Akala mo naman matutumba si Chonna gayong uupo lang naman. Tsk!
Kung dati ay bihira na lang na mag-usap sina Sean, Cedrick at Chime, ngayon ay panaka-naka ko na silang nakikitang nag-uusap at nagpapansinan. Akala ko nga noong una ay magkakagalit ang tatlo, iyon pala hindi naman.
Pinilit kong hindi sila tingnan dahil sa mga sweet gesture ni Sean kay Chonna. Parang in love na in-love sila gayong may pag-punta pa sa bahay itong si Sean, jusko! Napaka-playboy!
"Okay ka lang?" Lihim na bulong ni Levi.
"Tapusin mo na lang iyang pagkain mo para makaalis na tayo," sagot ko sa kanya.
"Hoy! Ano iyang mga bulungan na iyan?" Nang-aasar na tanong ni Chime.
Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang pinansin pa. Pinasakan tuloy siya ng tinapay ni Chincy sa bibig.
"Ang ingay mo, kumain ka lang diyan," sabi pa niya. Napangiti tuloy ako.
Nauna kaming matapos ni Levi, actually, hindi ko na talaga tinapos iyong pagkain ko. Nawalan ako ng gana.
"Mauna na kami," si Levi ang nagsalita.
"Tapos na kayo?" Si Cedrick ang nagtanong.
"Oo, mauna na kami ni Claudia dahil may ituturo pa ako sa kanya."
Napakunot-noo ako. Ituturo? Tiningnan ko siya. Iyong tingin niya, sinasabi sa akin na makisama na lang ako.
Nang tingnan ko sila ay pare-pareho silang nagtataka.
"Nagpapaturo ako kay Levi sa Science. Next subject natin iyon after nitong breaktime. Sunod na lang kayo," nakangiti kong sabi.
Hinila ko na si Levi bago pa may panibagong magsalita. Baka hindi kami makaalis.
Oo, maaaring mapansin nilang umiiwas kami, pero mabuti na rin iyon. Hindi ko kayang manatili sa gano'ng sitwasyon at paniguradong gano'n din si Levi.
Muling namutawi sa isip ko ang pagiging maalaga ni Sean kay Chonna. Napaka-gentleman.
E'di sila na!
***
TULAD nang usapan kanina sa cafeteria ay ibinigay ni Jessa ang mga ticket na kailangan naming mabenta. Next month na gaganapin ang event, katapusan ng buwan. Isang linggo na lang ang natitira ngayong buwan kaya naman puspusan ang pagiging busy ng mga senior student.
May practice kami ngayon ni Levi, pero hindi na sa playground. Sa bahay na nila. Kasama pa rin naman namin ang iba pero si Cedrick at Tyra nga lang. Apat lang kami dahil a-attend iyong iba sa pangkalahatang practice ng senior.
Hinihintay ko na lang sila ngayon. Usapan kasi ay susunduin kami ni Levi gamit iyong kotse niya. May kotse rin si Levi pero hindi niya madalas gamitin at more on, pinag-da-drive siya ng driver nila. Si Cedrick at Tyra ang hinihintay kong dumating dito sa bahay. Ang tagal ng dalawang iyon.
Hindi rin nagtagal at dumating na ang love birds, este sina Tyra at Cedrick. Si Levi na lang. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na pupunta ako sa bahay nina Levi. Naroon kaya ang parents niya? Malaki kaya ang bahay nila?
Bago pa man ako lunurin ng sarili ko ng mga katanungan ay may narinig na kaming busina sa labas.
Nagpaalam naman na kami kay Mama. Si Daddy ay nasa library dahil may meeting daw na in-attend-an.
.
.
.
PAGTAPAK pa lang namin sa loob ng bahay nina Levi ay talaga namang namangha ako sa ganda.
White and gold ang combination ng kulay nang bahay nila. May chandelier din sa gitna ng hallway. Sa sala ay may red carpet. White ang tiles at sa sobrang linis no'n ay pwede ka ng manalamin!
Parang nakakatakot naman tumira rito. Mamahalin ang mga gamit tapos may mga vase pang nakatayo sa bawat sulok.
"Dito muna kayo, sasabihan ko lang si Mommy na nandito na kayo." Nakangiting sabi ni Levi nang hinatid niya kami rito sa sala.
Nasundan ko na lang siya ng tingin.
"Malaki rin pala ang bahay nila, ang ganda rito," sabi ni Tyra.
"Bakit? Gusto mo ng ganitong bahay?" Tanong ni Cedrick sa kanya.
"Hmm… ayoko. Mahirap linisin kapag masiyadong malaki ang bahay."
"Sayang. Plano ko pa namang itira ka sa malaking bahay, ikaw ang reyna sa kaharian natin."
Naikot ko ang bilog ng mata ko dahil sa banat na iyon ni Cedrick.
"Excuse ha, may single kayong kasama rito," sabi ko pa sa kanila. Walang respeto.
Tinawanan lang nila ako.
Kaasar ang dalawang ito.
Napalingon kami sa gawi ni Levi. May kasama na siya ngayon. Hanggang balikat niya ang babae, nasa twenty's ang itsura. Kapatid niya kaya? Magkamukha kasi sila.
"Guys, my Mom. Mom, classmate ko po."
Nanlaki ang mga mata ko. Nanay niya? Para lang silang magkapatid!
"I think your name is Claudia?" Baling sa akin ng Mama ni Levi.
Tiningnan ko si Levi. "Yes, ma'am," sagot ko.
Ngumiti ito sa akin saka ako nilapitan para yakapin.
"Unahin n'yo muna sanang makatapos ng pag-aaral bago kayo gumawa ng isang mabigat na responsibilidad," bulong niya sa akin bago siya humiwalay.
What?
Naguluhan ako sa sinabi niya.
Anong inaakala niya? Na jojowain ko ang anak niya?
"Mom!"
Gulat akong napatingin kay Levi ng tawagin nito ang Mama niya.
"Nagbibiro lang ako, ano ka ba naman," sabay tawa pa ng Mama niya.
Eh?
Okay lang ba silang mag-ina? Nang lingunin ko si Tyra at Cedrick ay pareho silang nagpipigil ng tawa.
Feeling ko ay nasa ibang kontinente ako. Hindi ako makasabay.
Alanganin akong ngumiti. Pero sa isip-isip ko, yare itong si Levi sa akin mamaya.
Humanda ka!
===
©J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat