Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 31
Claudia's POV
NANDITO kami ngayon ni Levi sa garden ng school at dahil wala kaming nagawa kahapon kaya naman kanina ng mag-breaktime ay inaya ako ni Levi na pumunta rito.
Sa canteen kami unang pumunta para bumili ng pagkain saka kami dumiretso rito. Hindi ko kasabay sina Chincky at Tyra dahil busy sila sa report nila mamaya. Habang si Jessa naman ay inaya ni Jhayrone. Ewan ko kung nasaan sila ngayon.
"Pakinggan mo ito," sabi ni Levi habang nakaabot ang kamay niyang may hawak na cellphone.
Parehas kaming nakaupo rito sa lapag. Magkatabi at kumakain ng biscuit, parehas din kaming may drinks.
Kinuha niya ang kamay ko saka roon nilagay ang phone niya. Napansin kong sinaksak niya ang earphone sa phone at saka niya isinuksok sa tainga ko ang kabilang dulo.
Music pala itong papakinggan ko. Natigilan ako. Pamilyar ang tunog.
Nakatingin lang sa akin si Levi. Nilagay rin niya ang kabila sa tainga niya kaya naman parehas kaming nakakarinig ng kanta. Pansin ko pa ang paggalaw niya na para bang kinakanta niya itong pinapakinggan namin.
Ito pala iyong kantang gusto niyang i-perform namin. Kinakanta ito ngayon ng boses nang lalaki at babae. Hinati ang bawat lyrics.
Malamig, malambot at may kataas ang kantang ito dahilan kaya mabilis kong inayawan ng i-suggest niya. Hindi pa rin pala siya sumuko.
Kulit!
Binalik ko rin naman kaagad sa kanya iyong phone niya pagkatapos naming pakinggan. At tulad nang una, ayoko pa ring kantahin namin ang 'I Don't Want to Miss a Thing'
"Anong masasabi mo?"
Pansin ko ang excited sa itsura niya. Napabuntong-hininga tuloy ako.
"Levi---"
"Ako at si Mommy ang nag-record ng kanta. Nagpatulong ako sa kanya para mahati ko ang lyrics. Well, siya talaga ang nag-ayos ng transition. Thanks to her," sabay tawa niya.
Natigilan ako sa dapat na sasabihin ko.
Siya at ang Mommy niya ang kumanta? Boses nila itong pinakinggan ko?
Gulat ko siyang tiningnan. Bakas naman ang ngiti sa mukha niya.
"Singer si Mommy. Both of my parents, actually. Nagkakilala sila sa gig at magkasama sila sa isang banda. They love music."
Paliwanag niya bago pa man ako magtanong.
"Kaya pala magaling kang kumanta at nahilig ka rin sa music, may pinagmanahan ka pala."
Nagkibit-balikat siya. "Sa ngayon ay nasa business world na sila, nag-desisyon silang huminto no'n simula ng malaman ni Dad na buntis si Mom."
"Sinuko nila ang musika?" Maingat kong tanong.
"Not really, mas priority lang nila ang pangangailangan ng isang pamilya. Kapag may mga okasyon naman ay tumutugtog sila. Hindi nila sinuko ang musika, isinantabi lang at ginawang libangan." Nakangiti niyang paliwanag sa akin.
"So… what do you think?"
"Ha?" Gulat kong tanong.
"Kako, anong desisyon mo? Okay ba ang kinalabasan ng kanta? May gusto ka bang ipabago?"
Hindi ako nakapagsalita.
Walang problema sa pagkanta nila. As in. Ang ganda pa nga ng revive nila, ang ayoko lang kasi ay iyong mismong kanta. Pang-love birds. Pang mag-jowa!
"I think hindi ka pa rin nakakapag-decide. Ipasa ko na lang muna ito sa iyo para mas mapakinggan mong mabuti. Kung may ma-suggest kang kanta, sabihin mo lang."
Tumango na lang ako. Napansin kong tumayo na siya at saka niya inabot iyong kamay niya para alalayan ako sa pagtayo ko.
"Thanks," sabi ko.
"Balik na tayo sa room." Aya niya.
Magkasabay na kaming naglakad.
***
NASA kwarto ko ako ngayon at naghihintay ng tawag.
Kanina bago mag-uwian ay nagsabi si Jessa na may practice raw. Sa playground ulit, dito sa subdivision kung saan ako nakatira.
Kasalukuyan kong pinapakinggan iyong kantang pinarinig sa akin ni Levi.
Ang ganda ng boses nilang mag-ina, parang certified singer. May emosyon ang bawat pagbigkas nila ng lyrics at habang paulit-ulit ko itong pinakikinggan ay lalo tuloy akong nagdududa sa sarili ko kung kaya ko bang kumanta ng ganito.
Nakaka-stress naman ang buhay ng higher section!
Hindi rin naman nagtagal at tinawag na ako ni Mama. May naghahanap daw sa akin, sumunod na ako kaagad para hindi na papasukin ni Mama. Baka magtagal pa kami at baka mag-aya na naman si Mama na rito kami sa bahay mag-practice.
.
.
.
Pagkarating namin sa Playground ay tulad pa rin kahapon. Walang tao, kami lang. Humiwalay ulit kaming dalawa ni Levi.
"May naisip ka na bang kanta?"
"Levi, ano… maganda naman yung kanta na napili mo. Ang hindi ko lang magustuhan ay, alam mo na… parang hindi angkop na kantahin nating dalawa. Naiintindihan mo ba?"
Iyon talaga ang inaalala ko. Hindi bagay sa amin. Hindi ko sigurado kung mabibigay ko iyong emosyon ng kanta. Wala akong inspirasyon, walang hugot, at baka kung ano lang ang maging kinalabasan kapag gano'n.
Pangit kapag ipinilit lang.
"I see. Naiintindihan ko na," tumatangong sabi niya.
"Salamat," nakahinga ako ng maluwag.
"Alam mo, Claudia, simula ng marinig ko ang kantang iyon, gusto ko iyong kantahin sa taong mahal ko."
Nilingon ko si Levi. Nasa malayo ang tingin niya habang nakangiti.
"G-gusto ko sanang kantahin iyon kay Chonna, pero mukhang malabo na."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Si Chonna na naman.
"Mahal mo si Sean, `di ba?"
Napansin ko ang seryosong tingin ni Levi sa akin. Parang sa tingin niya ay sinasabi na niyang huwag akong magsinungaling, kun'di lagot ako.
Umiwas ako ng tingin sabay ang buntong-hininga ako.
Bakit ba siya biglang nagtatanong ng ganyan? Alam naman niyang broken pa ako. Jusko!
"Isipin mo na parang kakantahan mo lang si Sean. Isipin mo na ito ang pagkakataon mong ipaalam ang kung anong nararamdaman mo sa kanya. Kung anong gusto mo. Kung paano tumibok ang puso mo ngayon."
"Levi---"
"Minsan ka lang magkaroon ng pagkakataon. `Wag mong sayangin iyon, `wag kang matakot sa kung anong magiging resulta. Ang mahalaga ay wala kang pagsisisihan."
"Pero---"
"Hindi mo naman sasabihin sa kanya ng harapan. Pero kung ano ang kinikimkim mong emosyon ay pakawalan mo kasabay sa ritmo ng kanta. Para kay Sean, Claudia, at para sa event."
Magkatitigan lang kami ngayon. Kitang-kita ko ang mga mata niyang punong-puno ng emosyon.
Paano nagawang iwan ni Chonna ang ganitong klase ng lalaki?
Napakurap ako ng ipatong ni Levi ang kamay niya sa balikat ko. Doon ko lang din napansin ang nagtutubig kong mga mata.
"Tutulungan kita, Claudia. Dalawa tayong tatayo sa gano'ng sitwasyon. Iyon ang pagkakataon nating dalawa." Nakangiti niyang sabi.
Naramdaman kong bumagsak ang luha ko.
Hinayaan ko na lang si Levi nang kabigin niya ako para yakapin.
"Nakakainis ka naman, eh! Pinaiyak mo ako," sabi ko saka ko siya hinampas sa likod.
Tinawanan lang niya ako.
Siguro nga, sa mga taong nasa paligid ko ngayon ay si Levi ang mas nakakaintindi ng nararamdaman ko. Siya itong karamay ko sa sakit na nararamdaman ko. Pareho kaming nakakulong sa gano'ng sitwasyon. Ipinagpalit. Parang basahang pagkatapos gamitin ay itinapon na lang basta.
Kung may pagkakaiba man, iyon ay totoo ang relasyon nila ni Chonna. At ang sa amin naman ni Sean… nevermind.
***
MAG-ISA na lang akong naglalakad ngayon pauwi ng bahay. Hinatid ko muna sila hanggang sa gate ng subdivision para makasama ko pa sila ng matagal.
Wala kaming girl's bonding kanina sa school dahil busy sina Chincky at Tyra sa reporting. Nairaos naman nila iyon kanina. Si Jessa naman ay tahimik lang, hindi na ako nagtanong kung ano ba sila ni Jhayrone. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi sa amin.
Sinubukan namin ni Levi na kantahin iyong napili niyang kanta. Nagulat pa ako ng may nilabas siyang kopya nang lyrics. Kumpleto na iyon at nakalagay na ang pangalan naming dalawa para alam namin kung saan ang naka-assigned sa amin.
And then sa tono, si Levi ang gumagabay sa akin sa kung paano ang tamang timbre ng boses.
Daig pa ni Levi ang isang professional music instructor. Well, ikaw ba naman both parents ay related sa music industry. Nakakatuwa!
Papasok na sana ako sa gate namin nang mapansin ko ang itim na kotseng nakaparada sa tapat ng bahay.
May bisita kami?
Parang pamilyar sa akin ang itim na kotseng ito. O baka naman bisita ni Daddy related sa work.
Tumuloy na ako. Saktong makarating ako sa loob ng bahay ay may naririnig na akong usapan.
Sa sala ba nila pinatuloy ang bisita? Okay lang iyon kay Daddy?
Natigilan ako ng marinig ko ang pagtawa ni Mama. Naglakad ako palapit sa kanila ngunit kaagad din akong natigilan ng mapag-sino ko ang bwiset--- este bisita.
"Oh, anak, tapos na kayo?" Tanong ni Mama nang mapansin nila ako.
Tumango ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Sean.
Nagtataka naman akong tiningnan ni Mama. Nagulat yata dahil sa sinabi ko. Doon ko lang din na-realize kung bakit.
Gusto kong batukan ang sarili ko kaya lang ay nakatingin sila sa akin.
Si Mama at si Daddy ay kausap ni Sean ngayon sa sala. As in wow!
"May tampuhan ba kayo?" Alanganing tanong ni Mama.
Nataranta ako sa loob ko. Kung bakit ba naman kasi pumunta pa rito ang isang `to. Kainis!
"Opo, Tita kaya ako pumunta ngayon dito."
Pinanlakihan ko ng mata si Sean. Aba't!
"Na'ku, normal lang iyang ganyan. O'siya, ikukuha ko lang kayo ng meryenda." Paalam ni Mama.
No choice ako kundi ang umupo ako sa tabi ni Sean. Kailangan ko siyang bantayan at baka kung anong kasinungalingan na naman ang maimbento niya--- namin. Tahimik lang naman si Daddy.
"Anong background mo, iho?" Mayamaya ay tanong ni Dad.
Tiningnan muna ako ni Sean.
O, ayan. Bahala ka riyan!
Akala ko ay mahihirapan siyang sumagot kay Daddy dahil gano'n naman ang kalimitan na nangyayari kapag kausap ng lalaki ang ama ng nobya nila. Pero si Sean… confident ang bawat pagsagot niya kay Daddy sa tuwing tatanungin siya nito.
Napunta sa business ang usapan nila at doon naman dumating si Mama na may dalang cake at juice.
Binalingan ko iyong pagkain. Bahala silang mag-usap diyan.
Naririnig ko pa rin sa isip ko iyong kantang pina-practice namin ni Levi. Natigilan ako.
Nilingon ko si Sean ng maalala ko ang usapan namin ni Levi kanina.
'Isipin mo na parang kakantahan mo lang si Sean.'
'Isipin mo na ito ang pagkakataon mong ipaalam ang kung anong nararamdaman mo sa kanya.'
Napalunok ako. Bigla akong napa-ubo dahil sa biglaang paglunok ko. Napahawak ako sa dibdib ko, jusko! Iyong cake bumara sa lalamunan ko!
"Claudia!" Sigaw ni Mama.
Nakarinig pa ako ng ibang tarantang boses. Naramdaman ko rin ang paghilod ng kamay sa likuran ko. Kinuha ko ang inabot na juice ni Sean saka ko iyon diretsong nilagok.
Nawala na iyong cake sa lalamunan ko pero pakiramdam ko ay kinakapusan pa rin ako ng hininga.
"Okay kana? Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Sean.
Natigilan ako dahil sa klase ng pagtingin niya. Para siyang batang takot na mawala. Takot na iwan ng magulang sa Mall. Takot. Nakikita ko ang takot sa mga mata ni Sean.
"Ano ka ba namang bata ka!" Sigaw sa akin ni Mama sabay hampas sa braso ko.
Ang sakit ha! Pero doon ko napansing ang lapit pala namin ni Sean. Nang tingnan ko si Daddy ay kalmado lang siya habang tinitingnan kami.
Ano ba naman iyan, bakit ba kasi wrong timing ang isip ko. Jusko, akala ko ikakamatay ko na iyon.
Ilang sandali pa nila akong binantayan at nang masiguro nilang okay lang talaga ako ay bumalik na ulit sila sa usapan.
Iyong ubas na lang ang kinain ko, ni-request ko kay Mama kanina bago siya magpaalam na magluluto muna siya ng hapunan.
Dito sa bahay si Sean naghapunan. Sumabay siya sa amin kaya naman kami ang naging sentro ng tuksuhan sa pangunguna ni kuya Jessie. Kaasar!
At ang loko, tatawa-tawa lang. Ang galing umarte. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis sa kanya.
Hindi rin nagtagal at nagpaalam na rin si Sean na uuwi na. Buti naman.
"Ihatid mo sa labas si Sean, Claudia." Utos ni Mama.
"Ha?"
"Pag-usapan niyo iyang tampuhan n'yo at huwag n'yo ng patagalin. O'siya, ingat ka iho." Baling ni Mama kay Sean.
Nauna na akong maglakad. Hindi ko na makayanan pa ang mga eksenang ito. Sobra na ang kasinungalingang ito.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong ko kay Sean ng maihatid ko siya sa labas ng gate.
"What?"
Napairap ako. Patay-malisya pa ang loko. Kagigil!
"Itigil mo na ito---"
"Bakit? Dahil nagkakamabutihan na kayo ni Levi?" Putol niya sa sasabihin ko.
Aba't! Napatiim-bagang ako.
At ako pa talaga ang sasabihan niya ng ganito? Ang kapal!
"Ano na naman ngayon?" Pang-iinis ko sa kanya.
Napansin kong umayos siya ng tayo. Sumeryoso rin ang itsura niya. Bumuka ang bibig niya na para bang may sasabihin siya. Naghintay ako, pero wala siyang sinabi.
Ipinasok niya ang isang kamay niya sa bulsa ng pants niya. "I'm leaving. Take care," sabay kumpas ng kabilang kamay niya.
Napabuntong-hininga ako.
In the end, wala pa rin siyang sinabi. Tikom lang ang bibig niya.
Sana huli na itong pagpunta niya rito sa bahay.
Huwag na siyang pumunta rito dahil pinapahirapan niya lang ako. Gusto ko ng aminin kila Mama ang status namin kaya sana… tama na.
Habang naglalakad palayo si Sean ay hindi ko maiwasang pagmasdan siya.
Mukha siyang matured kumpara sa edad namin ngayon. Kanina habang kausap niya si Daddy ay parang mag-business partner sila sa talakayan nila.
Pero ngayon habang tinatanaw ko siya palapit sa kotse niya, napansin ko kung paano naging bagsak ang balikat niya. Kung paanong ang bawat paghakbang niya ay may dinadalang mabigat na problema. Kung paanong ang bawat galaw niya ay may bumubulong na kalungkutan.
Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung okay lang ba siya?
Okay ka lang ba, Sean?
===
©J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat