Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 24
Claudia's POV
Sa mall ako dumiretso ko pagkaalis ko ng school. Hindi na ako napigilan ng guard kanina dahil mabilis akong tumakbo palabas ng gate at lunes ngayon. Alam nilang madalas na hindi maganap ang first subject kaya ang ibang estudyante ay ang ibang subject nila ang ginagawa. Akala yata ni manong guard ay may gagawin ako sa labas at babalik rin.
Dumiretso ako sa atm machine para mag-widthraw ng pera. Kada-buwan ay alam kong naglalagay roon si Daddy ng pera para sa extra kong gastusin. Ngayon ko pa lang iyon gagalawin dahil gusto kong aliwin ang sarili ko para makalimot... Kahit sandali. Gusto kong bumili ng bagong damit, sapatos o guitara. I love music at isa ang guitara sa paborito kong instrumento. Si kuya Jessie ang nagturo sa akin no'n at iyon ang dahilan ng pagiging malapit namin. Napangiti tuloy ako.
Naglakad na ako palayo pagkatapos ko kumuha ng pera. Lumibot ako sa mall para makahanap ng store na may nagtitinda ng guitara at sa third floor ko iyon nakita. Namamangha ako sa iba't-ibang style ng guitara. Acoustic lang ang kaya kong patugtugin, hindi ko pa nasubukan ang bass.
Naglakad-lakad ako sa loob ng store para tingnan ang lahat ng model pero wala akong magustuhan. Parang pare-parehas lang sila ng kulay, wala man lang iyon magpapaningning ng mata ko. Pupunta na lang ako sa counter at baka may stock sila ng new design.
Palapit na ako sa counter ng matanawan ko ang kulay blue na gitara, ang mas nakapukaw pa ng atensyon ko ay ang nakasabit dito na notice: "free personalize design"
Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa counter. "Excuse, sir. Interesado po ako ro'n sa gitara na kulay blue." Nakangiting sabi ko.
Lumingon naman iyong lalaki sa tinutukoy ko. "Na'ku, ma'am, pasensya na po pero naka-reserved na po iyan." Nalusaw ang ngiti ko sa labi. "Nandito na pala siya." Napalingon naman ako sa likuran ko ng makita kong lumagpas ang tingin nito sa akin.
"Levi..." Napansin kong tumingin ito sa akin saka ngumiti.
"Hi," bati niya.
"Ma'am siya po ang nagpa-reserved ng gitara. Pasensya na po." Tumango na lang ako.
"Gusto mo no'n?" Napaangat ang tingin ko kay Levi.
"O-oo sana kaso naunahan ako. 'Di bale may next time pa naman." Ngumiti na lang ako at maglalakad na sana pero pinigilan niya ako.
"Sige, sa iyo na. Ikaw na rin ang magsabi ng kung anong design." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"S-seryoso ka!?" Natawa siya. Medyo napataas pala ang boses ko dahil napalingon sa amin ang ibang customer.
"Yes. Take it as a gift, welcome to section A." Napangiwi ako. Right, kaklase ko pala siya pero---
"Nag-cutting ka?" Nasa mababang tonong tanong ko. Tumango naman siya saka umakto na wag akong maingay. As if naman isusumbong ko siya gayong isa rin ako sa nag-cutting.
"Ano ho ang design?" Tanong ng staff.
"Ask her, siya ang magsasabi ng kung anong design." Tumango naman ito at bumaling sa akin.
Ilang sandali lang ang lumipas at natapos na rin ako sa pagpili. Simpleng butterfly at glitters lang ang pinalagay ko tapos pangalan ko. Hehehe!
"Tapos na?" Nagulat naman ako ng may magsalita sa gilid ko.
"Akala ko umalis kana?" Si Levi kasi iyon, nandito pa rin pala siya.
"Tara, kumain muna tayo. Ikaw ang magbayad." Napatanga ako sa sinabi niya. Jusko! Mukhang iyon ang kapalit ng pagpapaubaya niya sa akin ng gitara.
"O-okay," sagot ko na lang.
Maglalakad na sana kami nang tawagin ako ng babaeng staff. "Ito po ang resibo, ipakita mo lang po ito kapag kukunin mo na iyong gitara. Thank you, po." Lumakad na rin naman ito paalis.
Tatawagin ko sana iyong babae ng makita kong paid na ang nakalagay sa bill. Mabilis tuloy akong napalingon kay Levi.
"Huy! Binayaran mo? Ang mahal pala no'n. Teka, ito ang---"
"Sabi ko naman sa iyo na regalo ko sa iyo 'yon. Libre mo na lang ako ng pagkain. Medyo gutom na rin ako dahil wala pa akong agahan."
Kahit na nagugulantang ako ay tumango na lang ako. Tinago ko muna iyong resibo saka na kami umalis ni Levi.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya.
Siya ang pinapauna ko para susunod lang ako sa kung saang kainan niya gusto. Malaki rin ang binayad niya sa gitara kaya willing akong tapatan iyon ng halaga nang pagkaing kakainin namin para naman makabawi ako.
Sumunod ako sa kanya ng pumasok siya sa isang restaurant. Hindi naman mukhang mamahalin ang sine-serve nilang pagkain pero mas elegante ang ambience nito. Lumapit sa amin ang waiter at inabot ang menu. Nagulat ako ng makita kong puro filipino dish ang pagpipilian. Nang tingnan ko si Levi ay tahimik lang itong tumitingin sa menu. Nag-order na siya dahil nakita kong nagsulat na ang waiter. Nang mabaling ang tingin nito sa akin ay yumuko na lang ako.
"Same na lang kami ng order. Thank you," sabi ko sa waiter. Ayoko na rin kasing maghintay pa si Levi dahil sinabi niyang nagugutom na siya kanina.
"Huy, Levi." Bulong ko rito. Magkatapat kami at may apat na bangko kada-table.
Tumingin naman ito sa akin. "Bakit?"
"May ganito pala rito? Puro filipino dish ang nasa menu nila. Parang kakain tayo sa karinderya na restaurant ang theme." Napansin ko ang pagngiti niya.
"Mas gusto ko kasi ang sariling atin." Tipid lang niyang sagot.
Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang order namin. Adobo, sisig, fried chicken, rice, halo-halo and ice tea. Iyon ang nasa lamesa namin ngayon. Napalunok ako. Hindi naman ako gutom dahil nag-agahan kami nina Jessa.
"Let's eat." Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain.
"Claudia bakit naisipan mong pumasok sa section A?" Tanong ni Levi.
"For scholarship at para naman maging proud ang family ko bago ako makatapos ng high school."
Sumubo siya ng sisig at kanin saka iyon nginuya. "Kakaiba ang mga nasa section A, puro kompitensya at ang hirap mamili ng kaibigan." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Hindi naman gano'n ang mga kaibigan ko. Siguro ay nasa tao na 'yon kung ang tingin mo sa kaklase mo ay kakompitensya at hindi bilang kaibigan.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
Uminom siya ng ice tea at nilapag ang baso pagkatapos. "Mas gusto kong nasa lower section ako dahil malaya lang kayong nakakakilos. Hindi big deal sa inyo kung anong grades na makukuha n'yo." Tama siya. Gano'n nga ako dati pero hindi na ngayon.
Mas priority ko na ang grades ko dahil baka mapatalsik ako sa section A at isa pa, gusto kong ipamukha sa magiging kaklase ko na kaya ako nakapasok ng section A ay dahil may utak ako. Hindi iyong dahil sa nilandi ko si Sean. Mga utak talangka sila!
"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Naalala ko si Sean at ang sinabi niyang iwasan ko si Levi. Napatingin ako ngayon sa harapan ko, mukhang seryoso siya. Wala naman sigurong masama kung kaibiganin ko siya para makilala ko rin siya. At isa pa, hindi ko naman siya maiiwasan ng tuluyan dahil magiging kaklase ko siya. Naman, Sean! Hindi nag-iisip. Tsk!
"Sige, basta pakopya."
Napansin kong natigilan siya saka biglang tumawa. Doon ko lang napagtanto kung ano bang nasabi ko.
"Huy! Joke lang naman, grabe ka," sabi ko sa kanya pero tuloy lang siya sa pagtawa. Ako na lang ang nahihiya dahil sa ibang customer na napapalingon sa amin. Nasa isip siguro nila na nag-de-date--- huy! Ano ba 'tong iniisip ko!
"Ang sweet n'yo naman."
Pareho kaming natigilan ni Levi at napatingin sa gilid namin. Nakita namin sina Sean at Chonna. Napansin ko rin ang kamay niyang nakahawak sa braso ni Sean. Really? Anong eksena ito? Daig pa ang mag-jowa. Ako lang din ang natigilan dahil sa naisip ko.
"Hindi n'yo nabanggit na close pala kayong dalawa." Halata sa boses ni Sean ang pagiging pilosopo nito. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
"Nilibre lang ako ni Claudia, join us." Ani Levi.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero parang wala lang iyon sa kanya. Napansin ko naman ang pag-angat ng sulok nang labi ni Sean. Halatang hindi niya nagustuhan ang narinig niya.
"Libre mo, Claudia? Nice. Babae na pala ngayon ang nag-aalok---"
"Mali ang iniisip mo---"
"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Sagutan namin ni Chonna. Ramdam ko rin bigla ang tensyon sa pagitan naming apat.
"Tara na, sa iba na lang tayo." Aya ni Sean kay Chonna.
Lihim akong napalunok. Great! Umalis kayo dahil ang sakit n'yo sa mata. Ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko dahil sa eksenang ito.
"Hindi na, samahan na lang natin sila. Mukhang handang mang-libre ni Claudia, treat niya dahil nakapasok siya sa section natin." Ani Chonna na hindi na nag-paalam pang umupo sa tabi ni Levi kaya no choice si Sean kung 'di ang umupo rin sa tabi ko.
Marami pa naman ang pagkain at kasya pa iyon sa aming apat. Ramdam ko ang pagdikit namin ni Sean at para bang may kung anong kuryente akong naramdaman dahilan para bigla akong lumayo sa kanya. Wrong move! Muntik na akong mahulog sa upuan kung hindi lang naging maagap si Sean sa paghawak sa kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong ang lapit ng mga mukha namin. Ramdam ko rin ang kamay niya na nakasalo sa likod ko at ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Malaya kong napagmasdan ang mukha niya.
Bakit parang mas gumwapo siya ngayon? Nilibot ko ang tingin ko sa mukha niya at natigilan ako ng mapatingin ako sa labi niya. Those lips, mabilis na pumaskil sa isipan ko ang namagitan sa amin. Doon tila ako nagising sa isang panaginip. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at doon lang din ako inalalayan ni Sean para makaupo na ng maayos. Parang kanina ay may sarili kaming mundo, nawala ang ingay ng paligid at para bang nasa misteryoso kaming lugar.
Napahawak ako sa aking dibdib ng sumikip iyon dahil sa sobrang bilis ng tibok nitong puso ko. Parang aatakihin ako sa puso, may sakit ba ako?
"Are you okay?" Rinig kong bulong ni Sean. Tumango naman ako at binalik sa pagkain ang atensyon ko.
Mukhang hindi iyon big deal sa dalawa dahil tiningnan lang nila kami saglit at kumain na. Paminsan-minsan ay nakikita ko silang nagbubulungan. Ito namang katabi ko ay parang naging tuod na lang, hindi na nagsalita. Hindi ko rin siya kakausapin dahil may kasalanan pa siya sa akin. Iyong nangyari kaninang umaga at ang hindi niya pag-uwi ng dalawang araw sa bahay.
Akala ko ay iyon lang ang kasalanan sa akin ni Sean pero may mas matindi pa pala roon.
====
J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat