Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 29
Claudia's POV
Saglit lang kaming kumain ng almusal dahil na rin sa kaunti na lang ang oras at mag-ba-biyahe pa kami. Kotse ni Sean ang gamit namin ngayon. May kasama siyang driver.
"Mag-iingat kayo," bilin pa ni Mama bago isara iyong pinto ng kotse sa gilid ko.
Tumango lang naman si Sean kay Mama.
Ilang sandali pa ay nasa biyahe na kami. Tahimik lang kaming dalawa rito sa likuran ng kotse habang iyong driver ni Sean ay nag-suot ng earphone.
Okay lang kaya iyon? Hindi ba bawal iyon? Baka hindi niya marinig kapag may bumusina sa likuran ng kotse.
Walang may balak na magsalita sa amin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pumunta pa siya sa bahay gayong wala naman na kaming relasyon--- kung relasyon ba talagang matatawag iyong namagitan sa amin.
Mas lalo lang niya akong pinapahirapan dahil sa mga kinikilos niya. Paano ko sasabihin kila Mama na wala na kaming relasyon pagkatapos ng nangyari ngayon? Sinamaan ko nga siya ng tingin.
Ilang sandali pa at tanaw ko na ang school.
"Manong dito na lang ho ako sa kanto. Pakihinto po ng kotse," sabi ko.
Ayokong may makakita sa amin dahil baka maging issue na naman ito.
"Bakit? Baka mahuli ka pa sa klase," nagtataka akong tiningnan ni Sean.
Hindi ko siya sinagot at mabilis na akong bumaba ng kotse pagkahinto nito. Kumaway na lang ako sa driver ni Sean at nagsimula ng maglakad.
Almost 15 minutes na akong late. Kakarating ko lang ngayon sa room at base sa ingay sa loob ay nagsisimula na ang discussion. Madali lang akong nakapasok sa entrance ng school kanina dahil nakiusap ako sa guard. Nakakapagtaka nga dahil hindi siya mahigpit ngayon.
Iniisip ko kung paano akong makakapasok gayong attentive ang mga kaklase ko sa discussion. Bahala na nga.
Binuksan ko ang pinto ng room at saktong makapasok ako ay siya namang pagtigil ni ma'am sa pagsasalita. Naglinyahan ang labi nito at base sa tingin niya ay sermon ang aabutin ko. Napayuko tuloy ako.
"Sorry, ma'am. We're late."
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilingon si Sean.
Late siya? E' diba nga nauna na siya sakay ng kotse? Bakit pa siya na-late?
Nang tingnan ko ang teacher namin ay lumambot na ang expression sa mukha nito.
"Okay, take your seat. Hindi ko na uulitin sa simula ang topic, kayo na ang bahala na humabol sa discussion," sabi nito.
Nauna ng naglakad si Sean kaya naman sumunod na ako sa kanya at baka palabasin pa ako ni ma'am. Mahirap na. Ramdam ko ang mga tinginan sa akin ng kaklase ko. Paniguradong sa akin na naman nila isisisi kung bakit na-late ang lodi nila. Tsk!
*** Breaktime
Pagka-bell pa lang ay mabilis ko ng niligpit ang gamit ko. Ang sakit ng kamay ko, grabe itong teacher namin sa Filipino, tatlong manila paper ang pinasulat sa amin. Ngayon ko lang narasan ito.
Nang sulyapan ko si Sean ay nagliligpit din siya ng gamit niya kay bago pa siya matapos sa ginagawa niya ay tumayo na ako.
Dito ako sa garden ng school dinala nitong mga paa ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin saka ko rin ito muling binuga. Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ko.
Mamaya pala pagkatapos ng klase kami magpa-practice para sa performance na gagawin namin ni Levi. Sa totoo lang, wala pa kaming napag-uusapan. Bahala na lang mamaya.
"Mag-isa ka, nasaan sila?"
Napalingon ako sa likod ko. Si Levi iyon at… may dala siyang gitara!
"Dala mo? Hindi ko napansin iyan kanina," nakangiting kong sabi.
"Hindi. Sa school ito, hiniram ko lang muna," mas lumapit siya sa akin. "Tara, doon tayo sa puno para makasilong tayo," aya niya.
Nabibilad kasi kami sa pwesto namin. Okay lang naman dahil hindi gano'n kainit. Pero itong kasama ko, gusto sumilong kaya pagbibigyan ko na lang.
Nauna siyang umupo kaya naman sa harap niya ako pumwesto. Okay rin ito para makapili rin kami ng kanta para at least may progress.
"Claudia, pakinggan mo naman itong kanta."
Napakurap ako.
"S-sige," sagot ko kahit na hindi ko alam kung ano bang dahilan niya. Baka ito ang suggestion niyang kanta kaya walang problema.
Nagsimula na siya sa pag-strum.
"When I look into your eyes..."
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nagtayuan ang balahibo ko. Kinilabutan ako sa pagkanta ni Levi. Lalo na sa lyrics na binanggit niya.
"And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?"
Seryoso ang mukha niya ng tiningnan ko siya. Nasa gitara ang atensyon niya kaya naman malaya kong napagmasdan ang mukha niya.
Pinanlakihan ako ng mga mata nang bigla siyang mag-angat ng tingin! Diretso siyang nakatingin sa akin.
Jusko!
Binalik niya ang tingin sa gitara.
Lihim akong nagpakawala ng hininga. Hindi ko napansin na napigil ko pala ang paghinga ko dahil sa tingin niya kanina. Sobrang seryoso. Sobrang nakakakaba.
Baliw na ba ako?
Ramdam ko ang bawat pagbigkas niya nang kanta. Parang ang bigat, parang may nais siyang ipahiwatig…
Bawat salita ay may kasamang emosyon. Tagus-tagusan. Pero bakit hindi ko maintindihan iyon? Bakit hindi ko makuha ang nais niyang iparating?
O baka wala naman?
Sadyang magaling lang siya kumanta.
Muli akong tiningnan ni Levi. Seryoso.
Madiin ang bawat pagbitaw niya ng salita. Punong-puno ng damdamin.
Mabigat. May sinasabing mas malalim. Bumubulong na para bang may nais--- hindi kaya para kay Chonna ang kantang ito?
Tipid akong ngumiti kay Levi nang ngumiti siya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Ni hindi ko masabi kung masaya ba siya o malungkot.
At bakit ko ba pino-problema ang kantang ito?
Simpleng kanta lang ito na kinanta ni Levi. Oo, tama! Ganito dapat ang iniisip ko.
Pinakinggan ko lang si Levi hanggang sa matapos niya ang kanta. Sinabi lang niya na mamaya na kami pipili ng kanta para sa gaganaping event ng school.
Muling tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang breaktime. Naunang tumayo si Levi kaya naman inalalayan niya rin akong makatayo.
Nilibot ko ang tingin ang garden. Kanya-kanya ng lakad ang ibang estudyante pabalik sa room nila. Napakunot ako ng noo ng makilala ko ang dalawang pigura na ngayon ay parang aso't pusa kung magbangayan.
"Bakit nakangiti ka riyan?" Takhang tanong ni Levi sa akin.
Umiling lang ako saka ko muling binalik ang tingin kina Jhayrone at Jessa na ngayon ay seryoso ng nag-uusap. Inaya ko na si Levi bago pa niya mahalata ang dalawa.
***Jessa POV
Nagpaalam sa akin sina Tyra at Chincky na pupunta silang library para manghiram doon ng libro. Magka-grupo kasi sila sa report next week kaya naman mag-isa lang ako ngayon.
Wala akong ganang kumain dahil nag-heavy breakfast ako kanina. Gusto ko lang muna ng katahimikan. Hindi ko na naaya si Claudia dahil ang bilis niyang nawala kanina. Parang kanina lang ay nakaupo siya `tapos nalingat lang ako, wala na siya. Kakaloka.
Dito ako sa garden pumunta dahil dito kami madalas tumambay. Panigurado rin na narito si Claudia, gusto niya kasi ang lugar na ito.
Tama nga ako, nandito siya. Kaso natigilan ako ng makita kong hindi siya nag-iisa. Kaharap niya si Levi. Magkasama silang nakasilong ngayon sa isang puno. Napailing ako. Hindi ko ito gusto.
Lumakad ako palapit sa kanila pero laking gulat ko nang may biglang humila sa kamay ko!
"Relax, ako lang ito." Nakangiting mukha ni Jhayrone ang nakita ko pagdilat ko.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Sshh! Huwag kang maingay at baka marinig ka nila," sabay turo niya na siya namang sinundan ko ng tingin.
Sina Levi at Claudia.
"Bakit mo ako pinigilan?" Malumanay ko ng tanong sa kanya.
"Look. Maganda naman ang samahan nila, bakit mo pa guguluhin?"
Napakunot-noo ako. Nilingon ko sina Claudia. Tumutugtog na ngayon si Levi habang kumakanta.
Ngayon lang ito naranasan ni Claudia, baka akalain niyang hinaharana siya ni Levi. Baka ma-fall na naman siya tapos walang sasalo sa kanya--- mabilis kong hinarap ang direksyon nila pero gano'n din akong kabilis na napigilan ni Jhayrone.
"Bakit ba!?"
"Ayan ka na naman. Bakit lalapit ka pa sa kanila?"
Kinunutan ko siya. "Ano bang pakialam mo?" Napansin kong natigilan siya pero kaagad din namang nakabawi.
"Kung gusto mo, gagawin ko rin iyon sa iyo. Huwag mo ng guluhin ang moment nila. Gawa na lang tayo ng sarili nating---"
"Walang tayo at walang natin, Jhayrone. Sana malinaw naman sa iyo kung ano lang tayong dalawa. May magkaibigan bang gumagawa ng ganyan?" Sabay turo ko sa direksyon nina Claudia.
"Mayro'n, pwede naman kantahan ng tao ang bawat isa, Jessa. Nasa indibidwal na lamang iyon kung paano niya i-te-take iyon. In romantically or as a friend."
Naglinyahan ang labi ko.
Saktong tumunog ang bell hudyat na tapos na ang breaktime.
"Wala ka pang kinakain, ito chocolate para naman tablan ka ng ka-sweet-an nitong mundo."
Napatingin ako sa kamay niya. Kinuha ko iyon sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.
Bakit ba ako kinakabahan?
Napailing na lang ako at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.
===
©J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat