Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 26
Claudia's POV
Halos mabasa na ang damit na hawak ko kakaiyak ko. Hindi ko lubos maisip na bigla na lang matatapos ang pagpapanggap namin ni Sean. Aminin ko man o hindi, umasa ako na baka pwedeng maging kami. Iyong totoo, iyong walang halong biro at pagpapanggap.
Mahirap ba akong mahalin? Hindi pa ba ako sapat? Sabagay, sa ikli ng pinagsamahn namin kumpara sa relasyon na mayro'n sila ni Chonna ay talo na ako. Ano pa nga bang aasahan ko?
Napahawak ako sa dibdib ko ng pigilan ko ang paghikbi ko. Kailangan ko ng huminto sa pag-iyak dahil paniguradong darating na silang tatlo rito. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, mugto na ang mata ko at namumula na rin ang ilong ko. Dinaig ko pa ang clown sa itsura ko ngayon.
Mula kanina nang makarating ako sa bahay ay rito na ako dumiretso sa kwarto ko. Tumigil lang ako saglit sa pag-iyak nang ibaling ko ang atensyon ko sa gitarang binili ni Levi para sa akin. Pero nang magsimula akong tumugtog ay siya namang pagdaloy nitong lintek na luha ko!
Ang ending, binaba ko na lang ang gitara at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Bahala na. Mapailang beses akong huminga ng malalim. Kailangan ko pang magluto.
C'mon, Claudia! Walang mangyayari kung iiyak ka lang. Hindi maibabalik nang luha mo si Sean.
Mapait akong napangiti. Si Sean, na kung gaano siyang kabilis na dumating sa buhay ko ay gano'n din siyang kabilis na umalis.
Ilang sandali pa bago ako lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at mabilis na kumilos doon. Ni hindi ko sigurado kung tama ba ang lasa nang ulam na niluto ko. Sa halos ilang beses na pagtikim ko ng sabaw ay puro kapaitan lang ang nalalasahan ko. Sana umuwi na sila Mama. Ayokong mag-isa lalo na sa gabi.
Mabilis kong pinuntahan ang gate nang marinig ko ang pag-door bell doon. Natanawan ko kaagad sina Jessa, Tyra at Chincky.
"Bakit hindi ka pumasok?" -Chincky
"Pinakilala na kanina kung sinu-sino ang bago nating kaklase, kasama ka kaso wala ka naman kanina." Ani Tyra.
"Okay ka lang, Claudia? Bakit ganyan ang itsura mo?" Natigilan ako sa tanong ni Jessa. Doon lang din ako tinitigan nang dalawa.
"Hala! May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Tyra saka ako mabilis na hinipo sa noo.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Si Chincky naman ang nagtanong.
"Anong nangyari?" Napatingin ako kay Jessa.
Sa kanilang tatlo, si Jessa iyong may mas malalim na pagtingin sa mga bagay-bagay kaya nga siya rin ang pinaka-nakatatanda sa amin dahil sa personality niyang iyon. Nakahalata naman ang dalawa kaya naman tumahimik ang paligid.
"Wala na kami ni Sean."
Nakita ko ang pagtinginan nina Tyra at Chincky. Si Jessa naman ay umiling lang.
"Loko talaga iyang pinsan mo, Chincky, masasapak ko na 'yon, eh!" Inis na sabi ni Jessa.
"Ang bilis naman yata? Para ka lang ginawang panakip butas." Kumento ni Tyra.
Naramdaman ko ang pagngilid ng luha ko dahil sa sinabi ni Tyra. Yes, panakib butas na may halong pagpapanggap. Okay na sana kung panakip butas, eh at least may karapatan akong magalit. Hindi iyong ganito na kahit ang sakit ay kailangan indahin ko ng tahimik.
"Ano ka ba, Tyra!" Sigaw ni Chincky saka ako nilapitan.
Doon ko lang naramdaman ang luha sa pisngi ko kaya naman mabilis ko iyong pinunasan.
"Sorry, nakakainis kasi iyong pinsan mo." Sagot naman ni Tyra.
Si Jessa na ang naghanda ng makakainan namin. Sa bawat minuto na lumipas ay ramdam ko ang pagtingin nilang tatlo sa akin. Binabantayan nila ako. How I wish na sana hindi na lang ako pumayag dati sa gusto ni Sean, baka masaya kami ngayon habang kumakain.
***
Kinabuksan.
Sa aming tatlo ay ako ang unang nagising. Sa sobrang pag-iyak ko kaya naman ginupo na ako ng antok kagabi. Nakinig lang naman silang tatlo sa mga hinaing at hikbi ko. Tahimik lang si Jessa habang sina Chincky at Tyra ay gumagawa ng paraan para mapangiti ako. Nag-bake pa ng cookies si Tyra kahapon para may meryenda kami. Si Chincky naman ay lagi akong kinakausap. Si Jessa, pansin ko ang tagus-tagusan niyang pagtingin sa akin.
Hindi ko pa sinasabi sa kanila na pagpapanggap lang ang relasyon namin ni Sean, ayokong mas magalit pa sila sa huli. Okay na itong ganito, galit sila dahil sa nasaktan ako.
Mayamaya lang din ay narinig ko na ang mga yabag nila palapit dito sa kusina.
"Wow! Naunahan mo ako, Claudia ah. Ako sana ang magluluto ng almusal natin." Nakangiting bungad sa akin ni Tyra.
"Hmmm, anong niluto mo?" Masayang sabi naman ni Chincky.
"Magsikain na lang kayo para mabilis tayong makarating sa school. Baka ma-late tayo, masungit pa naman ang teacher natin ngayon sa first subject sabi ni Jessa. Nagsitanguan naman sila at pumwesto na sa hapag.
.
.
.
PAGKARATING namin sa school ay halata na kaagad ang mga bulungan ng estudyante. Sa bawat paghakbang ko ay siya ring paglingon ng mga tingin ng mga estudyante sa akin.
Anong meron? Bakit ata parang iba ang araw na ito. Kumalat na ba sa school ang balitang hiwalay na kami ni Sean? Ang bilis!
"Kawawa naman siya."
"Na'ku bagay lang iyan sa kanya. Kailan ba hahalik ang langit sa lupa?"
Napakunot-noo ako. Anong ibig sabihin nila? Napalingon ako kay Tyra nang mabilis siyang pumulupot sa braso ko.
"Ready ka na ba, Claudia? This is your first day." Nakangiting sabi ni Chincky, hindi pinapansin ang kung ano mang kakaibang nangyayari sa paligid. Tumango na lang ako.
Bumilis ang paglalakad ni Jessa kaya gano'n din ang ginawa naming tatlo. Malapit na kami sa room dahil tanaw ko na iyon. Halos lahat ng kaklase namin ay nakatayo na para bang may artista sa loob ng room kaya sila nagkakagulo.
Umagang-umaga ha, akala ko pa naman madalas na nakaupo lang ang mga higher section at hindi nagiging magulo dahil iyon ang section na role model para sa mga lower section.
"Congrats!"
"Invited kami, ha."
"Congrats, Chonna!"
Paulit-ulit na salitang naririnig ko habang palapit kami sa room. Saktong pagpasok ni Jessa ay siya namang pagtahimik sa loob ng room. Sumilip ako, at nakita ko ang pares ng mga mata na nakatingin sa grupo namin. Partikular sa akin. Nakapalibot ang mga kaklase namin kina Sean at Chonna. Masaya sila kanina pero nang dumating kami ay naghalo-halo ang emosyon nila.
"Nandito na pala kayo. Buti nakaabot kayo, muntik na naman kayong ma-late." ani Chonna.
"Anong meron? Sean?" Si Chincky ang nagtanong.
"Engaged na kami ni Sean, Chincky. Magiging magkapamilya na tayo soon."
Parang may kung ano akong narinig na nabasag sa loob-loob ko. Ano? Totoo ba itong narinig ko?
Napansin kong natigilan si Chincky. Maging si Tyra na katabi ko ay napahigpit ang kapit sa akin.
"Claudia, salamat dahil tinulungan mong ma-realize ni Sean na ako lang ang mahal niya. Noon at ngayon." Madiin ang bawat pagbigkas ni Chonna.
Pinilit kong mapangiti. Hindi ako iiyak. "Welcome and congrats."
"Si ma'am, nandiyan na!" Sigaw ng kaklase namin.
Hindi ko alam kung blessing in disguise ba na siya namang pagdating ng teacher namin. Pero salamat na rin para matapos na ang eksenang 'to dahil kaunti na lang ay bibigay na ang mga tuhod ko.
Nang makapasok siya ay nagtaka siya kung bakit lahat kami ay nakatayo, partikular kaming mga nasa gitna ngayon.
"Anong meron? Bakit kayo nagkakagulo?" Tanong pa nito.
"Wala po ma'am, may in-announce lang po ang couple of the year." Sabay tawanan ng mga kaklase namin.
Umismid naman ang teacher namin at mabilis na kaming inutusan na umupo.
"Okay class, ngayong araw ay kumpleto kayo. Gagawin na natin ang seating arrangement. Lahat muna kayo ay tumayo sa likuran. Kapag tinawag ko ang apelyido niyo ay saka lang kayo lalapit. Alphabetically ang seating arrangement natin at iyon ay sa buong year na. Bawal lumipat. Once na dumating kayo at wala kayo sa proper seat n'yo ay automatic na absent kayo sa attendance. Maliwanag ba?" Mahabang paliwanag niya.
Narinig ko ang mga diskusyon ng mga kaklase ko. Halatang ayaw nila sa ideya ni ma'am. Wala naman akong pakialam kung saan ako uupo. Simula kaninang umaga ay para bang tinangay na ng hangin ang isip ko.
Hindi ko alam kung kaya ko pang tagalan ang lugar na ito. Ngayon ako nagsisisi kung bakit ba ako nakapasa. Para ba makita araw-araw sina Sean at Chonna? Mapait akong napangiti.
"Hey, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa gilid ko.
"Levi... "
Tumango siya. Kaklase ko nga pala siya. Bumalik sa isipan ko ang ginawa niya kahapon.
"Anong apelyido mo?" Tanong niya bago pa ako makapagsalita.
"Ciar, bakit? May kasalanan ka sa akin!" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Nagulat naman siya. "Teka, ano naman ang kasalanan ko sa iyo?" Maang niyang tanong.
"Kakahiwalay lang ay may pamalit kaagad. Grabeng kapal!"
"Gano'n talaga kapag malandi, may reserba." Bulungan ng mga kaklase ko. Napatingin naman ako kay Levi nang bumuntong-hininga siya.
"Don't mind them. Paniguradong alam mo na ang balita." Tumango ako. For sure, iyon ay ang update sa relasyon ni Sean at Chonna.
Kahit hindi sabihin ni Levi ay nakikita ko pa rin ang pagmamahal sa mga mata niya tuwing tatawagin o babanggitin niya ang pangalan ng ex niya. Yes, ex na niya ngayon dahil nagkabalikan na sina Chonna at Sean. Masaya na silang dalawa, habang kami ng kaharap ko ngayon ay nagluluksa.
Narinig ko ng tinawag ang apelyido nina Jessa, Tyra at Chincky. Pare-pareho kasi silang nagsisimula sa letter 'A' ang apelyido.
"Ciar..." Tinapik ako ni Levi.
"Yes, mam?"
"Doon ka maupo." Turo niya sa pangatlong hilera.
"Chua... doon ka naman sa katabi ni Ciar." Napatigil ako sa paglalakad.
Pareho nga pala kaming letter 'C' ang apelyido. Naunahan na niya ako at ngayon ay umupo na sa sinabi ni ma'am. Sumunod na naman ako kaagad. Napansin kong umusog siya para makadaan ako ng maayos.
Saktong pag-upo ko ay siya namang pagsikip ng dibdib ko. Heto na naman ang puso ko, sobrang bilis ng tibok basta para kay Sean.
Nyeta!
===
©J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat